top of page
Search

ni Nitz Miralles @Bida | September 1, 2025



Karylle - FB

Photo: Karylle - FB


Pati si Karylle, nagsalita na sa talamak na korupsiyon sa ating bansa. 

Sa isang TikTok video, nagpahayag ang singer-actress ng pagkadismaya.


“I just saw it on Facebook (FB). It’s a retired journalist who said this, her name is Chelo Banal-Formoso in the FB post so we still need to verify. ‘Let’s say that the Discaya piece was not a paid placement. They claim that this was a lifestyle feature, okay, good, because that happens, I guess, ‘di ba? 


“But the second that they saw the huge car garage, and those many super expensive cars, that lifestyle story should have instantly turned into an investigative story. That has a point there. Not then and then pero siguro, dapat may follow-up story,’” pahayag ni Karylle.

Binanggit din ni Karylle ang fascination ng tao, ng society sa kayamanan at pagiging mayaman.


“The flaunting is so 2025, that’s what I keep saying. We like these things,” ayon pa kay Karylle at sinundan ng “We encourage it kaya ang tapang nila ipakita,” na ang tinukoy ay ang publiko o tayong mga tao na nag-e-enjoy sa display ng wealth ng ibang tao.



‘Di nagtatago…

BARBIE AND JAMESON, HOLDING HANDS SA MALL AFTER MANOOD NG SINE


Spotted uli sina Barbie Forteza at Jameson Blake na holding hands habang naglalakad after manood ng sine. Hindi kumpleto ang info ng nag-post ng photos ng dalawa kung saang cinema ng mall sila nanood at kung ano’ng movie ang kanilang pinanood.

Ang sabi lang ng TikToker na nag-post, may new celebrity couple na raw pala at sina Barbie at Jameson ‘yun. 


Pinuri nito ang dalawa dahil hindi umiwas sa mga fans at game pang nagpa-picture. Hindi rin nila itinago na nag-holding hands sila dahil nakunan silang nakatalikod na naglalakad.


Obvious na sinundan ng netizen sina Barbie at James dahil likod lang ang nakunan niya habang sila’y naglalakad. 


Comment ng mga fans, kahit daw nakaharap, papayag silang makunan ng larawan dahil hindi nga nagtatago.


May tsika pa na galing Isabela si Jameson at pagbalik ng Manila, sila ni Barbie ang magkasama. Isa pang tsika, binigyan daw ni Jameson si Barbie ng book at ang pagiging bookworm ang isa sa kanilang pinagkakasunduan.


Anyway, may Viu Hallyu Dash 2025 Fun Run kahapon at kabilang si Jameson sa mga tumakbo kahit wala siya sa cast ng Beauty Empire (BE) na katatapos lang ang streaming sa Viu. Si Barbie ang nasa cast ng series, pero wala ito, nasa Cebu para sa promo ng series na airing pa rin sa GMA-7. Si Jameson daw ang representative ni Barbie, bagay na ikinatuwa ng mga fans.


Sa September 11, streaming sa Netflix ang Kontrabida Academy (KA), ang project nina Barbie at Jameson kasama si Eugene Domingo. May chance na ang BarSon fans na mapanood together sina Barbie at Jameson.



NAPANOOD namin ang TikTok Live ng Kapuso at Sparkle artist na si Lexi Gonzales na na-trapped sa baha sa Bgy. Quirino 2-C, Pajo Street sa Quezon City. Umiiyak ang aktres na nanawagan na tulungan ang mga residente ng nasabing lugar sa dinanas na baha noong Saturday, August 30. Kahit binaha, tinulungan pa rin siya ng mga residente na maiahon ang binaha niyang kotse at makaalis.


Sabi ni Lexi, “Natatakot ako para sa sarili ko kasi lumulubog na ‘yung kotse ko sa baha. Nawala lahat noong nakita ko ‘yung sitwasyon nila rito. “Walang-wala ‘yung problema ko sa problema nila. At walang rescue, walang pumunta rito para tulungan sila.”


Dagdag ni Lexi, “Pero kahit na lagi ‘tong nangyayari, walang pumupunta para tumulong. Sila-sila lang. Pero kahit na nahihirapan na sila, tinulungan pa rin nila ako.”

Nakiusap si Lexi sa mga nanood ng kanyang TikTok Live na tulungan ang mga residente ng Quirino 2-C.


“Kung mayroon pong gustong magpadala ng tulong, ‘wag n’yo pong kakalimutan ang mga tao sa Bgy. Quirino 2-C, Pajo Street. Please send help po sa kanila, matindi rin po ang baha sa lugar nila,” panawagan ni Lexi.


May mga epal lang na inakusahan ang isa sa cast ng Cruz vs. Cruz (CVC) na attention seeker lang daw si Lexi.


Agad naman siyang ipinagtanggol ng mga netizens na nakapanood ng kanyang TikTok Live. Hindi raw ito umiyak para mapansin siya, kundi para humingi ng tulong para sa mga naapektuhan ng baha.


 
 

ni Nitz Miralles @Bida | August 31, 2025



Karen Davila - IG

Photo: Karen Davila - IG



May comment si Karen Davila sa caption ng post ni Gabbi Garcia na: “Rich in life ‘cause I can travel the world & live my best days with my own hard-earned money.” Sinundan pa ng “Yes to hard-earned money and self-made queens.”

Comment ni Karen, “Exactly. Hard-earned money.” 

Napa-comment din si Max Collins ng “Amen.”


May mga comments din ang mga netizens na, “The shade that I love,” “Nepo babies left the universe,” “As you should girl! Hindi galing sa kaban ng bayan!” “Low key patama,” at “Corrupt nepo babies can’t relate.”


May nanawagan kay Gabbi na maganda sana kung ang isasagot ng Kapuso actress, “Please, sa lahat ng celebrities, mag-speak out kayo. Nagtatrabaho tayo para magbayad ng tax, tapos nanakawin lang nila? Gamitin n’yo sana ang issue na ito para makapag-influence.”

Anyway, dahil sa comment na ‘yun ni Karen, may mga comments para sa kanya. 


Sabi ng isang netizen, “@iamkarendavila Super saludo na ako sa ‘yo, Ma’am Karen. You have my biggest respect! You’re now my fave journalist, vlogger, reporter, influencer whatever you call it.”


May nag-comment na, “Protect Ms. Karen at all cost,” at sana raw, hindi siya magbago.

Sa X (dating Twitter), may sey si Karen na, “KURAKOT SHAMING. It’s high time. Sa ibang bansa, ang nagnanakaw sa gobyerno, nakukulong o naghaharakiri. Sa Pilipinas, kinaiinggitan. Tama na.”


Very true…



NASA Sydney sina Rhian Ramos at Sam Verzosa para sa Sydney Marathon 2025 na naka-schedule this Sunday at kung saan kasali ang magdyowa. 

Nag-a-update ang dalawa, kaya mababalitaan din natin ang mga kaganapan.


Aniya, “Made it here for our Yearly Charity Marathon, this year is the TCD Sydney Marathon 2025. Once again, me and @whianramos are running for Charity and the Operation of children with cleft lip/palate. Our goal is to help more than 100 kids undergo the operation and help give them back their confidence & smiles. Thank you to everyone who supported this cause.”


Sa isa namang reels post ni Sam, makikita silang tumatakbo ni Rhian, last training nila ‘yun bago ang marathon this Sunday. Makikitang nasa kondisyon ang dalawa at handang-handa nang tumakbo.


And speaking of Rhian, kapapanalo lang nito ng Best Drama Actress sa 37th Philippine Movie Press Club (PMPC) Star Awards for Television para sa Royal Blood (RB). Napapanood ngayon ang aktres sa Sang’gre bilang si Mitena at nagpakita pa rin ito ng husay sa acting.



SABI nga ng isang netizen, “In his own unique way,” ang ginagawa ni Edu Manzano na reaksiyon sa corruption sa bansa sa nabuko na mga palpak na flood control projects. Nag-post sa kanyang Instagram (IG) si Edu ng photos niya na ang caption ay patama sa corruption, corrupt officials, at iba pang uri ng mga corrupt na nilalang.


Sa isang post ni Edu na nakasuot ng uniform gaya sa mga taga-DPWH, makikita ang signage sa likod niya na nakasulat ang “Funds at Work”. Sa isa pang photo, makikita si Edu na nakasakay sa isang luxury car at sa tabi niya, may Hermes throw pillow. May caption ito na: “HERMES MUNA BAGO SEMENTO.” 


Napa-comment tuloy si Carla Abellana ng “Tacky Hermes everything.”

Sa latest post ni Edu, makikita siyang nakaupo, chill lang, may suot na bathrobe, at nasa tabi niya ang isang payong. Nasa harap nito ang coffee at croissant. 


Nakakaloka ang caption nito na: “Saturday morning. Walang site visit, walang stress. Just Laduree, Rolls-Royce, payong, at taxpayer money brewed to perfection.”


Natatawa and at the same time, nai-inform ang mga netizens sa ginagawa ni Edu, kaya ang payo sa kanya, “Keep it coming.” 


Napa-react din si Karen Davila ng “Hahaha! This series is good.”


So far, natutuwa ang mga netizens sa ginagawa ni Edu at inaabangan ang mga susunod niyang posts. Ramdam ang galit ng madlang people at umaasa ang lahat na marami pa sa showbiz ang gumaya kina Edu Manzano, Nadine Lustre, Anne Curtis, Vice Ganda, Bianca Gonzalez at Pokwang na nagpapahayag ng kanilang pagkadismaya.

 
 

ni Nitz Miralles @Bida | August 30, 2025



James Reid at Kathryn- FB

Photo: Dreamscape PH - IG



Nag-photoshoot na sina Kathryn Bernardo at James Reid para sa pagtatambalan nilang primetime series sa Kapamilya Channel. Excited, masaya at kinikilig ang mga fans ng dalawa na magtatambal sila for the first time. 


Kahit nga wala pang in-announce ang Dreamscape Entertainment kung ano’ng project ang gagawin nina Kathryn at James, excited na ang mga fans. 


Mga comments na, “Bagay sina Kathryn at James,” “The long wait is over,” “Kinikilig na ako para sa kanila,” “Grabeng mga face card ‘yan,” “Magwe-wait talaga ako,” at “Lakas din,” ang ilan sa mga mababasa.


Happy ang mood ng lahat at waiting na lang sila sa announcement ng ibang detalye sa series nina Kathryn at James. Primetime comeback ito ni James at ngayon pa lang, tinawag na silang ‘powerhouse tandem’.


Una nang nabalita na magsu-shoot sa ibang bansa ang series nina Kathryn at James at nabanggit pa nga na sa Paris sila pupunta. Mas lalong na-excite ang fans dito at sana raw, hindi lang sa France sila mag-shoot, pati sa ibang bansa.



Pinag-aawayan ng mga fans ni Barbie Forteza at ng BarDa fans nila ni David Licauco kung sino kina David at Jameson Blake ang kasama ng aktres sa isang bookstore sa BGC, Taguig na nagtse-check ng books sa shelves.


Sa outfit ni Barbie, parang galing sa pagtakbo at kung takbo ang pag-uusapan, si Jameson ang kanyang nakakasama. 


Kaya lang, walang ipinakitang kasama si Barbie at ang nag-caption pa ng post ng picture ng aktres ay ang kasama sa kanyang glam team na si Janra.


Sabi ni Janra: “With my bookstore date @barbieforteza,” at may kasunod pang “Hindi na-manifest ng running outfits natin ang good weather.”


Naka-running shorts at nakasuot ng hoodie si Barbie at may nakunang picture ng isang guy na nakasuot din ng hoodie, parehong kulay sa suot ni Barbie. Ang larawang iyon ng guy ang pinag-aawayan at pinagtatalunan ng BarDa fans at solo fans ni Barbie.


Ipinipilit ng ilang BarDa fans na si David ang kasama ni Barbie at may nagsasabi namang si Jameson ‘yun dahil pareho silang bookworm at parehong tumatakbo. 

‘Yun pala, si Janra ang kasama ng aktres.


Anyway, may nabasa kaming bumitaw na sila sa BarDa, si Barbie na lang daw ang susuportahan nila at welcome sa kanila kahit sino ang makapareha ni Barbie. 

Sa Kontrabida Academy (KA) na streaming sa Netflix this September, si Jameson ang kasama ni Barbie at sila naman ni Eugene Domingo ang lead.


Ang iba naman ay si David na lang ang susuportahan lalo na’t malapit na ang action series nila ni Jillian Ward na Never Say Die (NSD) at may gagawin pa raw silang pelikula. 


Siguro naman, hindi tuluyang mawawala ang BarDa love team, magpapahinga lang at kapag may right project, ibabalik uli ng GMA. 

Saka, guest si David sa Beauty Empire (BE) na inaabangan ng mga fans.



May ‘K’ daw magreklamo dahil malaki ang bayad sa tax… SIGAW NG NETIZENS: VICE, MURAHIN ANG MGA KORUP NANG MA-STROKE



MABILIS nag-viral ang Instagram (IG) Story post ni Vice Ganda at ipinag-react ng mga netizens. Maiksi lang ang sinabi niya, pero dahil sa nangyayari ngayon sa bansa patungkol sa korupsiyon, agad nag-viral.


Ipinost ni Vice ang ulam nilang magkakasama sa London para sa ASAP at makikita ang adobo, may chicken pa yata at isa pang ulam na hindi namin matantiya kung ano. 

Marami ang nag-comment na may karapatang magreklamo si Vice dahil isa siya sa mga celebrities na malaki ang ibinabayad na tax sa BIR.


Naaliw lang kami sa comment na lagi raw murahin ni Vice sa TV ang mga corrupt para ma-stroke. May nag-suggest pa na huwag nang magbayad ng tax sina Vice Ganda at iba pang celebrities. 


Gusto naman ng isang nag-suggest na netizen na makulong siya at ang iba pang hindi magbabayad ng tax.



Binati sa b-day… 

PANCHO, ‘MOMMAH’ PA RIN ANG TAWAG KAY MAX KAHIT HIWALAY NA



MAGANDA ang paghihiwalay nina Max Collins at Pancho Magno dahil nagagawa nilang batiin ng happy birthday ang isa’t isa. 

Nanguna nga ang pangalan ni Pancho sa mga bumati kay Max na birthday noong August 28.


Sa post ni Max ng kanyang birthday celebration, ang greetings ni Pancho ay “Happy Birthday, Mommah,” bagay na ikinatuwa ng mga netizens.

Kapag si Pancho naman ang nag-birthday, may birthday greetings din sa kanya si

Max. 


Sabi tuloy ng mga netizens, sana, lahat ng mga naghihiwalay ay gaya nina Max at Pancho na maayos ang relasyon at nananatiling magkaibigan.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page