top of page
Search

ni Nitz Miralles - @Bida | April 25, 2022


ree

May mga nagbe-break at may mga new couples at kabilang dito sina Alodia Gosiengfiao at Wil Dasovich na controversial ang hiwalayan lalo at nagpapatayo na sila ng bahay.


Nadagdagan ang “ingay” ng breakup ng dalawa dahil sa post ni Alodia na, “Ako lang naman ang sinayang mo” na sinagot ni Wil na nagpakuwela at ginamit pa ang sinaing.


Well, may bago nang love si Alodia at ‘di maiwasan ng mga netizens na pagkumparahin si Wil at ang BF ni Alodia ngayon na si Chris Quimbo.


Yayamanin ang pamilya ni Chris dahil sila ang owner na Novellino Wines kung saan, si Chris ang president at general manager ng Calabria Company Limited na gumagawa ng Novellino.


Masaya ang mga fans ni Alodia, susuportahan daw nila ito at si Chris at umaasa silang hanggang forever na ang relasyon ng dalawa.





 
 

ni Nitz Miralles - @Bida | April 24, 2022


ree

Pinagdudahan ng ilang AlDub fans ang ipinost na photo ni Maine Mendoza sa kanyang Instagram kasama ang boyfriend na si Arjo Atayde. Hindi raw si Maine ang nasa litrato, edited daw 'yun dahil malalaki ang braso nito sa larawan na para itong boksingera. Parang braso raw ng lalaki ang nasa litrato.


May nag-comment naman na ipinatong lang ang ulo ni Maine sa katawan nito sa litrato. May nagsabi pang hindi hawak ni Maine ang Instagram account niya, iba ang may hawak at ang fake Maine na ito ang nagpo-post ng photos nila ni Arjo.


Pero, mas marami ang naniniwalang legit ang pictures, kaya inulan ng congratulations ang dalawa na nag-celebrate pala ng kanilang third anniversary. Kaya pala ang caption ni Maine sa photo nila ni Arjo na nasa beach at may hawak na drinks ay “To more coladas, laughs, and sunsets with you.”


Kabilang sa mga nag-congratulate sa kanila sina Maja Salvador, Jake Cuenca, Miles Ocampo, Liz Uy at maraming ArMaine fans.


Wish nilang maging forever ang relasyon nina Arjo at Maine at mauwi sa kasalan ang dalawa.



 
 

ni Nitz Miralles - @Bida | April 23, 2022


ree

Para sa ibang netizens, hindi maganda ang dating kahit biro ang sinabi ni Manila Mayor Isko Moreno sa kampanya niya sa Butuan, last Monday, na ireregalo niya sa mga LGBT ang anak niyang si Joaquin Domagoso.


Sabi ni Isko, “Sa ating mga LGBT, mamaya ireregalo ko sa inyo si Joaquin. Libre ang booking. Pero tingin lang, ‘wag kakainin.”


Si Joaquin naman daw ay kumilos na parang tatalon sa mga tao na nasa kampanya ng ama.

Ilan sa mga nabasa naming reaction, “Anak niya 'yan, ha? Kahit sabihin mong joke, sexually suggestive jokes such as that should not be used to entice a specific group. Masyadong low. Eh, kung ‘yung anak nga niyang lalaki na alam niyang may hitsura, ginagamit niyang pambiro, as if the kid is a sexual object para lang i-arouse ‘yung crowd. Everyday palala ka nang palala, Isko.”


Pati si Joaquin, nadamay sa comment ng isang member ng LGBTQ, parang G na G daw ang young actor.


"Imagine, tatay mo, sasabihin sa mga tao na libreng booking ka sa mga members ng LGBTQIA+ during his rally? How low na you go Isko? Baka akala nila, super-hayok kami sa lalaki,” pahayag nito.


Ang daming tao sa kampanya ni Isko sa Butuan kung saan niya sinabing ireregalo niya si Joaquin sa LGBTQ+. Hindi naman siguro bumitaw sa pagboto sa kanya ang mga nakarinig sa kanyang joke.


Wala pang sagot o reaction si Isko sa mga na-turn-off sa kanyang joke at maging si Joaquin, wala pang reaction sa controversial na pahayag ng ama.






 
 
RECOMMENDED
bottom of page