top of page
Search

ni Lolet Abania | December 8, 2021



Nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang isang executive order na magre-regulate sa presyo ng gamot at medisina na ginagamit para i-address ang mga nagiging sanhi ng morbidity o sakit sa mga Pilipino, ayon sa Malacañang ngayong Miyerkules.



Sinabi ni acting Presidential Spokesman Karlo Nograles, pinirmahan na ni Pangulo Duterte kahapon ang Executive Order No. 155, kung saan ipapatupad ang price regulation sa pamamagitan ng Maximum Retail Price (MRP) at/o Maximum Wholesale Price (MW) para sa 34 drug molecules at 71 drug formulas.


Ani Nograles sa isang statement, ang mga naturang drug molecules at formulas, “used in agents affecting bone metabolism, analgesics, anesthetics, anti-angina, antiarrhythmics, anti-asthma and chronic obstructive pulmonary disease medicines, antibiotics, anticoagulants, anticonvulsants, antidiabetic drugs, antidiuretics, and antiemetics.”


Sinabi pa ng opisyal na sakop din ng order ang mga molecules at formulas na ginagamit sa medisina laban sa glaucoma, hypercholesterolemia, hypertension, cancer, Parkinson’s disease, overactive bladders, psoriasis, growth hormone inhibitors, immunosuppressant drugs, at iron chelating agents at iba pa.


“This is part of efforts to improve access to affordable, quality medicines and reduce the health-related expenses of our countrymen, consistent with the goals of the Universal Health Care Act,” paliwanag ni Nograles. Batay sa order, kailangan na mayroong maximum retail price na naka-imprenta sa label ng medisina.


Ang listahan naman ng medisina at ang katumbas na presyo nito ay ire-review ng Department of Health (DOH), na may konsultasyon sa Department of Trade and Industry (DTI), 6 na buwan mula sa effectivity ng EO, at tuwing 6 na buwan pagkatapos noon.


Ang paglabag sa nasabing drug regulations ay maaaring pagmultahin ng P50,000 hanggang P5 milyon. Noong nakaraang taon, nagpatupad na rin ng ganito ang gobyerno kung saan naglilimita sa presyo ng 86 drug molecules o 133 drug formulas.


Narito ang mga regulated prices para sa mga nasabing medisina:


 
 

ni Lolet Abania | December 2, 2021



Ipinagmalaki ni Pangulong Rodrigo Duterte na natupad niya ang karamihan sa kanyang mga pangako sa panahon ng kanyang panunungkulan bilang punong ehekutibo.

“My term is nearing its end, I can say with a little bit of pride, halos lahat na pinangako ko, natupad ko,” ani Pangulong Duterte sa inagurasyon ng 143 Social and Tourism Ports at ng Zamboanga City Seaport Development Project ngayong Huwebes.


“Dito na lang sa peace and order... pero as long as there are men in this planet, there will always be misdeeds and wrongdoings committed by human being. Be that as it may, I tried my best. ‘Di ko naman sabihin na ano, mukhang nakumpleto ko halos lahat ng pinangako ko sa taong bayan. Salamat,” sabi ng Pangulo.


Bilang kandidato noong 2016, nabanggit ni P-Duterte na magiging madugo kapag siya ang nahalal na pangulo. Simula noon, tinatayang nasa 7,000 indibidwal na ang namatay sa panahon ng anti-drug operations ng pulisya base sa mga police records.


Magugunitang inisyal na siniyasat ng International Criminal Court (ICC) ang administrasyong Duterte hinggil sa umano’y ‘crimes against humanity in the context of drug war killings’ sa panahon ng mga police operations.


Gayunman, ang pagsisiyasat ng ICC ay pansamantalang ipinagpaliban matapos na hilingin ng gobyerno ng Pilipinas sa korte na itigil ang imbestigasyon, kung saan ikinatwirang inaalam na ng mga lokal na awtoridad ang tungkol sa mga naturang pagpatay.


Ang pagpapaliban ng ICC probe ay tinutulan naman ng mga pamilya ng namatay sa drug war dahil anila, ni-review lamang ng Department of Justice (DOJ) ang 352 kaso ng drug war killings sa mga police operations, kung saan ayon din sa kanila na ang pagsisiyasat ng mga lokal na awtoridad ay isang lang umano pagkukunwari.


Subalit, ayon sa Pangulo, hinding-hindi siya makikipagtulungan sa isang ICC investigation kahit pa aniya, payag siyang makulong sa New Bilibid Prison sa Muntinlupa.


“I am a Filipino. If there is somebody who will prosecute me, it is the Philippine prosecution service,” saad ni P-Duterte.


“Pilipino lang puwede magpakulong sa akin. Parang hotel raw kulungan nila [sa abroad]... [pero] dito ako sa Muntinlupa. Ipatapos ko ang tattoo ko rito sa kamay. May bulaklak ako, ginagamit ko ‘pag maglandi, ipinagyayabang ko tattoo ko,” sabi pa ng Pangulo.


Samantala, magtatapos ang termino ni Pangulong Duterte sa Hunyo 30, 2022.

 
 

ni Lolet Abania | November 30, 2021



Pinuri at kinilala ni Pangulong Rodrigo Duterte, ang labis na katapangan ng bayaning si Andres Bonifacio ngayong Martes, kasabay ng pagdiriwang ng ika-158th anibersaryo ng kaarawan nito, kung saan aniya, ang pagkilala sa nakaraan ay maghahatid sa mas matatag na bayan.


“May this event be a constant reminder of the invaluable contribution and selfless sacrifice of our heroes, especially Gat Andres in paving the way for the liberty and independence that we enjoy today,” ani Pangulong Duterte sa kanyang speech sa Pinaglabanan Shrine sa San Juan City.


“Remembering the heroism of our gallant forebear Bonifacio provided the sense of hope, determination and optimism for today’s generation of Filipinos, especially as we surmount difficult challenges in our time including the COVID-19 pandemic,” dagdag ng Pangulo.


Kasabay ng naturang pagdiriwang ay ang pagbubukas ng bagong restored na El Deposito Underground Reservoir at ang bagong diorama exhibit sa Museo ng Katipunan, kung saan nagpapakita naman ng history ng Battle of San Juan del Monte.


“Let me thank the National Historical Commission of the Philippines for undertaking the restoration and the rehabilitation of these historical and cultural landmarks.


Remembering historical events such as these are vital to enriching our understanding and appreciation for our nation’s culture,” sabi ng Punong Ehekutibo.


“I believe that by visiting and honoring our past, we will be able to impart a stronger sense of nationhood to the present and future generations of Filipinos,” pahayag pa ni P-Duterte.


Naghandog din ang Pangulo ng isang wreath sa okasyon at nagkaloob ng posthumous Order of Lapu-Lapu na may Rank of Magalong kay Bonifacio.


Ang great granddaughter ng nasabing bayani na si Buena Grace Distrito Casanova, ang siyang personal na tumanggap ng award.


Kasama naman sa pagdiriwang sina Cabinet Secretary at acting presidential spokesperson Secretary Karlo Alexei Nograles, San Juan City Mayor Francisco Javier Zamora, at National Historical Commission of the Philippines Chairperson Dr. Rene Escalante.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page