top of page
SB19 at BINI PH - IG.jpg
Search

ni Reggee Bonoan @Sheet Matters | March 11, 2026



SHEET - ATTY. TOPACIO SA INA NINA ANNE AT JASMINE: MGA BABAE, ‘WAG PASEKSI PARA ‘DI PAGPANTASYAHAN/FB Anne Curtis & Atty. Topacio

Photo: FB Anne Curtis & Atty. Topacio



Nag-apologize na si Atty. Ferdinand Topacio sa mommy nina Anne at Jasmine Curtis-Smith na si Ginang Carmen Ojales sa pamamagitan ng panayam niya sa DZMM.


Aniya, “Nag-apologize ako sa kanya (Carmen). ‘Di ko po kasi alam na normal para sa inyo na hayaan ang isang babaeng anak mag-post ng ganu’ng pictures. Kasi po, kung ako ang may anak na babae, ‘di ko po papayagan ang ganu’n para pagpiyestahan ang katawan, pagkatapos magagalit kayo.


“Tingnan n’yo ang mga comments. Bakit ‘di ninyo i-report ‘yung mga naggaganu’n? Sinasabi ko lang kaya pinagnanasaan kayo ay kasalanan n’yo, kasi you are provoking.


“Let’s cut the hypocrisy. Ano ba talaga ang purpose ng pagpo-post ng sexy pictures? Is it not to attract attention, to be admired? Because showbiz personalities strive for admiration.”


Sa kasalukuyan ay wala pa kaming nabasang reaksiyon ng ina ng magkapatid na Anne at Jasmine Curtis-Smith.





May 4 na, 8 na lang, Aljur…

AJ, ISANG DOSENA ANG GUSTONG MAGING ANAK



Malaking pamilya pala ang pangarap ng dating Vivamax star na si AJ Raval, isang dosenang anak ang gusto niya sa kanila ng partner niyang si Aljur Abrenica.

Ganito kasi ang kinalakihan ni AJ, marami silang magkakapatid at iisa ang tatay nila, si Jeric Raval.


Sa Your Honor (YH) vodcast (video podcast) na sina Buboy Villar at Chariz Solomon ang mga hosts ay topic nila ang tungkol sa pagkakaroon ng anak at kung ilan ang gusto niya.

Sey ni Chariz ay pangarap daw niya noong medyo bata-bata pa siya na magkaroon ng apat na anak.





Sabi naman ni Buboy, “Gusto ko, lima.”

Pero si AJ ay gusto niya ng maraming anak. 


Aniya, “Dati, iniisip ko kung marami lang talaga akong pera, ‘yung pinakamaraming kaya ko. Mga ano siguro, 12. Saya nu’n. Ano bang gagawin ko sa buhay ko kung marami naman akong pera?”


Dagdag pa, “Actually, nu’ng nag-start akong mag-artista, ‘di ba, may workshop? Tapos ‘yung workshop, itatanong sa ‘yo, ‘Five years from now, ano’ng nakikita mo sa sarili mo?’

“Sagot ko nu’n, ‘May farm, tahimik, maraming anak.’ ‘Yan ‘yung nasabi ko. Malaking family.”


Anyway, mukhang matutupad naman ang pangarap ni AJ dahil nauna na niyang inaming may lima na siyang anak (namatay ang isa) sa panayam sa kanya noon sa Fast Talk with Boy Abunda (FTWBA) at tatlo sa kanila ay anak nila ni Aljur.


At dahil bata pa sila ng aktor, baka kaya pa nilang bumuo ng walo pa para maging isang dosena lahat.



ANG layo pa ng eleksiyon, may naninira na kaagad kay QC 5th District Councilor Aiko Melendez.


Ang ganda kasi ng record ni Konsi Aiko sa kanyang nasasakupan at maganda rin ang feedback ng kanyang mga constituents. Higit sa lahat ay wala siyang pagliban sa Konseho kaya siya ang target ng mga kalaban niya sa pulitika o ng mga may personal na galit sa kanya.


Kaya naman nag-post siya sa kanyang Facebook (FB) account kahapon ng tanghali na nanunumpa sa pagsasabi ng katotohanan.


Pahayag ni Aiko, “In today’s environment, fake news and black propaganda can easily spread and create confusion among the public. Sadly, there are still people who choose to attack others through misinformation instead of engaging in honest and respectful discourse.

“Let me be clear: I will never support or engage in any form of black propaganda. My focus has always been to serve the people through genuine work and meaningful programs.


“I would also like to clarify that I have absolutely no hand in the tarpaulin currently circulating. I did not authorize, produce, or endorse it in any way. Whoever is behind it is acting without my consent or knowledge.


“I have always believed that politics should never be about destroying others but about working together for the betterment of our community.


“To everyone, I encourage you to be vigilant and verify information before believing or sharing it. The truth will always prevail over misinformation.

“I remain focused on what truly matters — serving with action, integrity, and malasakit. GOOD AM!”


Pak, ganern!


 
 

ni Reggee Bonoan @Sheet Matters | March 10, 2026



RESBAK NG MADIR NI ANNE: CONG. SUNTAY AT ATTY. TOPACIO, PAREHONG BASTOS ANG BIBIG/FB Jasmine Curtis-Smith

Photo: FB Jasmine Curtis-Smith



Ilang linggo pa kaya tatakbo ang isyung Anne Curtis at Cong. Bong Suntay? 

Nadaragdagan kasi ang mga personalidad na sumasawsaw.


Okey na ‘yung ipinagtanggol si Anne ng kapatid niyang si Jasmine Curtis-Smith at mga friends sa showbiz. 


Humingi na rin ng sorry ang misis ni Cong. Bong Suntay na si Sheila Guevara-Suntay at kinondena na ng talent management ng aktres na Viva Artists Agency (VAA), pati na ng kanyang legal counsel, ang kongresista. 


At nitong huli nga, naglabas na rin ng saloobin ang Kapamilya actress na si Anne.

Sana ay tapos na, pero bakit may humirit na Jay Sonza at Atty. Ferdinand Topacio? Ano ang relasyon nila kay Cong. Bong Suntay?


Kaya naman ang mother ng magkapatid na Anne at Jasmine na si Gng. Carmencita Ojales ay nagsabing, “You have a filthy mouth, Mr. Suntay. Same kayo ni Mr. Topacio.”

Ini-repost ng ina ng magkapatid ang art card ng statement ni Anne para kay Suntay.


Dagdag ng ginang para sa kongresista, “ATTY. non-apology shows how you don’t understand what was wrong with what you said about Anne. The terms used, the tone, you just don’t respect women and it shows. You see us as objects to be sexualized and that’s so normal to you and that’s why you’re only apologizing for feelings getting hurt. Boy, no. You should reflect on yourself, your beliefs about gender, then apologize when you truly understand what you did wrong. And yes, I called you boy because your maturity is that of a child.”


Ipinagtanggol ni Atty. Topacio si Cong. Suntay at sinabi niya ito sa programa niyang Yes… Yes… Yo! Topacio.


Aniya, “Kahit anong sama ng iniisip mo, may nakita kang babae, gusto mong gahasain, gusto mong halayin, gusto mong daklutin, harapan na. ‘Di kasalanan ‘yun.”


Misinterpreted daw ng publiko ang analogy ng kongresista at paggamit nito kay Anne sa pagtatanggol at pagpapaliwanag nito sa kaso ni Vice President (VP) Sara Duterte sa ginanap na committee hearing.


Pati sa kapatid ni Anne na si Jasmine ay may komento rin si Atty. Topacio: “‘Yung kapatid, bumanat pa, si Jasmine Curtis, parang binabastos daw ‘yung kapatid n’ya, ‘di raw tama. Ikaw, Jasmine, bakit ka nagpo-post ng bikini pictures mo sa social media, sa mga pahayagan?


“‘Di ba, para ikaw ay pagnasaan at sumikat? ‘Wag mong sabihing art ‘yun o ineendorso mo ‘yung brand nu’ng bikini — BS (bullsh*t) ‘yan!”


Hirit pa nito, “‘Yung mga artista r’yan, sina Ivana Alawi, bakit sila nagpo-post? ‘Di ba para sa views? Straight talk.”


At dahil sa mga birada ng abogadong kasali sa lahat ng isyu sa showbiz ay kaliwa’t kanan ang birang inabot niya sa mga netizens dahil sa pagsawsaw nito na wala naman sa tamang lugar.


Kaya ang banat ng nanay ng magkapatid na Anne at Jasmine kay Atty. Topacio, “Ferdinand Topacio, your comment was completely below the belt. You have no right to say those nasty words about my daughter or to judge her in any way.


“That kind of behaviour is disgusting, disgraceful and absolutely unacceptable. You were not only disrespecting my daughter but showing disrespect to all women. Think carefully before you speak. Your words have consequences, Ferdinand Topacio. You have a filthy mouth.”


Bago pa ito nasambit ni Mrs. Carmen ay nag-comment siya sa YouTube (YT) link ng video ng pahayag ni Topacio at nilagyan ng caption na, “Mr. Ferdinand Topacio, bakit n’yo hinahanap at tinitingnan ang mga picture ng anak ko na naka-bikini?


“Wala rin s’yang endorsement na naka-bikini at ‘di s’ya nagpo-post para sa inyo. Ginagawa ng mga babae ang mag-post ng kanilang sarili dahil mahal nila ang sarili nila… Dugyot ka!”

At dito nanggaling ang pahayag din ni Jasmine sa kanyang Facebook (FB) Stories, “YOWWWW WHAT THE ACTUAL? WHAT THE! DUGYOT KA!”


Nakakagulat lang na ang kilalang abogado na tagapagtanggol ay heto at ni-reprimand ng publiko dahil sa paniniwala niyang tama lahat ang paglalarawan ni G. Suntay kay Anne.


Bakit nga ba lahat ng isyu na wala naman siyang kinalaman ay pinapasukan ni Atty. Ferdinand Topacio? Hindi ba siya busy sa mga hawak niyang kaso o sadyang papansin siya? 


Sikat na siya, as in hanggang Myanmar, ‘di ba? Ano pa ba’ng kulang?

May isa pang sumawsaw, si Jay Sonza, pero ayaw na namin siyang bigyan ng espasyo. Hahaha! 


Pero heto, binanggit namin ang name niya — tama na ‘yun!

 
 

ni Reggee Bonoan @Sheet Matters | March 9, 2026



Kean Cipriano - Instagram

Photo: Kean Cipriano / Instagram



Viral ngayon ang blind item post ng lalaking Marites na si Xian Gaza tungkol sa isang sikat na artistang nagmamay-ari ng music label at affiliated sa sikat na major music label company.


Isa-isa naming binasa ang nasa comment section nang i-repost ito ng isang digital creator at puro pangalan ni Kean Cipriano ang binanggit na may kuwentong hindi raw nito ibinibigay ang tamang bayad sa mga singers na under his music label na OC Records.


Parte ng post ni Xian Gaza, “For every P100,000 na kinikita nila sa YouTube (YT) o Spotify, less than P10,000 na lamang ang napupunta sa mga artists sa dami ng mga pautot na deductions. 


“Sa P10,000 na ‘yun, kakaltas pa s’ya ng 30% bilang talent manager. Around 95% nu’ng income sa YouTube (YT) at Spotify ay napupunta sa bulsa ng ating subject tapos ‘yung kakarampot na halaga ay lumalampas pa ng isang taon bago ma-release sa mga kawawang artists.”


May nagsabi pang isa ang singer-songwriter na si Unique Salonga, bokalista ng IV of Spades, na umalis sa banda noong 2018 dahil gustong mag-solo at napunta nga siya sa OC Records na pag-aari ni Kean na dating miyembro ng Callalily Band.


Naisip namin na ang pag-alis kaya ni Unique ang dahilan kung bakit matagal na nawala sa limelight ang IV of Spades at nitong 2025 lang sila ulit nagbalik dahil bumalik na rin si Unique bilang bokalista nila?


Anyway, nagtanong kami sa OC Records tungkol dito at sabi sa amin, “Kung si Kean man, ‘di ko alam kung ano ang hugot n’ya.”


Ipinaliwanag namin na si Xian ang kinokontak ng mga may reklamo sa career nila at ‘yung iba ay sadyang ipinapa-blind item ang mga artista, either para aware ang mga partners kung meron man. At saka namin binanggit si Unique na umano’y hindi raw nabayaran nang tama kaya umalis.


“Nababayaran sila nang tama base sa mga pinirmahan nila,” ito ang mabilis na sagot ng taga-OC Records. 


Dagdag pa, “Maayos naman ang pag-alis n’ya sa amin.”


Sa tanong namin kung bakit maraming nagsabing P10,000 na lang ang natatanggap sa kinitang P100,000 sa streaming platform, sinabihan kaming tatawagan kami para ma-explain nang maayos, pero hanggang sa matapos naming sulatin ang balitang ito ay hindi na kami nabalikan pa.

Nananatiling bukas ang BULGAR sa panig ni Kean Cipriano o ng kampo niya.



METIKULOSO sa kanyang trabaho ang premyadong aktor na si Jake Cuenca at alam naman ito ng lahat na sadyang inaaral niya ang bawat karakter na ginagampanan niya at sabi niya lagi ay nag-i-immerse siya.


Ang karakter niyang Miguelito Guerrero sa FPJ’s Batang Quiapo (BQ) ay hindi niya inaasahang magki-click dahil ang usapan nila ng direktor-aktor na si Coco Martin ay ilang buwan lang at mawawala na siya sa serye, pero hindi nangyari dahil tumagal nang tumagal dahil kapag magkaeksena sina Miguelito at Tanggol ay parang sinipa ng kabayo ang mga ratings.


Hindi lang minsan, dalawa o tatlong beses itong nangyari kaya nagdesisyon na ang creative head ng BQ na manatili si Jake sa aksiyon-serye. 


Kita naman na hanggang sa mga huling linggo at araw ay mainit na pinag-uusapan pa rin kung paano mapapatay ni Tanggol si Miguelito.


Anyway, base sa panayam ng ABS-CBN kay Jake ay sobrang hanga siya kay Coco. Ayon sa aktor, itong BQ ang pinakamahirap at pinaka-challenging na ginawa niya.

“Every single time na magkasama kami ni Direk Coco Martin, iba s’ya talaga. Kaya kong sabihin na ngayon pa lang na abangan ninyo ang ending ng Batang Quiapo.


Pinaghirapan po namin ito, pinagpawisan, pinagduguan para po sa lahat ng manonood. For the loyal viewers ng Batang Quiapo, magkita-kita po tayo sa finals.

“To be honest with you, parang the whole experience was a challenge, pero more than the feeling of a challenge, parang excited ka lagi pumunta sa set. Looking back on all the taping days and all the scenes that I’ve done, there was not one day na ‘di ako excited and there was not one day I wasn’t having fun in the show,” pagtatapat ni Jake.


Ngayon, magtatapos na ang Batang Quiapo, “Right now, it’s just a feeling of ‘wow.’ I just crossed the finish line and I can finally be Jake Cuenca again.”

Buwis-buhay daw talaga siya sa serye at kapag inalok siya ulit ni Coco ay go siya agad.


“Direk Coco Martin. I’m always one call away for my best friend. Kahit ano pa mang role ‘yan, I’m ready to answer the call. I’m just so happy that I was able to do it. And I’m so grateful to Batang Quiapo for choosing me as Miguelito Guerrero,” pagmamalaki ng aktor.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page