top of page
Search

ni Mylene Alfonso @News | February 3, 2026



Sara Duterte at PBBM - FB

File Photo: Sara Duterte at PBBM / FB



Idineklara kahapon ng House Committee on Justice na sufficient in form ang dalawang impeachment complaint na inihain laban kay Pangulong Ferdinand Marcos, Jr.

Sa isinagawang pagdinig ni Batangas Rep. Gerville Luistro, chairman ng komite, idineklarang sufficient in form ang reklamong inihain ni Atty. Andre de Jesus at inendorso ni Pusong Pinoy Partylist Rep. Jernie Jett Nisay sa botong 46-1 at isang abstention.


Ang reklamong inihain at inendorso ng Makabayan bloc ay idineklara ring sufficient in form sa botong 45 pabor, siyam na tutol, at isang abstention.


“Tapos na, both complaints were declared sufficient in form. For tomorrow we will be moving to the determination of sufficiency in substance,” wika ni Luistro.


Ipinaliwanag ni Luistro na ang sufficiency in form ay tumutukoy sa formal requirements ng isang reklamo gaya ng pirma ng mga complainant, endorsement, at panunumpa rito ng mga naghain.


“Bukas po, tatalakayin naman ang sufficiency in substance. 'Pag sinabi po nating substance dapat 'yun pong mga isinulat nila doon na pagkakamali ng impeachable official they must constitute the offense which is the ground for impeachment,” ani Luistro.


“The recital of facts must constitute the offense determinative of the jurisdiction of then Justice committee. Hindi po sapat na nakasaad dun 'yung mga pagkakamali. Ang tanong ito bang pagkakamaling ito, ito ho ba ay impeachable offense,” pahayag ng kongresista.

Samantala, dalawang magkasunod na verified at endorsed impeachment complaints ang inihain laban kay Vice President Sara Duterte sa House of Representatives.


Aabot sa 45 miyembro ng militanteng grupo at dating Makabayan bloc solons ang muling nagsampa ng unang reklamo laban kay VP Sara sa harap ni House Secretary General Cheloy Garafil alas-8:40 ng umaga kahapon.


Ito ang unang impeachment complaint na inihain laban kay VP Sara sa kasalukuyan matapos pagtibayin ng Supreme Court ang desisyon nito na ibasura ang unang articles of impeachment laban sa kanya.


"Ngayong araw, ang Makabayan bloc ay nag-submit ng impeachment complaint—round two—laban kay VP Sara Duterte. 'Yung complaint natin ay basically on betrayal of public trust,” pahayag ni dating ACT Teachers Rep. France Castro, isa sa mga naghain ng unang reklamo.


Inendorso ang unang reklamo nina incumbent Makabayan bloc solons ACT Teachers Partylist Rep. Antonio Tinio, Gabriela Partylist Rep. Sarah Elago, at Kabataan Partylist Rep. Renee Co.


Kabilang sa naging batayan ng inihain nilang reklamo ang umano'y betrayal of public trust at gross abuse of discretionary powers sa pagwawaldas umano nito sa confidential funds ng Office of the Vice President (OVP) at Department of Education (DepEd).


Kaugnay nito, 17 civil society at religious group member ang nagsampa naman ng ikalawang reklamo laban kay VP Sara, alas-10:12 ng umaga.


Inendorso ang ikalawang reklamo nina Mamamayang Liberal (ML) Partylist Rep. Leila de Lima at Akbayan Partylist Rep. Perci Cendaña.


Kabilang sa grounds ng ikalawang reklamo ang betrayal of public trust kaugnay ng maling paggamit ng confidential funds, graft and corruption, at abuse of power.

Samantala, sinabi ni Atty. Michael Poa na hindi na ikinabigla ng kampo ni VP Sara ang mga panibagong impeachment complaint na inihain laban sa kanya.


 
 

by Info @News | January 23, 2026



Sara Duterte / Bongbong Marcos

Photo: Inday Sara Duterte / Bongbong Marcos / FB



‘THAT WOULD REALLY PAINT A BAD PICTURE OF US INTERNATIONALLY’


Ikinababahala ni Senator JV Ejercito ang mga posibleng masamang epekto ng impeachment complaints laban kina Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at Vice President Sara Duterte sa bansa.


“Kung matutuloy nga ‘yung impeachment ng dalawa, then that would really paint a bad picture of us internationally. That will paint political instability,” ani Ejercito.


“Mayroon na nga tayong flood control scandal, tapos mayroon pang mga impeachment. So nothing positive to look forward to eh,” dagdag pa ng senador.


Iginiit ni Ejercito na walang masama sa pagpapanagot ng mga tiwali, pero aniya, “kailangan, may i-showcase din tayo. We have to show the world that we are still doing something positive for the country.”


 
 

by Info @News | November 13, 2025



VP Sara Duterte at Usec. Claire Castro - OVP-PCO

Photo: VP Sara Duterte at Usec. Claire Castro - OVP-PCO



Sinabi ni Vice President Sara Duterte na nagdadala umano ng kahihiyan sa bayan si Palace Press Officer at Presidential Communications Office Usec. Claire Castro matapos ang kritisismo nito sa pagsusuot niya ng ‘Snow White Costume’ noong Halloween.


“Nagdadala ng kahihiyan sa bayan kasi itinalaga siyang spokesperson ng pinakamataas na opisina sa ating bayan, ayan ang Office of the President. Kapag nagsasalita siya at isinusulat ninyo [media], nababasa ‘yun ng hindi lang ng mga Pilipino kundi ng ibang lahi. Nagdadala ‘yun ng kahihiyan,” ayon kay VP Sara.


Buwelta pa niya, “Lagi ko namang sinasabi noon na siguro dapat ‘wag nang bigyan pansin ang kanyang mga sinasabi at mga statements. Kasi kapag binigyan mo ng pansin ‘yan ay nabubuhay ang kanyang career.”

 
 
RECOMMENDED
bottom of page