top of page
Search

ni Eli San Miguel @World News | June 3, 2024



File photo

Iniulat ng state media na ilang tao ang namatay sa isang air attack ng Israel malapit sa Aleppo, Syria, nitong Lunes, na nagmamarka ng ikalawang pag-atake sa loob lamang ng isang linggo.


Inihayag ng isang source na dahil sa mga pag-atake bandang alas-12:20 ng madaling-araw, nagkaroon ng ilang pagkamatay at ilang pinsala, ngunit hindi na nagbigay ng karagdagan pang detalye.


Noong ika-29 ng Mayo, inatake ng Israel ang sentral na rehiyon ng Syria at ang lungsod ng Baniyas, na nagdulot ng pagkasawi ng isang bata at nasugatan ang sampung sibilyan, ayon sa Syrian state media.


Sa loob ng ilang mga taon, umaatake ang Israel sa mga lugar sa Syria na konektado sa Iran, habang lumalaki ang impluwensiya ng Tehran simula nang suportahan nito si Presidente Bashar al-Assad sa digmaang sibil na nagsimula noong 2011.

 
 

ni Angela Fernando @News | June 2, 2024



File photo

Pinahaba ng mga kasaping bansa ng World Health Organization nu'ng Sabado ang mga negosasyon tungkol sa isang pandaigdigang kasunduan sa paghawak ng mga haharaping pandemya sa mga susunod, habang binalaan ng namamahala ng WHO na ang susunod na krisis ay maaaring mangyari sa anumang oras.


Matatandaang dalawang taong pag-uusap tungkol sa nasabing kasunduan ang nagtapos nu'ng Mayo 24 nang walang pinal na napagkasunduan.


Ang naging pangunahing dahilan ng kawalan ng kasunduan ay ang mga pagkakaiba sa pagitan ng mga mayayamang bansa at ng mga bansang nakaramdam ng kapabayaan nu'ng pandemya ng COVID-19.


Ang huling araw ng isang linggong World Health Assembly (WHA), na taunang pagpupulong ng 194 na mga bansang kasapi sa WHO para sa paggawa ng mga desisyon ay nagbigay ng palugit hanggang sa susunod na pagpupulong sa isang taon upang makabuo ng kasunduan.

 
 

ni Eli San Miguel @News | June 2, 2024



News

Inihayag ng pulisya ng New York City nitong Sabado na inaresto nila ang mahigit sa dalawang dosenang tao kaugnay ng mga pro-Palestinian na protesta sa Brooklyn Museum noong Biyernes.


Inaresto ang anim sa 29 na tao dahil sa paglaban at trespassing, habang 16 naman ang pinakawalan na may utos na humarap sa korte, at pito ang binigyan ng mga papel na ipapakita sa hukuman, ayon sa isang tauhan mula sa New York City Police Department.


Noong nakaraang Biyernes, pumasok ang mga pro-Palestinian na mga nagpoprotesta sa museo ng sining sa Brooklyn, Lungsod ng New York. Itinaas nila ang isang banner, pinasok ang lobby, at nagkaroon ng pisikal na paglaban sa mga pulis, ayon sa mga saksi.


Isang organisasyon na pro-Palestinian na may pangalang "Within Our Lifetime" ang nanawagan sa mga demonstrador na punuin ang Brooklyn Museum para sa Gaza.


Sinabi nila na pumasok ang mga aktibista sa museo upang pilitin itong ilantad ang anumang mga investment kaugnay ng Israel.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page