top of page
Search

ni Mercy Lejarde @Showbiz Talkies | Septeber 4, 2025



Dina - IG

Photo: Herlene Budol - IG


Nag-viral ang banat ng aktres at beauty queen na si Herlene Budol tungkol sa flood control projects matapos patulan ng isang netizen ang kanyang biro sa Facebook (FB).

Aniya, “Parang gusto ko tuloy maging contractor na lang kesa mag-artista.”


Ibinahagi rin ni Herlene na may nag-private message sa kanya dahil sa kanyang post na magpapalit daw siya ng tatahaking career.


Kuwento pa ni Herlene, “Natawa naman ako may nag-PM sa akin, ‘wag ko daw gawin ang pagiging contractor. Komedyante po ako, kuya, sineryoso mo naman ang caption ko.”

Dagdag na biro pa ni Herlene, “Kung papipiliin ako between artista o contractor, baka ikaw pa piliin ko, kuya. I love you. Hahaha!”


Maraming netizens ang natawa sa post ni Herlene at isa na nga rito ang dati niyang manager na si Wilbert Tolentino.


Basta si yours truly, kung saan ka masaya, Herlene, suportahan taka. 

Char! Patola lang!  


Pak, ganern!



BEAUTY and brains — ito lang ang masasabi ni yours truly sa nag-iisang Chief Public Attorney of the Philippines, Atty. Persida V. Rueda-Acosta.


Pinarangalan siya ng Highest Achievement in Public Service Award sa 6th Laguna Excellence Awards na ginanap noong Agosto 24, 2025 sa Grand Ballroom ng Seda Hotel Nuvali.


Atty. Acosta has dedicated her life to ensuring that justice is accessible to every Filipino, especially the marginalized and underprivileged. 


Her unwavering commitment, integrity, and passion for public service truly embody the spirit of leadership and compassion.


Ang pagkilalang ito ay hindi lamang testamento sa kanyang kahanga-hangang karera, kundi inspirasyon din para sa lahat ng Pilipino na maglingkod nang may puso at layunin.


Congratulations Atty. Persida V. Rueda-Acosta, a true icon of justice and public service. 


I salute you!



MATIKAS na action star ng showbiz industry at astig na senador ng Pilipinas si Sen. Robin Padilla.


Subalit kapag katabi na niya ang mother dearest na si Lolita Eva Cariño ay lumalabas ang tunay na pagkatao niya.


Napakamapagmahal at mabait na anak si Sen. Robin, ‘di ba naman, Mariel Padilla? 

For sure, “Yes!” ang isasagot ni Mariel. Wanna bet? 


Nagbahagi sa kanyang Facebook (FB) page si Sen. Robin ng video clip na kinakantahan niya si Mommy Eva habang nakaupo ito sa wheelchair.


Aniya, “Sa kanya ko natutunan ang halaga ng disiplina, respeto, at pagmamahal sa kapwa. Ang lahat ng aking ginagawa ay handog ko po sa kanya bilang pasasalamat sa kanyang sakripisyo at walang hanggang gabay.”


Ito ang kantang inawit ni Sen. Robin para sa kanyang mother dearest…“Mama, mama, you know I love you… Mama, Mama, you're the queen of my heart… Your love is like tears from the stars, yes, it is…


“Mama, I just want you to know, lovin’ you is like food to my soul… Yes it is, yes it is…”

Sana all ay may anak na tulad ni Sen. Robin Padilla.


 
 

ni Mercy Lejarde @Showbiz Talkies | Septeber 3, 2025



Dina - IG

Photo: Dina Bonnevie - IG


Nanganak na ang aktres na si Coleen Garcia sa second child nila ng asawang si Billy Crawford na si Austin.


Nag-share sa Instagram (IG) ang aktres ng mga larawan at video na nagpapakita ng masaya at kumpletong pamilya nila sa loob ng hospital pagkatapos ipanganak si Baby Austin.


Caption niya: “On August 17, we welcomed our beautiful baby boy, Austin, into the world. And it was the experience of a lifetime. The plan was another water birth—this time in @stlukesmedicalcenter.


“We decided to go to the hospital when I was already in active labor, but after getting checked, we thought it was gonna take a lot longer since my water hadn’t broken yet, I was only 3 cm dilated, and contractions weren’t painful or uncomfortable despite being so close together for hours. I was still walking around, killing time, feeling totally normal. After some time, they did start to get painful. I was then brought to the delivery room right away.


“When we got to the room, I stood up from the wheelchair, took a couple of steps toward the bed, then suddenly felt a tiny urge to push while I was still standing. I did once, just a little, for relief—until I felt his head coming out. I had to stop mid-push and say the baby was coming! My mom quickly got down to check, and true enough, part of his head was already out! On the next push, he slipped out so quickly that she was the one who caught him!


“In just two quick, silent, and surprisingly painless pushes, he was born EN CAUL straight into her arms. It all happened so fast—I was supposed to get an IE, dim the lights, play some music, soak in the tub. Instead, I gave birth like two minutes after entering the delivery room. I was still standing there in the same spot, looking down at everything, everyone in the room completely shookt—and all I could say was: ‘Well… that happened.’ I was laughing about it, while my mom was stunned and holding the baby in disbelief.


“My first birth caught me off guard and left me with some trauma because I didn’t know what to expect. This birth was the opposite. I was prepared with things I packed but never used, techniques I didn't really have the time to apply, and plans that didn't unfold the way I imagined. Both births were special and beautiful in their own ways, and God carried me through each of those journeys just as He always does. I felt His presence all throughout, and it shielded me from fear and anxiety, reminding me once again that His plan is always greater than mine.”


Congratulations, Billy and Coleen. Babies pa more, char!



BONGGA ang naging komento ng content creator at Pinoy Big Brother (PBB) Celebrity Collab Edition 3rd Big Placer na si Esnyr Ranollo sa latest Instagram (IG) post ng BINI member na si Aiah.


Nagbahagi si Aiah ng mga larawan sa account na nagpapakita ng kanyang magandang mukha at tipong mapang-akit na post.

Saad ni Aiah sa post niya ay simpleng “Hi.”


Hindi naman nagpahuli si Esnyr sa komento niya. Aniya, “Sorry, guys. Kakagising ko lang dito.”


Pabirong sinang-ayunan naman ni Aiah ang comment ni Esnyr. 

Saad niya, “Sorry ipinost kita, dapat pala nagpaalam muna ako.”

Korek ka d’yan, beautiful Aiah, dapat nagpaalam ka muna sa may-ari ng picture bago i-post.


Marami ang natawa sa komento ni Esnyr at nagsabi na, “Ang ganda pala ni Esnyr ‘pag bagong gising.” 


Pak na pak ka d’yan, Esnyr!



TOTOO ang kasabihan na ang pag-aasawa ay suwertehan din. At isa na nga sa mga pinalad na magkaroon ng asawang maka-Diyos at super mapagmahal ay si Angeli Valenciano, ang maybahay ng singer na si Gary Valenciano.


Nag-share si Gary sa kanyang social media account ng larawan nilang mag-asawa at may kalakip na pagbati para sa kaarawan ng kanyang loving wife na si Angeli Pangilinan Valenciano.


Sey ni Gary, “Hey, Hon. What would my world have been like without you? Perhaps it may have ended sometime ago. I know it sometimes gets tough for us to journey through life together, but I’m blessed to have been journeying with you for the past 41 years.

“It’s your b-day, Hon, and as we both come around the bend and head into the home stretch,

I pray we fulfill all that our Lord Jesus still has in store for us to achieve.


“You’ve been instrumental in keeping this heart of mine pumping and for as long as it still beats, I will hold your hand as we walk, run, laugh, cry, pray, praise, and worship together, loving the One who brought us together. I love you, Hon. Happy, happy birthday!”

Binati rin si Angeli ng mga kasamahan ni Gary sa showbiz industry na sina Ogie Alcasid at EA Guzman.


Happy birthday, Angeli.


‘Yun lang, and I thank you.

 
 

ni Ambet Nabus @Let's See | September 3, 2025



Paul Soriano

Photo: Paul Soriano



Opisyal na ngang napili ng Film Academy of the Phils. (FAP) ang Magellan movie para maging entry ng bansa sa darating na 2026 OSCARS.


Matindi at madugong proseso ang pagdaraanan ng movie. Bukod sa laki ng gastos na gugugulin sa promo at marketing, kailangan ng pelikula na maging ‘very interesting’ sa mga voting members na manonood dahil sa haba ng running time nito.


In fact, ayon sa aming napag-alaman, mula sa 9 hours ay naiklian ito ni Direk Lav Diaz ng 3 hours. Still, mahaba pa rin pero tolerable na.


Ang presence ng mga foreign actors gaya ng bidang si Gael Garcia Bernal, ang isa sa mga bentahe ng film para madali itong mapansin. 


And yes, sa point of view nga raw ni Magellan ang laman ng kuwento nito kaya’t huwag na raw tayong umasa na bida rito si Lapu-Lapu (ang nakagisnan nating unang Pinoy hero, ayon sa kasaysayan). The fact is, ni hindi nga raw yata nabanggit man lang si Lapu-Lapu sa istorya.


Sa mga cast members na nabasa namin, bukod-tanging ang beterano at mahusay na aktor na si Ronnie Lazaro ang nagbibidang Pinoy (as Raja Humabon).

Only Pinoy producer din si Direk Paul Soriano bilang isa sa napakaraming mga producers ng movie.


As we said, mahaba, madugo at magastos na proseso pa ang pagdaraanan ng Magellan to make it to the final cut of official nominees para sa Best Foreign Language Film category (at iba pang categories depende sa kampanya).


From sending it as the official entry ng bansa, may marketing at promo campaign, lobbying at pag-iimbitang gagawin sa mga voting members para mapanood nila ang buong pelikula sa iba’t ibang okasyon bago ang botohan.


Let’s just wish for the best na sana, this 2026 edition ng OSCARS ay may Pinoy movie na mapasama sa shortlisted entries na manggagaling sa halos 100 bansa and sana, maging official nominee na after more or less 6 decades nating pagtatangka.



SA dumaraming mga celebrities na sumasali sa mga memes, react post at iba pang socmed (social media) reactions tungkol sa flood control scandal, dumarami rin ang mga nagpapaalala na sana ay dahil ito sa tamang dahilan at rason.


Mula kina Carla Abellana at Anne Curtis, narinig na rin ang boses nina Sarah Geronimo, Matteo Guidicelli, Edu Manzano, Bela Padilla, and of course, Vice Ganda na kahit nasa London ay nagagawa pa ring magpasaring.


At marami pang iba among the socmed influencers bukod sa mga nasa mainstream media gaya ng mga anchors at ilang news commentators.

Pero ‘yun nga, sana raw ay hindi ito ningas cogon (sa umpisa lang) lamang o nakikisakay sa ingay ng madla. Na ‘yung tipong maingay ngayon, bukas tameme na. Na ngayon ay nagmamagaling at nagmamatapang, pero sa mga susunod na araw ay tiklop-tuhod at sara-bibig na.


Nakakaloka ngang kahit ‘yung magkakatrabaho na may personalidad na sangkot sa iskandalo ay pinagtatakhan kung paanong nagkakaroon ng maginhawang samahan?


Halimbawa raw d’yan ay si Ateng Korina Sanchez at mga kasamahang tagapayo sa Face-to-Face (FTF) na may magkakasalungat na opinyon o ‘di kaya’y nasa magkabilang dulo sa mga isyu ng corruption, etc. and yet, appears to be magkakasundo?


Or ‘yung gaya nga raw kay Vice Ganda na super close sa ilang may dynasty sa political family and yet, tinatamaan daw ng mga pasaring nito?

O ‘yung mga artistang nakinabang daw sa mga political advertisement/endorsement or even produced shows na sila ang bida at naningil

nang wagas and yet, nag-aastang hindi nakinabang sa ngayo’y tinutuligsa nilang kurakot?


And yes, lalo na ‘yung mga nag-iimbestiga kuno sa parehong Kongreso at Senado na nagkakani-kanya nang takipan at protekta sa mga interes nila?

Saan ba talaga nagsisimula at nagtatapos ang mga isyung ganito?



FIRST time palang pormal na magkakaroon ng ‘manager’ na matatawag si Gladys Reyes.

Sa halos ilang dekada na nito sa showbiz, informal pala ang kontrata nito sa yumaong si Nanay Lolit Solis at nakabase lang sa trust and confidence.


Kaya naman nagtataka raw ito kung bakit nagiging big deal sa ilan ang pagpirma niya under Star Magic ng exclusive contract.


May mga namba-bash kay Gladys dahil sinasabi nilang kung kailan naman ito nagkaedad na ay saka pa nito naisipang magpakontrata nang eksklusibo, na kesyo nagagawa naman nitong tumawid kahit saang network kaya’t ano pa raw ang “use” ng nasabing kontrata?


Pero sey ng magaling na aktres, “May mga iba pa naman akong kayang gawin bukod sa pag-arte. Malay naman natin kung may ibang mga assignments na puwedeng maibigay sa akin ang Star Magic.”


‘Yun naman pala! Push natin ‘yan, Gladys! Ang isang versatile artist na gaya mo ay hindi dapat nalilimita sa isang gawain lang, kaya push mo ‘yan!

 
 
RECOMMENDED
bottom of page