top of page
Search

ni Nitz Miralles @Bida | August 29, 2025



James Reid - FB

Photo: James Reid - FB



Excited ang mga fans ni James Reid sa balitang pumirma siya ng management contract sa Spring Company na located sa South Korea. 

Ang sabi, ang South Korean superstar na si Ji Chang-wook ang nagtayo ng kumpanya.


Naka-post sa Careless PH ang photo ni James kasama ang ilang Koreano na staff ng Spring Company. Ang nakalagay sa caption: “James Reid signs with Korea’s @spring.compan_official—the first Filipino artist to join their roster.”


Ang mga comments na mababasa… “With @jichangwook it is always Spring! Good job,” “Congrats @james! Another blessing and to many more,” “Good luck for this new partnership Saranghaeyo Oppa,” “What? Wow! Ji Chang-wook!” at “I love James, I love Korea, perfect combination.”


May nagtanong kung ibig bang sabihin nito ay makikita si James sa K-dramas? May excited pang nag-comment na wish nilang makasama si James sa K-drama series ni Ji Chang-wook.


Samantala, ibinalita ni Ogie Diaz sa vlog na nagsimula na ang taping nina James Reid at Kathryn Bernardo para sa pagtatambalan nilang series sa Kapamilya channel. Excited na ang mga fans na mapanood silang magkasama.



Habang sumasayaw… 

KARYLLE, NAAKSIDENTE SA IT’S SHOWTIME



NAGKAROON ng minor leg injury si Karylle habang may dance number sa It’s Showtime (IS). Si Ryan Bang ang agad umalalay at ini-lift pa ang leg ng singer-actress.


Inakala nina Jhong Hilario at Vhong Navarro na bahagi ng dance number ang pagkadapa ni Karylle. Nang makita nilang totoong nasaktan siya, agad silang lumapit. 


May medic din na agad dumating at nagawa pang magbiro ni Karylle para hindi mabahala ang mga co-hosts at audience.


Pinaalalahanan si Karylle na mag-ingat next time at marami ang humanga sa kanya. Marami rin ang nagpadala ng mga “get well soon” messages.



Sunud-sunod ang mga projects ni Will Ashley after ng Pinoy Big Brother (PBB) kahit hindi siya ang Big Winner. 


From recording, movies, TV series, endorsements at ngayon ay pati concert, sasabak na rin siya.


Magre-recording si Will under Star Music in partnership with GMA. May mga endorsements din siya, kabilang ang Acer at Greenwich. 


May tatlong movies siyang ginagawa – ang Poon, Bar Boys (BB) sequel at Love You So Bad (LYSB) kasama sina Bianca at Dustin Yu.


Busy din si Will sa TV dahil bukod sa guest role sa Sanggang Dikit FR (SDFR), magsasama sila ni AZ Martinez sa Daig Kayo ng Lola Ko (DKNLK) sa episode na Hotel De Luma

Sa ngayon, wala pa siyang ginagawang series pero sigurado, may inihahanda ang GMA para sa kanya.


Magko-concert na rin si Will sa October 18, 2025 sa New Frontier Theater. Wala pang details sa Fan Meet concert, wala pang title, director, at kung may guests.


Lilipad si Will papuntang Japan para sa Acer event kasama ang ibang PBB endorsers din ng Acer. More to come pa raw kaya abang-abang ang mga fans, marami pa raw darating.



SAMA-SAMA sa horror mvie na Huwag Kang Titingin (HKT) ang Pinoy Big Brother (PBB) housemates na sina Shuvee Etrata, Charlie Fleming, Michael Sager, Kira Balinger at Josh Ford. Makakasama rin nila ang Sparkle artists na sina Sofia Pablo, Allen Ansay, Anthony Constantino, Marco Masa at Sean Lucas.


Sa direction ni Frasco Mortiz, collab ito ng Mentorque Productions at GMA Pictures.

Si Kira lang ang non-Sparkle artist sa cast dahil sa love team nila ni Josh na ilalayag.


Wala na sigurong mairereklamo ang mga fans ng PBB Celebrity Collab Edition dahil may projects silang lahat. May naglalagare pa nga gaya ni Shuvee na hindi nakadalo sa storycon ng first movie niya dahil may kasabay na event. Nabalita ring lilipad siya papuntang Japan para sa Acer event kasama ng iba pang PBB housemates na mga endorsers din.


Galing si Shuvee sa Tacloban City para sa Jag event na ini-endorse rin niya. Sa dami ng tao, big star na ang datingan nito. 


Sa dami ng projects ni Shuvee, mapapabilis ang dream niyang mabigyan ng malaking bahay ang pamilya. Tig-iisang kuwarto raw ang bawat kapatid niya, eh, siyam silang magkakapatid.

 
 

ni Nitz Miralles @Bida | August 28, 2025



Korina Sanchez - IG

Photo: Korina Sanchez - IG



Ramdam ang lungkot o tampo sa caption ni Julius Babao sa quotation card na ipinost niya sa Instagram (IG) mula kay Walter Winchell. 


Ang sabi sa quotation card, “A real friend is one who walks in when the rest of the world walks out.”


Ang caption ni Julius sa post niya: “Maraming Salamat sa pagmamahal at pag-unawa ng mga TUNAY na kaibigan! Ngayon, alam ko na kung sino kayo. God Bless You All!”


Naka-off ang comment box sa IG ni Julius. May ipinost lang ito, mga pahayag ng mga taong nakakakilala sa kanya. Hindi sila naniniwala sa mga ipinaparatang kay Julius. 

Well, binanggit ni Orpheus M. Velasco ang kanyang mga rason sa pagtatanggol kay Julius, na agad namang pinasalamatan ng huli. 


“Maraming salamat sa iyong opinyon Orpheus Velasco,” ani Julius at pinasalamatan din nito si Allan Encarnacion.


Sa post pa ni Julius, itinanggi niya ang P10 million na diumano’y ibinigay sa kanila ni Korina Sanchez ng Discaya couple kapalit ng interview.


Aniya, “The 10 Million accusation is super fake news! People in the media industry know me as one who can never be bribed by anyone in exchange for favors or for a story. Sa interview na ito 10 months ago nina @jannolategibbs at @stanleychi, sinagot ko ‘yan.”


Samantala, nakabalik na si Korina at ang kanyang team mula sa Hong Kong. Na-miss niya ang 37th Philippine Movie Press Club (PMPC) Star Awards for TV kung saan nanalo siya. Nagpasalamat siya sa PMPC at nakakatuwa ang photo na hawak ng kanyang mga anak na sina Pepe at Pilar ang trophy.


Maraming nag-congratulate kay Korina. May mga nag-comment pa na dapat niyang i-consult ang lawyer dahil sa unauthorized at malicious posting ng interview niya sa Discaya couple. Baka raw ma-bully sina Pepe at Pilar dahil sa isyu.


May nag-comment pa na dapat matuto si Vico ng basic respect and courtesy bago i-post ang picture niya. 


Sagot ni Korina, “Most important is proof.”


Sa nag-comment na suportado niya sina Korina at Julius Babao at tama na raw ang mga irresponsible leader running the show, sagot ni Korina, “I guess everyone makes mistakes. We have to try to understand and try to forgive.”


Sa nagkomento pa na bigyan daw ni Korina si Mayor Vico Sotto ng lesson on public administration, sagot niya, “Relax. The truth stands firmly on its own.”


Tanong ng mga netizens, sa mga sagot na ito ni Korina Sanchez, ibig bang sabihin ay wala siyang planong magdemanda laban kay Mayor Vico Sotto?



RAMDAM naman ang saya at tuwa ni Kim Chiu sa pagbabalik ni Bela Padilla sa Star Magic Philippines at sa Kapamilya Channel. 


Pumirma si Bela ng kontrata sa Star Magic at binigyan siya ng grand welcome.

Mababasa ang comment ni Kim, “Big congratulations, Momsy. Finally!!! Welcome to Star Magic family.”


Sagot ni Bela, “Thank you, Tauren Twinnit, so excited.”

Excited din ang mga fans sa pagbabalik ni Bela sa Star Magic at wish nila na bigyan silang dalawa ng project na magkasama. 


Mas okey daw kung makakasama rin nila ang isa pa nilang friend na si Angelica Panganiban.


Mag-BFF sina Kim at Bela. Pinuntahan pa nga ni Bela si Kim sa Cebu dahil alam niyang kailangan nito ng friend sa pinagdaanang family problem. 


Sobrang na-appreciate ‘yun ni Kim at mas nagpatibay pa sa kanilang friendship.

Nag-congratulate rin si Charo Santos kay Bela, “Congratulations, Bela. Best wishes for an exciting journey ahead.”


Anyway, kahit nasa Star Magic na ang aktres, tuloy pa rin ang film assignment niya sa Viva Films. 


In fact, showing na soon ang Viva Films movie nila ni JC Santos na 100 Awit Para Kay Stella (100APKS) with Kyle Echarri.


May isa pang pelikula sa Viva si Bela, kapareha naman niya si Carlo Aquino. 

Ibig sabihin, walang conflict ang pagbabalik ni Bela Padilla sa Star Magic sa projects niya sa Viva Films.

 
 

ni Nitz Miralles @Bida | August 26, 2025



Korina Sanchez - IG

Photo: Korina Sanchez - IG



In fairness kay Korina Sanchez, hindi niya ino-off ang comment box ng kanyang Instagram (IG), except doon sa post niya sa P10 million na natanggap diumano niya. Pero ang susunod niyang post, open ang comment box at sinasagot pa nito ang mga comments.


Sa nag-comment na mas bibilib siya kay Korina kung ie-expose nito ang mga kurakot sa construction company, sagot ni Korina, “We already did in Agenda and will keep doing it.”

Sa comment na nagtatanong kung totoong nabayaran siya, sagot ni Korina, “Hindi totoo.”

Pero doon sa post niya kung saan marami siyang sagot sa mga netizens, ‘yun ang in-off niya. 


Sayang, maganda pa namang basahin ang mga comments at sagot niya sa mga supporters at bashers niya. May sagot pa nga siya na ‘sana all’ patungkol sa isyung P10M na natanggap niya diumano sa mga Discaya.



Pinalagan ng mga fans ni Dingdong Dantes ang comment ng ilang fans ni Charlie Fleming, ang Pinoy Big Brother (PBB) housemate na makakasama ni Dingdong sa GMA series na Master Cutter (MC).


Nag-comment ang isang fan ni Charlie at nanawagan sa GMA na baka kung anong role lang daw ang ibigay sa ex-housemate. 


Disappointed sila na supporting role lang ang ibinigay sa young actress at gusto yata, bida na agad. 


Comment pa, baka raw ipareha si Charlie kay Dingdong, bagay na ayaw nila dahil sa age gap ng dalawa.


Pati pala ibang mga fans ni Shuvee Etrata na kasama rin sa series, may reklamo rin dahil baka raw gawing kabit ni Dingdong ang role nito. Hindi nabasa o hindi inintindi ng mga ito ang magiging role ni Shuvee.


Anyway, ang payo ng mga fans ni Dingdong sa mga fans nina Charlie at Shuvee, huwag masyadong mayabang, wala pang masyadong napatunayan ang dalawa, lalo na sa acting. Chill lang sila, malayo pa ang lalakbayin ng career nina Charlie at Shuvee.


Samantala, nag-sorry ang mga fans ni Dingdong—sarcasm nga lang dahil ang sabi, “Sorry that he’s not good enough for your stans. From callous defamatory accusations on him & the network, I guess they are all not worthy of your faves. Sorry na po. SARCASM.”


Speaking of Dingdong, isinelebreyt nila ang Best Actress award ni Marian Rivera sa isang resto sa Solaire. Kasama nila ang mga anak na sina Zia at Sixto, ang lola at mom ni Marian, pati ang stepdad ni Marian at mom ni Dingdong.



Nainlab daw…

MARTIN, UMAMING NILOKO ANG EX-GF DAHIL SA DYOWA NGAYON



KAHIT inaming hindi na siya kasingsikat tulad ng dati, hectic pa rin ang schedule ni Martin Nievera. Nasa Las Vegas siya to visit his family there (kabilang ang apo), bumalik ng bansa para sa launching ng bago niyang album na Take 2 released in vinyl, at kahapon, lumipad siya pa-London para sa A.S.A.P. London.


Dahil siguro sa launching ng kanyang second vinyl album, hindi nakaramdam ng jet lag si Martin. Excited ito sa pagkukuwento tungkol sa album at iba pang bagay. Kaya Take 2 ang title dahil nauna na siyang nag-release ng Take 1 na old hits niya ang kasama sa track.


Sa kanyang new album, OPM songs of other artists and his own composition ang nasa track. Kabilang ang Ngayon at Kailanman ni George Canseco, Special Memory, ‘Di Na Muli at favorite OPM song niya today na Leaves ng Ben&Ben.


Ang composition niyang Forever in Your Eyes ay para raw sa great love niya at ‘yun ay ang karelasyon niyang si Anj del Rosario. 


Inamin ni Martin na nagkaroon ng overlapping in his relationship dahil na-in love siya kay Anj kahit in a relationship pa siya with another girl.


May kamahalan ang vinyl, pero worth it daw. Ang linis ng song, ang linaw ng music at iba ang dating na marinig ang ingay ng karayom ng phonograph kapag pinapatugtog na.


Willing si Martin to promote his new album in malls na may mga tao na pupunta to see him, listen to him at magpapirma ng album. 


“I missed those times na may mall shows to promote our album. I miss interacting with fans, talking to them, signing on the CDs, and singing for them,” pagbabalik-tanaw ni Martin.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page