top of page
Search

ni Lolet Abania | January 7, 2022



Ipinag-utos na ni Pangulong Rodrigo Duterte na arestuhin ang mga indibidwal na hindi bakunado laban sa COVID-19 na tumangging manatili sa kanilang tirahan sa gitna ng pandemya kung saan ipapatupad sa buong bansa, ayon sa Malacañang ngayong Biyernes.


“Dahil nakikita po natin sa datos na iyong mga unvaccinated po, kapag nahawa po ng COVID ay napupunta sa malubhang kalagayan, nagiging severe at critical. So nationwide po iyan,” paliwanag ni acting presidential spokesperson Karlo Nograles sa isang Palace briefing, hinggil sa stay-at-home order ng Pangulo nitong Huwebes ng gabi na ibinaba sa mga barangay officials kung saan “restrain and arrest” ang mga unvacccinated individuals na tatangging manatili sa kanilang tahanan.


Sa kanyang Talk to the People, iginiit ni Pangulong Duterte ang kanyang awtoridad bilang Punong Ehekutibo sa gitna ng national emergency para ipag-utos ang mobility restriction sa mga hindi bakunadong indibidwal.


“In the absence of a law, the President is called upon to act and because it is a national emergency, it is my position that we can restrain,” pahayag ni Pangulong Duterte.


Ayon sa Pangulo, ang mga barangay chairpersons ay maaaring ipatupad ang lahat ng mga batas sa bansa na gawin aniya, “within his community.”


“I am now giving orders to the barangay captains to look for those persons who are not vaccinated and just request them or order them if you may to stay put,” sabi ng Pangulo.


Samantala, umabot na sa 51 milyong Pilipino ang fully vaccinated kontra-COVID-19 sa ngayon, kung saan hindi nakamit ng gobyerno ang target nitong 2021 yearend na 54 milyong indibidwal na maging fully vaccinated laban sa coronavirus.


Target ng administrasyong Duterte na makapag-fully vaccinate ng 77 milyong Pilipino hanggang Marso ngayong taon habang 90 milyon naman hanggang Hunyo.


“The only way out of this pandemic is vaccination,” sabi naman ni Nograles.


“We have enough doses. Let us get vaccinated and the booster shot as soon as possible,” dagdag pa ng kalihim.

 
 

ni Lolet Abania | January 7, 2022



Inanunsiyo ng Malacañang ngayong Biyernes na natanggap na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang booster shot na Sinopharm vaccine laban sa COVID-19.


“Sa declaration niya kagabi sa Talk to the People, it appears na nakapag-booster na si Pangulo at Sinopharm ang nagamit,” sabi ni acting presidential spokesperson Karlo Nograles.


“Doon iyon sa sinabi niya kagabi, sa Talk to the People,” dagdag ng opisyal.


Ang Talk to the People ni Pangulong Duterte na ipinalabas nitong Huwebes ng gabi ay isang taped address.


Matatandaan na ang 76-anyos na Pangulo ay nakatanggap ng unang dalawang dose ng COVID-19 vaccine ng Sinopharm na isang Chinese brand.

 
 

ni Lolet Abania | January 6, 2022



Labinlimang miyembro ng Presidential Security Group (PSG) ang nagpositibo sa test sa COVID-19, ayon kay PSG commander Colonel Randolph Cabangbang ngayong Huwebes.


Binanggit din ni Cabangbang na ang mga nagpositibo sa test ay mga fully vaccinated na kontra-COVID-19 at hindi ang mga ito na-exposed kay Pangulong Rodrigo Duterte.


“They were coming off holiday break, kaya hindi sila nagkaroon ng contact sa Presidente,” ani Cabangbang.


“After undergoing the mandatory quarantine for seven days, they were administered RT-PCR test, and 15 personnel yielded [COVID-19] positive test results. They are not in any way detailed with the President. All personnel were fully vaccinated and are asymptomatic,” dagdag ni Cabangbang sa isang statement.


Tiniyak naman ni Cabangbang sa publiko na ang mga nasabing PSG personnel ay naalagaan at nabigyan na rin ng medikal na atensiyon habang patuloy ang mga ito sa pagsunod sa health protocols.


“PSG is strictly adhering to the highest standards of performing its primary mandate, that is, to protect the Commander-in-Chief, our beloved President Duterte,” sabi ni Cabangbang.


“Your PSG assures the public that we are fit and able to protect the President so he can continue his mandate to serve this nation,” saad pa niya.


Una nang sinabi ni acting presidential spokesperson Karlo Nograles na lahat ng itinakdang health protocols ay kanilang mahigpit na ipinatutupad upang masiguro na ang Pangulo ay mananatiling COVID-19-free habang ginagampanan nito ang tungkulin bilang commander-in-chief.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page