top of page
Search

ni Mercy Lejarde @Showbiz Talkies | August 11, 2025



Photo: Sam at Rhian - IG



Sa social media post ng aktres na si Rhian Ramos, ibinahagi niya ang larawan kasama ang love of her life na si Sam Verzosa, kasabay ng pagdiriwang nila ng kanilang 4th anniversary.

Saad ni Rhian, “Happy 4 years, booboo.


“Here are some pics from our recent trip! This year wasn’t about Michelin starred restaurants, designer clothes, or remote getaways… on our anniversary, we took a flight and did all the rounds to make sure our health is on point!


“Basically, nag-hospital kami, nagsimba, nag-fasting, and spending time with family.

“I just want you to know that you can take me to any hawker center or market and it’s a five-star experience to me, basta kasama ka.”


Happy anniversary, Rhian and Sam.


Paminta noon…

ESNYR, IBINULGAR KUNG PAANO NAGING BAKLA


MASAYA at puno ng revelations ang naging kuwentuhan nina content creator at Pinoy Big Brother (PBB) Celebrity Collab Edition 3rd Big Placer Esnyr at ABS-CBN TV Patrol anchor Karen Davila, kung saan inamin ni Esnyr kung kailan niya unang nalaman ang tunay niyang gender.


Sabi ni Esnyr nang may bonggang ngiti, “Oh, my gosh! Feeling ko po nu’ng bata pa po talaga ako, mga around grade 2, grade 1 po. Kasi 3 po kaming magkakapatid tapos puro babae po silang dalawa. Eh, ‘yung mga laruan nila, parang same lang po sa mga kuwento ng mga another gender, ‘yung mga laruan po nila na dollhouse, ganyan. 


“Minsan naloloka ako kasi walang nabibili na gift para sa akin kaya nakikilaro na lang din ako sa mga laruan nila, medyo naano po ako, naimpluwensiyahan kumbaga.”

Natanong din ni Karen kung natanggap ba si Esnyr ng mga parents niya nang nalaman ang tunay niyang gender.


Sagot naman ni Esnyr, “Feeling ko na hindi nila ‘ko matatanggap ‘pag sinabi ko po mismo sa kanila ang gender ko. Kaya medyo wala po talagang confirmation sa pamilya. Wala. Parang ano na lang, go with the flow. At recently lang po talaga ako nakapag-spread my wings kasi takot po talaga ako, eh. Kasi akala ko po ano.”


Natanong din ni Karen, “Nu’ng bata ka, nagbibihis-lalaki ka? Nagtatago ka?”

Sagot ni Esnyr na may kasamang tawa, “Yes, kumbaga paminta-paminta po ako before. Kaya lahat ng mga throwback pictures ko, lalaki talaga.”


Tanong pa ni Karen, “Pinagalitan ka ba ng mga magulang mo nu’ng una?”

Mabilis na sagot ni Esnyr, “Wala pong pagalit. Actually, nagulat po ako nang inilagay po ako, ipinost po ako ng Papa ko na naka-long hair po ako.”

Dagdag na tanong ni Karen, “Umiyak ka noon?”


Sagot ni Esnyr, “Opo. S’yempre, ‘yun na po ‘yung moment na the day before po ako lumipad dito sa Manila, kasi ikinuha na po ako ng ticket ng ABS. ‘Yun po ‘yung first and last post n’ya sa akin before po ako pumasok ng PBB. Sobrang laking impact po ng nagawa ng pag-post n’ya po sa akin kasi wala na po akong kinatatakutan kumbaga, kasi parang tanggap na po ako ng mismong father ko, ng mismong parents ko po. 


“Hindi na magma-matter sa akin ‘yung sasabihin ng ibang tao kaya mas naging ano po ako, confident po ako.”


Natanong din ng magaling na broadcast journalist na si Karen kung ano ang pangarap ni Esnyr.


Sagot naman ni Esnyr with all smiles, “Pangarap ko po sariling bahay ko po talaga.”

Tanong pa ni Karen, “For your parents?”


Sagot ni Esnyr, “Yes, for my parents and for me. Pero uunahin ko po muna ‘yung parents ko kasi s’yempre, sila ‘yung nand’yan ever since.”

Pak na pak ka d’yan, Esnyr.

 
 

ni Mercy Lejarde @Showbiz Talkies | August 10, 2025



Photo: Esnyr at Donny - IG


Ibinahagi ng content creator at Pinoy Big Brother (PBB) Celebrity Collab Edition 3rd Big Placer na si Esnyr John Ranollo kung paano nabuo ang pagkakaibigan nila ng Kapamilya aktor at TV host na si Donny Pangilinan sa guesting niya sa YouTube (YT) vlog ng TV Patrol anchor na si Karen Davila.


Sa question and answer portion ay tinanong ni Karen kung bakit naging close si Esnyr kay Donny at paano ito nangyari.


Sagot ni Esnyr, “Si Donny po ‘yung pinaka-genuine and pinakatotoong tao na nakilala ko po rito sa showbiz.


“Nu’ng una ko pong movie ay kasama ko sila, at nu’ng pack-up na po ako, ‘di ko na alam kung saan po ako pupunta, meron po akong money na taping money, tapos sabi ko, ‘Donny, baka puwede mo akong i-help.’ Ayaw n’ya na gastusin ko po ‘yung pera ko, gusto n’ya na sa bahay na lang po nila mag-stay ako. Tinulungan n’ya po ako, nag-find po s’ya ng matutuluyan ko rito sa Manila.


“Sa loob po ng 1 month na ‘yun, inasikaso n’ya po talaga ‘ko. Nagpapadala s’ya ng food… Akala ko po, first year lang po s’ya ganu’n sa akin, hanggang sa sobrang consistent n’ya po talaga sa ‘kin. Lahat po ng mga achievements ko, wala po s’yang absent na nag-congrats po sa akin na he always tells me na he’s proud of me sa lahat ng mga achievements ko, lalo na po nu’ng nagsu-shooting po ako rito nu’ng may YouTube na po ako.”


Dagdag na tanong ni Karen, “So you really found a friend in Donny?”


Mabilis na sagot ni Esnyr habang may ngiti sa mga mata ay “Yes.”

Paliwanag niya, “I found a friend in him. At more than just a friend po, like family na po talaga. Kasi pati sa mga finances ko, tutok din po s’ya. Kumbaga feeling ko, kuya ko s’ya. Ganyan, ‘yun po. I’m super lucky to have him as a friend.”


Napansin din ni Karen na parang maiiyak si Esnyr nang pinag-uusapan nila si Donny.

Sabi naman ni Esnyr, “Sobrang ano lang po talaga, happy ko lang po talaga at sobrang lucky ko po to have him as a friend.”


Binigyan din ng pagkakataon ni Karen na mag-message si Esnyr kay Donny.

Mensahe ni Esnyr, “Donny, I think it’s time, umamin na tayo. Tayo talaga!” sabay tawa.

Pero seryosong dugtong nito, “Donny, thank you. Love you. Alam mo naman na ‘yan at babawi ako soon. Wait ka lang d’yan, okay, babawi ako sa ‘yo soon.”


Dagdag pa niya, “Ang ganda ko naman, parang first lady take. Uy… wait lang, Belle (Mariano), ‘wag kang maano. Sa lahat ng DonBelle fans d’yan, as a friend lang ‘to. ‘Wag ninyo akong ratratin (awayin) d’yan.”


Anyway, sabi nga ng veteran actress na si Daisy Romualdez, napakabait na bata nga raw ni Donny Pangilinan at marespeto pa. Dapat daw gayahin ng ibang kabataan ang aktor at sure si yours truly na kaya naging kaibigan ni Donny Pangilinan si Esnyr ay dahil pareho lang silang mabait. 


Pak, ganern!



MULA sa entablado ng Tawag ng Tanghalan (TNT) All-Star Grand Resbak hanggang sa recording studio, pasok na rin sa music scene ang 2nd placer na si Ian Manibale sa paglabas ng kanyang debut single na Vicente Cruz.


Released under ABS-CBN’s DNA Music and written by Gabriel Tagadtad, the song is about love that is full of anticipation, hope, and memories.

“It’s all about love na puno ng paghihintay, pag-asa, at alaala sa Vicente Cruz. It’s a song ng isang taong naghihintay sa pag-ibig na dumating nang hindi inaasahan,” pagbabahagi niya. 


Aniya pa, “Napaka-personal ng kanta at kahit hindi ako ang nagsulat, ramdam ko bawat linya.”


The up-and-coming singer from Catanduanes was hailed as second placer in TNT twice—first in 2021 when he joined the noontime contest’s Season 5 edition, and this year in the All-Star Grand Resbak Season 2.


“Honestly, may kaunting panghihinayang. Sabi ko nga sa sarili ko ‘Second na naman,’ but I’m always grateful sa kung ano ang narating ko. Second place is the biggest achievement na nangyari sa buhay ko, back-to-back pa, and mas nangingibabaw ‘yung motivation ko na mas pagbutihin at i-pursue ‘yung music,” sey niya.


Sa ngayon, mas ganado si Ian na ituloy ang kanyang passion sa musika. Aniya, hindi siya titigil hangga’t may mga taong nakikinig at nai-inspire sa mga kanta niya. 


At kung galing at puso rin lang ang pag-uusapan, mukhang malayo pa ang mararating ng Catanduanes pride na ito, mula Vicente Cruz hanggang sa mas malalaking entablado sa hinaharap.



IBINIDA ng aktor na si Mikael Daez sa social media ang sweet family moment kasama ang misis na si Megan Young at ang kanilang adorable baby boy na si Leon, na tila handang-handa na para sa kanilang travel adventure.


Sabi ni Mikael sa post niya ay “Travel ready family! Today we applied for Leon’s passport. Decided to go matchy-matchy with the lil (little) boy. Can’t wait for the first adventure with him.”


Dagdag pa ni Mikael sa post niya ay, “Swipe to the end to see his passport photo. P.S., found the perfect adventure music to pair with the vibe. Anime fans IYKYK (If You Know, You Know).”


Sa pinakahuling larawan na sinasabi ni Mikael ay ang passport photo ni Baby Leon, na super cute and adorable.


Kitang-kita sa mga litrato ang excitement nina Mikael Daez at Megan Young sa bagong yugto ng kanilang pamilya. At kung sa unang passport photo pa lang ay super cute na si Baby Leon, tiyak na mas marami pang travel memories at adventure snaps ang aabangan ng mga fans sa kanilang “travel ready” family. 

‘Yun lang and I thank you.



 
 

ni Ambet Nabus @Let's See | August 10, 2025



Photo: Atasha at Jacob - Circulated / FB



Napanood namin ang pagbabalik-Eat… Bulaga! (EB!) ng baby naming si Atasha Muhlach last Saturday.


Sa portion ng The Clones (TC), masayang nakipagkulitan ang magandang dilag na finally nga ay natapos na sa pagsu-shoot ng kauna-unahan niyang pagbibidahang series sa Viva One, ang Bad Genius (BG).


Mas makulit, mas matabil at mas kuwela ang mga hirit ni Tash na halatang na-miss ang Dabarkads at ang live audience.


Kasabay ng pagbabalik nito ay umugong at lumabas din ang mga photo ng dinner ng pamilya niya kasama ang nali-link ditong anak ni SMB top brass Ramon Ang na si Jacob Ang.


Although medyo last 2 months na namin itong nababalitaan, hindi naman conclusive na magdyowa na sila.


Good friendship daw ang foundation ng lahat dahil may mga common friends silang nakasama nila during their schooling days sa London.


Bongga nga lang dahil pormal at talagang kasali ang mga respective families nila sa kanilang bonding moments, gaya nga ng dinner time.


Ultimo ang big boss na si Sir Ramon ay nagpahayag din ng pagkatuwa sa kaibigan ng anak na inilarawan pa niyang maganda, mabait at responsable.


Bunsong anak ni Sir Ramon si Jacob. Actually, dalawa lang naman ang anak niya at dahil namatay na nga ‘yung panganay, lumalabas na nag-iisa na si Jacob kaya marami ang naiinggit kay Tash, if ever man daw na mag-level-up into something more romantic ang friendship nila.



MALUNGKOT ang ‘Tondo Boys’ ng Batang Quiapo (BQ) series na kinabibilangan ng mga character actors, na sa loob ng halos tatlong taon nga ay nagturingan na bilang magkakapatid.


Nang magpaalam nga ang karakter ni Ping Medina, marami rin ang nalungkot kahit aware naman daw silang lahat na anytime soon ay magbaba-bye rin ang bawat karakter.


“Lahat kami ay nagpapasalamat kay Direk Coco (Martin). S’ya talaga ang nagpasimula ng lahat kung bakit mas lumaki ang pamilya namin. Ito nga ‘yung show na malungkot akong aalis,” sey pa ng character actor na anak ng pamosong si Pen Medina na parte rin ng BQ.


Ang bongga nga raw sa naturang extended families nila ay ‘yung suportang ibinibigay ni Coco. Mapa-personal at negosyo, lagi raw nakaalalay ang aktor-direktor sa kanilang lahat.



“KAHIT sa mga usaping pulitika o programa para sa nakararami, suportahan kami. ‘Yung tatay-tatayan naming si Pinuno, Sen. Lito Lapid, lagi ring kaming may bukas na komunikasyon,” pakli pa ng tropang Batang Quiapo (BQ).


Sa katunayan nga raw ay madalas din silang nagtatalu-talo sa mga isyu ng bayan.

“Naku! Ibang klase ang diskusyon. May kani-kanyang opinyon talaga, nagbabanggaan, pero hindi kami nagtatapos na magkaaway dahil nandu’n ‘yung pagrespeto,” dagdag pa nila.

Nasentro nga ang topic sa pagboto ng “YES” ni Sen. Lito kamakailan sa usaping pag-archive ng impeachment case laban kay Vice President Sara Duterte.


Sobra raw ang respetong nanatili sa bawat isa kahit pa raw may mga katropa silang taliwas sa naging boto ng tatay-tatayan nila.


“But at the end of the day, nagkakaisa kami sa pagsuporta at paggalang sa naging boto n’ya at inunawa ang kanyang posisyon sa naging desisyon ng Supreme Court at ng buong Senado na nakuha nga ang majority vote. Ganu’n ang demokrasya dapat,” paliwanag pa nila. 


Kaya nga raw sa BQ series ay may subplot ng pulitika para naman daw mai-present ng show ang iba’t ibang realidad sa gobyerno kahit fictional and yet intriguing ang mga karakter.


“Naku! ‘Yung karakter ni Mayor (Albert Martinez) na nabuking nang bading, bongga ang peg n’ya ru’n. Itanong natin kay Direk Joel Lamangan (na bongga ang karakter bilang si Roda) kung s’ya nga ang nag-suggest na gayahin si… (name ng pulitiko),” hirit pa ng makukulit na BQ boys.


Hahaha! Sino’ng may sabi na puro barilan at suntukan lang ang meron ang Batang Quiapo? Usung-uso rin daw ang Maritesan sa kanila. Hahaha!

 
 
RECOMMENDED
bottom of page