top of page
Search

ni Fely Ng @Bulgarific | June 27, 2025



PhilHealth

Hello, Bulgarians! Ang sakit sa bato o Chronic Kidney Disease (CKD) ay isa ngayon sa mga pangunahing sakit sa bansa — isa sa bawat tatlong Pilipino ay posibleng magkaroon nito. Dahil sa mahabang gamutang kaakibat nito, naaapektuhan ng sakit sa bato ang iba’t ibang aspeto ng buhay ng mga pasyente: ang kanilang mga trabaho, kalidad ng pamumuhay, at lalo na ang kanilang mga naipundar.


Kaya naman sa direktiba ng Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr., patuloy na pinalalawig ng  Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) ang mga benepisyo nito lalo na para sa pagpapa-dialysis, kidney transplantation, at ngayon, ang tuluy-tuloy na gamutan at pagpapasuri ng pasyente upang mapanatiling tagumpay ang operasyon.


Nais ng ahensya na maging dito ay wala nang alalahanin ang ating mga kababayan nang sa gayo’y pagpapalakas na lamang ang kanilang tututukan. Kaya naman, ibinabahagi ang dalawang bagong benepisyo ng PhilHealth: Z Benefits Package para sa Post-Kidney Transplantation Services, isang para sa mga bata at isa sa mga mas nakatatandang nakatanggap ng bagong bato (kidney) mula sa mga donor.


Sa ilalim ng bagong benepisyo para sa mga bata, ilan sa mga babayaran ng PhilHealth ay:

1. Php73,065 sa kada buwan na immunosuppressive medications para sa unang taon at Php41, 150 kada buwan sa mga susunod na taon;

2. Hanggang Php45, 570 na kada buwan na drug prophylaxis o antibiotic para makaiwas sa impeksyon;

3. Php37,585 sa bawat tatlong buwan na pagpapalaboratoryo para sa unang taon at Php14,078 naman sa kada tatlong buwan para sa mga susunod na taon; at maraming pang ibang serbisyong nakadetalye sa polisiyang ilalabas ng PhilHealth.


Para naman sa mga mas nakatatanda, edad 19 o higit pa, ilan sa mga babayaran ng PhilHealth ay:

1. Php40, 725 sa kada buwan na immunosuppressive medications;

2. Php18, 932 para sa anim na buwan na gamutan;

3. Php 11,242 para sa bawat tatlong buwan na pagpapalaboratoryo para sa unang taon at Php8,125 naman sa kada tatlong buwan para sa susunod na taon; at iba pang mga serbisyong nakadetalye sa polisiyang ilalabas ng PhilHealth.


Sa ilalim ng parehong post-Kidney Transplant Services benefits ay makatatanggap na rin ng suporta ang mga nagmagandang loob na mag-donate ng kanilang bato. Ang mga living donors para sa mga bata at mga mas nakatatanda ay parehong makatatanggap ng Php1,900 para sa kada anim na buwan na pagpapalaboratoryo at monitoring mula sa PhilHealth. Ang kalinga at suportang hatid para sa donors ay bunga na rin ng pagkaunawa ng kahalagahan ng komunidad sa pagseseguro ng kalusugan ng lahat.


Kaya naman patuloy na pinaiigting ng PhilHealth ang paglilingkod upang makapaghatid ng isang mabilis, patas, at mapagkakatiwalaang agabay sa bawat Pilipino.


Para sa anumang impormasyon, opinyon, isyu o maging imbitasyon, mag-e-mail sa bulgarific@gmail.com o sumulat kay Ms. Bulgarific at ipadala sa Bulgar Bldg., 538 Quezon Avenue, Quezon City.

 
 

by Info @Brand Zone | June 25, 2025



PhilHealth PR No. 2025-27 / June 19, 2025


Ang sakit sa bato o Chronic Kidney Disease (CKD) ay isa ngayon sa mga pangunahing sakit sa bansa — isa sa bawat tatlong Pilipino ay posibleng magkaroon nito. Dahil sa mahabang gamutang kaakibat nito, naaapektuhan ng sakit sa bato ang iba’t ibang aspeto ng buhay ng mga pasyente: ang kanilang mga trabaho, kalidad ng pamumuhay, at lalo na ang kanilang mga naipundar.

 

Kaya naman, sa direksyon ng Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr., patuloy na pinalalawig ng PhilHealth ang mga benepisyo nito lalo na para sa pagpapa-dialysis, kidney transplantation, at ngayon, pati na rin para sa tuloy-tuloy na gamutan at pagpapasuri ng pasyente upang panatilihing tagumpay ang operasyon.

 

Nais natin na maging dito ay wala ng alalahanin ang ating mga kababayan nang sa gayo’y pagpapalakas na lamang ang kanilang tututukan. Kaya naman, ating binabahagi ang dalawang bagong benepisyo ng PhilHealth: Z Benefits Package para sa Post-Kidney Transplantation Services, isang para sa mga bata at isa sa mga mas nakatatandang mga Pilipinong nakatanggap ng bagong bato mula sa mga donor.

 

Sa ilalim ng bagong benepisyo para sa mga bata, ilan sa mga babayaran ng PhilHealth ay:

1.       Php 73,065 sa kada-buwan na immunosuppressive medications para sa unang taon at Php 41, 150 kada-buwan sa mga susunod na taon;

2.      Hanggang Php 45, 570 na kada-buwan na drug prophylaxis o antibiotic para makaiwas sa impeksyon;

3.      Php 37,585 sa bawat tatlong buwan na pagpapa-laboratoryo para sa unang taon at Php 14,078 naman sa kada-tatlong buwan para sa mga susunod na taon;


at maraming pang ibang serbisyong naka-detalye sa polisiyang ilalabas ng PhilHealth.

 

Para naman sa mga mas nakatatanda, edad 19 o higit pa, ilan sa mga babayaran ng PhilHealth ay:

1.       Php 40, 725 sa kada-buwan na immunosuppressive medications;

2.      Php 18, 932 para sa anim na buwan na gamutan;

3.      Php 11,242 para sa bawat tatlong buwan na pagpapa-laboratoryo para sa unang taon at Php 8,125 naman sa kada-tatlong buwan para sa susunod na taon;

at iba pang mga serbisyong naka-detalye sa polisiyang ilalabas ng PhilHealth.


Sa ilalim ng parehong post-Kidney Transplant Services benefits ay makatatanggap na rin ng suporta ang mga nagmagandang loob na mag-donate ng kanilang bato. Ang mga living donors para sa mga bata at mga mas nakatatanda ay parehong makatatanggap ng Php 1,900 para sa kada-anim na buwan na pagpapa-laboratoryo at monitoring mula sa PhilHealth. Itong kalinga at suportang hatid natin para ating donors ay bunga ng ating pagkaunawa ng kahalagahan ng komunidad sa pagseseguro ng kalusugan ng lahat.

 

Kaya naman, patuloy na pinaiigting ng PhilHealth ang paglilingkod nang tayo ay makapaghatid ng isang Mabilis, Patas, at, Mapagkakatiwalaang agabay sa bawat Pilipino.


 
 

ni Fely Ng @Bulgarific | May 31, 2025



PhilHealth


Hello, Bulgarians! Patuloy na pinatatatag ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) ang serbisyo nito sa pangangalagang pangkalusugan para sa mga Pilipino matapos makapagbayad ng higit P592 milyong halaga ng claims sa National Kidney and Transplant Institute (NKTI) mula Enero 1 hanggang Mayo 21 ngayong taon.


Ito ang inihayag ni Dr. Edwin M. Mercado, Acting PhilHealth President at CEO, sa kanyang pagbisita sa NKTI noong Miyerkules. Personal din niyang tiniyak na nagagamit ng mga pasyenteng sumasailalim sa hemodialysis at iba pang renal replacement therapies ang kanilang buong benepisyo mula sa PhilHealth.


Alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. na tiyakin ang tuluy-tuloy na serbisyo, patuloy na isinusulong ng PhilHealth ang misyon nitong RISE30 upang masiguro na natatanggap ng bawat Pilipino ang buong benepisyo at serbisyo ng ahensya sa pamamagitan ng mas mabilis na pagproseso at pagbabayad ng claims.


Alinsunod sa prayoridad ng ating Pangulong Bongbong Marcos, Jr., ako ay bumibisita at nakikipagpulong sa mga partner healthcare facilities para malaman at personal kong makita kung paano natutugunan ang pangangailangan ng ating mga kababayang may sakit, at siguruhing mabilis tayong nakapagbabayad ng mga benefit claims,” pahayag ni Dr. Mercado.


Simula 2023, patuloy na pinahuhusay ng PhilHealth ang benepisyo nito para sa mga miyembro na may Chronic Kidney Disease (CKD) Stage 5. Kabilang dito ang pagpapalawak ng saklaw ng hemodialysis mula 90 sessions patungo sa 156 sessions kada taon. Malaki rin ang itinaas ng Z Benefit Package para sa Peritoneal Dialysis na aabot sa P1.2 milyon, at ang Z Benefit coverage para sa Kidney Transplantation na mula P600,000 ay naging higit P2 milyon.


Ayon pa kay Mercado, nakapagbayad na ang PhilHealth ng P161 milyon para sa hemodialysis procedures lamang sa NKTI, na nagpapakita ng malaking pagtaas sa paggamit at gastusin sa hemodialysis. 


Ayon sa datos ng PhilHealth, ang hemodialysis ang nanguna bilang top paid medical procedure sa bansa noong 2024. 


“Nanatili po ang PhilHealth na katuwang ng ating mga partner healthcare facilities tulad ng NKTI sa pamamagitan ng maagap na pagproseso ng claims payments. Sa ganitong paraan, natutulungan namin silang mapanatili ang mga mahahalagang serbisyong medikal at masagot ang tumataas na pangangailangan para sa pangangalaga sa iba't ibang kondisyon. Ito po ang patunay ng aming misyon na maihatid ang PhilHealth na mabilis, patas, at mapagkakatiwalaan,” diin ni Dr. Mercado.


Para sa karagdagang detalye sa mga benepisyo ng PhilHealth, maaaring tumawag sa 24/7 touch points ng PhilHealth sa (02) 866-225-88 o sa mga mobile number (Smart) 0998-857-2957, 0968-865-4670, (Globe) 0917-1275987 o 0917-1109812.


Para sa anumang impormasyon, opinyon, isyu o maging imbitasyon, mag-e-mail sa bulgarific@gmail.com o sumulat kay Ms. Bulgarific at ipadala sa Bulgar Bldg., 538 Quezon Avenue, Quezon City.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page