top of page
Search

ni Mai Ancheta | June 3, 2023




Napipinto na ang penitensya ng maraming pasahero ng Philippine National Railways (PNR) dahil sa nalalapit na pagtigil ng biyahe nito mula sa rutang Alabang hanggang Calamba.


Ayon kay Department of Transportation Undersecretary Cesar Chavez, sa Hulyo 2 na ang pagsasara ng operasyon ng PNR mula sa nabanggit na ruta upang bigyang-daan ang konstruksiyon ng North-South Commuter Railway System na tatagal ng limang

taon.


Sinabi ng opisyal na 467 commuters ang maaapektuhan sa pagsasara ng nabanggit na ruta.


Papalitan aniya ng NSCR system ang kasalukuyang street level ng PNR, single track at diesel locomotive set-up dahil ito ay gagawing elevated, double-track at electrified train system.


Ang NCR project ay 147 kilometer system na mag-uugnay sa Calamba, Laguna, Metro Manila hanggang Clark, Pampanga.


 
 

ni Gina Pleñago | April 22, 2023




Naibalik na mula sa pagkakadiskaril ang tren ng Philippine National Railways (PNR), sa pagtutulungan ng mga tauhan mula sa LRT Line 2, MRT 3, at ng pribadong sektor.


Nailagay na muli sa riles ang tren matapos pagsabayin ang paggamit sa crane at rerailing equipment at matagumpay na nailinya ang locomotive sa nadiskaril na tren.


Pinasalamatan ni PNR General Manager Jeremy Regino ang lahat ng mga manggagawa na nagtulung-tulong upang mapabilis at gawing ligtas ang pagsasaayos sa tren.


 
 

ni Lolet Abania | January 3, 2022


Mahigit sa 100 personnel ng Metro Manila’s rail lines ang nagpositibo sa test sa COVID-19, batay sa anunsiyo ng mga opisyal nito ngayong Lunes, kasabay ng pagtaas ng mga bagong kaso ng virus sa bansa.


Ayon kay Metro Rail Transit Line 3 (MRT3) Director for Operations Michael Capati, 17 personnel ng rail line ang positibo sa COVID-19 sa ginawang mass antigen testing sa kanilang depot ngayong Lunes ng umaga.


Nakatakda ring magsagawa sa mga naturang empleyado ng confirmatory RT-PCR test sa Martes, Enero 4.


Sinabi naman ni Philippine National Railways (PNR) Assistant General Manager Celeste Lauta na nakapag-test sila ng 357 empleyado ng rail lines, kung saan 87 ang nagpositibo sa antigen tests habang pinauwi na rin agad ang mga ito para sa isolation.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page