top of page
Search

ni Reggee Bonoan @Sheet Matters | September 17, 2025



Janella Salvador - Klea Pineda IG

Photo: Janella Salvador - Klea Pineda IG

  


Tuluyan nang inamin ni Janella Salvador ang relasyon nila ni Klea Pineda sa panayam niya kay MJ Felipe sa TV Patrol (TP) nitong Lunes nang gabi.


Matatandaang isinulat namin dito sa BULGAR noong Setyembre 4 na pilit tinatanong ang dalawa kung ano ang real score nila sa naganap na Cinemalaya 2025 mediacon.


Dahil may pelikula silang Open Endings (OE), inisip na baka promo lang kaya sweet sila.

Pero dahil nasambit ni Janella na hindi siya ang third party sa hiwalayang Klea at Katrice Kierulf, at nagbiro pa siya ng “What you see is what you get” sabay tawa, posible talagang sila na.


Pero sabi nga, hangga’t hindi inaamin nang diretso ay hindi pa rin maituturing na kumpirmado.


Nakadagdag din ang viral video off-cam kung saan nakitang nakayakap si Janella kay Klea habang nakatalikod ito, at panay din ang yakap ng huli bukod pa sa hinalikan siya sa noo.


Kaya naman sa panayam ni MJ kay Janella, diretsong tinanong kung ano talaga ang nagaganap sa kanila ni Klea.



Gigi De Lana - Julius Babao Unpulugged


Bungad ni MJ, “Ang closeness ninyo ni Klea, lumabas na beyond work?”

“Yeah, sa totoo lang, kaming 4 (Jasmine Curtis-Smith at Leanne Mamonong), pero yeah, yes, yes!” nakangiting sagot ni Janella.


Sina Jasmine at Leanne ay mga co-stars nina Janella at Klea sa pelikulang OE.


Hirit pa ni Janella, “Whatever you see, hindi naman ako nagtatago. I’m not hiding anything, I’m not guilty of anything din. So, kung ano ‘yung nakikita n’yo, ‘yun na ‘yun! That’s what I always say. Hahaha!”


Dugtong ni MJ, “And there’s nothing to be ashamed of, it’s love.”

“Yeah exactly, love? Love na agad? Paano mo nalaman?” tumatawang tanong ni Janella.


Balik ni MJ, “Ano ba dapat? Hahaha!”


“I’ve been happy for the past few days. Like you said, you can see how happy I am and yeah, I don’t have to translate that,” pag-amin ng aktres.


Hayan, hindi na puwedeng sabihing read between the lines dahil galing na mismo kay Janella ang sagot kung ano ang relasyon nila ni Klea.


Samantala, nagbigay naman ng update ang aktres sa anak niyang si Jude na 5 taon na sa susunod na buwan. Co-parenting sila ni Markus Paterson.


Inamin ni Janella na hirap siya sa tinatawag na co-parenting lalo’t wala sa bansa ang ama ng bata.


“I’m not gonna say that co-parenting is easy, it’s really not, we’re steady. Actually, he’s not in the country right now, he’s finally working on his dream, nagpapadala s’ya kay Jude when he can, so, we’re okay right now,” pahayag ng aktres.


Magkaibigan ba sila ng tatay ng anak? 


Sagot niya, “Yeah. Hahaha! Friends, civil, yeah.”

Okay naman ang sustentong padala ni Markus para kay Jude?

“Yes, now, we’re good on that.”


Sa kasalukuyan ay abala si Janella sa taping ng bago niyang project kasama sina Kaila Estrada, Sue Ramirez, at Charlie Dizon, ang seryeng What Lies Beneath (WLB) kasama sina Jake Cuenca at JM de Guzman mula sa direksiyon ni Onat Diaz para sa ABS-CBN.




Todo-kayod, nasobrahan sa pagod at puyat…

AKTOR, TAGILID ANG PUSO, PINAG-IINGAT NG DOKTOR 



Blind Item


BLIND ITEM:


PINAG-IINGAT ang aktor na huwag masyadong magpapagod dahil nakakasama ito sa kalusugan niya.


Kamakailan lang ay dumaan sa cardiac catheterization ang aktor na inakala ng mga kasama niya sa trabaho na ia-angioplasty siya.


Masyado kasing intense ang aktor sa lahat ng karakter na ginagawa niya kaya tiyak na naapektuhan ang kanyang kalusugan, bukod pa sa sobrang puyat nito lalo’t segue-segue rin siya.


At dahil sa nangyari ngayon sa aktor, sinabihan na siya ng doktor na maghinay-hinay sa trabaho. Hindi na puwede ang araw-araw ay may shoot, kailangan ng sapat na pahinga at tamang pagkain.


Mabuti na lang daw noong sinumpong siya ng sakit sa dibdib ay kasama niya ang kanyang pamilya kaya naitakbo agad sa ospital.


Sa kasalukuyan ay may umeereng serye ang aktor at katatapos lang niyang gawin ang pelikulang pinagbibidahan niya.

 
 

ni Reggee Bonoan @Sheet Matters | September 16, 2025



Judy Ann Santos-Agoncillo - IG

Photo: Judy Ann Santos-Agoncillo - IG



Inabot ng walong buwan bago natapos ang Metro Manila Film Festival (MMFF) coffee table book na 50 Years of the MMFF, Limang Dekada: Sine Sigla sa Singkuwenta na ini-launch nu’ng Biyernes, Setyembre 12, sa Manila International Book Fair 2025, SMX, Pasay City.


Siyempre, present sa book launch ang mga miyembro ng MMFF Execom sa pangunguna nina MMDA Chairman Romando “Don” Artes, MMFF Executive Director Atty. Rochelle Ona, Mowelfund Chairperson Boots Anson Roa-Rodriguez, Director Laurice Guillen, Wilson Tieng, MMFF Spokesperson Noel Ferrer, FAP Director General Paolo Villaluna, Direk Joey Romero, OIC of Uniprom and Araneta Group executive Irene Jose atbp..


Pahayag ni Atty. Don Artes, “Sa loob ng mahigit 5 dekada, ang MMFF ay naging tahanan ng mga kuwento at talento ng mga Pilipino. Hindi lamang ito basta festival ng pelikula. Ito ay pagdiriwang ng ating kultura, sining, at pagka-malikhain.


“Ang MMFF coffee table book ay isang paraan upang balikan at ipagdiwang ang ating kasaysayan.”


Makikita sa libro ang mga larawan at kuwento ng mahahalagang sandali at tagumpay ng MMFF. Isa itong alaala ng nakaraan, at inspirasyon para sa hinaharap ng ating pelikulang Pilipino.


Kinilala at pinasalamatan ng MMDA/MMFF chairman ang Hall of Famers ng MMFF dahil sa kanilang natatanging kontribusyon.


Aniya, “Sila ay patuloy na nagbibigay-inspirasyon at buhay sa pelikulang Pilipino. Maraming salamat sa lahat ng katuwang at sumusuporta sa MMFF, lalung-lalo na sa ating Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. at Unang Ginang Liza Araneta-Marcos. Dahil sa inyo, patuloy nating naipapakita sa mundo ang galing ng pelikulang Pilipino.”


Ang ganda ng MMFF coffee table book cover dahil mga larawan ito ng mga icons tulad nina Gov. Vilma Santos-Recto, Christopher de Leon, Vic Sotto, Cesar Montano, Hilda Koronel, Marian Rivera at Dingdong Dantes, Vice Ganda, Dolphy, Nora Aunor at ang The King na si Fernando Poe, Jr..


Kasama rin ang mga larawan ng National Artists sa table of contents: Lamberto V. Avellana, Lino Brocka, Ishmael Bernal, Eddie Romero, Fernando Poe, Jr., Marilou Diaz-Abaya at Ricky Lee.


Anim ang chapters na mababasa sa coffee table book – Light, Shadow, and Story: A Brief History of the Festival; Moviemaking Over the Decades; Stories from the Box Office; Legends & Icons: The MMFF National Artists; MMFF: Evolution, Influence, and Consequence at My MMFF Story.


Ang ABS-CBN Publishing ang naglabas ng 50 Years of the Metro Manila Film Festival, Limang Dekada: Sine Sigla sa Singkuwenta at ang mga nasa likod nito ay sina Ian Reyno, Mark Yambot, Kristine Hernandez, Noella Fonbuena at iba pang naging parte para mabuo ang libro.


Dumalo ang ilang MMFF Hall of Famers na binigyan ng kopya ng coffee table book tulad nina National Artist Ricky Lee, Direk Jose Javier Reyes, Ericson Navarro, Lee Briones-Meily, Roy Iglesias, Judy Ann Santos at Lotlot de Leon (bilang kinatawan ng yumaong ina na si National Artist Nora Aunor).


Nang tanggapin ni Lotlot ang libro, aniya, “It’s an honor to be here among all the greats in our industry. Maraming-maraming salamat sa MMFF.


“Pasensiya po dahil galing pa ako ng Tagaytay. Kahit ano po, gagawin ko para sa aking nanay. “Maraming-maraming salamat po sa pagpupugay once again sa aking ina na si Nora Aunor. At sa lahat po ng nagmamahal sa kanya at hanggang ngayon, pinag-aaralan ang kanyang sining, nawa’y maging inspirasyon po sa lahat ang naging buhay at trabaho ng aking ina.”


Ang speech naman ni Juday nang tanggapin ang libro, “Salamat po sa pagsabing youngest. Minsan ko na lang marinig ‘yan. Kidding aside, salamat po. Napakarami kong magagandang experiences sa lahat ng mga taon na sumali ako sa MMFF mula dalaga pa ako.


“Hindi ko naisip kailanman na makakarating ako sa puntong magiging Hall of Famer ako! Ay, nakakaloka ito!


“Pero sa tiwala ng mga direktor, manunulat at producers na walang tigil na nagbibigay ng magagandang proyekto sa akin, nabuo ako nang husto sa mga pelikulang isinali rito sa MMFF.


“Maraming natutunan, maraming magagandang memories, maraming pagod ang nakamtan ko rito. Pero ‘yung pagod na napaka-worth it kasi marami kang napapasayang mga tao.


“At masaya akong uuwi dahil maipapakita ko sa mga anak ko at asawa ko na kasama ako rito!”


At dahil mabigat ang libro, biro ng aktres, “As in konti na lang, kasimbigat na po s’ya ng trophy noong nakaraang 50th awards night. But again, sa MMDA, Sir, pasalamat po at mabuhay ang pelikulang Pilipino!”


Samantala, sa nasabing book launching ay ipinaalala ni Atty. Artes na extended ang deadline para sa submission ng finished film entries para sa 51st MMFF. Dapat sana ay Setyembre 15 pero gagawing Setyembre 30 na ang huling araw ng pagsusumite. 

Sa Oktubre 10 naman ang announcement ng Final 4 entries na kasama sa MMFF ngayong Disyembre.


At dahil successful ang ginanap na MMFF Celebrity Golf Tournament noong 2024, itutuloy ito ngayong 2025 sa Disyembre 9 sa Wack-Wack Golf and Country Club.

Ang Parade of Stars ay sa Disyembre 19 sa Makati City at ang gabi ng parangal ay sa Disyembre 27.


 
 

ni Reggee Bonoan @Sheet Matters | September 4, 2025



Gigi De Lana - Julius Babao Unpulugged

Photo: Klea / IG

  


Ang dalawang bida ng pelikulang Open Endings (OE) na sina Janella Salvador at Klea Pineda ang pinagkaguluhan ng media na dumalo sa Cinemalaya Film Festival (CFF) kahapon nang tanghali dahil nga nali-link sila sa isa’t isa.


Matatandaang naging laman ng balita sa social media sina Janella at Klea dahil na rin sa kumalat na mga larawan nilang sweet-sweet-an.


Sumakto naman dahil naghiwalay na si Klea at ang girlfriend nitong si Katrice Kierulf after ng tatlong taong relasyon at ang dahilan daw ay cheating.


Kaagad namang itinanggi ni Klea na siya ang nangaliwa pero walang ibinigay na detalye kung bakit sila naghiwalay.


At dahil nababanggit ang pangalan ni Janella at maraming larawang magkasama sila ay nagsabi siyang sasagutin niya sa tamang panahon ang lahat ng isyu at nangyari nga ito sa mediacon.


Bungad ng aktres, “Hindi po ako part ng breakup, hindi po ako third party. I want to exclude myself from that and kung ano ‘yung nakikita ninyo, ‘yun na ‘yun.”


Hindi man diretsong inaming, “Yes kami na” pero kung ibabase sa sagot ni Janella na, “Kung ano ‘yung nakikita ninyo, ‘yun na ‘yun,” ay mararamdamang malaman ito.

Tinanong si Janella kung masaya siya ngayon, at aniya, “Nakikita n’yo naman kung gaano ako kasaya.”


Si Klea ang sumunod na tinanong ng TV5 reporter na si MJ Marfori at sinabihang nagba-blush ang Kapuso actress, “Oh, my gosh! Nagba-blush ka.”


Sagot kaagad ni Klea, “Mainit sa venue! Ano ba ang tanong?”

May humirit ng “Are you together?”


Sinalo ni Jasmine Curtis-Smith ang co-star, “Right now we are physically together.”

Natawa nang todo si Klea at sabay sabing “‘Yan, thank you for saving me, Jas. I love you.”


Hindi rin napigilan ni Janella ang tumawa sa narinig na sagot.

Pero seryosong sagot ni Klea, “Kung ano ‘yung nakikita ninyo online o kahit saan, ‘yun na ‘yun! Basta masaya kami.”


Hirit ni Janella, “Kailangang mag-focus muna sa film.”


Sabi rin ni Klea, “Film muna tayo.”


Pero off-camera ay laging magkadikit daw sina Klea at Janella, dikit na dikit sila sa buong presscon. Kilig na kilig, going strong…


Diin naman ng taong malapit kay Janella ay “Friends lang talaga sila!”

Kasama rin si Leanne Mamonong sa pelikula mula sa direksiyon ni Nigel Santos.


Samantala, marami kaming sources na nagsabing playing sweet music together sina Klea at Janella at hindi na rin naman bago ito sa amin dahil sa parte ng Kapamilya actress ay lagi siyang nali-link sa kapwa niya babae, kaya puwedeng sila na nga ng co-star niya sa pelikula.


Tanda naming sabi sa amin nu’ng taga-production ng seryeng kasama si Janella, “Sila na talaga, kaya nga nila hiniwalayan ang respective partners nila para masabing walang cheating.”


Bukas ang BULGAR sa panig nina Klea Pineda at Janella Salvador o ng kampo nila.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page