top of page
Search

ni Pablo Hernandez @Prangkahan | August 3, 2025



Prangkahan ni Pablo Hernandez


PATUNGO SA CONSTITUTIONAL CRISIS ANG ISYUNG IKU-CONTEMPT ANG MGA SUSUWAY SA UTOS NG SC, AT PUWEDE RIN DAW I-IMPEACH ANG SC JUSTICES -- Sabi ni Sen. Migz Zubiri ay puwede raw i-contempt ng Supreme Court (SC) ang mga susuway sa kautusan nila tungkol sa desisyon na stop na ang impeachment proceedings kay Vice Pres. Sara Duterte-Carpio. Ayon naman kay ML Partylist Rep. Leila De Lima ay puwede raw sampahan ng kasong impeachment ang mga mahistrado ng SC na nanghimasok at pumigil sa mandato ng Kongreso na magsagawa ng paglilitis sa isang impeachable officer dahil co-equal o magkahiwalay daw ang kapangyarihan ng Korte Suprema at Senado at Kamara.


Naku po, tila nga yata may napipinto nang constitutional crisis sa ‘Pinas, boom!


XXX


KUNG MAY HIYA SA SARILI SI SEC. BONOAN, DAPAT IPASA NIYA SA COA ANG IMBESTIGASYON SA FLOOD CONTROL PROJECTS SCAM -- Binutata ni Kabataan Partylist Rep. Atty. Renee Co ang inanunsyo ni Sec. Manuel Bonoan ng Dept. of Public Works and Highways (DPWH) na imbestigahan ang mga anomalya sa flood control projects, dahil ayon sa congresswoman ay kasama sa problema ang DPWH, sa naganap na katiwalian umano rito, kaya’t hindi raw katanggap-tanggap na DPWH din mismo ang mag-iimbestiga sa sarili nila, na aniya, dapat ang gumawa ng pagsisiyasat dito ay ang Commission on Audit (COA).


Kaya kung may hiya pang natitira sa kanyang sarili si Sec. Bonoan ay dapat ipasa na niya agad sa COA ang imbestigasyon sa sinasabing katiwalian sa flood control projects, period!


XXX


PARA MAHUBARAN NG MASKARA ANG MGA ‘BUWAYANG’ DPWH OFFICIAL, SENATORS AT CONGRESSMEN, DAPAT BUMUO SI PBBM NG FACT FINDING COMMISSION NA MAG-IIMBESTIGA SA FLOOD CONTROL PROJECTS SCAM -- Kung seryoso si Pres. Bongbong Marcos (PBBM) na mapanagot ang mga tinutukoy niya sa kanyang State of the Nation Address (SONA) sa statement niyang, “Mahiya naman kayo sa mga kapwa n’yo Pilipino”, patungkol sa mga nambulsa sa pondo ng flood control projects ay dapat bumuo siya ng isang ‘fact finding commission’ na tututok sa imbestigasyon dito. At ang dapat na italaga niyang mag-iimbestiga sa anomalyang ito ay mga respetadong tao na walang bahid ng corruption ang pagkatao.


Kapag nagsanib sa imbestigasyon ang COA at fact finding commission, bukod sa mga ‘buwaya’ sa DPWH, ay tiyak mahuhubaran din ng maskara na kasangkot sa anomalya sa flood control project scam ang mga “honorabol” na mga corrupt na senador at kongresista, boom!


XXX


MALAPIT NANG MAKAMIT NG ‘MISSING SABUNGEROS’ ANG HUSTISYA, KINASUHAN NA SINA ATONG ANG, GRETCHEN BARRETTO AT IBA PA -- Sinampahan na ng mga pamilya ng ‘missing sabungeros’ ng multiple murder, illegal detention at paglabag sa International Human Rights Law sa Dept. of Justice (DOJ) sina Atong Ang, actress Gretchen Barretto at iba pang dawit sa karumal-dumal na krimeng ito.


Dahil diyan ay nakikita na ng taumbayan na malapit nang makamit ng ‘missing sabungeros’ ang hustisya, boom!

 
 

ni Pablo Hernandez @Prangkahan | August 2, 2025



Prangkahan ni Pablo Hernandez



MGA PLUNDERER AT KURAKOT, IBINOBOTO NG MGA BOBOTANTE SA HALALAN KAYA ‘PINAS PANG-62 SA MOST CORRUPT COUNTRY SA MUNDO -- Sa inilabas na data ng Transparency International patungkol sa Corruption Perception Index ngayong year 2025, number 1 ang Denmark sa Good Governance, at ang Pilipinas naman ay pang-62 sa mga most corrupt country sa mundo.


Hindi naman talaga kataka-taka na makabilang ang ‘Pinas sa mga most corrupt country dahil majority ng mga mamamayan sa bansa ay mga bobotante, na ang laging ibinoboto ay mga plunderer o mga kurakot, boom!


XXX


KAPAG PINIRMAHAN ANG POSTPONEMENT SA BSKE 2025 MALAMANG I-STRIKE 2 NG SC SI PBBM SA KAPALPAKAN -- Inanunsyo ni Sec. Jonvic Remulla ng Dept. of the Interior and Local Gov’t. (DILG) na posibleng lagdaan daw ni Pres. Bongbong Marcos (PBBM) ang panukalang batas ng Kongreso na nagpapaliban sa Barangay and Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) sa Dec. 1, 2025, at sa halip ang halalang pambarangay ay sa Nov. 2026.


Kung totoo ngang pipirmahan ito ni PBBM ay malamang i-strike 2 ng Supreme Court (SC) sa kapalpakan ang Presidente dahil ang linaw na ng naging desisyon ng SC noong June 27, 2023 na bawal ipinagpapaliban ang anumang halalan sa ‘Pinas, tapos tigas-ulong pipirmahan niya (PBBM) ang postponement ng BSKE 2025, tsk!


XXX


AYAW PALA NI FPRRD MAGKAROON NG ABOGADONG PUGANTE AT WANTED SA BATAS KAYA TABLADO SA KANYANG DEFENSE TEAM SA ICC SI HARRY ROQUE -- Ang ipinunto ni Atty. Nicholas Kaufman, head ng legal team ni former Pres. Rodrigo Roa Duterte (FPRRD) na kaya raw umayaw ang ex-president na maging bahagi ng defense team si former presidential spokesman Atty. Harry Roque ay dahil pugante raw ito sa Pilipinas na may kinakaharap na kasong no bail na qualified trafficking in person, na ayon daw sa dating pangulo ay baka masira ang kredibilidad ng kanyang mga abogado kung ang isa sa mga lawyer na nagtatanggol sa kanya sa International Criminal Court (ICC) ay wanted sa batas ng ‘Pinas.


Abogado rin si FPRRD kaya alam niyang makakaapekto talaga sa kanyang kinakaharap na kaso kung ang isa sa abogadong nagtatanggol sa kanya sa ICC ay wanted at pugante sa batas ng Philippines, boom!


XXX


DOH SEC. SABIT SA ANOMALYA KAYA KUNG MAY DELICADEZA SA SARILI DAPAT MAG-RESIGN NA, NOW NA! -- Sinampahan ng iba’t ibang health advocates organization ng kasong graft sa Office of the Ombudsman si Sec. Ted Herbosa ng Dept. of Health (DOH) at lima pang DOH officials dahil daw sa maanomalyang pagbili ng mental health drugs na worth P44.6 million.


Bad tingnan na ang namumuno sa departamentong pangkalusugan ng mga Pinoy ay nasasangkot sa katiwalian, kaya kung may delicadeza si Sec. Herbosa, dapat mag-resign na siya, now na, period!


 
 

ni Pablo Hernandez @Prangkahan | August 1, 2025



Prangkahan ni Pablo Hernandez



‘PINAS MAWAWALAN NG P3B-P6B SA ZERO TARIFF SA MGA US PRODUCT AT PATUNAY NA SABLAY ANG PINASOK NA DEAL NI PBBM KAY US PRES. TRUMP -- Mismong si Finance Sec. Ralph Recto ang nagsabi na mawawalan ng kitang P3 billion hanggang P6 billion yearly ang Pilipinas dahil sa zero tariff sa ilang produktong Amerika na inaprub ni Pres. Bongbong Marcos (PBBM), kapalit ng pagbawas ni US Pres. Donald Trump ng 1% sa tariff ng mga produktong ‘Pinas sa Tate.


Kumbaga, parang si Sec. Recto na rin ang nagsabi na sablay ang deal na pinasok ni PBBM kay Trump, boom!


XXX


KUNG HINARAP NI VP SARA ANG IMPEACHMENT AT HINDI NAG-DELAYING TACTIC SI SP ESCUDERO, SIGURADONG AANGAT NG PAGKATAAS-TAAS ANG KANILANG RATING SA SURVEY -- Parehong lumagapak ang rating nina Vice Pres. Sara Duterte-Carpio at Senate Pres. Chiz Escudero sa latest survey na isinapubliko ng OCTA Research firm, na mula sa 54% trust rating ng bise presidente ay bumagsak ito sa 50%, at mula naman sa 51% ay bumagsak din sa 49% ang trust rating ng Senate president.


Maaaring may kinalaman iyan sa pag-ayaw ni VP Sara na harapin ang mga kaso niyang impeachment at pag-delay ni SP Escudero sa impeachment proceedings.


Pero kung hindi nagpetisyon si VP Sara sa Supreme Court (SC) na huwag matuloy ang impeachment proceedings sa kanya at sinunod ni SP Escudero ang "forthwith" o agad-agad na pag-aksyon sa impeachment ng vice president, at sa impeachment trial ay napatunayang walang kasalanan ang bise presidente, sigurado hindi lalagapak, at sa halip ay aangat ng pagkataas-taas ang rating nina VP Sara at SP Escudero, period!


XXX


PARA HINDI MAPAHAMAK SI FPRRD, DAPAT MANAWAGAN NA ANG MGA DDS SA THE NETHERLANDS GOV’T. NA ‘I-BRING BACK HOME’ NA SI HARRY ROQUE SA ‘PINAS -- Sinabihan ni Atty. Nicholas Kaufman, lead counsel ni former Pres. Rodrigo Roa Duterte (FPRRD) si former presidential spokesman, Atty. Harry Roque na tantanan na nito ang pang-eepal sa kasong kinakaharap sa International Criminal Court (ICC) ng dating pangulo dahil hindi naman siya kasama sa defense team, at ang mga pinaggagawa raw nito sa The Netherlands ay posibleng makaapekto sa ginagawa nilang pagtatanggol sa ex-president.


Dapat yata magkaisa na ang mga Duterte Diehard Supporters (DDS) na manawagan sa gobyerno ng The Netherlands ng, “Bring Back Home” sa ‘Pinas si Roque kasi kung hindi nito lulubayan ang pakikialam sa kaso ni FPRRD ay baka tuluyang mapahamak ang dating presidente sa kasong “crimes against humanity” sa ICC, boom!


XXX


PATAPOS NA ANG ‘MISSING BOKSINGERO,’ BALIK NA ULI SA ‘MISSING SABUNGEROS’ -- Sa pagpapatuloy ng Philippine Coast Guard (PCG) sa paghahanap ng mga labi ng mga missing sabungero ay ibinulgar ni Justice Sec. Boying Remulla na may natagpuan na namang mga buto at mga bungo ng tao sa Taal Lake.


Sa isyung ito, hindi man aminin ay tiyak happy si Davao City acting Mayor Baste Duterte kasi puwedeng mawala na sa social media ang bansag sa kanyang “missing boksingero” nang hindi siya sumipot sa laban nila sa boksing ni PNP Chief Gen. Nicolas Torre, at sa kabilang banda pihadong kabado naman si Atong Ang dahil after ng mga bagyo at tag-ulan, aktibo na naman ang gobyerno sa paghahanap ng mga labi ng mga missing sabungero, period!


 
 
RECOMMENDED
bottom of page