top of page
Search

ni Mercy Lejarde @Showbiz Talkies | September 28, 2025



FB @Donny Pangilinan_

Photo: FB @Donny Pangilinan_



Nag-donate ang Kapamilya actor na si Donny Pangilinan ng P300,000 para sa kariton vendors na itinampok sa segment na Laro Laro Pick ng It’s Showtime (IS) sa tulong ni Vice Ganda noong Huwebes.


Naantig si Donny sa kuwento ng kariton vendors na sumali sa segment noong Miyerkules kaya agad niyang tinawagan si Vice para mag-abot ng tulong.

“Tumawag talaga s’ya sa akin,” ani Vice. 


Kuwento pa ng Unkabogable Star, “Sabi n’ya, ‘Vice, nadurog ako. Hindi ko kinaya ‘yung episode. May chance ba na makita mo sila ulit? Hindi kaya ng kalooban ko kaya gusto ko magregalo.’”


Nagbigay si Donny ng P15,000 sa bawat isa sa 20 vendors bilang maagang pamaskong handog upang kahit papaano’y maibsan ang kanilang araw-araw na paghihirap.

Ibinahagi rin ni Vice na hindi ito ang huling tulong na manggagaling kay Donny. 

“Hindi lang ito ang ipinangako ni Donny,” ani Vice. 


Pahabol niya, “Hindi lang ito ang una’t huling pagtulong n’ya sa atin.”

Bukod sa donasyon ni Donny, inanunsiyo rin ni Vice na nakahanap na siya ng bagong tahanan para kay Nanay Rosie, isa sa mga vendors na dati’y naninirahan sa ilalim ng tulay.


Samantala, nasungkit muli ang jackpot prize na P100,000 sa Laro Laro Pick matapos masagot ni Nanay Edlyn ang tanong kung ilang zero ang makikita sa P1 trillion.


Higit pa sa pagiging isang programang nagbibigay-saya sa madlang people, iginiit ni Vice na unti-unti na ring nagiging plataporma ng pagtulong ang IS. Hinikayat niya ang publiko na bigyang-pansin ang segment na Laro Laro Pick at suportahan ang adhikain nitong maghatid ng pag-asa at tulong sa mas marami pang Pilipino.


Makisaya sa buong pamilya ng It’s Showtime, 12 NN mula Lunes hanggang Sabado sa GMA, A2Z, at Kapamilya Channel.

‘Yun lang, and I thank you.



“PATRON Saint of Concerned Citizens” at “Queen of Call-out” ang bagong title ng aktres na si Carla Abellana.


Nag-guest si Carla sa Fast Talk with Boy Abunda (FTWBA) kamakailan lang at napag-usapan ang tungkol sa bago nitong title.


Tanong ng mahusay na TV host na si Boy Abunda, “May bago kang title, Patron Saint of Concerned Citizens, Queen of Call-out. Nu’ng narinig mo ‘yan, how do you react?”


Sagot ng magandang aktres na si Carla, “Bago ‘yung Queen of Call-out, ngayon ko lang narinig ‘yan. Sometimes honestly, natatawa lang po ako. Filipinos are so creative. Paano po nila iniisip or how did they come up with such title? Pero I guess in a way, medyo flattered kasi nabibigyan po ng title, nabibigyan ng pansin. So for me, parang laughing matter s’ya.”


Tanong ng King of Talk, “Meron ka bang pamantayan, meron ka bang criteria sa mga bagay na you react to? Ang ibig kong sabihin, ito, I can react to this, because lived experience ko ‘to?”

Sagot ni Carla, “Yes. Ako po, as long as I’m affected by it or it hits me personally, I feel involved or I feel like I’m affected by it directly in some way. That’s when lumalabas po talaga ‘yung frustration, galit, helplessness. ‘Pag ganu’n po, medyo hindi ko na napipigilan mag-call-out or mag-voice out.”


Dagdag na tanong ni Boy, “But this is the other side of Carla na ngayon lang na-highlight. Have you always been this?”


Sagot ni Carla, “Actually, no po. I’ve always been quiet. Quiet lang po ako, ‘di po ako ‘yung nangingialam. Kaya siguro frustration na rin ‘yung trigger because I feel like it’s about time I use my voice. Enough na po ‘yung pagiging tahimik. If you want to prove a certain point, ‘di ba? If it really affects you in a certain way, speak up about it.”


Totoo ang sinabi ni Boy Abunda nang ipakilala niya si Carla sa FTWBA.

Saad ni Kuya Boy, “Maganda, matapang, matalino, talented at one of the best in the business today.”


Pak na pak ka d’yan, Kuya Boy, as in pak, tumpak, ganern!



SUPER lucky ang former Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition (PBBCCE) housemate na si Shuvee Etrata dahil dinepensahan siya ng GMA Network executive na si Madam Annette Gozon-Valdes matapos itong umani ng batikos dahil sa lumang video niya na nag-viral kung saan nabuking na isa siyang DDS. 


Sa social media post ni Madam Annette, nagbahagi siya ng kanyang saloobin tungkol sa pambabatikos kay Shuvee.


Aniya, “Please allow me to clarify an article going around... I am ready to offer my support to Shuvee, any of our artists, or any of my friends when they are wrongfully and unfairly attacked. Shuvee is not ‘die hard’ for any politician. She has had very, very few (and short) posts that have political color in the past. She gave her personal observation and opinions on what she believed to be good acts and bad acts done by the government. If she personally observed that the negative effects of drugs were mitigated in her neighborhood, then let’s respect that... just as we should respect her stand against the shutdown of ABS-CBN.


“Please, let’s respect each other’s opinions. Rather than spread hate and attack each other, we should unite against our common goals such as searching for the truth and ending corruption. Let’s join forces to cancel corruption, not people who work hard for their family. Peace (heart emoji).” 

Very well said, Madam Annette. 


In fairness kay Madam Annette, maganda na, matalino pa, at ang pinakaimportante, meron siyang malinis na puso at respeto sa kapwa.

 
 

ni Mercy Lejarde @Showbiz Talkies | September 25, 2025



Alex Calleja, Gerald at Julia Barretto - IG

Photo: Shuvee Etrata - IG



Naglabas ng pahayag ang former Pinoy Big Brother (PBB) housemate na si Shuvee Etrata matapos muling lumabas online ang lumang video tungkol sa pasasalamat niya sa dating Pangulong Rodrigo Duterte kaugnay ng war on drugs nito.


Nabanggit din ni Shuvee na naawa siya sa dating pangulo nang ito ay arestuhin dahil sa extrajudicial killings.


Bagama’t hindi niya partikular na binanggit ang mga kumakalat na video clips, ibinahagi ni Shuvee ang pahayag sa kanyang Instagram (IG) story.

Humingi ng kapatawaran si Shuvee sa mga taong naapektuhan ng kanyang lumang video na muling naging viral.


Aniya, “Maayong adlaw sa tanan! I’m deeply grateful for the support many of you have shown. Bago lang po lahat ito sa akin, kaya pasensya na po sa lahat ng na-disappoint at nasaktan ko.


“I understand that what I said in the past caused hurt to some and I take responsibility for it.


“Sa totoo lang po, iniiwasan ko po talaga ang magsalita tungkol sa politics dahil napaka-divisive nito. Ang mas mahalaga sa akin ngayon ay ang mahalin ang bayan at manindigan laban sa sumisira nito tulad ng korupsiyon. Lalo na po ngayon.

“‘Wag po kayong mag-alala, natuto na po ako. Lalawakan ko pa po ang pag-iisip ko para sa ating lahat. I will continue to learn and grow.


“Mahal ko po kayo at mahal ko ang Pilipinas lalo na sa panahon ngayon. I stand for and with the Filipino people — always.”


Marami ngang fans ang sumang-ayon sa naging pahayag ni Shuvee Etrata pero marami namang nang-bash at gusto nang tumiwalag bilang tagahanga niya.



May Stage 4 cancer, maraming naawa… 

PAGPAPAGAMOT NI ATE GAY, PATI CONDO NA TITIRHAN, LIBRE NA!



MASAYANG ibinalita ng comedian at TV host na si Ate Gay sa kanyang social media post na may nagbigay sa kanya ng tulong para sa libreng pagpapa-chemotherapy at radiation sa Asian Hospital.


Aniya, “Magandang balita po, magpapa-chemo at radiation na po ako sa Asian Hospital nang libre sa tulong ng isang anghel. Nagpapasalamat po ako sa inyong mga mensahe. 

“‘Di ko man ma-reply-an, taos-puso akong nagpapasalamat sa sobrang dami. Patuloy lang po ang panalangin (praying & heart emoji).


“P.S. Baka po may nirerentahan kayong condo o apartment na malapit sa Asian Hospital. Gusto ko po manatili para sa 35 days na gamutan. Maraming salamat po.”


Nakakatuwa na saglit lang nag-post si Ate Gay tungkol sa paghahanap niya ng matitirahan malapit sa Asian Hospital ay may sumagot na agad sa kanyang hiling.

Saad ni Ate Gay sa kanyang Facebook (FB) page, “Ang babait naman ninyo, may libre na akong matitirhan sa Ananda Condominium, Zapote, Alabang. Nasa America daw siya at walang nakatira sa unit n’ya. Huhuhu! Thank you po! Fan ko raw ang lolo n’ya.”


Ibinahagi rin ni Ate Gay sa kanyang post na binisita na niya ang kanyang matitirhan.

Aniya, “Binisita ko na ang aking titirhan sa loob nang 35 days sa Zapote, Alabang na malapit sa Asian Hospital. Salamat sa mga anghel na tumutulong sa akin, salamat sa panalangin. Titira ako ng (sic: nang) libre at kumpleto sa gamit. Mapapadali ang aking paggaling.”

Dagdag pa ni Ate Gay, “Maraming nagmamahal sa akin. Thank you sa anghel na nagdala sa akin sa Asian Hospital. Thank you Lord.”


Matatandaan na na-diagnose si Ate Gay ng Stage 4 cancer na ang tawag ay mucoepidermoid carcinoma — isang uri ng cancer na nakakaapekto sa mga salivary glands (glandula ng laway), pero maaari ring lumitaw sa ibang mga bahagi gaya ng lalamunan at baga.


Hangad namin ang mabilis mong paggaling, Ate Gay.



KASADO na ang anim na kiddie hopefuls na aarangkada para magpasiklaban sa kantahan sa Final Showdown ng Idol Kids Philippines (IKP) matapos makamit nina kiddie hopefuls Klied, Sean, at Yassi ang tatlong huling slots ng kompetisyon.

Makakasama nila ang unang tatlong nagwaging makapasok sa Final Showdown na sina Alexa, MJ, at Quin.


Ibinida ni Klied ang kanyang bersiyon ng Liwanag sa Dilim ng Rivermaya na nagpakita ng linaw at kontrol sa boses at nagpamalas ng matinding emosyon sa bawat himig.

Hindi rin nagpahuli si Sean sa kanyang emosyonal at makabagbag-damdaming bersiyon ng kantang Himala ng parehong banda.


Nagpakitang-gilas naman si Yassi sa sarili niyang bersiyon ng Anak ni Freddie Aguilar at nagbigay ng emosyon at lalim sa bawat linya ng awitin.


Samantala, nagpakilig sa huling linggo ng live semifinals ang Filipino boy group na BGYO sa kanilang bagong kantang Headlines, tampok ang nagbabagang moves nina Gelo, Akira, JL, Mikki, at Nate.


Napaindak din ang madla sa energetic performance ni Idol Philippines Season 2 Grand Winner Khimo Gumatay na inawit ang bago niyang kanta na Isayaw Mo Lang.

Mas mainit na puksaan sa kantahan ang aabangan ngayong Sabado at Linggo (Setyembre 27 at 28) sa Final Showdown ng top 6 kiddie hopefuls sa harap ng Kapamilya Idol judges na sina Regine Velasquez-Alcasid, Angeline Quinto, Juan Karlos, at Gary Valenciano.


Abangan ang Final Showdown ng Idol Kids Philippines ngayong Sabado at Linggo, 7:15 PM hanggang 8:30 PM sa Kapamilya Channel, A2Z, at Kapamilya Online Live, at 8:00 PM hanggang 9:15 PM sa TV5.

‘Yun lang, and I thank you.


 
 

ni Ambet Nabus @Let's See | September 25, 2025



Jinggoy Estrada - Senate PH

Photo: Kim Chiu / IG



Burado na raw ang mahabang litanya ni Kim Chiu tungkol kay Senador Rodante Marcoleta kaya’t nagtataka ang marami kung natakot daw ba ang aktres-host o

may nagpayo lang dito na burahin ito?


Marami kasi ang naniniwala na may point naman ang hanash ni Kim lalo’t sa tingin niya ay laging pinaiiral ng senador ang galit kaya’t napupulaan umano ang pagiging “biased” nito sa ginagawang hearing sa Senado. 


Pinuri rin ng marami ang pagiging diretso ni Kim kontra sa senador.

May nagsasabi namang baka naduwag si Kim lalo’t naiugnay niya ang isyu sa naging stand noon ni Marcoleta sa pagpapasara sa ABS-CBN. May nagsabi pang bihira na ngang makapuntos nang bongga si Kim sa kagayang isyu, pero bigla naman daw umurong ang buntot nito?


Well, ‘yan ang maganda sa demokrasya. May kani-kanyang pintas at puri. Ang mahalaga sa aming pananaw ay naipahayag ni Kim ang kanyang mensahe at naunawaan ito ng marami.


Whether may nagsabi sa kanyang burahin ‘yun or what, the fact remains that Kim is indeed among our outspoken celebrities na may kakayahang magpahayag ng saloobin. 


‘Yun nga lang, kapag nagiging partisan na o may isusulong na ibang lider-pulitiko, du’n na nagrarambulan ng opinyon at puna. Hahaha!



Nakakaloka ang paratang ng isang netizen kay Cristine Reyes na diumano’y sumasabay ang character development sa lagay ng kanyang love life.


Noon daw kasing si Marco Gumabao ang karelasyon nito at naranasan nitong mangampanya, mukha raw para sa administrasyon ang paniniwala nito. May mga nagsabi pang mukhang tumiwalag na raw ito sa tropa ni Imee Marcos na ang ingay-ingay noon sa socmed (social media) at pabor na pabor kay Vice-President Sara Duterte.

“But look at her now. With her new dyowa, Gio Tiongson, aba’y nag-shift na naman ito ng kanyang political color (pinklawan). Seems like may bagong twist sa kanyang character ngayon,” obserbasyon ng netizen.


Ang tinutukoy nga ng netizen ay ang pag-join din ni Cristine kasama ang sinasabing BF sa mga naganap na rally kamakailan kontra-corruption, pero may mga political figure na sinamahan nang dahil nga sa dyowa nitong political analyst.


“Teka lang, hindi ba’t na-introduce na rin siya ng ate niyang si Ara (Mina) sa Discaya couple? Paano ngayong nag-shift na s’ya ng bakod? Ano’ng nangyari sa Pasig connection ng family nila?” tanong pa ng mga mausisang netizens.




Ipinalit kay Julia ng aktor, imposible raw…

VANIE, IBA ANG TYPE, ‘DI SI GERALD



THIS time, gusto naming maniwala na magkakilala lang o baka may mga common friends lang talaga sina Gerald Anderson at Vanie Gandler. Na wala silang romantic involvement (for now, ha?) at totoong sports lang ang dahilan kung bakit sila nauugnay sa isa’t isa.


We have been monitoring and covering volleyball events in general (both men’s and women’s), kaya’t imposibleng wala rin kaming ma-Marites sa kanila kung meron man.

Nasa iisang gym lang nagte-train ang ilan sa mga teams ng volleyball at nagkataon na isa nga si Gerald sa mga may koneksiyon sa naturang gym. Normal na magkita-kita, magtsikahan, alaskahan at kuwentuhan ang mga athletes na nandu’n at makabuo ng tropa-tropa.


But we never discount the possibility na puwede namang magkaroon ng special attachment ang dalawa kung tunay mang may atraksiyon sila or what.


Ang masama lang sa usapin ay dahil si Gerald ang lalaki. Siya itong may mga previous record ng ghosting at diumano’y panloloko noon sa mga naging karelasyon. Nasa kanya kumbaga ang burden of proof para paniwalain ang sambayanan na hindi niya niloko si Julia Barretto nang dahil kay Vanie.


Pero ‘ika nga ng aming colleague sa sporting world, “Hindi talaga, eh. Imposible talaga,” na sina Vanie at Gerald na raw.


Dahil ayon pa sa same source, “Iba ang type, eh.” 

Aguy!


 
 
RECOMMENDED
bottom of page