top of page
Search

by Angela Fernando @Overseas News | Jan. 11, 2025



Photo: Donald Trump - Suzanne Cordeiro / AFP


Hindi makukulong o haharap sa iba pang parusa si United States (US) President-elect Donald Trump kaugnay sa kasong kriminal na may kinalaman sa pagbabayad ng hush money sa isang porn star.


Ito ay ang naging desisyon ni Justice Juan Merchan nu'ng Biyernes.


Bagamat hindi na mabubura ng nalalapit na inagurasyon ni Trump sa Enero 20 ang hatol ng hurado, idiniin ng hukom na ang unconditional discharge para sa 78-anyos na si Trump ay nag-iwan na ng marka ng pagkakasala sa rekord nito.


Si Trump ang kauna-unahang presidente ng U.S. na uupo sa puwesto habang may hatol sa kasong felony.


Paglilinaw ni Merchan, pinili niyang bigyan ng hatol na walang kulong, multa, o probation si Trump dahil sa proteksyong ibinibigay ng U.S. Constitution sa mga pangulo laban sa criminal prosecution.

 
 

ni Angela Fernando @News | Sep. 21, 2024



Fridays For Future Climate Change - Copyright AP Photo-Markus Schreiber Euro News

Binisita nina Department of the Interior and Local Government (DILG) Sec. Benhur Abalos at Sen. Bong Revilla nitong Sabado si dating Bise-Presidente Atty. Leni Robredo kasabay ng pagdiriwang ng Peñafrancia Festival sa Naga City.


Ito ay kasunod ng nangyaring pagkikita nina Robredo at Vice Pres. Sara Duterte nu'ng Biyernes ng gabi, Setyembre 20, 2024. Binisita nina Abalos at Revilla si Robredo sa kanyang tahanan. Ayon kay Robredo, ang naturang pagbisita ay "politically neutral" at walang kinalaman sa anumang isyung pulitikal.


"'Pag Peñafrancia dito sa amin, wala naman kulay ng pulitikang tinitingnan. Walang partido, politically neutral dito lahat. Lahat ng pumupunta para kay Ina ay welcome dito sa amin," saad ni Robredo.


Matatandaang ipinagdiriwang ang Peñafrancia Festival nang mas espesyal ngayong taon dahil kasabay nito ang ika-100 anibersaryo ng 'Canonical Coronation of the Image of Our Lady of Peñafrancia.'


 
 

ni Eli San Miguel @World News | Sep. 20, 2024



Editorial

Inaprubahan ng United Nations General Assembly (UNGA) ang isang non-binding resolution noong Miyerkules, na hinihimok ang Israel na wakasan ang okupasyon nito sa teritoryo ng Palestine sa loob ng 12 buwan.


Naipasa ito ng 124 boto para sa pagpabor, 14 sa 'di pagpabor, at 43 abstensyon sa isang espesyal na sesyon na nakatutok sa mga aksyon ng Israel sa East Jerusalem at iba pang mga okupadong lugar. Iminungkahi ito ng State of Palestine at sinusuportahan ng mahigit 20 bansa.


Hinihiling ng resolusyon na sumunod ang Israel sa international law at sa mga desisyon ng International Court of Justice upang tapusin ang kanilang okupasyon sa loob ng isang taon..


Sa bagong resolusyon, nakasaad na, "[The UNGA] demands that Israel brings to an end without delay its unlawful presence in the Occupied Palestinian Territory, which constitutes a wrongful act of a continuing character entailing its international responsibility and do so no later than 12 months from the adoption of the present resolution."

 
 
RECOMMENDED
bottom of page