top of page
SB19 at BINI PH - IG.jpg
Search

ni Reggee Bonoan @Sheet Matters | May 18, 2026



SHEET - MARIEL, PURING-PURI SI VP SARA-FB Mariel Rodriguez-Padilla & Inday Sara Duterte

Photo: FB Mariel Rodriguez-Padilla & Inday Sara Duterte



Kaliwa’t kanan ang bira kay Sen. Robin Padilla tungkol sa nakaraang gulo sa Senado kung saan tinulungan daw niya si Sen. Bato dela Rosa na makaalis sa gusali at inihatid sa paliparan ng eroplano para makabalik daw sa Davao City kung saan ito nakatira.


Nadamay ang misis niyang si Mariel Rodriguez-Padilla dahil sa ginawa nito, pero to be fair, may mga nabasa kaming komento na sana ay payuhan ni Mrs. Padilla ang asawa na mali na tinulungan niyang patakasin umano si Senator Bato para makaiwas sa arrest warrant ng International Criminal Court o ICC.


Bukod dito ay damay din ang mag-asawa dahil sa pagiging DDS nila o tigas sa pagkampi sa mga Duterte, partikular kay dating Pangulong Rodrigo Duterte.


Naiintindihan namin kung bakit ganito ka-loyal si Robin kay Digong dahil tumatanaw siya ng utang na loob. Nu’ng panahon kasing presidente ito, binigyan si Sen. Robin ng absolute pardon noong 2016, bagay na hindi naibigay ng dating Pangulong Fidel Ramos dahil conditional pardon lang ang nakuha niya noong makalaya siya noong 1997.


Ang absolute pardon ang nakapagbalik kay Robin ng buong civil at political rights kaya nabura ang mga limitasyong may kinalaman sa karapatang bumoto, humawak ng posisyon sa gobyerno at maglakbay patungong ibang bansa.


Kaya si Mariel, bilang asawa ni Sen. Robin, ay tumatanaw din kay Pangulong Digong ng malaking utang na loob, dahil kasal na sila nang maging totally free ang tatay nina Isabella at Gabriela.


Hindi pinatulan ni Mariel ang mga bashers, bagkus ay nagpakita siya ng video kasama si Sara Duterte noong nagkasama sila sa The Hague, Netherlands kung saan nakapiit si dating Pangulong Digong.


Sey ni Mariel ay personal niyang nakausap at nakilala noon si Vice-President (VP) Sara nang isama siya ng mister na si Robin nang bisitahin nila si dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte (PRRD) na nakulong sa detention facility ng ICC sa The Hague.


Paglalarawan ni Mariel kay VP Sara, “Humble, warm, at mabait at unforgettable experience. And honestly, we were touched kung gaano siya ka-humble, warm, at kabait sa buong family ng Padilla.”


Nagkasama raw sina Mariel at VP Sara sa pamamasyal sa Netherlands at dahil maraming puno ay may tinawag silang ‘Duterte Forest’.


“Afterwards, dumaan din kami near the ICC Detention Center and later attended a rally in support of former President Rodrigo Duterte kasama ang maraming kababayan natin abroad.


“This vlog is full of genuine moments, emotions, and unforgettable memories with fellow Filipinos in The Hague.


“Thank you for watching and supporting our family adventures.”


At dahil Linggo kahapon ay family day nila at base sa post ni Mariel Rodriguez kasama sina Isabella at Gabriela ay naghanda siya ng masaganang pananghalian na ipinost niya sa Instagram (IG) Stories at hindi naman siya kasama sa larawan.


 
 

ni Reggee Bonoan @Sheet Matters | May 15, 2026



SHEET - SEN. ROBIN, NAKITA SA AIRPORT, HINATID DAW SI SEN. BATO PA-DAVAO-FB Robin Padilla

Photo: FB Robin Padilla



Kahit mag-tito pa…

BELA, UMAMING KANI-KANYA SILA NI ROBIN PAGDATING SA PULITIKA


Nagulat ang aktres na si Bela Padilla sa tanong ng isang netizen sa kanya kung siya ba ang dahilan kung bakit kasama na si Sen. Robin Padilla sa programang Blood vs. Duty (BVD).


Hindi kasi nagustuhan ng mga netizens ang pagboto niya para mapatalsik si dating Senate President (SP) Tito Sotto at mapalitan ni Sen. Alan Peter Cayetano.


Bukod dito ay galit ang mga netizens sa pagkanlong ng senador sa kapwa niya senador na si Ronald ‘Bato’ dela Rosa na may arrest warrant diumano mula sa International Criminal Court o ICC dahil kasama raw siya sa pagtakas ng huli.


Hindi ba’t pinayuhan pa ni Sen. Robin si Sen. Bato na magtago at huwag lumabas para makaiwas sa arrest warrant?


Pero dahil kailangan ng boto ni APC (Alan Peter Cayetano), kaya lumitaw si Bato sa Senado at naging hysterical nang kuwestiyunin siya kung bakit bigla siyang lumitaw pagkalipas ng anim na buwang pagtatago.


Gigil si Bela nang sagutin niya ang netizen na ang tanong ay, “Yay! For you speaking up about Bato’s case pero why are you silent about your incompetent tito (Robin) na isinama mo pa sa project mo?”


Sagot ng aktres, “Sorry, but what? I’m also assigned projects too. I was cast in this project in December. My uncle was added on recently. I have no power whatsoever in casting decisions.

“‘Di nga ako ang pinakamalaking mukha sa poster. I don’t see anyone else from the cast being asked here. Has he added me in any of his films/shows previously? Get your facts straight. We work and are managed separately.”


Ipinaliwanag ng aktres na kahit magkamag-anak sila ni Sen. Robin Padilla ay hindi nangangahulugang pareho sila ng paniniwala pagdating sa pulitika.


Pahayag ng aktres, “Because of recent events, and since I’m being asked daily, I wish to express my thoughts on the issue surrounding the casting of my uncle in Blood vs. Duty, and the current situation hounding the Senate.


“Growing up, my Tito Robin was kind to me and my family. I will be forever grateful for this. But as our careers flourished and took different directions, with him entering politics, our personal encounters have become scarcer.


“Our ideologies also differed. I do not live close to my uncle. I haven’t seen Tito Robin until we shared the same call time last Friday. Before then, I saw him 3 years ago. My uncle being cast in the show was neither because of my influence nor my being part of the cast.


“I was cast in December. He is a recent addition to the show. This decision is purely the prerogative of the executive and supervising producers of the show. My uncle’s political affiliation has nothing to do with my personal beliefs and convictions.


“We are related but we manage to agree to disagree. I remain grateful to his kindness, but I also maintain an independent and personal sense of being in charge of my career, choices and convictions.”


Samantala, kahapon ay nag-tweet si Jesus Falcis ng, “Dear Robin Padilla, why were you spotted at NAIA (Ninoy Aquino International Airport) Terminal 3 in the VIP area around 4:10 AM? They say you logged out at 2:35 AM at the Senate. They say you were with Bato dela Rosa.”


May nagsabing patungong Davao ang flight ni Bato kaya tiyak na uuwi ito sa bahay niya kung saan kasama ang pamilya.


Bukas ang BULGAR sa panig ni Sen. Robin Padilla tungkol sa pagtakas ni Sen. Bato dela Rosa sa Senado.





Papasukin na rin ng promising Filipino kart racer na si Arion Crosby ang showbiz.

Matagal na pala siyang inuudyukan ng kanyang inang Filipina at mixed martial artist na si Gemmalyn Crosby na mag-artista. Pero bata pa ay exposed na sa media si Arion dahil lagi siyang kasama ng ina sa mga mediacon nito tungkol sa pagiging champion nito sa sports.


Sikat si Arion sa industriya niya dahil champion siya sa kart racing. He’s into martial arts din tulad ng ina at naisip din niyang subukan ang showbiz.


“Since it is the off season and it will be a while before my next competition, I will focus on showbiz. I will give the same drive, passion, and discipline. I do believe I will be able to manage my time,” sabi ng 16-year-old na taga-Brent School.


Ibinahagi ni Crosby na nakadalo na siya ng acting workshops bilang paghahanda sa bago niyang karera.


Aniya, “I did a few workshops when I was younger. I have done a photo shoot internationally. I want to start with small pictorials first and then eventually acting.”


Isa pa sa mga talents ni Arion ay ang pagkanta, bagay na lalong nagpapursige sa kanya na pasukin ang showbiz.


“I can sing. I lean towards a softer side, like R&B (Rhythm & Blues),” sambit ni Crosby.


 
 

ni Reggee Bonoan @Sheet Matters | May 13, 2026



SHEET - AGOT 13 SATANAS SA SENADO-IG _agotsidro

Photo: IG _agotsidro



Nagngitngit sa galit ang singer-actress na si Agot Isidro sa mga bumotong senador para mawala sa puwesto si Tito Sotto bilang Senate President (SP).


Si Alan Peter Cayetano ang humalili kay Tito Sen at kaagad nitong tinanggap ang puwesto na sakto dahil mainit na pinag-uusapan ang pag-impeach kay Sara Duterte.


Post ni Agot sa kanyang X (dating Twitter) account kahapon, Mayo 11, “I have ducking (f*cking) NO respect for these 13 hooligans who call themselves Senators of the Philippines. DUCK YOU.


“Liar, liar, pants on fire.”


Sinabihan din ni Agot si Sen. Alan Peter Cayetano na huwag na itong mag-post ng Bible verses sa social media.


“APC, can you please stop uttering Bible verses kasi sure ako, ‘di natutuwa si God sa ‘yo. #13SatanasSaSenado.


“Catch that Bato now! We have a runner! Just saw the CCTV.”

Anyway, ang mga bumotong senador para kay Cayetano ay sina Ronald dela Rosa, Francis Escudero, Joel Villanueva, Imee Marcos, Rodante Marcoleta, Robin Padilla, Bong Go, Pia Cayetano, Loren Legarda, Mark Villar, Camille Villar, at Jinggoy Estrada.


Sina Panfilo Lacson, Francis Pangilinan, Risa Hontiveros, Bam Aquino, Raffy Tulfo, Erwin Tulfo, Sherwin Gatchalian, at Lito Lapid ang bumoto sa panig ni Tito Sen.


May reaksiyon si Agot sa tangkang pag-aresto ng National Bureau of Investigation (NBI) kay Sen. Bato sa loob mismo ng Senado na may kinalaman sa pag-iisyu ng International Criminal Court (ICC) ng arrest warrant dahil sa umano’y partisipasyon ng dating Philippine National Police (PNP) chief sa drug war ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.


Sey pa ni Agot Isidro, “Sign the call for due process, impeachment, and constitutional accountability.”





Super happy na balik-acting…

AJ, AYAW NANG MAGPA-SEXY



BALIK-SHOWBIZ na si AJ Raval at mapapanood siya sa Magpakailanman sa GMA Network ngayong Sabado, May 16 na may titulong Batang Nanay, Tatlo ang Panganay.


Huling napanood si AJ sa Pinoy Ghost Tales (PGT) noong 2023 at pagkatapos ay nag-lie-low na ang ina ng mga anak ni Aljur Abrenica.


Sa pagharap ni AJ kay Boy Abunda para sa Fast Talk with Boy Abunda (FTWBA) ay ang ganda ng aura ngayon ng aktres at aminado siyang sobra ang tuwa sa pagbabalik niya sa harap ng camera.


“Mixed emotions po ako at sobrang excited kasi ‘to po ‘yung official comeback ko sa acting at nagpapasalamat po ako sa GMA na binigyan nila ako ng chance na ipakita ‘yung skill ko,” nakangiting sagot ni AJ.


Sobrang tuwa raw ni Aljur nang matanggap ni AJ ang tawag mula sa GMA para sa muling pag-arte at supportive raw sa kanya ang aktor kasama ang amang si Jeric Raval at sila ang nagsabing balikan na niya ang pag-arte.


Inamin din ni AJ, “Idinasal ko po ‘to at ‘di ko naman hinangad maging superstar pero I love acting, maka-acting lang po ako, masaya na po ako. ‘Di man po ako ganu’n kagaling pero may joy na naibibigay sa akin ang pag-arte.”


Natanong ni Kuya Boy ngayong balik-showbiz na siya at may offer na sexy role ay mabilis na ‘hindi’ ang sagot ni AJ.


“Honestly po, Tito Boy, after po ng interview natin noon ay may mga projects pong dumating pero nag-decide po ako na ‘di na tanggapin dahil sexy at s’yempre, may mga anak na rin po ako. Ilan na po sila kaya ayaw ko na pong gumawa ng ganu’n,” katwiran ni AJ.


Inamin din ni AJ na may pagsisisi sa parte niya noong gumawa siya ng sexy movies.

“Opo, eh, pero wala na po akong magagawa, Tito Boy. Nagawa ko na at ang maganda po ay marami akong natutunan. ‘Di na ‘to gagawin ng mga anak ko in case mag-artista sila dahil napagdaanan ko na ‘to,” pagtatapat ni AJ.


At kaya ayaw na niyang magpa-sexy ay dahil pinipigilan siya ni Aljur.

“Si Aljur po, susuporta lang naman s’ya kung ano ang gusto ko, pero as a partner, rerespetuhin ko si Aljur at desisyon ko kung ano ang ‘di ko dapat gawin,” saad ng aktres.


Samantala, gustong subukan ni AJ Raval ang iba’t ibang genre maliban sa pagpapakita ng katawan.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page