top of page
Search

ni Pablo Hernandez @Prangkahan | May 16, 2025



Prangkahan ni Pablo Hernandez

DAHIL MALABO NANG MA-IMPEACH KAYA PALUSOT NG MALACANANG, ‘DI RAW ISINUSULONG NI PBBM ANG IMPEACHMENT NI VP SARA -- May palusot ang Malacanang sa isyung impeachment trial kay Vice Pres. Sara Duterte-Carpio, na ayon kay Presidential Communication Office (PCO) Usec. Claire Castro ay hindi naman daw isinusulong ni Pres. Bongbong Marcos (PBBM) na ma-impeach si VP Sara.


Kaya natin nasabing palusot ito ng Malacanang kasi alam na nila na malabo nang ma-impeach si VP Sara dahil anim lang sa mga kandidato ni PBBM sa pagka-senador ang nagwagi, at ang dalawa pa sa mga iyan na sina reelectionist Sen. Pia Cayetano at Las Pinas City Rep. Camille Villar ay kaalyado din ng pamilya Duterte, idagdag pa ang pagkapanalo nina reelectionist Senators Bong Go, Ronald Dela Rosa, Imee Marcos, Sagip Partylist Rodante Marcoleta, period!


XXX


SANA SUPORTAHAN NG MGA SEN. AT CONG. ANG ISUSULONG NI CHEL DIOKNO NA IPAGBAWAL MAGING NOMINADO SA PARTYLIST ANG MULA SA POLITICAL DYNASTY -- Magsusulong si incoming Akbayan Partylist Rep. Chel Diokno ng panukalang batas na ipagbabawal sa mga partylist ang mag-nominee ng kandidatong mula sa political dynasty.


Sana suportahan iyan ng majority senators and congressmen para matigil na ang pamamayagpag ng mga partylist na “pag-aari” ng mga political dynasty, boom!


XXX


LABAN SA PAGKA-SENATE PRESIDENT, CHIZ ESCUDERO VS TITO SOTTO -- Isa si former Senate President Tito Sotto sa nagwagi sa nakaraang halalan, at ayon sa kanya, kung iendorso siya ng mga kasamahan niyang senador na lumaban sa pagkapangulo muli ng Senado ay tatanggapin daw niya ang hamon na pamunuan ulit ang Senate of the Philippines.


Isa ngayon ‘yan sa aabangan ng publiko, Sen. Tito Sotto vs Sen. Chiz Escudero sa pagka-pangulo ng Senado, period!


XXX


NAGWAGI SI YORME ISKO KAYA MAMAMAYAGPAG NA NAMAN ANG MGA RAKET NG ILEGALISTANG SINA ‘BOY ABANG’ AT ‘LORNA’ SA MAYNILA -- Nagwagi sa pagka-alkalde ng Maynila si Yorme Isko Moreno.


Dahil diyan ay asahan nang mamamayagpag na naman ang mga raket ng ilegalistang sina "Boy Abang" at "Lorna," buset!

 
 

ni Pablo Hernandez @Prangkahan | May 15, 2025



Prangkahan ni Pablo Hernandez

PAGPAPA-IMPEACH KAY VP SARA, ‘SUNTOK NA SA BUWAN’ -- Sa pagkakapanalo sa pagka-senador nina reelectionist Senators Bong Go, Ronald Dela Rosa, Pia Cayetano, Imee Marcos, Las Piñas City Rep. Camille Villar ay “suntok na sa buwan” ang naisin ng Marcos administration na ma-impeach o mapatalsik sa puwesto si Vice Pres. Sara Duterte-Carpio.


Sa impeachment trial kasi kapag siyam na senador ang kumontra, absuwelto na si VP Sara, hindi na siya mapapatalsik bilang VP ng ‘Pinas, na ang nais nating ipunto, limang winning senators (Bong Go, Dela Rosa, Pia Cayetano, Imee at Camille) na ang anti-impeachment, idagdag pa diyan ang mga incumbent senators Robin Padilla, Mark Villar, Alan Cayetano, so walo na, isa na lang, eh sa mga naunang interview ay nagpahayag na ng pagkontra sa impeachment ang magkapatid sa ama na sina Sen. Jinggoy Estrada at Sen. JV Ejercito, Sen. Sherwin Gatchalian at Sen. Migz Zubiri, tapos independent minded pa sina elected Sen. Bam Aquino at Sen. Kiko Pangilinan na hindi kayang diktahan ng Marcos admin, period!


XXX


DAHIL ‘MAABSUWELTO’ SI VP SARA SA IMPEACHMENT CASE, TULOY ANG LABAN NIYA SA PAGKA-PRESIDENTE SA 2028 ELECTION -- Dahil malabo nang ma-impeach, isa lang ang nakikita ngayon ng publiko.

Tuloy ang laban ni VP Sara sa pagka-presidente sa 2028, lalo’t sa bibig na niya mismo nanggaling ang katagang pamumunuan daw niya ang may prinsipyong oposisyon, abangan!


XXX


WALANG PANTAPAT SI PBBM KAY VP SARA NA MALAKAS NA KANDIDATO SA 2028 PRESIDENTIAL ELECTION -- Walang malakas na kandidato ang Marcos admin na puwedeng ipantapat kay VP Sara sa 2028 presidential election, kasi ang napupusuan ni PBBM na gawing kandidato sa pagka-presidente na si Speaker Martin Romualdez ay ubod nang hina sa mga presidential survey.


Kung ang ginawa sana ni PBBM pagkaupo niyang presidente ay nakipag-usap kay Speaker Romualdez na maglagay ng malaking pondo para sa subsidiya sa bigas sa 2023 national budget, at inatasan ang Dept. of Agriculture (DA) na magbenta ng bigas na P20 per kilo sa merkado, aba’y sana ubod nang bango sa publiko ang kanyang administrasyon, ubod din sana ng lakas na kandidato ni Speaker Romualdez sa pagka-presidente.


Hindi nila agad ginawa iyan, kaya bumaho sa publiko ang Marcos admin, at lumabas na pinakamahinang presidential candidate si Speaker Romualdez sa 2028 election, boom!


XXX


HINDI LANG SA SENATORIAL ELECTION, KUNDI PATI SA LOCAL ELECTION MARAMING ARTISTANG NATALO SA HALALAN -- Hindi lang sa senatorial election, kundi pati sa local election ay napakaraming kandidatong artista ang natalo sa mga tinakbuhan nilang position sa local level.


Patunay iyan na namumulat na ang mamamayan, na hindi na nila iboboto ang mga artista na kaya lang siguro nagsipagkandidato ay mga laos na sa showbiz, na ang tila gusto namang ‘pagkakitaan’ ay pulitika, period!

 
 

ni Pablo Hernandez @Prangkahan | May 14, 2025



Prangkahan ni Pablo Hernandez

MGA SURVEY FIRMS, SABLAY ANG SENATORIAL SURVEY -- Malaking kahihiyan sa publiko ang inabot ng mga survey firms patungkol sa mga senatorial surveys na kanilang isinasapubliko.


Sina former Senators Bam Aquino, Kiko Pangilinan, Sen. Imee Marcos at Sagip Partylist Rep. Rodante Marcoleta ay laging hindi nila isinasama na pasok sa top 12 senatorial survey, pero nang matapos ang bilangan ng boto, wagi sila at pasok pa sa top 12 na nanalong mga senador.


Dahil diyan, malamang sa mga darating na eleksyon, wala nang maniniwala sa mga survey dahil nasira ang kanilang kredibilidad sa nagdaang May 12, 2025 election, period!


XXX


MALAMANG KASAMANG MAMALASING MATALO SA PAGKA-SENADOR SI SEN. ROBIN PADILLA KUNG NGAYONG 2025 ELECTION SIYA KUMANDIDATO -- Minalas na matalo sa pagka-senador ang mga sikat na artistang sina reelectionist Sen. Bong Revilla, Willie Revillame at Philip Salvador.


Sinuwerte pa rin si action star, Sen. Robin Padilla at noong 2022 election niya naisipang kumandidato sa pagka-senador kasi kung ngayon siya tumakbo, sigurado kasama siya sa mamalasing matalo sa 2025 senatorial election, boom!


XXX


MAS MAGIGING PALABAN SI VP SARA KONTRA SA MARCOS ADMIN DAHIL PAMUMUNUAN NA RAW NIYA ANG OPOSISYONG MAY PRINSIPYO -- Matapos manalo sa pagka-senador sina Sen. Bong Go, Sen. Ronald Dela Rosa, Sagip Partylist Rep. Rodante Marcoleta, Las Piñas City Rep. Camille Villar at Sen. Imee Marcos ay nangako si Vice Pres. Sara Duterte-Carpio na pamumunuan niya ang may prinsipyong oposisyon.


Hindi man aminin ay tiyak may pangambang naramdaman diyan si Pres. Bongbong Marcos (PBBM), dahil sa tema ng pananalita ng bise presidente ay tila mas lalo itong magiging palaban sa Marcos administration, period!


XXX


BAKA DOBLE-SAKIT NG ULO ANG ABUTIN NI PBBM DAHIL 2 NA ANG OPOSISYON SA KANYANG ADMINISTRASYON -- Ikinatuwa ni Sen. Risa Hontiveros ang pagkapanalo sa pagka-senador ng mga kaalyado niyang sina former Senators Bam Aquino at Kiko Pangilinan at Atty. Chel Diokno ng Akbayan Partylist at former Sen. Leila De Lima ng ML Partylist, na ayon sa senadora ay lalakas na ang totoong oposisyon sa Senado at Kamara.


Aba teka, baka magdoble-sakit ng ulo na ang abutin niyan ni PBBM dahil dalawa ang oposisyon sa kanyang administrasyon, oposisyong pamumunuan ni VP Sara at oposisyong pinamumunuan ni Sen. Hontiveros, boom!

 
 
RECOMMENDED
bottom of page