top of page
Search

ni Pablo Hernandez @Prangkahan | May 19, 2025



Prangkahan ni Pablo Hernandez

MALAMANG KUMASA SI CONG. PULONG KAY CONG. ROMUALDEZ SA SPEAKERSHIP NG KAMARA -- Sinabihan ni Vice Pres. Sara Duterte-Carpio ang kanyang kuya na si Davao City Rep. Paolo Duterte na labanan sa speakership si Leyte Rep. Martin Romualdez sa pagbubukas ng 20th Congress.


Alam naman natin na majority ng mga kongresista ay pro-Romualdez, pero may posibilidad din talaga na kumasa si Cong. Pulong kay Cong. Romualdez para lang ipamukha ng mga Duterte sa Malacanang na hindi sila natatakot na labanan ang “manok” ni Pres. Bongbong Marcos (PBBM) sa speakership ng Kamara, period!


XXX


HINDI KAYA ‘NAPA-ARAY’ SI PBBM SA STATEMENT NI VP SARA PARA SA MGA BAGONG GRADUATES NG PMA? -- Nanawagan si VP Sara sa mga bagong graduates ng Philippine Military Academy (PMA) na huwag maging kasangkapan ng pagmamalabis, pagtatraydor at pagpapahirap ng mga nasa kapangyarihan.


Wala man pinangalanan, pero malamang “napa-aray” si PBBM sa statement na ito ng bise presidente, kasi sa totoo lang ay tila siya (PBBM) ang pinatatamaan ni VP Sara sa panawagan niyang ito sa PMA graduates, boom!


XXX


MGA NANALONG ‘MANOK’ NI PBBM SA PAGKA-SENADOR, PAPANIG NA KAYA KAY VP SARA? -- Sa thanksgiving party ng “Alyansa Para sa Bagong Pilipinas” para sa mga nagwaging kandidato sa pagka-senador ng Marcos admin ay tanging si Sen. Lito Lapid lang ang dumalo, wala sina Sen. Pia Cayetano, former Sen. Tito Sotto, former Sen. Ping Lacson, incoming Sen. Erwin Tulfo at incoming Sen. Camille Villar.


Ang tanong: Hindi naman kaya ang pang-iisnab nina Pia, Sotto, Lacson, Erwin at Camille sa thanksgiving party ng “Alyansa Para sa Bagong Pilipinas” ay indikasyon na tablado na sa kanila si PBBM at kay VP Sara na sila papanig? Abangan!


XXX  


MATAAS NA PRESYO NG MGA BILIHIN AT BAYARIN, POSIBLENG DULOT NG BIGTIME OIL PRICE HIKE -- Inanunsyo ng Dept. of Energy (DOE) na bukas (Martes) ay tataas na naman daw ang presyo ng mga produktong petrolyo, na ang itataas sa presyo ng kada litro ng gasolina ay P1.30, sa diesel ay P1.80 at ang kerosene ay P1.30.


Aba’y kung ganyan kalaki ang itataas ng presyo ng mga produktong petrolyo bukas, ang tawag diyan ay bigtime oil price hike.


At dahil diyan, asahan nang tataas na naman ang presyo ng mga bilihin at bayarin, kasi nga ang kabuntot ng bigtime oil price hike ay pagtaas din ng inflation rate, tsk!

 
 

ni Pablo Hernandez @Prangkahan | May 18, 2025



Prangkahan ni Pablo Hernandez

SA DAMI NG MGA SENADOR NA ANTI-IMPEACHMENT, PARANG SURRENDER NA ANG MALACANANG AT SI SPEAKER ROMUALDEZ SA PAGPAPA-IMPEACH KAY VP SARA -- Matapos sabihin ni Presidential Communication Office (PCO) Usec. Claire Castro na hindi si Pres. Bongbong Marcos (PBBM) ang nagsusulong ng impeachment kay Vice Pres. Sara Duterte-Carpio, ay halos ganito rin ang litanya ni Speaker Martin Romualdez, na kesyo hindi naman daw target ng Kamara si VP Sara, na kaya lang daw nila isinampa sa Senado para sa impeachment trial sa bise presidente ay dahil tinutupad lang daw nila ang tungkuling iniatang sa kanila base sa nakasaad sa Konstitusyon.


Kung pagbabasehan ang statement ng Malacanang at ni Speaker Romualdez, parang “surrender” na sila sa pagpapa-impeach kay VP Sara kasi sa dami ng mga senador na anti-impeachment ay malabo na nilang mapatalsik bilang bise presidente ng ‘Pinas si VP Sara, period!


XXX


SEN. BONG GO KAYA NAG-TOP SA SENATORIAL ELECTION DAHIL ‘DI SIYA MADRAMA, ‘DI SIYA PABIDA, ‘DI SIYA EPAL, SERBISYO LANG TALAGA! -- Bakit nag-number 1 at breaking the record pa, higit 27 million ang nakuhang boto ni Sen. Bong Go sa nakaraang eleksyon?


Simple lang ang sagot, at alam naman ito ng mga Pinoy na bumoto sa kanya. Ang dahilan ay serbisyo!


Si Sen. Bong Go ay hindi madrama, hindi pabida at hindi epal sa Senado. Nakikita ng taumbayan ang mga hatid niyang serbisyo sa mahihirap, tulad ng Malasakit Center-Free Hospitalization sa mga public hospital, at free laboratory, libreng paanakan sa isinulong din niyang mga Super Health Center na nakakalat na rin sa iba’t ibang lugar sa bansa.

‘Ika nga, ang slogan niyang “Bisyo ay Magserbisyo” ay ramdam talaga ng sambayanang Pinoy, palakpakan naman diyan!


XXX


HARRY ROQUE, SINOPLA NI PANELO -- Sinopla ni former Presidential Legal Counsel Salvador Panelo ang sinabi ni former Presidential Spokesman Harry Roque na biktima siya ng political persecution ng Marcos administration kaya nag-a-apply siya ng political asylum sa The Netherlands. Ayon kay Atty. Panelo, naniniwala siyang hindi politically persecuted si Roque dahil ang kinakaharap niyang kaso ay criminal case na no bail.


Kaya ang payo ni Panelo kay Roque, kung wala talaga itong kinalaman sa operasyon ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) ay umuwi siya ng ‘Pinas at harapin dito ang mga isinampang mga criminal cases laban sa kanya. period!


XXX


MAY GINAGAWA PALANG KABULASTUGAN SI ARNEL IGNACIO KAYA TAHIMIK LANG SA OWWA -- Hindi pala nag-resign, kundi sinibak pala ni PBBM si Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) dahil sa anomaly patungkol sa P1.4 billion land acquisition deal contract na inaprub nito nang walang pahintulot ang OWWA Board of Trustees.


Kaya naman pala tatahi-tahimik lang si Arnell Ignacio sa kanyang tanggapan sa OWWA, ‘yun pala may ginagawang kabulastugan.


Sa anomalyang ito, P1.4B ay pasok na pasok si Arnell Ignacio sa kasong plunder, kaya’t ihanda na niya ang kanyang sarili kasi kapag napatunayang guilty siya sa kasong ito, pagkabulok sa selda ang kanyang aabutin, abangan!


 
 

ni Pablo Hernandez @Prangkahan | May 17, 2025



Prangkahan ni Pablo Hernandez

SUWERTE-MALAS SA PULITIKA SI DE LIMA, NANALO, TAPOS NAKUKULONG -- Matapos magwagi ni ML Partylist Representative Leila De Lima ay binaligtad ng Court of Appeals (CA) ang desisyon ng Muntinlupa City Regional Trial Court na nag-a-acquit sa kanya (De Lima) sa kasong may kinalaman sa droga, na kung sakaling kakatigan ng Supreme Court (SC) ang desisyon ng CA, malamang balik-kulungan siya.


Suwerte-malas din inaabot ni De Lima sa pulitika. Nang magwagi siya sa pagka-senador noong May 2016, wala pang isang taon sa pagiging senador ay nakulong siya sa kasong may kinalaman sa droga noong Feb. 2017, at noong Nov. 2023 ay nakalaya siya sa pamamagitan ng piyansa, at pagsapit ng year 2024 absuwelto na siya sa lahat ng kanyang kaso.


Ito na siste, lumahok na naman siya sa pulitika at nagwagi bilang first nominee ng ML Partylist, at ang kasunod nito, pagbaligtad ng CA sa desisyon ng Muntinlupa City RTC na nag-a-acquit sa kanya, na kung mamalasin na naman, malamang balik-kulungan siya uli, boom!


XXX


SI SPEAKER ROMUALDEZ ANG SISIHIN SA PAGKATALO NG KARAMIHANG ‘MANOK’ NI PBBM SA PAGKA-SENADOR -- Sinabi ni “Alyansa Para sa Bagong Pilipinas” campaign manager, Navotas City Rep. Toby Tiangco na ang isyung impeachment kay VP Sara ang sanhi kaya anim lang sa mga kandidatong senador ng Marcos administration ang nagwagi sa nakaraang halalan.


Kung ganu’n, si Speaker Martin Romualdez pala ang dapat sisihin ni Pres. Bongbong Marcos (PBBM) sa pagkatalo ng karamihan sa kanyang mga ‘manok’ sa senatorial election, kasi nga lahat ng impeachment cases laban kay VP Sara ay tinanggap ng Kamara, at pagkaraan ay agad-agad pa itong dinala sa Senado para sa impeachment trial sa bise presidente, period!


XXX


LAKI NA NG GASTOS NG ILANG PULITIKO, TALO PA RIN SA ELEKSYON -- Sa inilabas ng Comelec na gastos ng mga kandidato sa pagka-senador ay talaga namang nakakalula ang ginasta nila sa mga political ads, may gumastos ng bilyun-bilyong piso at daan-daang milyong piso.


Sa mga nagwagi, maaaring balewala lang iyan dahil ‘ika nga “mababawi” din naman, eh ang masaklap ay sa mga talunan, siguradong sakit-ulo kasi gumasta na ng malaki, talo pa rin ang inabot sa halalan, boom!


XXX


BAKA SA 2028 ELECTION, WALA NANG LAOS NA ARTISTA ANG KUMANDIDATO -- Maraming laos na artista na kumandidato nitong nakalipas na halalan ang natalo. 


Malamang niyan, sa 2028 elections ay baka wala nang artistang kumandidato, kasi nga namulat na ang mayoryang mamamayan, ayaw na nilang iboto ang mga laos na artista na pumapasok sa pulitika, period!


 
 
RECOMMENDED
bottom of page