top of page
FRANKLY - NADINE, TUMAKBO NA RAW SA SIARGAO, SINUNDAN PA RIN NG WORK NILA NI ALDEN-IG _ na
Search

ni Ronalyn Seminiano Reonico | January 16, 2021




Nagpositibo sa COVID-19 ang Minnesota Timberwolves star na si Karl-Anthony Towns.


Ilang oras matapos ianunsiyo ng NBA na postponed ang laban ng Minnesota at Memphis, nag-post si Towns sa kanyang Twitter account kung saan kinumpirma niyang nagpositibo siya sa COVID-19.


Aniya, "Prior to tonight's game, I received yet another awful call that I tested positive for COVID.


“I will immediately isolate and follow every protocol.”


Panawagan din ni Towns, "I pray every day that this nightmare of a virus will subside and I beg everyone to continue to take it seriously by taking all of the necessary precautions.


"We cannot stop the spread of this virus alone, it must be a group effort by all of us."


Noong Abril, matatandaang nagkasakit din ng COVID-19 ang ina ni Towns na si Jacqueline Cruz-Towns na ikinamatay nito sa edad na 58. Dinapuan din ng naturang sakit ang kanyang ama pero naka-recover ito.


Saad pa ni Towns, "It breaks my heart that my family, particularly my father and sister, continue to suffer from the anxiety that comes along with this diagnosis as we know all too well what the end result could be.


"To my niece and nephew... I promise you I will not end up in a box next to grandma and I will beat this."

 
 

ni Lolet Abania | December 3, 2020




Nasa 48 NBA players ang naitalang nagpositibo sa COVID-19, kasabay ng pagbabalik ng mga ito sa kanilang team home markets para sa pagsisimula ng 2020-2021 season sa December 22, ayon sa pahayag ng league.


Ayon sa NBA, umabot sa 546 players ang nai-test sa COVID-19 na bahagi ng kanilang inisyal na “return-to-market testing phase” na isinagawa noong November 24 at November 30.


Gayunman, ang mga nagpositibo sa test ay inilagay na sa isolation at mananatili roon hanggang sa tuluyang gumaling sa ilalim ng ipinatutupad na panuntunan ng liga.


Samantala, ang Raptors, ang nag-iisang Canadian team sa liga ay magsisimula pa lamang ng kanilang season sa Tampa, Florida, dahil sa mahigpit na international travel restrictions, kasabay pa nito ang pagtaas ng COVID-19 cases sa United States, kung saan maraming nai-record na naoospital sa apat na sunud-sunod na araw kamakailan lang.


Ang NFL naman na kasalukuyan nang naglalaro, at MLB na nahinto rin sa laban, mula sa delayed season ng kanilang World Series noong October ay parehong nahihirapang makabawi dahil sa mga game postponements at ilang nagpositibo sa kanila sa COVID-19, kung saan ang mga players ay nagta-travel pa mula sa iba’t ibang lungsod para lumaban sa kabila ng pandemya.

 
 

ni MC - @Sports | August 29, 2020




Inaasahang maibabalik na ngayong Sabado o Linggo ang mga laro sa National Basketball Association (NBA).


Ayon kay NBA executive vice President Mike Bass bumoto na ang mga manlalaro ng team na kasali pa sa playoffs na babalik na sa laro matapos ang ginawang pag-boycott sa laro nitong Huwebes at Biyernes.


Inaasahang magsasagawa ng pulong ngayon ang NBA Board of Governors upang maplantsa ang desisyon para sa muling paglalaro ng mga nag-boycott na players na pinangunahan ng Milwaukee Bucks, Los Angeles Lakes at LA Clippers.


Sinabi ng NBA na aayusin nila ang problema at diringgin ang hinaing ng mga manlalaro upang matapos na nila ang NBA season.


Nitong Huwebes, nagsimulang magsagawa ng protesta ang mga manlalaro na hindi naglaro bilang protesta sa pamamaril ng mga kapulisan ng Wisconsin sa African-American na si Jacob Blake.


Humihingi ng hustisya ang mga manlalaro at sinabing tigilan na ang pagpatay sa mga Black-American matapos barilin ng pitong beses sa likod ang ngayo'y nag-aagaw-buhay na si Blake.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page