top of page
Search

ni Mylene Alfonso @News | February 13, 2026



International Criminal Court Rodrigo Duterte

Photo: International Criminal Court (ICC)



Pinagbigyan ng International Criminal Court (ICC) ang kahilingan ng legal team ni dating Pangulong Rodrigo Duterte at ng prosekusyon na magdagdag ng mga bagong ebidensiya na gagamitin sa mga pagdinig.


Batay sa apat na pahinang desisyon na may petsang Pebrero 10, inatasan ng ICC Pre-Trial Chamber I ang depensa at ang prosekusyon na magsumite ng update na listahan ng mga ebidensiya bago o sa Pebrero 13, 2026.


Ito ay makaraang hilingin ng legal team ni Duterte sa ICC na magdagdag ng 78 na item sa kanilang listahan ng ebidensiya na gagamitin sa pagdinig para sa confirmation of charges.


Sa pinakahuling kautusan nito, sinabi ng ICC na ipinahiwatig ng prosekusyon na wala itong pagtutol sa pagtanggap ng 78 item ng ebidensiya.


Sinabi ng Common Legal Representatives of Victims (CLRV) na wala rin silang pagtutol sa mga kahilingan ng depensa at ng prosekusyon na magdagdag pa ng karagdagang ebidensiya.


Inilabas ng ICC ang kautusan bago ang pagdinig para sa confirmation of charges laban kay Duterte kaugnay ng umano’y crimes against humanity sa war on drugs nito.

Matatandaang sa iskedyul ng Pre-Trial Chamber I, magsisimula ang pagdinig para sa confirmation of charges sa Pebrero 23 at tatagal hanggang Pebrero 27.


 
 

by Jenny Rose Albason @World News | February 11, 2026



Kharkiv Region - Ukraine's DSNS Emergencies Service

Photo: Kharkiv Region - Ukraine's DSNS Emergencies Service



Patay ang apat na sibilyan sa pinakabagong malawakang aerial assault ng Russia sa Ukraine, kabilang ang isang babae at ang kanyang 10‑anyos na anak sa bayan ng Bohodukhiv sa Kharkiv region. Bukod dito, nasugatan ang siyam na iba pang mga tao at dinala sa ospital para gamutin ang mga ito.


Ayon sa ulat ng Ukrainian air force, naglunsad ang Russia ng hindi bababa sa 11 ballistic missiles at 149 drones sa isang magdamag na serye ng pag‑atake sa iba’t ibang rehiyon ng bansa. Sa mga naturang drone at missile, maraming bahagi ng residential areas, gas pipelines, at power grid ang nasira, na nagdulot ng malawakang pagkasira ng imprastruktura at pagkakababad sa madaming residente.


Ang air defenses ng Ukraine ay nakapag‑intercept o nakapigil ng malaking bahagi ng mga drone, ngunit hindi iyon sapat upang maiwasan lahat ng pagbasag sa mga sistema ng enerhiya at mga tirahan.


 
 

by Jenny Rose Albason @World News | February 10, 2026



Hamas political leader Khaled Meshaal - Ilkha - Circulated

Photo FIle: Hamas political leader Khaled Meshaal - Ilkha - Circulated



KInontra ng Hamas ang panawagan na sila ay tanggalan ng armas.

Ayon kay Hamas political leader Khaled Meshaal, kapag inalis ang kanilang mga armas ay magiging madali umano silang patayin ng Israel. Sinabi rin niya na handa ang Hamas na tumugon sa panawagan para sa isang total ceasefire, subalit iginiit na ito ay paulit-ulit na nilalabag ng Israel.


Hinihiling din ng grupo ang agarang muling pagsasaayos at rehabilitasyon ng Gaza matapos ang matinding pagkasira na dulot ng mga pag-atake ng Israel.


Magugunitang nagtulong-tulong ang ilang bansa, kabilang ang Qatar, Turkiye at Egypt, upang maisulong ang mapayapang pag-uusap sa pagitan ng Hamas at Israel.


Pinangunahan naman ng Estados Unidos ang negosasyon ng dalawang panig, na humantong sa kasunduan para sa pagpapalitan ng mga bihag at muling pagbubukas ng Rafah crossing.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page