top of page
SB19 at BINI PH - IG.jpg
Search

ni Reggee Bonoan @Sheet Matters | April 8, 2026



Niño Muhlach at Janice de Belen - FB

Photo: Niño Muhlach at Janice de Belen - FB



Nagulat kami na si Niño Muhlach pala ang unang nagkagusto kay Janice de Belen at hindi ang pinsan niyang si Aga Muhlach.


Nangyari ang bukingan sa ginanap na housewarming sa bagong bahay ni Ogie Diaz sa Laguna kung saan maraming celebrities ang imbitado at kasama na sina Janice at Niño.


Pinag-usapan ito nina Ogie at Mama Loi kasama sina Tamerlane Mopia at Oliver Carnay sa Showbiz Update na in-upload kagabi at ang topic ay tungkol sa tantrums daw ni Niño noon sa shooting nila ni Janice.


Simula ni Janice base sa video na ipinakita, “12 (years old) ako, 9 years old s’ya. Alam mo ba, nagta-tantrums s’ya dahil sa akin sa shooting.”


Sagot ni Niño, “Pero ‘di pa s’ya kilala noon ni Aga. Ako ang unang may crush d’yan. Nagkasama kami sa pelikula.”


Walang nagawa si Janice kundi umamin at bata pa raw sila noon kaya walang seryosong usapan at ang pelikulang ginawa nila ay Tropang Bulilit (TB) noong 1981.


Sumunod ay nagkasama naman sina Janice at Aga sa pelikulang Super Wan-Tu-Tri (SWTT) with Tito Sotto, Vic Sotto, at Joey de Leon noong 1986. Hanggang sa nabalitang nabuntis ni Aga Muhlach si Janice de Belen at ang naging anak nga ay si Luigi Muhlach na kilalang chef na ngayon.





Viral ang post ng host na si DJ JhaiHo kahapon na nasa emergency room para magpa-check-up dahil hirap daw siyang huminga.


Kasama sa post niya ang video na nagbabalita siya sa DZMM Teleradyo at pansin naming may hingal factor pero hindi niya ipinahahalata.


Ang caption niya ay: “Kapansin-pansin na hirap na hirap at naghahabol ako sa aking hininga yesterday sa programa pero pilit kong inilalaban talaga na tapusin ang show. Right after nito, 12NN to 1:30 PM, ako na mismo nagsugod sa sarili ko sa ER (emergency room).”

Ayon pa sa post ni JhaiHo ay nagpa-laboratory test siya kung saan kinunan siya ng dugo, X-ray, ECG at iba pa at sabay sabing, “Stop na ako sa pagbe-vape.”


Kinumusta namin ang kalagayan ni JhaiHo at sinabi naming magpahinga muna at nabanggit niya na nasa bahay na raw siya ngayon.


“Naka-rest po. Super-pasalamat ako sa mga boss ko sa 92.3FM Radio Manila Arangkada Balita at DZMM. Lahat sila, pinag-rest ako, pinadalhan ng mga prutas, maraming messages, maraming pagkaing dumarating,” kuwento ni JhaiHo sa FB Messenger.


Dagdag pa niya, “Naka-7 days morning and evening antibiotic po at naka-release na po, sa bahay ako. ‘Di ko kaya sa hospital, feeling ko, nanghihina ako.”


Samantala, napansin naming slim ngayon si JhaiHo kaya tinanong namin kung nagda-diet siya at inamin naman niya.


“Super diet po ako, nagpapa-slim, malala, para maganda po,” sagot niya sa amin.

Sabi namin, kaya bumaba ang immune system niya ay dahil sa matinding diet at pinayuhan naming hinay-hinay lang muna at kailangang kumain ng masusustansiya para lumakas agad.

 
 

ni Reggee Bonoan @Sheet Matters | March 26, 2026



Mark Herras - IG

Photo: IG Mark Herras



Mukhang minarkahan na si Mark Herras ng mga taga-Barangay Nieves, San Leonardo, Nueva Ecija dahil hindi niya sinipot ang town fiesta nila kamakailan kahit nakuha na niya ang 50% downpayment ng talent fee (TF) niya.


Base sa report nina Ogie Diaz at Mama Loi sa online show nilang Showbiz Update kasama sina Ate Mrena, Tamerlane Mopia at Oliver Carnay ay may taong nag-reach out sa kanila para i-report ang aktor-mananayaw.


“Binook daw nila si Mark Herras para sa isang event sa Nieves, San Leonardo, Nueva Ecija. Apparently, no show s’ya, ‘di s’ya nagpunta!” sabi ni Mama Loi base sa binasang mensahe sa kanya.


Reaksiyon ni Ogie, “Oh, my God!”


Sabi pa ni Mama Loi, “May commitment pa raw si Mark sa grand parade.”

Ipinakita sa Showbiz Update ang post ng taga-Barangay Nieves, San Leonardo, Nueva Ecija na larawan ni Mark at excited silang makita ang aktor-dancer para sa Barangay Fiesta 2026.


Binanggit din ang iconic tagline na “Dream, Believe, Survive” para sa reality show na StarStruck ng GMA noon.


Aniya, “Super dami raw tao ang nag-abang sa kanya. Kaya nagalit na ‘yung buong barangay council nu’ng Nieves, San Leonardo kasi nga walang reply. Super-dami ng tawag pero ‘di nag-a-update si Mark. Limang oras daw silang naghintay pero walang dumating na Mark Herras. Nakapag-downpayment na raw kay Mark Herras.


“Tapos ‘yung promoter, sa kakakulit n’ya, binlock na raw ‘yung kanyang Facebook, Viber at saka ‘yung Messenger ni Mark Herras at nasira raw ‘yung production number nila dahil sa kanyang ‘di pagdating. S’yempre, nakaayos na ‘yung program.”


Sa galit ng Sanggunian, ang booker na kumontak kay Mark ang kakasuhan dahil siya ang responsable sa hindi pagsipot ng aktor at mananayaw.


Sabi ni Ogie, “Kasi s’ya (booker) ang nakapirma sa kontrata, ganu’n talaga ‘yun.”

Hirit naman ni Oliver, “Baka naman ‘di maliwanag ‘yung usapan nila?”


“‘Pag nakapag-down na, dapat itong siputin ni Mark. ‘Di maganda ‘yan na nang-iindiyan ka ng natanguan mong commitment at nabayaran ka ng kalahati,” diin ni Ogie.


“Totoo, ‘Nay, napakaimportante talaga ng downpayment kasi sealed na ‘yung kontrata. ‘Di ba nga, may mga talents na nagmamadaling kunin ang downpayment para ma-block-off na nila ‘yung date na ‘yun sa calendar activities nila,” paliwanag ni Mama Loi.


“Kaya Mark, ano bang masasabi mo rito? Kailangang masagot n’ya ito. Pipilitin natin s’yang makausap at itine-text ko rin si Mark, dedma pero try pa rin natin,” panawagan ni Ogie.


Pinayuhan din ni Ogie ang booker na kailangang maayos ito dahil malaking problema ito at baka hindi na siya makaulit. Hindi raw problema ng kapitan ng Barangay Nieves si Mark kundi ng booker dahil dapat ay siya ang nagpasipot sa aktor-dancer.


Sabi pa ng content creator, “Mark, dapat ‘di ganu’n kasi ilan na rin ‘yung nababalitaan nating unprofessional si Mark. ‘Pag natanguan mo at nakuha mo ang downpayment, dapat siputin mo.”


Bukas ang BULGAR sa panig ni Mark Herras.


 
 

ni Reggee Bonoan @Sheet Matters | March 21, 2026



SHEET - RON, NAGSAMPA NA NG REKLAMO SA NAGPAKALAT NG SEX VIDEO SCANDAL NIYA_IG _ronangeles

Photo: IG _ronangeles



Nag-imbestiga ang House of Mentorque, talent management ng aktor na si Ron Angeles, kung sino ang nagpapakalat ng mga sex videos diumano nito at ibinebenta sa Telegram.


Kaya nang unang pumutok ang balitang may sex video ang aktor at ang iba pa tulad nina Nikko Natividad, Gil Cuerva at Arron Villaflor ay hindi kaagad naglabas ng official statement si Ron, base rin sa payo ng kanyang legal counsel at talent management.


Ang tanging post lang ni Ron sa kanyang Facebook (FB) account ay “Relax lang kayo r’yan,” dahil may ginagawang hakbang na ang kampo niya.


Matatandaang huling linggo ng Pebrero 2026 ay kaliwa’t kanang blind items ang naglabasan na may mga lalaking artista ang nagpapakalat ng kanilang sex video at ibinebenta raw ito na galing mismo sa babaeng nakasama nila sa kuwarto.


Hanggang sa pinangalanan na ang apat at tinawag silang ‘Big Four’ at ito’y sina Nikko Natividad, Gil Cuerva, Arron Villaflor at Ron Angeles.


Unang nagsalita at umamin si Nikko sa eksklusibong panayam nito kay Ogie Diaz dahil at stake na ang relasyon nilang mag-asawa na muntik nang umabot sa hiwalayan, kaya laking-pasalamat ng dating mananayaw ng grupong Hashtag at aktor na hindi siya iniwan ng kanyang misis.


Inamin ni Nikko na kasalanan niya ang lahat dahil nga gumawa siya ng kasalanan sa likod ng asawa at nabanggit din niyang hindi pa niya naisip na magsampa ng reklamo dahil prayoridad niya ang pagsasama nilang mag-asawa.


Si Gil ang sumunod na naglabas ng statement sa kanyang Instagram (IG) account at inaming kinunan ito nang wala siyang pahintulot. Private moment daw niya ito pero nangyari na kaya nag-iisip din siya kung idadaan ito sa legal na paraan. Pero ang siniguro niya, “Life goes on.”


Samantala, ang pahayag naman ng kasalukuyang miyembro ng Sangguniang Panlalawigan ng ikalawang Distrito ng Tarlac na si Arron Villaflor ay lumang video na ito at kuha sa mga eksena niya sa pelikulang nagawa niya noon pa.


Naglabas na ng official statement kahapon, Marso 20, 2026, ang House of Mentorque tungkol sa video scandal ni Ron.


“In recent weeks, several intimate videos involving known personalities have circulated online, including one involving our talent, Ron Angeles. What was believed to be a private encounter was recorded without consent and has reportedly been distributed and sold over an extended period.


“Let us be clear: this is not an isolated incident. Through coordination with authorities, we have uncovered that the individual involved is part of a larger, organized network engaged in the illegal recording, distribution, and exploitation of victims. This is a grave and deeply disturbing criminal enterprise.”


Nabanggit ding pormal nang nagsampa ng kaso si Ron at hinihikayat din ng House of Mentorque ang ibang biktima ng video scandal na magsampa ng kaukulang kaso.

Pahayag nila, “Ron Angeles has formally filed a complaint. We are fully committed to pursuing this case relentlessly until every individual involved is identified, held accountable, and brought to justice.


“We call on other victims to come forward. You are not alone. We are ready to support you and stand with you in seeking justice.


“To anyone with information that may aid this investigation, we urge you to step forward. Your cooperation is critical in dismantling this operation and ending this cycle of abuse.


“We also remind the public: sharing, reposting, or engaging with this content is illegal. Every view, every share, and every transaction fuels this exploitation. These individuals have endured unimaginable trauma, and the impact extends beyond them to their families and communities who are also suffering through this deeply distressing experience.


“Let us all act responsibly on social media. The continued sharing and resale of these videos on messaging platforms is a punishable offense. We will pursue not only the perpetrators behind this operation but also those who knowingly participate in the distribution of this illegal content.


“As we observe Women’s Month, let this serve as a reminder: abuse and exploitation know no gender. It can happen to anyone.

“This must end. Help us stop this.”


At sa mga naging biktima ng ganitong krimen at kahit na hindi nakasama ang pangalan sa mga binanggit ay maaaring makipag-ugnayan sa House of Mentorque sa +639690352688.


May multang P100,000 hanggang P500,000 sa nagpakalat ng sex video at ilang taong pagkakakulong kapag napatunayang nagkasala under Republic Act No. 9995.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page