top of page
Search

ni Rohn Romulo @Run Wild | February 24, 2023



ree

Mukhang totoo ngang pinagbawalan nang magpaseksi si David Licauco, na tiyak na ikalulungkot ng mga beki at nagpapantasya sa 'Pambansang Ginoo'.


Dahil nga sa tagumpay ng Maria Clara at Ibarra, minahal at kinagiliwan si David sa pagganap niya bilang si Fidel at may nabuo pang love team nila ni Barbie Forteza.


Inalis na raw si David sa Bench Body kung saan kasa-kasama niya ang kapwa-Kapuso hunk actors na sina Derrick Monasterio at Paul Salas, na naka-briefs na talaga namang pinagpiyestahan.


Kaya namnamin na ang sexy photos ni David dahil hindi na raw ito makikitang naka-underwear sa mga billboards, lalo pa nga't next month na ang summer campaign.


At sa newest solo billboard ads ni David sa Guadalupe, pa-wholesome na nga ang pictorial niya from daring dahil nakasuot siya ng puting sando at pantalon para sa denim line ng Bench.


Sa Instagram post ni David, ibinahagi niya ang billboard at nagpapasalamat sa kasikatang tinatamasa ngayon.


"Come pass by EDSA Guadalupe and take a [photo] of BENCH's billboard!" caption niya.


Mukhang iiwanan na niya kay Derrick ang pagpapa-sexy sa underwear shoots, bagama't may mga photos pang lalabas na magkasama ang dalawang hunks.


Sa tingin din namin, bigla rin niyang naangatan sa kasikatan sina Derrick at Paul.


Samantala, sakto rin ang launch ng BlueWater Day Spa kamakailan kay David bilang celebrity endorser kasama ang mga beauty queens na sina Tracy Perez, Gwendolyn Fourniol, Alison Black, Ashley Montenegro, Ingrid Santamaria at Beatriz Mclelland.


Sa naturang spa na lang muna siguro maghuhubad at magpapakita ng kanyang sexy body si David, dahil off-limits muna at kailangang maging wholesome. But for sure, magkakaroon din ng solo billboard si Fidel para rito at dapat lang samantalahin habang pinag-uusapan pa.


At dahil nga sa tagumpay ng Team FiLay, magsasagawa sina David at Barbie ng Thanksgiving Fans Day sa Pebrero 26 sa Ayala Malls Clover Leaf.


 
 

ni Rohn Romulo @Run Wild | February 22, 2023



ree

Pinalakpakan at pinuri ang mahusay na pagganap ni Juan Karlos 'JK' Labajo bilang Ninoy Aquino sa musical film na Ako Si Ninoy na palabas na simula ngayong Feb. 22 sa mga sinehan sa buong bansa.


Mukhang kinarir talaga ni JK ang pag-arte na aminado namang na-enjoy at nailabas din niya ang husay sa pag-awit, lalo na sa makabagbag-damdaming film version ng hit song niya na Buwan, na pasado at swak naman sa eksena.


Sa celebrity premiere ng musical film na isinulat at idinirek ni Vince Tañada, nagbiro si JK na parang gusto na raw niyang iwan ang singing at umarte na lang, lalo pa nga't nagampanan niya nang buong husay ang role na kinatakutan niya sa simula.


Sa premiere ng movie, isa ang anak nina Senador Ninoy at dating Presidente Cory Aquino na si Viel Aquino-Dee na sumuporta at nanood.


Nandu’n din sina former Sen. Bam Aquino at Direk Joel Lamangan na may movie namang Oras de Peligro na showing on March 1.


Anyway, natanong naman si JK na after maidirek ng multi-award-winning na si Atty. Tañada, type ba niyang maidirek din ng kontrobersiyal na si Darryl Yap?


Isang big 'NO' ang isinagot ni Juan Karlos na mamahalin n’yo sa Ako Si Ninoy.


 
 

ni Rohn Romulo @Run Wild | February 8, 2023



ree

May lumabas naman na tsika na type rin daw ng mga award-winning actresses na sina Sharon Cuneta at Lorna Tolentino na makapag-guest din sa Batang Quiapo ni Coco Martin.


Parehong naging bahagi ang mag-ate sa showbiz na sina Shawie at LT sa FPJ's Ang Probinsyano.


Pagbibiro pa ni Mega, papayag daw ito na maging tindera sa Quiapo makapag-guest lang, dahil napamahal na sa kanya si Coco, lalo na kay Julia Montes, sa maikling panahon ng pagsasama nila sa serye.


Maging si Lorna ay nagwi-wish din na muling makasama sa serye ng aktor at matagal-tagal din ang kanilang pinagsamahan, na nagsimula bilang guest, pero dahil sa mahusay na pagganap bilang kontrabida, umabot siya hanggang sa ending.


Well, sa ngayon ay hanggang wish na lang muna ito at malabo pang mangyari sa first season ng remake ng FPJ blockbuster film.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page