top of page
Search

ni Nitz Miralles - @Bida | April 11, 2021




Ang tweet ni Zsa Zsa Padilla na “Been in pain for 5 days already. Don’t know what to do ‘coz the hospitals are full of COVID patients. I may need to go in and get the MRI test that I need. Good Lord have mercy!”


May kasunod pang tweet si Zsa Zsa na “Full for COVID. 'Yun na nga, napabayaan na din natin health natin kasi wala na checkup sa ibang sakit na nararamdaman. Huhuhu. Paano na?”


Sa naunang tweet, nabanggit ni Zsa Zsa na may pain sa kanyang back at leg, pero hindi sinabi kung ang area na ‘yun ng body niya ang kailangan ng MRI.



Nakalulungkot lang na sa ganu’ng tweet, na-bash pa rin si Zsa Zsa dahil OA raw siya dahil kung pupunta siya ng hospital, iba ang wing ng COVID patients sa non-COVID patients.


Pero, may rason ang takot ni Zsa Zsa na pumunta ng hospital at totoo ring hassle kahit magpa-checkup lang dahil sa ibang hospital, kailangang magpa-swab test muna bago makapagpa-checkup.


 
 

ni Ador V. Saluta - @Adore Me! | April 10, 2021




Maaga pa para sabihing didiretso na nga sa altar ang apat na buwang relasyon nina Diego Loyzaga at Barbie Imperial, pero nakakabilib ang aktor na ipinagsisigawang si Barbie na nga ang 'the one' sa kanyang buhay at puso.


Bubot pa man ang pundasyon ng kanilang pag-iibigan, hinog naman ang pagsasabi ng aktor na si Barbie na ang gusto niyang makasama sa habambuhay, at bumuo ng sarili nilang pamilya. Naniniwala kasi ang binatang aktor na sa kasalan din mapupunta ang pag-iibigan nila ng Kapamilya star.


Bagama't naniniwala si Diego sa long engagement bago sila lumagay sa tahimik o magpakasal, ayon sa bida ng Encounter, case-to-case basis lamang daw ito.


“Oo naman, okey ang long engagement, pero puwede rin naman na hindi. Depende 'yun sa inyo kung gaano kayo magklik kaagad, 'yung nagkakaintindihan na talaga, na on the same page na talaga kayong dalawa,” bulalas ng aktor nang matanong tungkol sa long engagement.


“Kasi 'yung pupuntahan n'yo eventually is marriage, have a family, have kids. So, ganu'n ko siya tinitingnan with Barbie, and ganu'n din naman niya tinitingnan with me. We understand each other. And not every day is a good day but just like any other relationship, we understand each other even more on bad days. So it’s not a secret but it’s easier said than done,” pahayag ng binata.


Sinisigurado ni Diego na si Barbie na ang kanyang “the one”, ang kanyang pakakasalan.

“Oo, sa nakikita ko!” mariin niyang sabi.


Understanding o pang-unawa ng isa't isa umano ang pundasyon ng kanilang pagmamahalan.

"Para sa akin kasi, 'yung love or being in a relationship, it’s a never ending compromise.

“You’re two individuals who want to be a team or an item or parang a unit—isa kayo. So siyempre, meron kayong mga differences, meron kayong mga hindi pagkakasunduan. Pero marami rin kayong mga likes sa isa’t isa, so there’s no secret to it. It’s work. It’s like any relationship naman, even friendships ganu'n din,” paliwanag ng aktor.


Samantala, patok sa panlasa ng karamihan ang seryeng Encounter na pinagbibidahan nina Diego Loyzaga at Cristine Reyes na mapapanood sa TV5 tuwing Sabado, 8 PM.


Bilang sina Gino at Selene sa Koreanovela adaptation, malakas ang chemistry ng dalawa na ayon pa sa isang viewer na si Jojo V, "Worth waiting. Maaga kasi akong natutulog dahil sa maagang trabaho and yet, naglaan ako ng oras para sa Encounter."


Sa comments section naman na ipinost ng TV5 about Encounter, ani Divyne Chui, "Ang ganda ng pilot episode, sana weekdays na lang ipapalabas."


In fairness, maraming naka-miss kay Diego lalo na't nasa tamang pangangatawan ito sa ngayon.

"Yummy! Oozing with sex appeal!" komento ni Jomy C. ng Sta. Barbara, San Mateo.


Kaya naman maraming gustong 'kulamin' si Barbie dahil siya ang nakabakod ngayon sa anak ni Teresa Loyzaga (courtesy ng aktor na si Cesar Montano).


 
 

AT MAKAHAWA


Julie Bonifacio - @Winner | April 10, 2021




Nagbigay ng mahalagang impormasyon ang It's Showtime host na si Vice Ganda sa kanyang Twitter account ukol sa pagtuturok ng COVID vaccines sa mga Pinoy.


May mga sitsit kasi at kumukuwestiyon sa effectiveness ng mga vaccines na ginagamit ng pamahalaan sa ating mga kababayan.


At the same time, may mga negatibong balita na ring kumalat tungkol sa mga insidente pagkatapos mabakunahan.


Bukod sa mahalagang impormasyon na ipinost ni Vice sa kanyang Twitter account, nagbigay din siya ng paalala sa publiko.


"IMPORTANT FACT. Kahit nabakunahan ka na ay posible ka pa ring magka-COVID-19 at makahawa. Ang tanging magagawa lang nito ay 'di ka magkaroon ng malalang komplikasyon. KAYA 'WAG MAGPAKAKAMPANTE. You still need to wear your mask, mag-social distancing at maghugas ng kamay," tweet ni Vice.


Sinang-ayunan ng mga netizens ang tweet ni Vice.


"True! I have a friend with complete vaccine from Pfizer nu'ng January. Galing abroad, umuwi siya ng 'Pinas nitong March. Positive siya ngayon, kakakuha lang ng swab result kanina kasi babalik na dapat sa abroad bukas. Ihahatid ko dapat sa airport."


"Agree! Got my first dose dito sa California and still wearing my mask, social distancing & constantly washing my hands! I'm praying for you, Philippines! Be safe! God bless!"


May nag-comment din sa tweet ni Vice na mabuti at nag-post siya ng ganyang mensahe.


"Good you shared this. Feeling ko nga, kaya tumaas ang COVID cases, simula nu'ng dumating ang vaccines kasi akala ng mga tao, eh, immune ka na, but noooo."


Nakakabilib din talaga ang local artist na aktibo sa paglalabas ng kanilang mga saloobin sa mga nangyayari sa ating bansa using their different social media platforms.


Very relevant pa rin sila kahit na isa sa pinaka-affected sa pandemya at paulit-ulit na pagdedeklara ng lockdown sa bansa ang entertainment industry.



 
 
RECOMMENDED
bottom of page