top of page
Search

ni Ambet Nabus @Let's See | August 4, 2025



Photo: Jameson Blake at Barbie Forteza - GMA Gala


Running ang sinasabing dahilan ni Barbie Forteza kung bakit mas naging close sila ni Jameson Blake.


Simula kasi nang nagsasali si Jameson sa mga fun run kung saan nandoon si Barbie, hindi na nga naputol ang pagkakaibigan ng dalawa.


Ayon sa mga lumabas na tsika, naengganyo nga ni Barbie ang guwapong aktor na makasama sa mga fun run for a cause nila at hayun nga, tila nagtuluy-tuloy na sa maganda at special na friendship.


Marami ang nagsasabing nag-level-up na ito lalo’t noong premiere night ng horror movie ni Barbie ay tila masaya pa nitong tinakbo si Jameson sa parking kung saan nag-viral nga ang tila yakapang batian nila.


Then last Saturday sa GMA GALA Night ay makikita rin silang magkahawak uli ng kamay habang papalabas sa venue papuntang after party.

May mga kinikilig ba?



KAYA pala parang hindi na lang nag-react ang mga BarDa (Barbie Forteza at David Licauco) fans sa napabalitang TV project na pagsasamahan nina David Licauco at Jillian Ward.


“Mukha naman kasing hindi talaga sila click o maagang nawalan ng brilyo ang tandem nila,” pag-aanalisa ng netizen sa tila nawalan ng kulay na tandem nina Barbie at David.


Ang akala nga ng marami ay mauuwi na sa magandang relasyon ang BarDa after na maghiwalay sina Jak Roberto at Barbie at single naman si David, pero tila nag-iba ang ihip ng hangin.


Kahit nga raw ‘yung product endorsement na ginawa ng BarDa ay hindi rin nag-click kaya’t nagdesisyon marahil ang mga handlers nila na huwag nang i-push ang kanilang tandem for lack of huge support kagaya noong nagkasama sila sa TV series na makaluma ang tema.



GAYA ng ating mahal na Star for All Seasons at isa sa mga best friends ni tugang Roderick Paulate sa showbiz na si dear Gov. Vilma Santos-Recto, super excited din tayo sa nalalapit na showing ng MUDRASTA.


Isa nga si Ate Vi sa mga naaliw sa trailer at nang-eengganyo ngayon na panoorin ang upcoming movie ng kaibigan.

Grabe nga ang early buzz ng movie kung saan muling magbibida ang magaling na aktor. 


Nakilala natin si Kuyang Dick sa mga pamosong ‘bading roles’ na siya lang ang may karapatang gumawa at may tatak na disente at matinong humor.

Sey pa ni Ate Vi, “Good luck, Dick!!! Told you. Magaling ka talaga sa lahat ng bagay!

Napakagaling na AKTOR… HANGGANG NGAYON!! Proud of you, my friend! Mga kababayan… nood tayo ng MUDRASTA!!!"


Showing na sa mga sinehan ang MUDRASTA ngayong Agosto 20.

Sa direksiyon ni Julius Ruslin Alfonso, ang award-winning director ng Deadma Walking (DW), makakasama ng legendary comedian na si tugang Roderick sina Elmo Magalona, Awra Briguela, Arkin Magalona, at mga batikang aktor na sina Tonton Gutierrez, Carmi Martin, Ruby Ruiz, Odette Khan, at Ms. Celia Rodriguez.

‘Kaaliw!



MARAMI naman sa mga fans ng SB19 members na sina Pablo at Stell ang nagtatanong kung bakit sa bagong season ng The Voice Kids Philippines ay hindi na sila kasama sa mga uupong coaches?


Habang isinusulat namin ito ay walang klarong paliwanag na ibinigay sa amin ang aming source mula sa naturang show.


Sa pagbubukas nga uli ng nasabing reality show para sa mga bagets singer ay uupong mga coaches si Zak Tabudlo at ang Ben&Ben, kasama pa rin sina Julie Anne San Jose at Billy Crawford, with Dingdong Dantes as host.


Although ipinagpapalagay ng SB19 supporters ang pagiging sobrang busy ng grupo kaya't hindi na puwedeng umupong coaches sina Stell at Pablo, may isyu pa rin kasing sobrang nasasapawan ng dalawa, lalo na ni Stell, ang ibang coaches, to the point na wala nang gustong pumili sa mga ito bilang mentor. Hahaha!

‘Yun ang ‘kaloka!


 
 

ni Mercy Lejarde @Showbiz Talkies | August 1, 2025



Photo: Luis Manzano - IG



Sa Instagram post ng aktor at TV host na si Luis Manzano ay nagbahagi siya ng larawan ng “application to date my daughter” na tipong job application form.

May caption itong: "Kidding not kidding..." 


Simple lang din ang format na dapat sagutan ng mga aplikante at dapat sagutan nang maayos at hindi magkakamali, or else, ‘di kayo papasa sa pag-a-apply na maka-date ang apo ng Star for All Seasons na si Vilma Santos.


Ilan sa mga unang tanong:

“Name:  Last:  First:  Middle Initial:

Age:  Address: City: County:”


At siyempre, dapat malaman din ng mga magulang ni "Peanut" kung ano ang religion at kung saan nagsisimba ang mag-a-apply. Kaya kasama rin sa application form na sasagutan ang:


“Religion: Church: Number of attendance in last year:”


At ang pinakaimportante na hindi rin kinalimutan ni Luis, ay ang impormasyon tungkol sa pamilya ng mag-a-apply tulad ng:

“Family Information. Father's Name:

# Marriages: # Years  Address: 

Mother's Name: # Marriages:

# Years:  Address:”


Siyempre, hindi rin mawawala ang mga nakakatuwang tanong ni Luis na…

“1. Do you own or drive a van? yes/no (If yes, please discontinue filling out this form.)

2. In 50 words or less, describe what "NO" means to you.

3. In 50 words or less, describe what "LATE" means to you.

4. Where would you least like to be shot?

5. Which is the last bone you want broken?

6. What do you want to be "IF" you grow up?

7. Please complete this sentence: "A Woman's place is....",

8. What is my daughter's name?

9. Who, besides God, should you fear the most?”


At tulad ng pag-a-apply sa trabaho, dapat may lista rin ng tatlong reference. Kaya naman kasama pa rin ito sa application form tulad ng…


“Please list three reference, Name of Parent, Name of Daughter, Reason relationship ended.”

At hindi pa ru'n natapos ang joke ng host ng Rainbow Rumble na si Luis sa kanyang ginawang application form, dahil may pahabol pa si Luis na special notice sa form niya.

“Special Notice: If accepted, there will be a $50.00 deposit when you pick up my Daughter. If you are one minute late the deposit will be forfeited.


“If you are more than 30 minutes late, please refer to question number 5.”

Maraming netizens ang natawa sa post ng butihing ama ni Peanut, at may mga gusto pang gayahin ang ginawang application form ni Luis para raw sa mga anak nila. 

Sabi nga ni Joross Gamboa sa comment section post ni Luis ay "Question 1." 


At may nagsabi rin ng "Ayos to." Hahaha! At sumagot naman si Luis ng "Mahirap na!”

Ang galing talaga ng daddy dearest mo, Peanut, walang kahirap-hirap ang mag-a-apply. Kailangan lang na makapasok sa butas ng karayom na tulad ng isang sinulid.

Pak, ganern! Insert smiley.



SAGLIT na nagpahinga sina Gerald Anderson, Shaina Magdayao, at Jessy Mendiola sa kanilang mabibigat na eksena sa Sins of the Father upang makisaya sa mga Batangueños sa pagdiriwang ng Sublian Festival.


Kasama rin sa latest stop ng Kapamilya Karavan sina JC De Vera, RK Bagatsing, Francine Diaz, at Seth Fedelin, na naghatid ng performances sa SM City Batangas noong Hulyo 19.


Samantala, patuloy ang crime drama na Sins of the Father sa pagpukaw ng damdamin ng mga manonood pagkatapos ng nangyaring kidnapping sa anak ni Samuel (Gerald) na si King (Clave Sun).


Sa pagpapakamatay ng isang biktima (Smokey Manaloto) dahil sa epekto ng Yayaman Tayo investment scam, nagdesisyon na si Samuel na makipagtulungan kay Agnes (Jessy) para masugpo ang mga tunay na scammer.

 
 

ni Mercy Lejarde @Showbiz Talkies | July 30, 2025



Photo: Vice Ganda - IG



Malakas na tawanan ang naging reaksiyon sa usapan ng OPM icon na si Marco Sison at ng multi-talented comedian-TV host na si Vice Ganda sa naganap na concert na Seasons of OPM noong July 25 sa The Theatre at Solaire.


Natanong ni Vice si Marco ng "Single ka pa ba ngayon, Sir Marco?"

Sinagot naman ni Marco ng, "Minsan double, minsan single."

Nagtanong ulit si Vice, na may halong pakiusap na, "‘Pag single ka, sabihan mo ako. Not for me, para sa nanay ko."


Kuwento pa ni Vice, "Ay, Diyos ko. Bet na bet ka ng nanay ko. Oo. Ay, Diyos ko! Mula nu’ng nag-Tawag ng Tanghalan ka na hurado, araw-araw nanonood ang nanay ko, ang saya-saya niya, hindi niya raw maiwasan talagang unti-unti, parang pumapasok ka raw sa sistema niya. Ikaw ang iniisip talaga.”

Saad ni Marco, "‘Yung ikinukuwento mo, ‘di ba ‘pag kumakanta ako sa TV, nahuhulog ‘yung half slip, ano?"


At mabilis na sinagot naman ni Vice ng,

"Yes, nalalaglag ang half slip ng nanay ko, tapos natutuyot ‘yung bulaklak du’n sa Soen niyang panty."


Dagdag pa ni Vice, "Promise ‘pag nakilala mo ‘yung nanay ko."


Tinanong naman ni Marco, "May  maintenance na rin nanay mo?"

Sinagot naman ni Vice, "Ay, may maintenance, oo. At saka ‘yung nanay ko, maano, ah, madami siyang nararamdaman pero mabilis din namang nawawala. Hindi kailangan ng gamot. Abutan mo lang ng pera, gumiginhawa na. ‘Yung nanay ko, malabo ang mata nu’n, ha, pero ‘pag binigyan mo ng pera,  ang linaw, nakakapagbilang."


Dagdag pa ni Vice, "Iba ‘yung nanay ko ‘pag nakilala mo. There's no one like my mom, promise.


"Ay, Diyos ko, iba ang kakayanan nu'n. Iba, talented po. Kung feeling ninyo, talented ako, mas extra ultra super talented ang nanay ko. Siya lang ang kilala kong babae sa buong Pilipinas na may kakayahang magpababa ng bayad ng Meralco sa pamamagitan ng softdrinks. ‘Yung kuntador, bago basahin, ‘di ba, may reading ‘yan? Pupuntahan niya ‘yung mga 15 days bago magbasa ng kuntador. Pinupuntahan niya ‘yung kuntador, tapos binubuhusan niya ng Coke. Lalanggamin ‘yun. ‘Pag nilanggam ‘yun, hindi gumagalaw ‘yun, ano, hindi na tatakbo.”


Nakiusap ulit si Vice kay Marco para sa kanyang mother dearest ng "Kaya ‘pag single ka, ‘pag malungkot ka, sabihin mo lang, sasabihan mo lang ako, ‘yung nanay ko, available. Hindi ka gagastos, may discount card siya sa Sogo."


Nagbigay din ng paalala si Vice kay Marco na, "Huwag masyadong mabilis ang mga pangyayari kasi baka mag-palpitate."


Kuwento rin ni Marco, "Hindi ho ako nahihirapang mag-imbita sa taong ito. Sabi ko sa kanya again, sinabi ko po ‘yun sa kanya, ‘Ah, Vice, kailangan ko ng tulong mo.’ Sabi niya, ‘I'm sorry, Sir Marco, taken na ho ako.’"


Sagot naman ni Vice, "Pasensiya na po talaga pero kung libre lang ako talaga, iko-consider kita. Oo siyempre masarap din magkaroon ng karelasyon na senior, eh. Totoo po ‘yun, hindi ako nagbibiro. Totoo po ‘yun, bago po si Ion, nagkaroon po ako ng boyfriend na senior citizen, 73 years old."


Sagot naman ni Marco na parang nagulat sa sinabi ni Vice, "Hindi nga?"


Sagot ni Vice, "Opo. Ay, maganda siya sa kalusugan. Masarap makipag-sex sa senior citizen. May mga health benefits sa pakikipag-sex sa senior citizen."


Hindi makapaniwala si Marco kaya ang nasabi na lang ay "Ohhh."


Umariba ulit ng sagot si Vice, at ang sabi ay, "Oo, inaraw-araw kong makipag-sex sa senior citizen. Guminhawa ang katawan ko, ang kalusugan ko gumanda, kasi may maintenance na siya, eh. So, ‘yung lumalabas sa kanya, talagang purung-puro. Oo, after 3 years, bumaba ang cholesterol ko, umayos ang blood pressure ko, yes, oo. Tapos ayos naman ang sugar ko. Kaya masarap magkaroon ng…." 


Ito na lang ang nasabi ni Marco, "Oh, ‘yan, ha? Narinig ninyo, alam n’yo na."

Sumagot naman si Vice ng, "Yes."


Umani ng saya sa mga manonood ang mga biro ni Vice, lalo na ang pagbubulgar niya na bet na bet ng nanay niya na si Madam Rosario Viceral ang OPM icon na si Marco Sison.


Ayan, si Vice ang naging tulay ng mother dearest niya para kay Marco.

Well, tinanong naman namin ang reaksiyon ng anak ni Marco Sison na si Marco Salvador.


Asked ni yours truly, "Ano ang masasabi mo sa bagong love team na Rosario at Marco?"

Saad ni Marco Salvador, "Aba, eh, nasa kanila naman po ‘yun. Kung magiging masaya ba si Papa, eh, di go lang po.”


Dagdag pa ni Marco Salvador, "At least, madaragdagan ang kapatid ko, magiging ate ko na si Vice, hahaha!"


Asked ulit ni yours truly, "Ano ang masasabi mo at magiging ate mo na si Unkabogable Star Vice Ganda?"


Saad ni Marco Salvador, "Hahaha! Wala pong problema, basta aalagaan nila ako bilang kapatid."


Dagdag pa ni Marco Salvador, "Ang tanda ko na, aalagaan pa, eh, hahaha!"

Asked ulit ni yours truly, "Ano ang nararamdaman mo tungkol sa sinabi ni Vice na bet na bet ng nanay niya ang tatay mo?"


Saad ni Marco Salvador, "Wala naman po, ayos lang naman. Baka crush lang naman ‘yun. Ibig sabihin, humahanga lang siya kay Papa. Ok lang po, nasa edad na naman sila, alam na nila ‘yun. Hahaha!"


Another tanong ni yours truly, "Ano ang masasabi mo na hanggang ngayon ay marami pa ring nagkakagusto sa Daddy Marco mo?"


Saad ni Marco Salvador, "Eh, si Papa naman kasi, talagang habulin, eh. Hahaha! Eh, tingnan mo naman po hitsura, parang mas matanda pa ako."


Nakakatuwa ang mga anak na tulad nina Vice Ganda at Marco Salvador na masayang pinag-uusapan ang love life ng mga magulang at idinadaan lang sa tawa ang mga kuwentong biro ni Vice. 


Pak na pak ka d’yan, Vice! 


‘Yun lang and I thank you.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page