top of page
Search

ni Reggee Bonoan @Sheet Matters | August 30, 2025



Gigi De Lana - Julius Babao Unpulugged

Photo: Gigi De Lana - Julius Babao Unpulugged

  

Finally, kinlaro na ng singer na si Gigi de Lana ang isyung nabuntis siya ni Gerald Anderson sa Unplugged YouTube (YT) channel ni Julius Babao na in-upload kagabi.

Ilang araw o linggo nang nababalitang isa sa mga dahilan kung bakit nasa cool-off stage ngayon ang celebrity couple na sina Gerald at Julia Barretto ay dahil nabuking na nagkaroon ng something si Gigi at ang aktor.


Sa ilang beses na naming nakapanayam si Gerald para sa serye niyang Sins of the Father (SOTF) ay ayaw niya itong pag-usapan at sabay iling na maski ang ibang kakilala ng binata ay hindi naniniwala na nagkaroon sila ni Gigi ng something.


Nagkatrabaho sina Gerald at Gigi sa TV series na Hello Heart (HH) noong 2021 hanggang 2022 at wala namang balita noon na sila na dahil bago pa noon sina Ge at Julia.


Going back to Gigi, diretsong tinanong ni Julius, “Fake news number 1, buntis ka raw?”

Natatawang sagot ng dalaga, “Hindi po. Hahaha! I’m not pregnant with whom?”

Hirit ng host, “Obvious naman ‘no (hindi buntis). Pero nagkasama kayo ni Gerald?”

Kuwento niya, “Opo, napakabait na tao, ‘yan si Ge. Masarap katrabaho kasi marami akong natutunan sa kanya as an artista at grabe, very humble, very sweet s’ya sa lahat.”

“Fake news number 2, nagda-drugs ka raw?” tanong ni Julius.


“No! Ang pinaka-drugs ko lang ay ‘yung cats ko at foodie ako,” diin ni Gigi.

Hayan, nagsalita na si Gigi na walang katotohanan ang buntis issue kay Gerald. At kaya naman napagdududahang nagda-drugs si Gigi ay dahil payat siya ngayon kumpara dati na may laman.

“Ang daming nagsasabi na ang taba ko kasi, nakikita n’yo na mataba ako dati at healthy ako. Actually, doon muna sa sinasabing healthy ako that time (ipinakita ang lumang larawan), no, I’m not healthy nu’ng time na ‘yun kasi meron akong bad eating habits. Kakain ako hangga’t sobra akong mabusog and then (sabay turo sa bunganga – bulimia).


“I’m bulimic po (nagulat si Julius). Opo, nu’ng time na ‘yun. Nu’ng time na ‘yun, hindi ako aware. I’m very open about this, ha? Sa mga bulimic d’yan, I think you should be aware kasi it’s really bad for you. Kasi kumakain ka, tapos iluluwa mo? Eh, maraming taong hindi nga nakakakain, tapos iluluwa mo?


“Hindi ako ‘yung nakapansin kasi I’m not really aware sa ganu’ng sakit. Ginagawa ko lang para pumayat ako. I want to eat what I want as many as I can and then, isusuka ko ‘pag nakita kong medyo gumaan na ‘yung tiyan ko. Tapos, stop ko na.


“Pero now, I’m happy na hindi na po ako ganu’n. Yey! At nakatulong na maging aware ako na kailangan kong kumain ng healthy at sapat lang. I’m not really fat, I’m just unhealthy. Now, I’m healthy kasi ang daming nagwo-worry na ang payat-payat ko na.

“May check-up ako every 6 months at ‘yung eating habits ko now is controlled kahit 4 times a day ako kumakain,” pagtatapat ni Gigi.


Sabi ni Julius, “Oo nga, nakita ko kanina kung kumain ka, parang ibon.”

“Yes, ‘pag nararamdaman kong meron nang laman ang tiyan ko, not super full, I’m good. Kasi kapag super full, ina-acid na ako, so I need to take care of myself.


“Ang pinaka-best na ginagawa ko ngayon, share ko na rin, ‘yung garlic, ibabad mo sa raw honey for one week and then you take the raw garlic every morning after fermentation, without eating or drinking. Tapos kimchi is good din for your health. Puwede mong pagsabayin, garlic and kimchi, para ka nang nag-samgyup. Then after 30 minutes, drink hot water, eliminates acid. It works for me,” paliwanag pa ni Gigi.


Limitado na ang food intake ni Gigi kaya maintained na ang katawan niya ngayon at sinabayan pa ng workout. 


At wala na rin siyang bulimia ngayon.


Nangyari raw ito noong nagkasakit ang pinakamamahal niyang ina hanggang sa nawala na ito sa piling niya.



‘Di lang daw 1 taon at 2 buwan, 3 yrs. old na… 

AJ AT ALJUR, TAMEME SA IBINULGAR NI JERIC NA MAY ANAK NA SILA



MAY natanggap kaming tsika mula sa taong mapagkakatiwalaan na sinabing hindi lang isang taon mahigit ang edad ng panganay nina AJ Raval at Aljur Abrenica kundi may tatlong taon na raw.


Kamakailan ay inamin ng tatay ni AJ na si Jeric Raval na dalawa na ang apo niya sa anak, isang lalaki at isang babae na ang edad ay isang taon at dalawang buwan, at ang bunso ay siyam na buwan.


May mga lumabas pang dalawang buwan ang bunso nina AJ at Aljur kaya may mga nagsabing nalilito na si Jeric sa dami ng apo niya.


Gusto naming isiping masakit ang ulo nu’ng gabing ‘yun ni Jeric dahil panay ang hawak niya sa batok at ulo na pasimpleng dinidiinan. Baka kulang siya sa tulog dahil sunud-sunod ang puyat niya.


Anyway, anuman ang totoo, tatlong taon o mahigit isang taon na ang panganay nina Aljur at AJ, ang mahalaga ay umamin na silang may mga anak na sila, at vindicated ang mga nagsulat o nagbalita.


Ang hinihintay ng lahat ay ang statement naman nina Aljur Abrenica at AJ Raval tungkol sa pagkumpirma ng kanilang ama.

 
 

ni Reggee Bonoan @Sheet Matters | August 25, 2025



Aljur Abrenica at AJ Raval - IG

Photo: Mayor Vico Sotto / viral posts / Circulated - FB

  

Makalipas ang isang taong pagde-deny na nabuntis at may anak na si AJ Raval, heto at inamin na mismo ng tatay niyang si Jeric Raval na dalawa na ang apo niya kay AJ at si Aljur Abrenica ang ama.


Binalikan namin ang nasulat dito sa BULGAR noong Agosto 29, 2024 na mariing itinanggi ni Jeric ang tsikang may viral photo na may kasamang bata si AJ at boyfriend nitong si Aljur.


Sagot noon ni Jeric sa amin, “Apo ko ‘yun sa anak ko, si Ace, ‘yung rapper. Alam n’yo, ang dami kong apo, 13, magpo-14 na. Sabay-sabay ‘yan, maliliit pa. Siguro, isa sa mga apo ko ang kasama (sa viral photo). Natawa lang ako nu’ng makita ko.”


At heto nga, Agosto 2025, ang edad ng mga apo ni Jeric kay AJ ay isang taon at apat na buwan, at isang siyam na buwan. Bahala na ang mga readers na magbilang.


Nakakatuwa ring parehong event namin siya nakausap, noong nakaraang taon sa premiere night ng Mamay: A Journey to Greatness (MAJTG) sa SM Megamall, at ngayong taon naman sa victory dinner ng pelikula matapos makakuha ng limang FAMAS awards mula sa 10 nominations, bukod pa sa dalawang special awards para kay Nunungan Vice-Mayor Marcos Mamay: ang Best Producer at Presidential Award.


Sa kasalukuyan, ayaw na raw ni AJ mag-artista kahit ilang beses siyang sinasabihan ng tatay niyang si Jeric at hinahanap pa siya ng Viva at ilang kilalang aktres na gustong isama siya sa project.


Aniya, “Ayaw na mag-artista kasi maramdamin ‘yun. Dinidibdib n’ya ‘yung mga namba-bash

sa kanya, sensitive s’ya sa ganu’n. Sabi ko nga sa kanya (AJ), basta mainit sa kusina, lumabas ka. Eh, ngayon, napagkumpara n’ya, mas tahimik ngayon (wala sa showbiz).”


Hindi naman daw pinagbabawalan ni Aljur si AJ na magbalik-showbiz.

“Wala, nasa bahay lang s’ya. Sabi ko nga, bumalik na, eh, walang sagot, make face lang,” kaswal na sabi ng itinanghal na 73rd FAMAS Best Supporting Actor para sa Mamay.


Nabanggit din kung malaki na ba ang mga apo niya kay AJ, “Kakapanganak pa lang, eh. ‘Yung mga bali-balita noon, hindi naman ‘yun (sabay kamot sa ulo). Ngayon lang, siyam na buwan pa lang.”


Tinanong namin kung sino’ng kamukha, “Ako!” natatawang sabi ng proud lolo.

Babae ang bunsong apo na siyam na buwan pa lang, at lalaki ang panganay na isang taon at apat na buwan na.


“Babae at lalaki, dalawa na. Tawag ko (sa lalaking apo), AlJunior,” masayang sabi ng aktor.

For the record, sino nga ba ang tatay ng panganay na anak ni AJ? 

“Si Aljur,” sagot ni Jeric.


Kung dati ay malapit ang bahay ni Jeric kina AJ, ngayon ay hindi na.

“Dati isang subdivision lang kami, few blocks lang. Ngayon sa Carmenville na sila, sa Angeles, Pampanga.”


Sa edad na 23, naniniwala si Jeric na makakabalik pa sa showbiz ang anak niya. Bata pa raw ito at may paghuhugutan na kaya mas magiging mahusay pagbalik.


Samantala, muling napatunayan ni Nanay Cristy Fermin ang kanyang scoop dahil siya ang unang nagbalita noon na buntis si AJ at malapit nang manganak.


Mariin man itong itinanggi noon ng Viva management ni AJ, nanindigan si ‘Nay Cristy na totoo ang impormasyon niya dahil napaka-reliable ng kanyang source.


Isinulat din namin ang balitang ito hanggang sa hindi na kami naimbitahan ng Viva sa events nila dahil sinisira raw namin ang kanilang prime talent na si AJ, na that time ay kaputukan ng projects at halos linggu-linggong may presscon.


Kaya sa mga pilit na sumisira sa kredibilidad ni ‘Nay Cristy na puro tsismis lang daw ang ibinabalita, paano ngayon ‘yan, lumabas din ang totoo!


Lagi ngang sinasabi ni ‘Nay Cristy sa programa niyang Cristy Ferminute (CF) kasama si Romel Chika, at sa online show na Showbiz Now Na! (SNN) kasama sina Romel at Wendell Alvarez, “Maghintay lang tayo ng tamang panahon at aamin din ‘yan.”


Going back to Jeric, sobrang saya niya dahil sa 35 years niya sa industriya, ngayon lang siya na-nominate at sinuwerte pang nanalo bilang Best Supporting Actor.


“Dati kasi, feeling ko, wala akong value kasi ni nomination, wala ako, eh. Kaya nagpapasalamat talaga ako kay Mayor Mamay kasi isinama ako sa movie. Laking utang na loob ko sa kanya, alam niya ‘yun. At siyempre sa FAMAS na napansin ako,” pahayag ni Jeric Raval.


 
 

ni Reggee Bonoan @Sheet Matters | August 24, 2025



Mayor Vico Sotto viral posts - Korina, Julius on Discaya - FB

Photo: Mayor Vico Sotto / viral posts / Circulated - FB

  

Hot topic pa rin hanggang ngayon si Julius Babao dahil sa panayam niya sa mag-asawang Curlee at Sarah Discaya kung saan ipinakita sa Unplugged YouTube (YT) channel nito ang napakaraming high-end cars ng mga Discaya at ang pag-aming yumaman sila dahil sa Department of Public Works and Highways (DPWH) projects nila.


Kabilang ang mga negosyo ng mag-asawang Discaya sa mga binanggit ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr. (PBBM) na 15 contractors na may diumano’y anomalya sa flood control projects.


Napakaraming online hosts na ang nakisawsaw sa isyung Julius Babao with Sarah at Curlee na kinastigo ni Pasig City Mayor Vico Sotto. Isa na rito ang dating news reporter ng TV Patrol na si Christian Esguerra at professor ng Journalism sa University of Santo Tomas (UST).


Sa kanyang Facts First (FF) YT channel ay nagbigay siya ng pahayag tungkol sa panayam ni Julius sa mga Discaya, base na rin daw sa mga requests sa kanya dahil nagtuturo nga siya ng Journalism Ethics sa UST.


Simula ni Prof. Esguerra, “Hindi ko naman napanood nang buo dati ‘yun (vlog ni Julius), nakita ko lang ‘yung mga clips na nagsusulputan.


“Ang dami kong nakitang ethical issues doon sa interview ni Julius Babao at saka ni Korina Sanchez sa mga Discaya.” 


Wala naman daw siyang personal na galit sa dalawang broadcast journalists.

“Pero ang dami kong nakitang ethical issues pagdating po sa journalism dito sa kanilang mga ginawang interview.


“Unang-una, ‘yung atake ng interview. Maganda nga na nagsalita itong si Mayor Vico Sotto kaya saludo rin tayo dito, he called a spade a spade. Hindi lang ako sigurado sa binanggit niya na halaga raw para ru’n sa interview, I wouldn’t know.


“Pero ‘yung ethical issues na obvious na obvious, unang-una, bakit mo iinterbyuhin ang mga Discaya bago mag-eleksiyon? Obviously, gustong i-promote ang mga sarili nila. Number 2, hindi puwedeng palusot ‘yung ‘lifestyle interview’ na binanggit.


“Pero makikita n’yo ‘yung binanggit ni Mayor na grey area, palusot po ‘yun. Kaya hindi mo maiwasan ang mga tao na kumita, ‘yung mga vloggers na ‘yan o nabayaran du’n sa interview na ‘yun.


“Again, we wouldn’t know dahil sila lang ang makakasagot nu’n at ‘yan ang problema sa ganyang kalakaran, hindi mo alam kung nagkapalitan ng pera. Magkakaroon ka lang ng hinala,” pahayag ni Prof. Christian.


Nabanggit pa na magkakaroon lang ng bayad sa mga viewerships kung maraming nanonood o milyun-milyon ang nanonood. 


“I don’t know. Pero kung kumita pa sila lalo kunwari binayaran sila ng mga Discaya para interbyuhin sila, eh, lalong napaka-unethical po nu’n.


“Next point naman po nu’n, ‘yung atake ng interview. Kung ikaw, respetadong journalist ka at gusto mo talaga silang interbyuhin, dapat at the very least probing questions, hindi ‘yung tipong ang lamya-lamya,” paliwanag pa ng propesor.


Naikumpara pa ang panayam ni Julius sa isang sports analyst, television personality and radio host na si Stephen A. Smith na ininterbyu si Floyd Mayweather, Jr. at ibinida raw ang kanyang car collections at mansion.


“Tapos, si Stephen A. Smith ay talagang manghang-mangha, tapos mesmerized s’ya as an interviewer, tapos mga tanong n’ya, napaka-softball, napaka-patronizing, etc.

“Naalala ko ‘yung interview na ‘yun ni Stephen A. Smith kay Floyd Mayweather dito sa interview ni Julius Babao sa mga Discaya. Nandu’n ka na, eh, sana, diniinan mo na ‘yung tanong.


“Naitanong naman na kahit papaano na medyo malamya, although hindi naman kilala si Julius Babao bilang isang hard-hitting journalist at may mga nagkukuwestiyon pa nga kung journalist s’ya at all. Journalist naman si Julius at newsreader d’yan sa TV5. 

“Pero again, sorry sa mga colleagues natin, you have to be discriminating naman kung alam ninyong nagagamit kayo sa ganyang interviews, eh, hinay-hinay naman,” pahayag pa ni Prof. Christian.


“Kasi hindi puwedeng nagdi-discuss tayo ng mga maling gawi ru’n sa mga tao na ginagawa sa pamahalaan o nasa kapangyarihan, o magbubulag-bulagan tayo rito sa mga questionable practices at the very least ng ating mga kabaro, ng ating mga kasama sa industriya,” diin pa niya.


Sabi pa nito, “I don’t like din ‘yung mga journalists na napakaseryoso pagdating sa mainstream media pero pagpunta naman sa social media, kung anu-anong walang kapararakan ang ginagawa nila para lang kumita, ‘yung meron silang split personality?


“‘Yung seryoso sa mainstream, pero sa social media, puro kababawan, ‘di ba? Wala naman akong pakialam kung talagang mababaw na tao sila pero ‘wag nang magpanggap, at sana, ‘wag magpagamit du’n sa mga taong questionable ang character, ‘yun ang punto ko po.

“Sana, ‘wag nang magpagamit,” huling hirit pa nito.


Anyway, bukas ang BULGAR sa panig nina Julius Babao at Korina Sanchez tungkol sa mga sinabi ng kabaro nilang si Prof. Christian Esguerra.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page