ni Mercy Lejarde @Showbiz Talkies | August 17, 2025

Photo: Ralph de Leon - IG
Very interesting ang naging kuwentuhan ng aktor at Pinoy Big Brother (PBB) Celebrity Collab Edition 2nd Big Placer na si Ralph De Leon sa vlog ng broadcast journalist at ABS-CBN TV Patrol anchor na si Karen Davila.
Sa question and answer portion, tinanong ni Karen si Ralph kung bakit siya tinawag na “walking green flag”.
Sinagot naman ni Ralph nang may magandang ngiti, “Actually, Ms. Karen, grabe, parang mabigat din s’ya, eh. It also comes with expectations. Parang lahat, okay sa ‘yo, lahat, tama. Lahat ng values mo, lahat ng morals mo, aligned with siguro what social standards set. I mean, I have my off days din naman po na wala rin po ako sa mood. I’m not a picture-perfect as everyone makes me look out to be.”
Dagdag na tanong ni Karen, “Sa palagay mo, bakit ka naging green flag?”
Sagot ni Ralph, “The best I can describe it po talaga is I was able to find multiple support systems throughout my life talaga, starting off with my family. So I grew up here in Tanza, Cavite with my big, big family.”
Natanong din ni Karen kung may balak siyang pumasok sa pulitika.
Sagot ni Ralph, “Hindi po. Never po akong nahilig and kami po talaga, kaming magpipinsan, we really wanted to get out na po talaga sa politics.”
Bukod sa mga personal na tanong ni Karen, nagbahagi rin si Ralph ng kanyang saloobin.
Sabi ni Ralph, “I don’t know if I’m one of the first people to speak about this. For our batch at least, ang laking issue palagi when we’re seen with other people, when we’re seen with other housemates, when we’re seen with people na siguro, they wouldn’t like to see with us.
“Yes, a lot of them support us, but there are also those very few who try — sorry to say — but feed their delusions and really try to take ownership of our lives.
“Ayaw ko pong magpaka-showbiz na just to allow that to happen. I’m going to stick to the people that I’m close to. Keep building the relationships that I’ve had inside regardless of
what they think.”
Maraming netizens ang pinusuan ang kuwentuhan nina Ralph de Leon at Karen Davila.
Boom na boom kayo d’yan, Ms. Karen!
PATULOY na kinikilala ang ABS-CBN sa buong mundo matapos itong umani ng panalo at nominasyon sa 2025 Seoul International Drama Awards (SIDA).
Pinangalanan si Daniel Padilla, isa sa mga bida ng action-thriller na Incognito, bilang Outstanding Asian Star para sa kanyang husay sa pagganap bilang Andres, isang dating sundalo na sumali sa isang pribadong kumpanya ng militar para hanapin ang nawawalang kapatid.
Samantala, nominado rin para sa Best Drama Series at Best Screenwriter ang Saving Grace (SG), ang kauna-unahang adaptation ng ABS-CBN ng isang Japanese Nippon TV series.
Pinagbibidahan nina Julia Montes, Sharon Cuneta at child star na si Zia Grace, ang serye ay tungkol sa madamdaming kuwento ng isang guro na ginawa ang lahat upang mailigtas ang estudyanteng inaabuso ng kanyang magulang.
Ang SIDA ay nagbibigay-pagkilala sa mga huwaran sa telebisyon sa buong mundo. Ang mga magwawagi ay opisyal na kikilalanin sa Oktubre 2 sa Seoul, South Korea.
‘Yun lang and I thank you.








