top of page
Search

ni Mercy Lejarde @Showbiz Talkies | August 16, 2025



Photo: Kris Aquino - IG



Sa isang emosyonal na pagbubunyag sa Fast Talk with Boy Abunda (FTWBA), ibinahagi ng King of Talk na si Boy Abunda ang pinakabagong balita tungkol sa kalagayan ng kalusugan ng kanyang matalik na kaibigan, ang Queen of All Media na si Kris Aquino.


Pahayag ni Boy, “Tungkol sa aking kaibigang si Kris Aquino, sa kanilang family compound po sa Tarlac muna maninirahan si Krissy habang patuloy s’yang nagpapagamot sa kanyang autoimmune diseases.


“Kris told me na, ah, suggestion ito ng kanyang ate dahil malapit lang ang Tarlac sa Maynila. Ipapa-renovate rin nila ang kanilang bahay doon para mas maging safe ito for Kris.

“Ngayong weekend, she will be getting her second infusion ng Rituxan. I hope I’m pronouncing correctly. Ano ba ang Rituxan? Ito ay napakalakas na klase ng immunosuppressant medication para sa autoimmune diseases na kailangang i-take with steroids.


“Allergic po si Kris sa steroids. Pero buti na lamang po her body can now tolerate small doses of steroids, kaya puwede na siyang magpagamot ng Rituxan.


“Sabi ni Kris, this medication kills both good and bad cells kaya posibleng manghina talaga ang kanyang katawan.


“That’s why she needs to go into preventive isolation for an indefinite time sa Tarlac.

“Kailangan din ni Kris ng safe na lugar dahil hindi s’ya puwedeng ma-expose sa kahit anong puwedeng mag-trigger sa kanya na magkasakit.


“Ten ang autoimmune diseases ni Kris. Ang 3 po nito ay in remission sa ngayon. Nilinaw din

ni Kris sa akin na wala s’yang cancer. Palagay ko po after her IG (Instagram) post, medyo nagkaroon ng misunderstanding at ang iba naman ay nag-speculate na meron s’yang cancer.

“Totoong nagpa-test s’ya ng kanyang colon at stomach. She went through colonoscopy and endoscopy last September of 2024.


“Pero walang nakitang problema po ang kanyang mga doctor. And Kris is cancer-free. Pero sa lahat ng mga gamot ni Kris, para po sa kanya, ang inyong mga dasal ang pinakamabisa. Inuulit ko po, para sa kanya, ang inyong mga dasal ang pinakamabisang gamot para sa kanya. She gets her strength from her family, most especially kina Josh at Bim.

“Last week, binisita ko po si Kris. She gained a few pounds. Sabi ko sa kanya, ako ay natutuwa dahil tumaba nang konti si Kris at malakas na ulit ang kanyang boses and she’s recovering slowly.


“Pinipigilan po namin mag-usap ng malakas lalo na po ako dahil lumalakas ang aking boses kahit naka-mask. But napakaganda ng aming naging kuwentuhan. Two hours of conversation — marami kaming napag-usapan, para ho kaming nag-talk show ni Kris. We talked about everything and nothing, as we always do every time we have a chance to have a conversation.


“Pero sa kalagitnaan po, biglang namula ang mukha n’ya. Sabi ko nga sa mga doctor, wala po akong kinalaman doon.


“She was reacting, I think, to the medicine which was being given to her at that particular time. So my prayer, my wish as a friend — maraming salamat po sa inyong dasal at sana ay tuluy-tuloy ang paggaling ni Kris.


“And Bim was with us during the conversation and I’m just so proud about Bim. What a son! He has my respect, my admiration, and I pray to God na sana’y matapos ang ordeal na ito. At naniniwala po ako na gagaling si Kris, mahirap man ang kanyang pinagdaanan.”

Get well soon, Kris, and God be with you always.



ANG singer at tinaguriang Revival King na si Jojo Mendrez, na ngayon ay mas kilala bilang Super Jojo, ay hindi napapagod tumulong sa mga nangangailangan. 


Likas na sa pagiging matulungin si Super Jojo. Tuloy pa rin ang pagiging

philanthropist niya, at naglilibot sa iba’t ibang panig ng bansa para magbigay ng tulong sa mga kababayan nating nangangailangan.


Noong August 14, 2025 ang pilot episode ng Super Jojo Series (SJS). Sure si yours truly na super-klik na klik na naman ito sa mga netizens.


Well, nakakaiyak pero sa huli ay mapapangiti ka sa unang episode. Napakalaki ng naitulong ni Super Jojo sa nadaanan niya lang na nangangalakal, na nabigyan ng sapat na pera na puwede nang pampuhunan sa negosyo.


Kaya kung mahilig ka sa online contests at gusto mong magka-extra P5,000, aba’y tutok lang sa official social media pages ng Super Jojo sa Facebook (FB), TikTok (TT), Instagram (IG), at mag-subscribe sa kanilang official YouTube (YT) channel. 

Alamin du’n ang mechanics kung paano makakasali sa contest.


 
 

ni Mercy Lejarde @Showbiz Talkies | August 15, 2025



Photo: Danica Sotto at Marc Pingris - IG



Masaya ang kuwentuhan sa online show sa YouTube (YT) channel ng aktres na si Dina Bonnevie, na may title na House of D (HOD) kasama sina Oyo Sotto, Danica Sotto Pingris, Kristine Hermosa Sotto, at Marc Pingris.


Natanong ng mother dearest nina Danica at Oyo, “Nakakawala ba ng spark kung buntis ‘yung asawa o ‘pag nanganak na?”


Halos magkakapareho ang naging sagot nina Danica, Kristine, Oyo at Mark na,

“Ang saya nga, eh.”


Sinundan ulit ng tanong ng magandang aktres na si Dina ng “Bakit ang saya tuwing buntis? Ano’ng nagaganap?”


Sumagot si Danica ng “‘Yung hormones mo, sobrang ano, taas, you’re in the mood.”


Nakakatuwa ang naging tanong ng loving husband ni Danica sa kanyang mother-in-law at halatang panatag at komportable na si Mark kay Dina.

Inosenteng tanong ni Mark kay Dina, “Bakit ikaw, Ma (Dina), hindi ka ganu’n ‘pag buntis ka?”


Nagtawanan sina Danica, Oyo at Kristine sa tanong ni Mark.


Sumagot si Dina na ngiting-ngiti, “Pinag-uusapan natin kayo, wala akong partner. My God, I’m a human being. Of course, I have desires. Hahaha! Gusto ko rin naman. Why not coconut, ‘di ba?”


Hindi na rin mapigilan ni Oyo na magkomento ng “Nahahalata si Mama (Dina), ‘noh? Kasi s’ya ‘yung bato nang bato.”


Sagot naman ni Danica, “Oo nga, Ma (Dina). Parang kilig na kilig ka sa pagtatanong mo sa amin.”


Sinagot naman ni Dina nang naka-all-smile ng “Hello, we are all experienced people here. At kami po ay mga experienced and we just wanna share our experience. Hindi ibig sabihin na lahat ng opinion namin ay tama.”


Hindi pa rin nagpigil ang magandang aktres at nagtanong pa rin siya kina Danica at Mark ng “Magbalik tayo, ‘pag buntis ka, raging hormones ka? In the mood ka (referring to Danica)? Ikaw naman (Mark), prepared ka na kung buntis ito?”

Sagot ni Mark, “Takot ako, eh. Kasi baka mapisat, ganu’n.”


Dagdag na tanong ni Ms. D, “Marami namang ibang paraan.”

Sagot ulit ni Mark, “Basta ako lang, alam ko na takot ako ngayon.”


Sabi pa ni Ms. D, “Ang importante, communication. So ‘yung communication, puwedeng verbal, puwedeng communication na physical na touch or hug. Ganyan, ang importante ‘yung sex, not literally na kailangan magtalik kayo araw-araw, pero ‘yung little kisses, halik sa batok, yakap sa likod. ‘Di ba? that’s part of sex, it’s still part of communication.”


Bongga ka d’yan, Ms. D. Ang daming natutunan ng mga mag-asawa sa masayang kuwentuhan ninyo ng beautiful family mo.


May mga netizens din na nagre-request kung puwedeng mag-guest si Bossing Vic Sotto sa HOD.



Sa edad na 51, tinupad ni Marjorie Barretto ang matagal na niyang pangarap, ang magsuot ng toga at makatapos ng kolehiyo, matapos niyang makuha ang Bachelor of Arts Major in Communication Arts sa Philippine Women’s University (PWU).

Saad niya, “At 51 years old, I finally wore this cap and gown.


“For years, finishing college was a dream tucked away, paused for show business, raising children, public service, business, and building a life. But God never forgot. In His perfect time, He gave me the courage to return, the strength to push through, and the joy of crossing this finish line.


“The sweetest part? My children were there to witness it – taking my photos and videos, handing me flowers and gifts. A moment so surreal, a full circle moment.


“I want to thank Philippine Women’s University @mypwu_official for opening your doors and making this chapter possible. I also want to thank my dear friend @iloveruffag (Ruffa Gutierrez) for starting this journey for so many of us – she graduated first, lovingly encouraged me to go back to college, and always reminded me that I could do it.

“To my loved ones who inspired me, pushed me, and talked me out of my panic and anxieties, from the bottom of my heart, thank you.


“And to those my age who still carry dreams in their hearts: it’s never too late, and you are never too old, to realize the dreams God placed in you.”


Sa comment section ng post ng celebrity mom ay binati siya ng kanyang mga kaibigan tulad nina Mariel Rodriguez, Arlene Muhlach, Amy Perez, Coney Reyes at Ruffa Gutierrez.


Sabi nga ni Ruffa sa comment niya ay “I’m in tears. Love you and so proud of you!! Congratulations @marjbarretto YOU DID IT!! Let's celebrate later!!”


Sabi naman ng mother dearest ng magaling na mayor ng Pasig na si Coney ay, “My Dear Marj! I’m so happy for you! Congratulations! Your perseverance and determination are admirable! God bless you! Greater things up ahead.”


Hindi rin nakalimutang batiin ng mga anak niya si Marjorie.

Mensahe ni Dani Barretto, “So proud of you, mom! Now it’s my turn to finish school and make you proud.”


Sabi naman ng aktres na si Julia Barretto ay “So proud of you, mom.”

Congratulations, Marjorie. Napatunayan na naman natin na ang edukasyon ay walang pinipiling edad.


Sabi nga ni Nelson Mandela, “Education is the most powerful weapon which you can use to change the world.”


Mga bagets, aral-aral din kapag may time. Pak, ganern!



PATULOY na tumatanggap ng pagkilala internationally ang ABS-CBN matapos makakuha ng nominasyon ang drama series nitong Saving Grace (SG) para sa Best Asian Contents sa paparating na Global OTT Awards.


Pinagbibidahan nina Julia Montes, Sharon Cuneta, at child star na si Zia Grace, nag-number 1 ang SG sa Prime Video Philippines kung saan sinundan ng mga manonood ang nakakaantig-pusong kuwento nito.


Halaw sa Japanese drama na Mother, ito ang kauna-unahang Filipino adaptation ng ABS-CBN ng isang serye mula sa Nippon TV.


Ang Global OTT Awards ay kumikilala sa mga huwaran sa TV at digital content sa buong mundo. Ihahayag ang mga magwawagi sa darating na Agosto 24.

‘Yun lang and I thank you.

 
 

ni Ambet Nabus @Let's See | August 12, 2025



Photo: Vice Ganda - Instagram



Meanwhile, may mga bagong personalidad na dumagdag sa mga nagbigay ng reaksiyon sa maiskandalong concert ni Vice Ganda with Regine Velasquez.

Nagpahayag ng kanyang saloobin sina Sabrina M at Sen. Rodante Marcoleta dahil daw sa pagdamay ng mga names nila sa pagpapatawa ni Vice.


Una nang nagpahayag ang dating sexy star na si Sabrina M na huwag sanang masanay ang TV host-comedian na manggamit ng mga taong gaya niya ay nananahimik, nagmu-move forward at kinakalimutan na ang pangit na nakaraan.


Nag-ugat nga ang pagkakadawit ng name ng dating sexy star sa portion na nagtatanungan sina Vice at Regine kung sino ang favorite nila.


Sey ni Regine, “Gusto ko si Sabrina,” na sinagot naman ni Vice na,  “Sabrina M., ‘yung nakaaway ni Rosanna Roces sa The Buzz dahil sa pustisong ngipin? ‘Di ba nakaaway dati ni Rosanna? At si Sabrina M. kasi, pustiso ‘yung ngipin n’ya. ‘Yung nahuli?”


“Bakit kailangan mong ibalik nang ibalik ‘yung nakaraan ng tao? Wala na ‘yun, eh. Kumbaga, burado na ‘yang isyu na ‘yan. Makapagpatawa lang kahit may taong naaapakan? Very wrong,” bahagi pa ng himutok ni Sabrina M sa isang panayam.


Dagdag pa nito, “Kung s’ya ba, kung sakali, kung balikan ko s’ya na, ‘‘Yung tatay mo, pinatay nga, binaril.’ ‘Di ba? Ano’ng mararamdaman n’ya? Kasi ‘yun, madilim na nakaraan din n’ya ‘yun. Matutuwa ba s’ya ‘pag ginanu’n s’ya ng kapwa n’ya?”


Samantala, sa Senado naman ay nagbitaw din ng impresyon si Sen. Marcoleta dahil din sa pagbanggit ng name niya bilang bahagi pa rin ng pagpapatawa ni Vice.


“Napakawalanghiya, bastos po ‘yan,” tila sumbong nito sa Senado. 

Ayon naman sa kanya, tila nakita ni Vice sa audience si Sen. Grace Poe na nakatawa o tumatawa sa kanyang mga jokes nang bitawan ni Vice ang punchline na, “Wow! Senator Grace, tawang-tawa. Wow! Sige nga, tingnan mo si Marcoleta, tingnan ko kung matatawa ka.”


Wala pang reaksiyon o pahayag si Vice tungkol dito dahil ang mga naniniwala sa kanya ay nagsasabing ‘clout chasers o nagpapansin’ lang sina Sabrina M at Sen. Marcoleta. 


Basta ang natatandaan naming pahayag ni Vice ukol sa mga ganito ay ang diumanong pinagkakakitaan siya ng mga bashers/content creators/vloggers, lalo na nu’ng mga hindi naman nagbayad sa kanyang concert pero maraming kuda o hanash.


Well, ito na nga ba ang sinasabi namin na mayroon at mayroong mga reaksiyon sa mga kagayang pangyayari involving some celebrities/personalities, na dapat ay ready din at open si Vice Ganda na maibuyangyang at bigyan ng opinyon ng mga tao ang kanyang personal ding buhay, at madamay ang kanyang mga mahal o pamilya.


Kumalat na around the globe na may Pinoy communities ang iskandalong nalikha ng mga jokes ni Vice. Iba’t iba rin ang reaksiyon. May mga natuwa at nagsabing dapat at tama naman siya, mayroon din namang mga kumontra at nagalit. 


Huwag nga raw tayong magulat kung sa darating na panahon ay maengganyo o may mang-engganyo kay Vice na pasukin ang pulitika dahil sa pagmamarunong nito sa mga ganap sa bansa at isyu sa lipunan.


“At baka manalo pa ‘yan,” komento pa ng mga netizens.



First time naming narinig si Kristine Hermosa na game na game na sagutin ang isyu tungkol sa “loving-loving moment” ng mga mag-asawa.


Sa vlog nila nina Ms. D o Dina Bonnevie kasama ang asawang si Oyo, at kapatid nitong si Danica at asawa nitong si Marc Pingris ay naging topic nila ang nasabing usapin.


Para lang silang nagtsitsismisan talaga at kaswal na kaswal na nagtatanong si Dina sa mga anak at asawa nila.


“Paano kung may time na hindi puwede si mister dahil medyo masama ang pakiramdam o pagod, pero gusto ni misis?”  tanong ni Dina.


Agad na sumagot si Kristine, “Aba! Dapat irespeto ‘yun. Dapat n’yang pagbigyan ang gusto ng misis n’ya.”


Hahahaha! Bongga ang timing ni Kristine ng pagkaka-deliver kaya very natural din ‘yung hagalpakan ng lahat, lalo na ‘yung mga nakapanood gaya namin. Hahaha!


Akala nga natin ay ang irerespeto ay ‘yung wala sa mood o kapaguran ng asawang lalaki, pero ‘yun palang request o desire ni misis.


‘Kaloka ka, Kristine. Hahaha! Hindi ka namin nakilala bilang magaling na komedyante o nagpapatawa, pero solid nga ang tawang naihatid ng sagot mo. 

Mabuhay ang inyong online talk show na House of D (HOD).



LALO namang nagiging exciting ang mga kaganapan sa revenge drama series na Beauty Empire (BE) sa pag-uumpisa ng pasiklaban nina Velma (Ruffa Gutierrez) at Shari (Kyline Alcantara) para sa pinakamataas na posisyon sa Velma Beauty.


Sumakses na nga si Noreen (Barbie Forteza) sa kanyang plano na makuha ang loob ni Velma para tuluyang mapatumba si Shari. At sa pagbabalik ni Velma sa kanyang kumpanya, ikinasa na niya ang hamon kay Shari na labanan siya para magkaalaman na sa kung sino ang karapat-dapat na maging CEO ng Velma Beauty. 


Kaya naman ang mga viewers at netizens, abangers na sa puksaang #TeamVelma vs. #TeamShari.


At sa patindi nang patinding mga eksena sa BE, hindi maitatangging tinututukan ito ng sambayanan.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page