top of page
SB19 at BINI PH - IG.jpg
Search

ni Reggee Bonoan @Sheet Matters | May 12, 2026



SHEET - IVANA, IBINALIBAG NI JAMESON, NASAKTAN KAYA BAD TRIP-IG _ivanaalawi & _jmsnblake

Photo: IG _ivanaalawi & _jmsnblake



Follow-up ito sa nasulat namin dito sa BULGAR nitong Biyernes, Mayo 8, tungkol kina Ivana Alawi at Jameson Blake na hindi nagpapansinan dahil hindi nagustuhan ng aktres ang ginawa ng aktor sa kissing scene nila sa online series na Love is Never Gone (LING) na napapanood sa Amazon Prime Video.


Ang balitang ito ay nakuha namin sa report ni Ogie Diaz sa vlog nilang Showbiz Update (SU) na kuwento ng kanyang source ay hindi nagustuhan ni Ivana ang paglabas umano ni Jameson ng dila sa kissing scene nila at isinumbong nito sa management kaya pinagalitan daw ang aktor.


Sa vlog nina Ogie at Mama Loi kasama sina Ate Mrena at Tamerlane Mopia ay ikinuwento ng una na nagkausap sila ni Ivana para iwasto ang isyu.


“Iniulat natin dito na inilabas ni Jameson ang dila n’ya sa kissing scene na ikina-turn-off ni Ivana at pagkatapos ay nakarating daw sa management.


“Nakausap ko si Ivana Alawi mismo. Sinabi n’ya mismo na, ‘Ma, mali at ‘di buo ang kuwento mo,’” sabi raw ng aktres kay Ogie.


Nasambit din ng vlogger-host na bukas ang kanilang panig para kay Ivana.

“Totoo na ‘di sila nagkikibuan at ‘di n’ya kinikibo si Jameson Blake katulad nitong mediacon ng Love is Never Gone na ‘di n’ya talaga pinansin ang aktor.


“‘Yung kissing na inilabas ni Jameson Blake ang dila niya, ‘Ma, ‘di ‘yan ang isyu! Wala ‘yan dahil ‘pag may mga ganu’n na lalaki ay sinasabihan kong ‘wag ilalabas ang dila.


“Tingnan mo naman ‘yung sa amin ni Joshua Garcia, ‘di naman kami nagkaroon ng problema. Saka nakaka-ano sa babae na bakit mo ilalabas ‘yung dila mo?” kuwento ng aktres.


At inamin ni Ivana na ang tunay na isyu nila ni Jameson Blake ay “Last December 2025, kinunan ‘yung scene na ibinalibag s’ya o inihagis s’ya sa kama, ilang beses kinunan ‘yung paghagis na ‘di ma-perfect ni Jameson. 


“Kaya sa kakaganu’n ay tumama na ‘yung spine n’ya sa kanto o sa edge ng kama na nagdulot ng sakit sa likod n’ya na ang ending, siya’y naospital, three months s’yang nag-undergo ng therapy, ‘di rin nakapag-pilates.”


Ayon pa sa leading lady ng Love is Never Gone ay wala na siyang planong sagutin pa ang isyu dahil ayaw na niyang lumaki, kaso lumabas sa SU kaya kailangang linawin.

Bukod kasi sa SU ay naisulat din ito rito sa BULGAR at ibinalita rin ni Cristy Fermin sa programa nila ni Romel Chika na Cristy Ferminute (CFM) na napapanood sa OnePH YouTube (YT) channel.


Patuloy ni Ogie, “For the record ay ‘di raw s’ya ang nagsumbong sa management kundi ang production mismo. Totoo naman ‘yun na nagre-report ang production sa taas o management kung ano ang issues, ano ang mga concern, ano ang problema, smooth ba ang naging takbo ng taping. ‘So, ang management ang nagpatawag, ‘di ako!’” diin daw ng aktres.


Nabanggit ding nag-offer si Sam Milby na nakasama niya sa seryeng A Family Affair (AFA) kasama rin si Jameson na pagbatiin na sila o mag-usap sila nang personal kaya tinawagan ng una ang huli, pero tumanggi ito dahil nasa Pampanga raw siya that time at malayo sa Manila.


Ang gusto lang daw sana ni Ivana ay humingi ng sorry sa kanya si Jameson sa mga nangyari sa taping ng LING at patatawarin naman daw ito, pero hindi ginawa ng aktor.

Sabi pa raw ni Ivana, “Nasaktan na nga ako, eh. Ke sinadya mo o hindi, may nasaktan, so sana, mag-apologize man lang bilang maginoo.”


Sang-ayon din si Ogie na dapat mag-sorry si Jameson kay Ivana bilang lalaki.

At dahil hindi nga ginagawa ni Jameson ang humingi ng dispensa ay nagdesisyon na si Ivana na hindi niya papansinin ang aktor.


Good thing ay patapos na ang taping ng Love is Never Gone kaya hindi na gaanong magkikita sina Ivana Alawi at Jameson Blake. ‘Yun lang sana, bago tuluyang magtapos ay maisip ng aktor na humingi ng dispensa sa aktres bilang isang tunay na gentleman.





SPEAKING of Love is Never Gone (LING) ay mabilis na umani ng atensiyon ang bagong romance-suspense series ng ABS-CBN dahil nanguna sa most-watched shows sa Prime Video Philippines nang ipalabas ito noong Mayo 8, Biyernes.


Ibinida agad sa unang dalawang episodes ang mapusok na halikan at mainit na romansa nina Teo (Joshua) at Yana (Ivana) sa gitna ng magagandang tanawin ng Morocco, pati na rin ang makapigil-hininga nilang action scenes.


Kasunod nito ang emosyonal na komprontasyon ng dalawa matapos matuklasan ni Teo ang panlilinlang ni Yana tungkol sa tunay nitong koneksiyon sa isang sindikato na naging dahilan ng kanyang pagkakakulong.


Makalipas ang ilang taon, muling nagkita sina Teo at Yana pero bitbit ni Yana ang bagong pagkatao bilang si Gem Verona, ang asawa ng isang mayamang abogado na si Ace (Jameson Blake). Ipinakita rin ang buhay ni Teo matapos makalaya at makabalik ng Maynila sa tulong ng dati niyang dyowa na si Larejean (Jane Oineza).


Mauuwi ang dating mainit na pagsasama nina Teo at Yana sa isang paghihiganti na susubok kung hanggang saan ang kaya nilang isakripisyo at ibigay para sa pag-ibig sa likod ng pagtataksil at madilim na sikreto ng nakaraan.


Huwag palampasin ang maiinit na tagpo sa Love is Never Gone, na eksklusibong napapanood sa 240 bansa at teritoryo sa Prime Video. May dalawang bagong episodes na ipinapalabas tuwing Biyernes.


 
 

ni Reggee Bonoan @Sheet Matters | May 11, 2026



SHEET - RON, AYAW NANG PUMUNTA SA MGA CONDO AT IBA PANG BAHAY-IG _rnmrtangls

Photo: IG _rnmrtangls



Walang trauma ang modelong aktor na si Ron Angeles sa mga babaeng may tattoo na nagpakalat ng kanilang sex videos kundi sa mga personal invitations na natatanggap niya.


Inamin ni Ron na may tattoo ang babaeng nakasama niya, pero hindi naman niya isinarado ang isipan kapag may mga nakakausap o nakikilala na may tattoo.


Ang trauma ng aktor ay “‘Yung pupunta ako sa isang lugar na ‘di ko alam na in-invite ako ng babae o lalaki na kaibigan. ‘Yun ang rule ko ngayon, ayaw kong pumunta sa mga condo, ibang bahay, kahit saang lugar na alam kong ‘di ako safe. If you want to see me personal, sa bahay ko or sa public.”


Natawa nang husto si Ron nang biruin siyang mas dumami ang nagparamdam sa kanya ngayon dahil sa sex video niya.

Sagot niya, “Meron po.”


Isa si Ron sa mga supporters ng White Party Manila: Reignite na inorganisa ng kanyang manager na si Bryan Dy na gaganapin sa World Trade Center Metro Manila sa Hunyo 27 sa ganap na alas-otso ng gabi.


Kaya sa ginanap na grand media launch ng White Party Manila: Reignite sa Bigger Pictures, Sheridan Street, Mandaluyong City ay present si Ron bilang pagtanaw din sa suportang ibinigay sa kanya ng LGBTQIA+ community nang pumutok ang sex video niya.


“‘Yung support na nakuha ko from the community ay mas maraming good, mas maraming better po kaysa sa mga bad comments na nababasa ko at puro trolls naman ‘yun, eh, puro mga dummy accounts. Kaya rin ako nandito sa White Party is to show my support for the whole community, the LGBTQIA+, the allies s’yempre, kasi since nu’ng nag-start ako sa showbiz ay sila na ‘yung nand’yan for me, like 80% of my fan base are from the community.


“And ‘tong party na ‘to ay marami silang kailangang i-celebrate. So, ako, nandito to support them especially Mentorque sa event na ginawa nilang ito. At lagi kong sinasabi sa community na mahal na mahal ko sila. Kung ‘di dahil sa kanila, siguro, ‘di ako tatagal sa industriya,” pahayag ni Ron.


Napansin namin na dahil sa sex video na nag-trending si Ron kasama ang iba pang kilalang lalaking personalidad ay mas dumami ang projects at offers niya, bagay na inamin din niya kaya may naidulot ding maganda in terms of work dahil kaliwa’t kanan ang tapings at shootings niya ngayon.


Natanong kung nagbayad sila sa mga nanghingi para hindi ipakalat ang sex video.

“‘Di po. Alam ko ranges to P50,000 or P40,000. Ang management ko po ang humarap at alam ko, may kaso na,” sambit ni Ron.





Si Brent ang ka-love team…

MIKA, ‘DI RAW PINADALO SA MEDIACON PARA ‘DI MATANONG SA RELASYON KAY WILL



May shooting pala si Mika Salamanca kaya hindi siya nakadalo sa nakaraang mid-season mediacon ng The Secrets of Hotel 88 (TSOH88), kuwento ng manager niyang si Tita Becky Aguila.


May sitsit kasing hindi pinadalo si Mika para maiwasang tanungin ang relasyon nila ni Will Ashley na kasama rin sa programang napapanood sa GMA Prime, Kapamilya Online Live, Kapuso Stream, at sa GTV tuwing 11:25 PM dahil ang ka-love team ng dalaga ay si Brent Manalo na kapwa niya Big Winner sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition (PBBCCE) 2025.


Bukod dito, baka matabunan ang TSOH88 na collab ng ABS-CBN at GMA Network sa dami ng issues nina Will at Mika na may pa-hard launch pa sa ibang bansa, kung saan silang dalawa lang ang nag-travel nitong huli at hindi na rin naman nila itinatago na madalas silang magkasama ngayon.


Going back to TSOH88, inamin ng buong cast na marami pang magaganap sa programa na kailangang abangan ng mga nakasubaybay dahil big reveal daw ito.

“Parang may eviction na mangyayari. Aabangan kung ilan ang matatanggal at kung paano s’ya mangyayari,” pahayag ni Brent Manalo.


Pero sabi pa ay kumplikado ang paghahanap ng hustisya ng dalawang pamilya dahil sa patuloy na pagsabog ng mga sikreto ng nakaraan at banta sa kani-kanilang buhay na nasilayan ng manonood. 


Nagiging madilim at puno ng suspense ang takbo ng kuwento habang nagpapatuloy ang imbestigasyon ng dalawang pamilya sa Hotel 88.


Sa kanilang paghahanap ng kasagutan, mas maraming lihim ang nabubunyag habang nananatiling hindi nalulutas ang mga hindi maipaliwanag na pagkamatay ng ilang guests. Habang palapit na sila sa inaasam na hustisya, mas nagiging delikado ang mga pangyayari at maaaring buhay nila ang kapalit.


Sa ginanap na media conference, nagbigay-pasilip ang cast tungkol sa dapat abangan sa serye, kabilang na ang posibilidad ng pagkawala ng ilang karakter.

Ibinahagi rin ng cast na excited na sila sa mangyayari matapos mapanood ang trailer at tingin nila ay hindi nasayang ang kanilang pinagdaanan at pinaghirapan. Ayon sa kanila, maliit pa lamang na bahagi ang ipinakita ng trailer kumpara sa mga susunod na mangyayari.


Habang patuloy na tumitindi ang tensiyon at nababasag ang tiwala ng bawat isa, hanggang saan nga ba nila kayang lumaban para sa katotohanan?

 
 

ni Reggee Bonoan @Sheet Matters | May 8, 2026



SHEET - IVANA, ‘DI FEEL ANG HALIK NI JAMESON, ISINUMBONG SA BOSSING-IG _ivanaalawi & _jmsnblake

Photo: IG _ivanaalawi & _jmsnblake



Okay na kaya sina Ivana Alawi at Jameson Blake? Ito ang tanong ni Ogie Diaz sa vlog nila ni Mama Loi na Showbiz Update (SU) dahil nabalitaan niyang ini-report ng leading lady ni Joshua Garcia sa Love Is Never Gone (LING) sa management si Blake.


Sabi ni Ogie, “Matatandaan nating nagkaroon ng isyu sina Ivana at Jameson Blake dahil may kissing scene sila rito sa Love Is Never Gone at parang na-off si Ivana dahil parang sinobrahan daw ni Jameson.”


Nagulat si Mama Loi, “Ginawang 12 ‘yung 10?”


“Medyo na-feel daw ni Ivana na taking advantage kaya si Ivana, according to our source, ay isinumbong sa management itong si Jameson.


“So, si Jameson ay ipinatawag ng management para i-discuss nga ‘yung reklamo ni Ivana. Tapos, pag-alis daw ni Jameson ay umiyak s’ya nang umiyak kasi ang katwiran niya ay sumunod lang s’ya sa utos ng direktor na gawing passionate ‘yung kissing na parang bukas, mamamatay na, ganu’n, kaya ubusin mo na lahat,” kuwento ni Ogie.

Hirit ni Mama Loi, “Pero ‘di ako magagalit kay Jameson.”


Sabi pa ni Ogie, “Feeling ni Ivana, na-violate s’ya pero ito ay ‘di diniscuss du’n sa mediacon. Pero sabi ng source ko, ‘Kung mapapansin mo, Ogs, malayo talaga si Ivana kay Jameson sa mediacon.’”


Feeling naman ni Ogie ay settled na pero ayaw na lang nilang mag-usap.

“Pero si Joshua, pumasa, kasi crush ni Ivana noon pa,” pagtatapat ni Ogie.


Sa madaling salita, hindi type ni Ivana Alawi si Jameson Blake kaya hindi niya type ang kissing scene nila.





Na-enjoy umarte…

KLARISSE, TYPE NG BED SCENE



Nae-enjoy na ni Klarisse de Guzman ang umarte sa harap ng kamera kaya naman nag-aabang ulit siya ng mga offers. Kung sakali at kaya ng schedules niya ay tatanggapin niya ang inaabangang offer na gumawa ng serye o pelikula.


Birong sabi ni Klang, “Actually, looking forward ako sa mga bed scenes talaga.”

Napuri namin siya na magaling umarte bilang baguhan nang mapanood namin siya sa dalawang Metro Manila Film Festival (MMFF) movies niya last 2025, ang Bar Boys: After School (BBAS) at Call Me Mother (CMM).


Kaya natanong namin siya sa ginanap na mid-season mediacon ng The Secrets of Hotel 88 (TSOH88) kung tuluy-tuloy na ang pag-arte niya kahit na ang pagkanta ang first love niya.


“Reggee, thank you for that wonderful question. Thank you, nakakatuwa naman na may nakaka-appreciate ru’n sa pag-act ko.


“For some reason, nu’ng una talaga, parang kaya ko ba ‘to? Parang ang hirap. ‘Yung mga Bar Boys pa lang namin, parang ‘di ko kaya.


“Iba kasi ‘yung mundo ng acting sa singing talaga, kasi ‘di ba po, pagkatapos ng pagkanta mo, uwi na.”


“Pero may acting din ang singing, huh?” diin ni MJ Felipe na host ng presscon.

Aniya, “Yeah, kaya siguro somehow, medyo nakakaarte rin ako kahit papaano kasi ‘pag kumakanta naman tayo ay parang umaarte na rin dahil sa kinakanta natin na kailangang maramdaman ng audience natin. Siguro for some reason, nai-apply ko rin.


“Nakakatuwa po na may mga naka-appreciate lalo na rito sa Hotel 88. Ang daming eksena na ‘di ko ine-expect na gagawin ko. May mga... basta abangan n’yo po ‘yan. May powers ako rito. Hahaha! Charing (joke) lang.”


Inamin din ng mang-aawit na ang coaches niya sa pag-arte ay sina Will Ashley at Xyriel Manabat.


“Napaka-easy lang sa kanila kahit on the spot. Ako, hirap na hirap magkabisado ng script. Kami ni Esnyr, gabi pa lang, nagto-throw lines kami sa kuwarto,” natawang kuwento ni Klang. 


Aniya pa, “Kaya nakaka-inspire na sana, maging ganu’n (magaling) din ako someday.”

Sabi pa ng lahat na abangan ang TSOH88 hanggang dulo dahil maraming magugulat sa mangyayari kina Brent Manalo, Mika Salamanca, Ralph de Leon, Esnyr, AZ Martinez, River Joseph, Dustin Yu, Bianca de Vera, Xyriel, Josh Ford, Kira Balinger at Will Ashley.


Ang nasabing series ay idinirek ni Henry Quitain at napapanood sa GMA Network at iWantTFC, handog ng GMA Network at ABS-CBN Studios.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page