top of page
Search

ni Pablo Hernandez @Prangkahan | June 11, 2025



Prangkahan ni Pablo Hernandez

PATI KONSTITUSYON SINISISI NI SP ESCUDERO SA ISYUNG ‘FORTHWITH’ --Sinisi ni Senate President Chiz Escudero ang Konstitusyon dahil ang dapat daw na inilagay sa bahagi ng impeachment ay “immediately” at hindi “forthwith” dahil kung iyan (immediately) daw ang inilagay, agad-agad aaksyunan ng Senado ang impeachment laban kay Vice Pres. Sara Duterte-Carpio.


Iisa lang naman ang meaning niyan (immediately at forthwith), sa Tagalog o Pinoy language ay “agad-agad.” Hay naku, itong si SP Escudero sumusobra na sa pagiging Duterte Diehard Supporter (DDS), kasi mantakin n’yo, pati Konstitusyon sinisisi sa impeachment cases ni VP Sara, tsk!


XXX


MUNGKAHI NI SEN. TOLENTINO NA 19 DAYS IMPEACHMENT TRIAL, TAGILID SI VP SARA -- Nais ni outgoing Sen. Francis Tolentino na tapusin ng itatayong impeachment trial sa loob ng 19 na araw o hanggang June 30, 2025 ang paglilitis kay VP Sara at sa petsang ito (June 30, 2025) ibaba ang hatol ng mga senator-judges kung guilty or not guilty ang bise presidente.


Sa totoo lang, agrabyado si VP Sara sa mungkahing iyan ni Sen. Tolentino dahil napakaikli ng panahon na iyan, na kapag guilty ang hatol sa kanya ng majority senator-judges, maaga siyang mapapatalsik sa puwesto, boom!


XXX


SA ‘BISYO NI SEN. BONG GO’ NA MAGSERBISYO, PAGPAPATAYO NG 4 PUBLIC HOSPITALS PASADO NA SA SENADO -- After ng eleksyon, balik-trabaho agad si Sen. Bong Go, Senate Chairman ng Committee on Health, at dahil diyan, apat na panukalang batas niya para sa kapakanan ng mamamayan ang pasado na sa Senado, at ang mga ito ay ang pagtatayo ng Liloy General Hospital sa Zamboanga Del Norte; Aurora Medical Center na itatayo sa Baler, Aurora province; Zamboanga Del Sur Second District Hospital na itatayo sa San Miguel, Zamboanga Del Norte at pag-upgrade ng Quirino Province Medical Center na nasa Cabarroguis, Quirino province.


Iyang “Bisyo ni Sen. Bong Go” na magserbisyo ang talagang naging dahilan kung kaya’t sa nakalipas na halalan ay siya ang ginawan0g number 1 senator ng sambayanang

Pinoy, period!


XXX


SANA KAPAG MAY ROLLBACK, LAKIHAN ANG IBABAWAS SA PRESYO NG MGA PRODUKTONG PETROLYO -- May naganap na namang oil price hike kahapon, P0.60 sa kada litro ng gasolina; P0.95 sa kada litro ng diesel at P0.30 sa kada litro ng kerosene.


May kalakihan din ang mga dagdag-presyo na ito sa mga produktong petrolyo, at sana kapag nagkaroon naman ng oil price rollback, lakihan din naman ang tapyas sa presyo, at hindi ‘yung kakarampot lang ang ibinabawas sa presyo ng mga kumpanya ng langis, period!

 
 

ni Pablo Hernandez @Prangkahan | June 10, 2025



Prangkahan ni Pablo Hernandez

VP SARA, WARING NAKASANDAL SA PADER SA LIDERATO NI SP ESCUDERO SA SENADO -- Sa kanyang press conference ay sinabi ni Senate President Chiz Escudero na hindi siya magpapatinag sa mga kilos- protesta, panawagan ng mga unibersidad at iba’t ibang sektor ng lipunan para umpisahan na ang impeachment trial kay Vice Pres. Sara Duterte-Carpio, na ayon sa Senate president may itinakda na silang panahon para talakayin ito.


Ang statement na ito ni SP Chiz ay waring mensahe sa pamilya Duterte na hangga’t siya ang Senate president, “nakasandal sa pader” si VP Sara, boom!


XXX


PAREHONG HANDA NA ANG DEFENSE TEAM NI VP SARA AT HOUSE PROSECUTION TEAM SA IMPEACHMENT TRIAL, SI SP ESCUDERO NA LANG ANG HINDI -- Matapos ang presscon ni SP Chiz ay nagpalabas ng statement ang defense team ni VP Sara na anumang araw ay handa nilang harapin sa impeachment trial ang mga alegasyon laban sa bise presidente, at ipakita sa publiko ang mga hawak nilang ebidensya na walang basehan ang mga akusasyon laban sa vice president.


Patunay iyan na handa na ang defense team ni VP Sara para ipagtanggol siya at sa kabilang banda, noon pa sinasabi ng mga kongresistang nakapaloob naman sa prosecution team na handa na sila sa impeachment trial.


Handa na ang defense team ni VP Sara at handa na rin ang prosecution team ng Kamara, eh ang hindi na lang handa ay ang Senado na pinamumunuan ni SP Escudero, period!


XXX


MAY TUTULAD PA KAYA KAY CONG. FRASCO NA MAGRI-REJECT SA LIDERATO NI SPEAKER MARTIN ROMUALDEZ SA KAMARA? -- Hindi lumagda si Cebu 5th District Rep. Duke Frasco sa manifesto of support kay Speaker, Leyte 1st District Rep. Martin Romualdez para maging House speaker uli ng Kamara sa pagpasok ng 20th Congress, dahil ayon sa Cebu congressman ay dismayado raw siya sa pamumuno nito (Romualdez) sa House of Representatives.


Ilang kongresista pa kaya ang magpapahayag ng pagkadismaya at magri-reject sa liderato ni Romualdez sa Kamara, abangan!


XXX


SA LIDERATO NI GEN. TORRE, PNP AT CHR ‘MAGKAKAMPI’ NA SA PAGPAPAIRAL NG KARAPATANG PANTAO -- Sa mga naging head ng PNP, bukod tanging si PNP Chief Gen. Nicolas Torre lang ang bumisita sa tanggapan ng Commission on Human Rights (CHR) sa Quezon City.


Binisita ni Gen. Torre ang CHR at nakipag-ugnayan sa mga opisyal ng komisyon, tiniyak na ang bawat aksyong gagawin ng kapulisan patungkol sa paglaban sa droga at krimen ay naaayon sa batas at hindi lalabag sa karapatang pantao.


Ayos iyan, dati kasi, ang tingin ng publiko ay “magkalaban” ang PNP at CHR, pero ngayon sa liderato ni Gen. Torre, magkakampi na ang kapulisan at komisyon para mawakasan ang isyung PNP vs. CHR, period!


 
 

ni Pablo Hernandez @Prangkahan | June 9, 2025



Prangkahan ni Pablo Hernandez

HIRIT NI SP ESCUDERO, MAG-FILE NA LANG NG PETISYON SA SC ANG MGA PRO-IMPEACHMENT KAPAG NA-KILL NG SENADO ANG IMPEACHMENT KAY VP SARA -- Sa kabila ng mga tinatanggap na batikos ay nanindigan si Senate Pres. Chiz Escudero na dadaanin sa botohan ng mga senador sa plenaryo sa 20th Congress kung nararapat o hindi na dinggin ng Senado ang mga impeachment complaints laban kay Vice Pres. Sara Duterte-Carpio, at kapag nanaig ang mga anti-impeachment senators ay iki-kill na ng Senado ang mga impeachment cases sa bise presidente, at iyong mga kukuwestiyon dito ay magsampa na lang daw ng petisyon sa Supreme Court.

Kumbaga, parang sinabihan na rin ni SP Escudero ang mga mamamayan na pro-impeachment nang “maghabol kayo sa tambol mayor”, boom!


XXX


12 NA ANG PABOR SA IMPEACHMENT TRIAL, ISA NA LANG TULOY NA ANG PAGLILITIS KAY VP SARA SA IMPEACHMENT COURT -- Noong May 30, 2025 ay may ganito palang statement si Sen. Jinggoy Estrada: “Senate will not abandon it’s Constitutional duty” na patungkol ito sa impeachment trial kay VP Sara.


Kung ganu’n ay 12 senador na pala sa 20th Congress ang posibleng bumoto sa plenaryo na ituloy ang impeachment trial kay VP Sara, at sila ay sina Senators Estrada, Alan Cayetano, Pia Cayetano, Sherwin Gatchalian, JV Ejercito, Risa Hontiveros, Raffy Tulfo, incoming Senators Tito Sotto, Ping Lacson, Bam Aquino, Kiko Pangilinan at Erwin Tulfo.


Kailangan ay 13 senador ang bumoto sa plenaryo na pabor sila na ituloy sa 20th Congress ang impeachment trial kay VP Sara, eh 12 na iyang pabor, kaya’t isang senador na lang ang mag-yes ay wala nang atrasan, tuloy na ang gagawing paglilitis sa bise presidente sa Senado na siyang tatayong impeachment court, abangan!


XXX


VLOGGERS MOCHA USON AT ROSMAR PAMULAKLAKIN, HINDI IBINOTO NG MILYUN-MILYON NILANG FOLLOWERS SA SOCIAL MEDIA KAYA PAREHONG TALO SA HALALAN -- Ang pagiging sikat na vlogger ay hindi pala puwedeng gawing puhunan sa pulitika para magwagi sa eleksyon.


Halimbawa ay ang mga vlogger na sina Mocha Uson at Rosmar Pamulaklakin na parehong may milyun-milyong followers sa social media.


Pareho silang kumandidato sa pagka-konsehal ng Maynila, at pareho silang talo, kasi para manalo at pumasok sa top 6, need na makakuha ng 45,000 votes, si Mocha ay rank 10 sa botong 31,103 at si Rosmar naman ay rank 25 na may boto lang na 2,867.

Kaya sa mga sikat na vlogger, huwag nang kumandidato sa 2028 election dahil hindi naman pala kayo ibinoboto ng mga followers n’yo, boom!


XXX


KAPAG NAGKATOTOO ANG ‘5-MINUTONG RESPONDE’ AT KUMANDIDATO SA ELEKSYON, MANANALONG SENADOR SI GEN. TORRE -- Ang utos ni PNP Chief Gen. Nicolas Torre sa mga kapulisan ay dapat sa loob ng 5 minuto ay makapagresponde sa anumang krimen na itatawag ng mamamayan sa 911 hotline.


Kapag nagkatotoo iyang 5-minutong responde ni Gen. Torre, aba magandang puhunan na niya ‘yan kapag nagretiro siya at pumalaot sa pulitika sa 2028 election, kasi sure win siya sa pagka-senador, abangan!

 
 
RECOMMENDED
bottom of page