top of page
Search

ni Leonida Sison @Boses | January 8, 2026



Boses by Ryan Sison


Karapatan ng ating mga guro ang makatanggap ng tamang atensyon sa kanilang kalusugan. Sa mahabang panahon, tila ito ang isa sa mga pinakakalimutang aspeto ng sistema ng edukasyon.


Sa gitna ng mabibigat na tungkulin, siksikan na klase, at responsibilidad sa paghubog ng kabataan, madalas na hindi nabibigyan ng pansin ang kalusugan ng mga pampublikong guro.


Kaya’t ang paghahain ng isang senador ng Senate Bill No. 1585 o Public School Teachers’ Hospital Benefits Act ay hindi lamang simpleng panukala—ito ay paninindigan para sa dignidad ng mga guro.


Layunin ng panukala na gawing institusyonal, garantisado, abot-kaya, at accessible ang serbisyong pang-ospital para sa lahat ng public school teachers at kanilang mga dependents.


Sa ilalim nito, obligadong magbigay ang lahat ng pampublikong ospital ng preventive, promotive, diagnostic, curative, at rehabilitative health care. Kasama rin ang hindi bababa sa 10% diskuwento sa konsultasyon at pagpapa-ospital, pati na rin ang pagtatatag ng fast-lane facilities para sa mga guro.


Hindi kathang-isip ang pinanggagalingan ng panukalang ito. Batay sa isang pag-aaral noong 2023 na inilathala sa Acta Medica Philippina, mataas ang kaso ng stress-related disorders, altapresyon, at musculoskeletal problems sa hanay ng mga guro. Kinilala rin ng World Health Organization (WHO) ang matinding panganib ng burnout at chronic fatigue ng mga educators kapag kulang ang suporta sa healthcare.


Sa kabila nito, nananatiling pira-piraso at limitado ang benepisyong medikal na natatanggap nila. Sa kasalukuyan, may P7,000 medical allowance mula sa DepEd ang mga guro, ngunit hindi ito sapat para sa laboratory tests, confinement, at gastusing medikal ng kanilang pamilya. Mas lalong kitang-kita ang agwat kung ihahambing sa ibang sektor ng gobyerno tulad ng PNP at AFP, na may sariling ospital at prayoridad para sa kanilang mga tauhan.


Ang isyung ito ay hindi lamang para sa mga guro. Kapag may sakit ang guro, apektado ang klase. Kapag pagod at problemado ang guro, apektado ang mag-aaral. Kapag

pinabayaan ang guro, buong komunidad ang nadadala.


Ang panukalang batas na ito ay pagkilala na ang kalidad ng edukasyon ay nagsisimula sa kalusugan ng mga nagtuturo.


Ang Public School Teachers’ Hospital Benefits Act ay paalala na ang malasakit sa guro ay malasakit sa kinabukasan ng bayan. Ang pag-aalaga sa kanilang kalusugan ay nararapat lamang, dahil ito ang pundasyon ng isang makatao at makatarungang lipunan—lalo na para sa kinabukasan ng ating mga kabataan.


Para sa inyong opinyon, sumbong, hinaing o nais hinging tulong ito ang pagkakataong marinig ang inyong boses, sumulat lamang sa BOSES ni RYAN SISON at ipadala sa Bulgar Bldg. 538 Quezon Avenue, Quezon City o mag-email sa boses.bulgar@gmail.com

 
 

ni Ka Ambo @Bistado | January 7, 2026



Bistado ni Ka Ambo


Marami pang bansa ang sasalakayin ng US.

Kumbaga, praktis lang ang Venezuela.

 

----$$$--

PINAKAMALINIS daw ang 2026 Annual Budget.

Sabihin n’yo ‘yan sa buwan.

 

----$$$-- 

HINDI matanggal-tanggal ang ‘unprogrammed fund”.

Bakit? Kasi kapag wala iyan, ang Pangulo ang “matatanggal” gamit ang impeachment.

Gets mo?

 

----$$$--

ANG budgeting ay nagagamit sa pamba-blackmail mismo kontra sa Pangulo.

Kapag hindi kinunsinte ng Pangulo ang mga “buwaya,” mangangatog ang mga ito at magsusulong ng impeachment kahit “walang dahilan”.

 

----$$$--

DOUBLE-BLADE ang unprogrammed fund, puwedeng gamitin ito nang lihim para tustusan din ang “impeachment” laban sa personal na kaaway ng Pangulo.

‘Yan ay naranasan ni ex-Chief Justice Renato Corona.

At siyempre, aktuwal na nararanasan ni VP Sara.

 

-----$$$--

KAPAG hindi rin nabigyan ng “ALOKABOL” ang mga buwaya, ipapa-impeach nito ang Pangulo.

‘Yan ang naranasan ni Pareng Erap.

 

-----$$$--

DISPALINGHADO ang “budget process” kaya dapat itong suriin at baguhin.

Pero, paano babaguhin kung ang “benepisaryo” o “recipient” ay ang mismong lehislatura at ehekutibo?

No choice kundi manatili ang “status quo”.

 

-----$$$--

NAPAKAHALAGA ng papel ng kabataan dahil sila ang biktima ng kasuwapangan ng mga nanunungkulan.

Kailangan nilang magkaroon ng lider upang mawalan ng papel ang mga buwayang hindi na talaga magbabago pa.

 

-----$$$--

NAGPROPAGANDA na naman si Gov. Chavit.

Gusto niyang gamiting “kasangkapan” ang mga kabataan.

Ngek!!

 

-----$$$--

Hindi dapat magpagamit ang mga kabataan sa mga pusakal na pulitiko.

Hindi rin sila dapat magpadikta sa kanilang mga magulang na “nagbebenta” ng boto at nagpapa-impluwensiya sa propaganda ng mga buwaya.

 

-----$$$--

HIGIT isang siglo na nang yumao si Dr. Jose Rizal, hanggang ngayon ay “mangmang” at iresponsable pa rin ang mga kabataan.

Kailangan nila ang marahas na pakikialam upang mabago ang lipunan at matupad ang pangarap ni Rizal.




Kung may reaksyon, sumbong o katanungan, sumulat sa ASINTADO ni Judith Sto. Domingo sa BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa asintado.bulgar@gmail.com.

 
 

ni Atty. Persida Rueda-Acosta @Magtanong Kay Attorney | January 7, 2026



Magtanong Kay Atty. Persida Acosta


Dear Chief Acosta,


Ako ay 30 taong gulang at kasalukuyang may hawak ng diploma sa high school.  Ako ay isang chef sa loob ng walong taon sa isang Japanese restaurant sa Lungsod ng Bacoor, Cavite. Plano kong mag-apply para sa mas mataas na posisyon sa chain ng mga restaurants ng aming kumpanya; subalit, ang susunod na antas ng posisyon ay nangangailangan ng bachelor’s degree sa kaugnay na larangan.  Ano kayang puwede kong gawin para makapag-apply sa nasabing posisyon? – Ismael



Dear Ismael,


Ang sagot sa iyong katanungan ay matatagpuan sa Republic Act No. 12124 (R. A. No. 12124) o ang Expanded Tertiary Education Equivalency and Accreditation Program (ETEEAP) Act,” na pinirmahan upang maging batas noong ika-3 ng Marso 2025.


Ayon sa Seksyon 4 ng R. A. No. 12124:


Section 4 of the said law provides that,

“SEC. 4. The Expanded Tertiary Education, Equivalency and Accreditation Program. - The Expanded Tertiary Education Equivalency and Accreditation Program, hereinafter referred to as the ETEEAP, is hereby institutionalized as a comprehensive alternative learning program of the government for tertiary education based on academic equivalency, accreditation, validation, and recognition of prior learning or the knowledge and expertise derived from relevant work experiences and from formal, non-formal. and informal training that harness the student’s full potential.  As an integral part of the tertiary education system, it shall allow the undergraduate degree for high school graduates, senior high school graduates, post-secondary technical-vocational graduates, and college undergraduates, including working professionals who were unable to finish or advance into college, or have earned a bachelor’s degree and wish to obtain a special graduate degree program without going through the traditional schooling methods.


The ETEEAP shall be used to identify, assess, validate, and assign equivalent undergraduate level and special graduate programs of prior learning from formal, non-formal and informal learning systems, relevant work experiences, and completion of competency enrichment and other program requirements for the grant of appropriate academic degrees to qualified individuals.”

Batid din ng Seksyon 5 ng nasabing batas na:


“SEC. 5. Qualifications. - Filipino citizens, whether residing in the Philippines or abroad, may apply for equivalency and accreditation if they satisfy the following requirements:

(a) Not less than 23 years of age at the time of application;

(b) Completion of a secondary school program as evidenced by a high school diploma, or a result of the Philippine Educational Placement Test or Alternative Learning System Accreditation and Equivalency Assessment and Certification stating that the individual concerned is qualified to enter college; and

(c) At least five years of aggregate work experience in the industry related to the academic degree program or discipline where equivalency of learning is sought: Provided, That the applicant may submit documentation of relevant training programs and other proof of formal, non-formal, and informal learning. as may be required by the deputized HEI including National Certificates or Certificates of Competency issued by the Technical Education and Skills Development Authority (TESDA).”


Batay sa mga nabanggit, ang isang propesyonal na katulad mo ay maaaring makapagtapos ng kolehiyo nang hindi kinakailangang dumaan sa tradisyonal na pamamaraan ng pag-aaral.  Sa pagsusuri ng mga rekisito na itinakda ng batas, ikaw ay kuwalipikado para sa isang chef-related bachelor’s degree na kinakailangan sa iyong aplikasyon para sa promosyon, sapagkat ikaw ay 30 taong gulang, may hawak ng high school diploma, at nagtatrabaho bilang chef sa loob ng hindi bababa sa walong taon.


Dagdag pa rito, ang Commission on Higher Education (CHED) ang pangunahing ahensya na nangangasiwa sa pagpapatupad ng Expanded Tertiary Education Equivalency and Accreditation Program (ETEEAP) alinsunod sa Seksyon 6 nito. Upang makapagsimula sa pagkuha ng iyong kaukulang bachelor’s degree sa ilalim ng ETEEAP, maaari kang mag-apply sa mga kinatawan o deputized Higher Education Institutions (HEIs) na akreditado ng CHED na matatagpuan sa ched.gov.ph (opisyal na website ng CHED) o sa eteeap.org (opisyal na website ng ETEEAP).


Nawa ay nasagot namin ang iyong mga katanungan. Nais naming ipaalala na ang opinyon na ito ay nakabase sa mga naisalaysay sa iyong liham at sa pagkakaintindi namin dito. Maaaring maiba ang aming opinyon kung mayroong karagdagang impormasyon na ibibigay. Mas mainam kung personal kang sasangguni sa isang abogado.


Maraming salamat sa inyong patuloy na pagtitiwala.



 
 
RECOMMENDED
bottom of page