top of page
Search

ni Pablo Hernandez @Prangkahan | October 26, 2025



Prangkahan ni Pablo Hernandez


UMABSENT LANG SI COMMISSIONER SINGSON, STOP NA ANG ICI INVESTIGATION, KUNG LAGING GANYAN, KAILAN PA MAPANAGOT ANG MGA SANGKOT SA FLOOD CONTROL PROJECT SCAM? -- Mismong si Independent Commission for Infrastructure (ICI) spokesman Brian Hosaka ang nagsabi na next week ay walang imbestigasyong isasagawa ang komisyon sa mga sangkot sa flood control projects scam dahil isang

linggong absent daw si ICI Commissioner Rogelio Singson.


Ganu’n, umabsent lang si Singson stop muna ang imbestigasyon, eh kailan pa mapapanagot ang mga sangkot sa pang-i-scam sa kaban ng bayan kung laging a-absent sa hearing ang isang ICI commissioner?


Aba’y kung uulitin ni Singson na muling umabsent ay dapat tanggalin siya ni Pres. Bongbong Marcos (PBBM) kasi ang nais ng taumbayan ay mapanagot agad sa batas ang lahat ng sangkot sa flood control projects scam, period!


XXX


HINDI LANG SI SEN. VILLANUEVA ANG LAGOT, PATI SI EX-OMBUDSMAN MARTIRES, YARI, LABAG SA BATAS ANG PAG-ABSUWELTO SA SENADOR -- Hiniling ng Malacanang, sa pamamagitan ni Presidential Communications Office (PCO) Usec., spokesperson Claire Castro kay Ombudsman Boying Remulla na imbestigahan ang inilihim sa publiko, sikretong pag-absuwelto ni dating Ombudsman Samuel Martires noong Sept. 2019 kay Sen. Joel Villanueva na noon pang year 2016 pinatatanggal ng dati ring Ombudsman Conchita Carpio-Morales matapos mapatunayang guilty sa pagkakasangkot sa pork barrel scam ni Janet Napoles.


Kapag natuklasan ni Ombudsman Remulla na may paglabag sa desisyong iabsuwelto si Sen. Villanueva ay hindi lang siya (Villanueva) ang lagot, kundi pati si ret. Ombudsman Martires ay yari rin, abangan!


XXX


BUMALIGTAD NA AGAD SI EX-OMBUDSMAN MARTIRES PORKE NABATIKOS SA PAG-ABSUWELTO KAY SEN. VILLANUEVA, HINDI RAW SIYA DDS, AT MARCOS LOYALIST  -- Dahil nababatikos ngayon si former Ombudsman Martires at pinaratangan siya na isa siyang Duterte Diehard Supporters (DDS), kung kaya raw inabsuwelto si Sen. Villanueva na kaalyado ng pamilya Duterte, ay sinabi ng dating Ombudsman na hindi raw siya DDS o pro-Duterte dahil ang katotohanan daw ay isa siyang Marcos loyalist noon pa na ang presidente ng ‘Pinas ay ang ama ni PBBM na si Pres. Ferdinand Edralin Marcos Sr.

Nabatikos lang, bumaligtad na agad si former Ombudsman Martires, Marcos loyalist daw siya at hindi DDS, boom!


XXX


DAPAT MAGKAROON NG POWER ANG CONTEMPT ORDER NG SENADO, KAMARA AT ICI, SINUMANG IKU-CONTEMPT DAPAT PASAPORTE KANSELAHIN AGAD NG DFA -- Dapat gumawa ng batas ang Kongreso na magkaroon ng power ang contempt order ng Senado, Kamara at ICI, na ang sinumang mapapatawan ng contempt na tatakas palabas ng Pilipinas para magtago sa ibang bansa ay awtomatikong kakanselahin ng Dept. of Foreign Affairs (DFA) ang pasaporte.


Kapag may ganyan ng batas, madali nang made-deport pabalik sa ‘Pinas ang mga tulad nina former Ako Bicol Partylist Rep. Zaldy Co at former presidential spokesman Harry Roque na tinatakasan ang mga kasong kinakaharap nila, ibig sabihin tinatakasan ang batas sa bansa, period!

 
 

ni Pablo Hernandez @Prangkahan | October 25, 2025



Prangkahan ni Pablo Hernandez


‘DI LANG PALA SALN NG GOV’T. OFFICIALS PINAKATAGO-TAGO NI EX-OMBUDSMAN MARTIRES, PATAGO RIN SIYANG NAG-AABSUWELTO SA KASO NG AKUSADO -- Hihilingin na sana ni Ombudsman Boying Remulla kay Senate President Tito Sotto na ipatupad na ang desisyon noong November 2016 ni dating Ombudsman Conchita Castro-Morales na nagtatanggal kay Sen. Joel Villanueva bilang senador ng bansa dahil sa pagkakasangkot nito sa pork barrel scam ni Janet Napoles, pero na-shock siya (Ombudsman Remulla) nang i-post ni Sen. Villanueva sa social media kamakalawa na hindi na siya puwedeng tanggalin sa pagka-senador dahil noong Sept. 2019 pa ay inabsuwelto na siya ng noo’y Ombudsman Samuel Martires.


Ang ikina-shock ni Ombudsman Remulla, ng mga mamamahayag at maging ng taumbayan ay inabsuwelto ni Martires si Sen. Villanueva nang hindi man lang ito isinapubliko, na dapat daw ay inanunsyo ito ng dating Ombudsman para kung mayroong tututol dito ay makapagsampa ng petisyon sa Supreme Court (SC).

Hay naku, hindi lang pala mga Statement of Assets, Liabilities and Net Worth (SALN) ng mga public officials ang pinakatago-tago noon ni Martires sa Ombudsman, kundi patago o sikreto rin pala siyang nag-aabsuwelto sa kaso ng akusado na tulad ng ginawa niyang pag-acquit kay Sen. Villanueva, pwe!


XXX


KUNG BABAGAL-BAGAL ANG AKSYON NG ICI LABAN KAY ZALDO CO, IISIPIN NG PUBLIKO NA PINUPROTEKSYUNAN NG MARCOS ADMIN ANG ‘SCAMMER’ NA DATING KONGRESISTA -- Dapat bilisan ng Independent Commission for Infrastructure (ICI) ang pagsasampa ng kaso sa Ombudsman laban kay resigned Ako Bicol Partylist Rep. Zaldy Co para makapaglabas na agad ng warrant of arrest at hulihin ito ng Interpol kung saang bansa man siya nagtatago upang maibalik sa Pilipinas at maikulong sa Quezon City jail.


Kapag nagpatuloy ang babagal-bagal na aksyon ng ICI laban kay Zaldy Co ay iisipin talaga ng publiko na pinuproteksyunan ng Marcos administration ang scammer na kongresistang ito, boom!


XXX


KUNG LAGING WALANG HEARING ANG ICI DAHIL MAY ABSENT NA COMMISSIONER, ASAHAN NANG AABUTIN NG SIYAM-SIYAM BAGO MAPANAGOT ANG MGA SANGKOT SA FLOOD CONTROL PROJECTS SCAM -- Sabi ni ICI spokesman Brian Hosaka na wala raw hearing ang ICI next week dahil isang linggong absent daw si ICI Commissioner Rogelio Singson.


Ang panawagan ng publiko ay bilisan ng ICI ang imbestigasyon para agad-agad mapanagot na ang lahat ng mga sangkot sa flood control projects scam, pero kung ganyan ang sistema ng ICI na kapag may isang komisyoner na a-absent ay wala munang hearing, asahan nang aabutin ng siyam-siyam bago maparusahan o mapanagot ang mga sangkot sa pang-i-scam sa kaban ng bayan, buset!


XXX


NAKIKINI-KINITA NA NG PUBLIKO NA MALAPIT NANG MAKALAYA ANG PORK BARREL QUEEN -- Inabsuwelto ng Sandiganbayan sa 15-counts ng kasong graft na may kaugnayan sa P172 million pork barrel scam sina Presidential Legal Counsel, former Sen. Juan Ponce Enrile, Gigi Reyes na dating chief of staff ni Enrile, pork barrel queen Janet Napoles at dalawang anak niyang sina Jo at James Napoles.


Sa pamamagitan ng piyansa ay matagal nang nasa laya sina Enrile, Reyes at dalawang anak ni Janet Napoles, at tanging siya (Janet Napoles) na lang ang nakakulong, at dahil sa desisyon na iyan ng Sandiganbayan na pumabor sa kanila ay nakikini-kinita na ng publiko na malapit nang makalaya ang tinaguriang pork barrel queen, pwe!


 
 

ni Pablo Hernandez @Prangkahan | October 24, 2025



Prangkahan ni Pablo Hernandez


MGA TANONG NG ICI MEMBERS KAY CONG. ROMUALDEZ SA CLOSED-DOOR HEARING NOON DAPAT ULITIN SA LIVE TELECAST -- Sinabi ni ret. Justice Andres Reyes, chairperson ng Independent Commission for Infrastructure (ICI) na next week daw ay isasapubliko na nila ang hearing o imbestigasyong isinasagawa nila sa flood control projects scam.


Kaya’t sana sa susunod na pagharap ni Leyte Rep. Martin Romualdez ay kung ano ang mga naging katanungan sa kanya ng ICI members noong closed-door hearing ay ulitin sa live telecast investigation para makita at marinig ng taumbayan ang mga kasagutan niya kasi nga siya ang pinararatangan ni Sen. Chiz Escudero na mastermind daw sa flood control projects scam, period!


XXX


DAPAT PAGHARAPIN SINA SEN. ESCUDERO AT CONG. ROMUALDEZ PARA MAKITA NG PUBLIKO KUNG SINO SA KANILA ANG ‘MASTERMIND’ SA FLOOD CONTROL PROJECTS SCAM -- Sa social media, ang depensa naman ng mga pro-Martin Romualdez ay hindi raw ang dating House speaker ang maituturing na mastermind sa flood control projects scam dahil wala raw itong pirma sa year 2025 Bicam Budget report, at anila, ang posible pa na mastermind raw ay si Sen. Escudero na may lagda dito (2025 Bicam report).


Mainam na gawin ng ICI sa kanilang live telecast ay sabay nilang ipatawag at pagharapin sina Sen. Escudero at Cong. Romualdez para makita at marinig ng publiko kung sino sa kanilang dalawang ang nagsisinungaling at nagsasabi ng totoo, boom!


XXX


MISTULANG NAGPALIGSAHAN SINA ZALDY CO AT MAG-ASAWANG DISCAYA SA RAMI NG KANILANG IN-SCAM SA KABAN NG BAYAN -- Sa mga nagsusulputang balita ay lumalabas na ang Sunwest Corporation na pag-aari ng pamilya ni resigned Ako Bicol Partylist Rep. Zaldy Co at mga construction firm ng mag-asawang Curlee at Sarah Discaya ang may pinakamaraming nakopong flood control projects mula year 2016 hanggang 2025.


Ibig sabihin niyan, ito palang sina Zaldy Co at mag-asawang Discaya ay lumalabas na mistulang nagpaligsahan sa rami ng ‘nai-scam’ sa kaban ng bayan, mga pwe!


XXX


KUNG ITINATAGUYOD TALAGA NI MAYOR RUFFY BIAZON ANG ‘GOOD GOVERNANCE’, DAPAT IPA-STOP NIYA ANG STL-CON JUETENG AT SAKLA SA MUNTINLUPA CITY -- Dapat bago sumapi si Muntinlupa City Mayor Ruffy Biazon sa "Mayor’s for Good Governance" ay ipina-stop na muna niya ang mga raket na Small-Town Lottery (STL)-con jueteng nina "Touche" at "Jojo" at sakla ni "Walter" sa nasasakupan niyang lungsod.


Ang sagwa kasing tingnan na kaisa siya sa "Mayor's for Good Governance" tapos wala siyang aksyon sa mga ilegalista na nangraraket sa kanyang mga kababayan.

Para talagang masabi na itinataguyod ni Mayor Biazon ang "good governance" sa kanyang nasasakupan, ay dapat atasan na niya si Muntinlupa City chief of police, Col. Robert Domingo na dakpin ang mga ilegalistang sina "Touche," "Jojo" at "Walter" at kapag nagawa niya iyan, ay masasabing karapat-dapat talaga siyang maging kaisa sa "Mayor's for Good Governance," period!

 
 
RECOMMENDED
bottom of page