ni Ambet Nabus @Let's See | August 12, 2025
Photo: Vice Ganda - Instagram
Meanwhile, may mga bagong personalidad na dumagdag sa mga nagbigay ng reaksiyon sa maiskandalong concert ni Vice Ganda with Regine Velasquez.
Nagpahayag ng kanyang saloobin sina Sabrina M at Sen. Rodante Marcoleta dahil daw sa pagdamay ng mga names nila sa pagpapatawa ni Vice.
Una nang nagpahayag ang dating sexy star na si Sabrina M na huwag sanang masanay ang TV host-comedian na manggamit ng mga taong gaya niya ay nananahimik, nagmu-move forward at kinakalimutan na ang pangit na nakaraan.
Nag-ugat nga ang pagkakadawit ng name ng dating sexy star sa portion na nagtatanungan sina Vice at Regine kung sino ang favorite nila.
Sey ni Regine, “Gusto ko si Sabrina,” na sinagot naman ni Vice na, “Sabrina M., ‘yung nakaaway ni Rosanna Roces sa The Buzz dahil sa pustisong ngipin? ‘Di ba nakaaway dati ni Rosanna? At si Sabrina M. kasi, pustiso ‘yung ngipin n’ya. ‘Yung nahuli?”
“Bakit kailangan mong ibalik nang ibalik ‘yung nakaraan ng tao? Wala na ‘yun, eh. Kumbaga, burado na ‘yang isyu na ‘yan. Makapagpatawa lang kahit may taong naaapakan? Very wrong,” bahagi pa ng himutok ni Sabrina M sa isang panayam.
Dagdag pa nito, “Kung s’ya ba, kung sakali, kung balikan ko s’ya na, ‘‘Yung tatay mo, pinatay nga, binaril.’ ‘Di ba? Ano’ng mararamdaman n’ya? Kasi ‘yun, madilim na nakaraan din n’ya ‘yun. Matutuwa ba s’ya ‘pag ginanu’n s’ya ng kapwa n’ya?”
Samantala, sa Senado naman ay nagbitaw din ng impresyon si Sen. Marcoleta dahil din sa pagbanggit ng name niya bilang bahagi pa rin ng pagpapatawa ni Vice.
“Napakawalanghiya, bastos po ‘yan,” tila sumbong nito sa Senado.
Ayon naman sa kanya, tila nakita ni Vice sa audience si Sen. Grace Poe na nakatawa o tumatawa sa kanyang mga jokes nang bitawan ni Vice ang punchline na, “Wow! Senator Grace, tawang-tawa. Wow! Sige nga, tingnan mo si Marcoleta, tingnan ko kung matatawa ka.”
Wala pang reaksiyon o pahayag si Vice tungkol dito dahil ang mga naniniwala sa kanya ay nagsasabing ‘clout chasers o nagpapansin’ lang sina Sabrina M at Sen. Marcoleta.
Basta ang natatandaan naming pahayag ni Vice ukol sa mga ganito ay ang diumanong pinagkakakitaan siya ng mga bashers/content creators/vloggers, lalo na nu’ng mga hindi naman nagbayad sa kanyang concert pero maraming kuda o hanash.
Well, ito na nga ba ang sinasabi namin na mayroon at mayroong mga reaksiyon sa mga kagayang pangyayari involving some celebrities/personalities, na dapat ay ready din at open si Vice Ganda na maibuyangyang at bigyan ng opinyon ng mga tao ang kanyang personal ding buhay, at madamay ang kanyang mga mahal o pamilya.
Kumalat na around the globe na may Pinoy communities ang iskandalong nalikha ng mga jokes ni Vice. Iba’t iba rin ang reaksiyon. May mga natuwa at nagsabing dapat at tama naman siya, mayroon din namang mga kumontra at nagalit.
Huwag nga raw tayong magulat kung sa darating na panahon ay maengganyo o may mang-engganyo kay Vice na pasukin ang pulitika dahil sa pagmamarunong nito sa mga ganap sa bansa at isyu sa lipunan.
“At baka manalo pa ‘yan,” komento pa ng mga netizens.
First time naming narinig si Kristine Hermosa na game na game na sagutin ang isyu tungkol sa “loving-loving moment” ng mga mag-asawa.
Sa vlog nila nina Ms. D o Dina Bonnevie kasama ang asawang si Oyo, at kapatid nitong si Danica at asawa nitong si Marc Pingris ay naging topic nila ang nasabing usapin.
Para lang silang nagtsitsismisan talaga at kaswal na kaswal na nagtatanong si Dina sa mga anak at asawa nila.
“Paano kung may time na hindi puwede si mister dahil medyo masama ang pakiramdam o pagod, pero gusto ni misis?” tanong ni Dina.
Agad na sumagot si Kristine, “Aba! Dapat irespeto ‘yun. Dapat n’yang pagbigyan ang gusto ng misis n’ya.”
Hahahaha! Bongga ang timing ni Kristine ng pagkaka-deliver kaya very natural din ‘yung hagalpakan ng lahat, lalo na ‘yung mga nakapanood gaya namin. Hahaha!
Akala nga natin ay ang irerespeto ay ‘yung wala sa mood o kapaguran ng asawang lalaki, pero ‘yun palang request o desire ni misis.
‘Kaloka ka, Kristine. Hahaha! Hindi ka namin nakilala bilang magaling na komedyante o nagpapatawa, pero solid nga ang tawang naihatid ng sagot mo.
Mabuhay ang inyong online talk show na House of D (HOD).
LALO namang nagiging exciting ang mga kaganapan sa revenge drama series na Beauty Empire (BE) sa pag-uumpisa ng pasiklaban nina Velma (Ruffa Gutierrez) at Shari (Kyline Alcantara) para sa pinakamataas na posisyon sa Velma Beauty.
Sumakses na nga si Noreen (Barbie Forteza) sa kanyang plano na makuha ang loob ni Velma para tuluyang mapatumba si Shari. At sa pagbabalik ni Velma sa kanyang kumpanya, ikinasa na niya ang hamon kay Shari na labanan siya para magkaalaman na sa kung sino ang karapat-dapat na maging CEO ng Velma Beauty.
Kaya naman ang mga viewers at netizens, abangers na sa puksaang #TeamVelma vs. #TeamShari.
At sa patindi nang patinding mga eksena sa BE, hindi maitatangging tinututukan ito ng sambayanan.






