top of page
Search

ni Nitz Miralles @Bida | October 23, 2025



/FB Yassi Pressman & Coco Martin

Photo: FB Cristine Reyes



Sinukatan na si Kathryn Bernardo para sa wax figure niya sa Madame Tussauds sa Hong Kong. Sa interview, nabanggit niyang excited siyang makilala ang kanyang twin. Hindi raw siya makapaniwala na magkakaroon siya ng wax figure.


“Up until today, hindi ako makapaniwala na they’re gonna be creating my twin, my wax figure. Hindi ko ito ine-expect na mangyayari. One of my biggest milestones. Nakaka-proud lang na nandu’n tayo. Sana, I’ll be able to inspire our kababayans there (sa Hong Kong). This is a very, very good surprise,” bahagi ng pahayag ni Kathryn.


Sinundan pa ito ng “Kath is finally out of the bag! So excited to finally share this with everyone. Thank you @madametussaudshongkong for this huge honor.”


Sa dami ng masaya at nag-congratulate kay Kathryn, may mga nagtatanong kung ano ang mga achievements niya para magkaroon ng wax figure. Nilatagan tuloy ang mga bitter na nagtatanong kung bakit ang aktres ang napili.


Ipinost din ng mga fans ni Kathryn ang pahayag ng General Manager ng Madame Tussauds Hong Kong na si Wade Chang kung bakit si Kathryn ang napili.


Aniya, “We value our Filipino market and aim to provide them with an unforgettable experience. Kathryn is an inspiring artist who has worked tirelessly to achieve her success. At Madame Tussauds, we honor excellence with a global impact, making Kathryn the perfect choice for our next Filipino wax figure.”

Kaya naman pala…



Anak-anakan, ipinagtanggol sa isyung may rich benefactor… RICHARD KAY JILLIAN: DEDMA KA LANG, INGGIT LANG SILA



Very short na “I love you, Mama” ang caption ni Jillian Ward sa ipinost na photo nila ng kanyang mom, pero marami ang nagpahayag ng simpatya sa kanya. Naantig ang puso ng mga nakabasa sa post na ‘yun ng Kapuso aktres patungkol sa pagmamahal niya sa kanyang nanay.


Isinasali kasi ang mom ni Jillian sa isyung ibinabato sa aktres, dahil lang sa afford niyang bumili ng mga mamahaling bagay. Inaakusahan ang mom ni Jillian na ito raw mismo ang nagbebenta sa anak sa rich benefactor.


Nagpapatayo pa lang siya ng bahay, inisyuhan na si Jillian. Pati pagpe-flex ng biniling luxury cars, inisyu rin sa kanya.


Hindi ba nila alam na bata pa lang si Jillian ay nagtatrabaho na ito? Hindi pa ito marunong magbasa at sumulat, nasa showbiz na siya. Puro drawing lang ang alam nito noong bata pa siya, at nang hingan namin ng autograph, nag-drawing siya ng hindi namin maintindihan kung ano dahil hindi pa nga marunong magsulat.


Siguro naman, nakita ni Jillian ang suporta sa kanya ng mga kaibigan niya sa showbiz.

Pinusuan nina Rodjun Cruz, Kim Rodriguez, Pauline Mendoza, atbp. ang kanyang post. Si Richard Yap naman na nakasama ni Jillian at gumanap na ama niya sa Abot-Kamay Na Pangarap (AKNP) ay nagbigay ng mensahe.


Sey ni Richard, “Don’t listen to what others have to say, anak. They’re all just noise. That just means you’re relevant and they’re jealous. We know how hard you work for what you have. Love you.”


Lalo pa yatang iisyuhan si Jillian dahil sunud-sunod ang mga projects niya. May horror movie siyang KMJS Gabi ng Lagim: The Movie at may action series sila ni David Licauco na Never Say Die (NSD) at marami pa siyang ibang projects.



MASAYA ang mga fans ni KC Concepcion dahil matagal na nilang inire-request na magbalik-showbiz siya. 


Natupad na ang hiling ng mga fans dahil balik-recording na ito, at nakipag-meeting na sa mga taga-Star Music PH.


Kaabang-abang ang sinabi ng Star Music PH na, “She’s back, radiant as ever—and brewing something truly special.”


Excited na ang mga fans ni KC na muli siyang marinig kumanta, at sunud-sunod ang request na sana, balikan na rin niya ang acting. 


Sana raw, gumawa ulit siya ng teleserye at pelikula, lubusin na raw niya ang pagbabalik sa showbiz.


May request din for KC to guest sa ASAP at sa It’s Showtime (IS) before and after the release of her song. 


Ganoon siya ka-miss ng kanyang mga fans, na may rason, dahil matagal na ring nagpahinga si KC sa showbiz at nag-focus sa kanyang jewelry business.


Wala pang further details sa pagbabalik-recording ni KC Concepcion, pero makakaasa siya at ang Star Music ng suporta mula sa mga fans. In fairness, hindi siya iniwan ng kanyang mga loyal supporters.


 
 

ni Nitz Miralles @Bida | October 19, 2025



FB Carla Angeline Reyes Abellana

Photo: FB Carla Angeline Reyes Abellana



More than 200 comments na ang video post ni Carla Abellana tungkol sa luxury cars ng mga Discaya, at sa comments, ramdam ang kanilang galit. 

Maraming tanong ang mga netizens na sana, masagot ng mga nag-iimbestiga sa flood control corruption.


Sabi ni Carla, “Just found this in my camera roll. Hindi ko pa pala nade-delete. This is it! This is the video I was talking about that I took at taping 2 years ago! Back then I didn’t know who the Discayas were or who the building even belonged to. But upon seeing the garage (where we couldn’t even park due to the lack of space) I knew right away that there was something fishy about their ‘business.’”


Ang daming luxury cars na nahagip ng camera ni Carla at in one point, napa-comment ito ng “Oh, Bentley, Jesus Christ!” 


Binanggit din ni Carla ang ibang brand ng luxury cars na talaga namang mamamangha ka.


May isang nag-comment na sinagot ni Carla. Galit ang netizen sa comment niyang “Hoy, Carla, ‘di ba, dikit ka kay Romualdez?” 


Sagot ni Carla, “Hoy! Paano pong ako ay dikit kay Romualdez?” 

Sagot uli ng netizen, “Hoy, Carla! Tinatanong nga kita kung dikit ka kay Romualdez. Sini-single out mo kasi ang mga Discaya sa corruption. Walang access sa funds ‘yang mga ‘yan kung walang corrupt na pulitikong mastermind. 


“Sino nga po pala ang Speaker na may pinaka-corrupt na budget sa kasaysayan ng Pilipinas? Never heard you guys calling those politicians for their corruptions.”


Sa mga nagtanong kung bakit siya napunta sa building ng mga Discaya, sagot ni Carla, nag-taping sila ng Stolen Life (SL) serye ng GMA-7, kaya niya nakita ang mga sasakyan ng mga Discaya.


Sa nag-comment uli na fan daw si Carla ng mga Discaya, sinagot niya ito ng, “Paano po ako naging fan nila? Hindi ko po sila kilala.” 


Hirit uli ng netizen, bakit daw hindi inalam ni Carla Abellana kung sino ang may-ari ng mga luxury cars? 


Sinabihan pa ang aktres na kung nakilala niya nang mas maaga ang mga Discaya, baka dinepensahan niya. 


Inakusahan pa ang aktres na baka kilala niya talaga ang mga Discaya, idine-deny lang niya.



MATANONG nga si Louie Heredia kung totoo ang balitang nakarating sa amin. 

Naimbitahan daw ito ng Miss Universe Organization na maging member ng Closed-Door Interview Panel para sa 74th Miss Universe Competition sa November 16, 2025, at sa Preliminary Competition Show sa November 19, 2025.


Siguradong masaya si Louie sa pagkakapili sa kanya bilang isa sa mga mag-i-interview ng candidates ng Miss Universe ngayong taon na gagawin sa Bangkok, Thailand. Exciting ito dahil sa dami ng candidates, 3 minutes lang ang ibibigay sa bawat panel member para mag-interview.


Ipapakumpirma rin namin kay Louie ang tsika na bukod sa pagiging panel member na mag-i-interview ng candidates, judge rin daw siya sa Preliminary Competition at sa National Costume Competition. 


Magiging busy ang schedule nito on the said dates, but for sure, mag-e-enjoy siya lalo na’t sa isa sa favorite countries niya sa Asia gaganapin ang Miss Universe this year.


Sa last year’s Miss Universe, may photo si Louie Heredia with Miss Universe 2024 Victoria Kjær Theilvig ng Denmark. Hintayin natin, dahil paniguradong may photo rin siya sa mananalong Miss Universe 2025.


 
 

ni Nitz Miralles @Bida | October 18, 2025



/FB Yassi Pressman & Coco Martin

Photo: FB Cristine Reyes



Spotted uli si Cristine Reyes at ang rumored boyfriend nitong lawyer na si Gio Tingson sa book launching ni Pia Acevedo ng Moment to Moment sa Shangri-La sa Taguig City. 


Nakita ng mga um-attend sa book launch na holding hands sila, pagkumpirma na sila na nga.


Sa sagot ni Cristine sa interview ng ABS-CBN, kinumpirma na rin nito ang kanilang relasyon ni Gio Tingson.


“Very, very happy. Super happy,” ang sagot nang tanungin sa kanyang love life. 

“It’s different. You know when you’re with the right person,” dagdag pa nito.


May portion sa book launch na nagbasa si Cristine Reyes at ang ibang guest ng excerpt from the book.



Pinagpala raw talaga…

MARIAN, MUKHA NANG AI SA SOBRANG GANDA



Ang hirap pasayahin ng mga bashers ni Marian Rivera. Pinag-uusapan lang kung gaano kaganda ang Kapuso Primetime Queen nang rumampa sa bridal show ng Hacchic Couture sa Vietnam, may mga sumingit na comments kung nagsalita na ba ang aktres sa nangyayaring korupsiyon sa bansa natin.


Hindi si Marian ang sumagot sa tanong ng mga bashers, kundi ang mga fans nito. Nagpahayag na raw tungkol sa korupsiyon ang aktres nang tanggapin ang award for Best Actress para sa pelikula niyang Balota.


Itinuro rin ng mga supporters ni Marian ang mga bashers nito na i-check ang Facebook (FB) ng aktres dahil may mga posts siya tungkol dito. Dapat daw, nag-check muna bago mag-post, napapahiya tuloy ang mga bashers.


Kasi naman, ang ganda ng usapan kung paano pinuri si Marian at ang ganda nito sa nasabing event, tapos iibahin ang topic.


Well, may mga nagtanong tuloy kung legit na reels o photos ni Marian ba ang lumabas at hindi AI (artificial intelligence) dahil nga sa ganda. 


May tumawag pa nga sa kanyang “Ethereal Beauty,” “Diyosa,” “Reyna ang datingan,” “Gandang pinagpala,” at kung anu-ano pa. 


Pero sa comment na, “Lahat ng ito, para lang kay Dingdong (Dantes)” kami natawa.



NATUWA si Billy Crawford at ang ibang coaches ng The Voice Kids (TVK) nang manalong Best Adaptation of an Existing Format (Non-Scripted) sa Asian Academy Creative Awards.


Aniya, “S’yempre natuwa kami, just to be recognized anywhere, it’s definitely a group effort and blessings. Thank you, guys!”


Sa tanong kung ano’ng musical genre o style ng contestant ang nagpapalingon sa kanya, sagot niya, “Anything that’s with the soul, anything soulfully sang, ‘yun ‘yung what makes me turn. Just because nahuhuli nila ‘yung soul din ng isang tao.”


Nabanggit ni Billy na walang paghahanda sa part niya o sa part ng mga kasamang coaches kapag nagde-decide sila to eliminate ang mga ‘di nila napipiling talents.


“You cannot emotionally prepare for it, you can’t literally be prepared and also prepare the kids in advance because in life gusto ko lang ituro rin sa mga kabataan na it’s not all sunshine, rainbows and birds and all the beautiful things na inaasam natin. 


“Sometimes we go home with defeat, pero we should learn from it and trust the process,” pahayag niya.

Tama ka d’yan, Billy!



Piktyur, kumalat… 

AMERICAN TV HOST CONAN O’BRIEN, SINIPA NI JENNYLYN


GUEST sa Sanggang Dikit FR (SDFR) ang American TV host na si Conan O’Brien at nag-taping na ito kasama sina Dennis Trillo at Jennylyn Mercado. Surprise ang role nito, panoorin na lang daw sa mga darating na episodes.


Parang mag-a-action ang American TV host dahil may behind-the-scenes photo na sinipa siya nina Jennylyn at Dennis, hinuli at pinosasan siya. 


Tanong ng mga fans, magkano raw kaya ang talent fee (TF) ni Conan sa guesting niya?

Naaliw lang kami sa mga comments na ‘yung suot daw na polo ni Conan ay kapareho ng kumot nila, kaya we did a second look at totoo nga. Nauso ang ganitong print sa kumot, different colors pa nga, kaya mas ‘kaaliw magbasa ng mga comments.


Still on Conan O’Brien, binati nito si Michael V. at ang Bubble Gang (BG) sa 30th anniversary ng gag show. Ang ganda ng message nito, para silang close at ‘Bitoy’ ang tawag kay Michael V.. 

Sabi nito, “Let’s make it to 50.”


Napa-comment tuloy si Bitoy ng “OMG! This EPIC video greets BBL Gang’s 30th anniversary! Thank you so much Conan O’Brien for this! It’s ABUNDANT! That means ‘a lot’!”

 
 
RECOMMENDED
bottom of page