top of page
FRANKLY - NADINE, TUMAKBO NA RAW SA SIARGAO, SINUNDAN PA RIN NG WORK NILA NI ALDEN-IG _ na
Search

ni VA - @Sports | May 11, 2022



May pagkakataon na ang mga NBA teams na makita nang personal at malapitan ang Filipino draft hopeful na si Kai Sotto bago isagawa ang 2022 NBA Draft.


Ayon kay Adam Zagoria ng New York Times, may nakatakdang "dozen workouts with NBA teams" para kay Sotto simula sa Mayo 23.

Sa mga nakaraang mock drafts , nananatiling wala sa top 60 si Sotto kaya naman inaasahang magpapakitang-gilas ito para sa kanyang pangarap na maging unang

homegrown Filipino na makapasok ng NBA.


Nagpakita ng solidong performance ang 7-foot-3 center sa nagdaang season ng National Basketball League (NBL)-Australia para sa koponan ng Adelaide 36ers matapos magtala ng averages na 7.6 puntos, 4.5 rebounds at 0.7 blocks sa loob ng 15.2 minuto at 23 laro.


Sinabi ng agent ni Sotto na si Joel Bell na makukuha sa draft si Sotto.


 
 

ni Anthony E. Servinio - @Sports | May 11, 2022



Isang panalo na lang ang kailangan ng Golden State Warriors sa 2022 NBA Playoffs Western Conference Semifinals matapos pigilin ang palaban na Memphis Grizzlies, 101-98, kahapon sa Chase Center. Sa Eastern Conference, tinabla ng bisitang Boston Celtics sa 2-2 ang kanilang serye sa World Champion Milwaukee Bucks, 116-108.

Kahit hindi naglaro si All-Star Ja Morant, hawak ng Grizzlies ang 76-64 lamang subalit hindi natinag ang Warriors at humabol sa nalalabing 10:35. Ipinasok ni Stephen Curry ang anim na mahalagang free throw upang palamangin ang Golden State na may 19 segundo sa orasan, 98-95.


May pagkakataon ang Memphis subalit sinupalpal ni Draymond Green ang tres ni Jaren Jackson, Jr. at napilitan niyang bigyan ng foul si Curry na nagdagdag ng dalawa pang free para idiin ang Grizzlies, 100-95, at siyam na segundo sa orasan.


Bumanat ng kabuuang 32 puntos si Curry at sinundan ni Andrew Wiggins na may 17 puntos. Hindi nag-coach si Steve Kerr matapos pumasok sa health protocol at itinalaga niya si assistant Mike Brown upang hawakan ang koponan, isang araw matapos kunin si Brown bilang bagong coach ng Sacramento Kings sa susunod na NBA.


Nanguna sa Memphis si Jackson na may 21 puntos habang nag-ambag ng 19 puntos ang kapalit ni Morant na si Tyus Jones. Ayon kay Coach Taylor Jenkins, susuriin muli ang tuhod ni Morant kung papayagan itong maglaro sa Game Five sa Huwebes sa FedExForum.

Bumida para sa 16 ng kanyang 30 puntos sa fourth quarter ang beteranong sentrong si Al Horford at mabura ng Boston ang 80-73 abante ng Milwaukee. Huling hinawakan ng Bucks ang 94-92 lamang papasok sa huling anim na minuto subalit bumanat ng kanyang huling anim na puntos si Horford upang itayo ang 98-94 lamang at mula roon ay sinigurado nina Jayson Tatum, Jaylen Brown at Marcus Smart ang panalo at pinalamang ang Celtics ng 10 na may isang minutong nalalabi, 114-104.


Tinumbasan ni Tatum ang 30 puntos ni Horford at sumungkit din ng 13 rebounds. Parehong may 18 puntos sina Brown at Smart at susubukan nila makuha ang Game Five sa kanilang tahanan TD Garden sa Huwebes din.


 
 

ni Anthony E. Servinio - @Sports | May 10, 2022



Matalas na 3-points ang sandata ng Dallas Mavericks sa 111-101 nilang panalo sa numero unong Phoenix Suns at ipantay sa 2-2 ang seryeng best-of-seven ng 2022 NBA Playoffs Western Conference Semifinals, kahapon sa American Airlines Center. Tabla na rin ang serye sa Eastern Conference matapos pigain ng Philadelphia 76ers ang 116-108 tagumpay sa bisitang Miami Heat.


First quarter pa lang ay buwenas agad si Dorian Finney-Smith at ipinasok ang tatlong tres habang 9 na puntos din si Luka Doncic para sa 37-25 lamang ng Mavs at hindi na nila binitiwan ito. Dagdag sa suliranin ng Suns ang maagang mga foul ni Chris Paul at napilitang umupo nang matagal.


Kababalik lang ni Paul sa 4th quarter at natawagan siya agad ng kanyang ikaanim at huling foul na may 9 na minuto pa at lamang ang Dallas, 89-81. Mula roon ay pumukol ng dalawa pang three-points si DFS at uminit din sina Jalen Brunson at Doncic para sa mga pandiin na puntos.


Nagtapos na may walong 3-points si DFS para sa 24 puntos at may kabuuang 20 tres ang Dallas kumpara sa siyam lang ng Phoenix. Double-double si Doncic na 26 puntos at 11 assist habang 18 puntos si Brunson.


Gumawa ng 35 puntos si Devin Booker kasama ang free throw na nagbigay sa Suns ng kanilang huling lamang, 8-7, noong first quarter bago umarangkada ang Dallas. Naglaro lang ng 23 minuto si Paul, subalit namigay na siya ng pitong assist kasama ng 5 puntos.


Kinuha ni James Harden ang pagkakataon na magpasikat sa second half para sa ikalawang sunod na panalo. Binuhos ni Harden ang 18 ng kanyang 31 puntos kung saan umabot ng 14 ang kanilang lamang sa 4th quarter, 101-87.


Nakalapit ang Miami, 103-109, subalit napigil ito ng dunk ni Tobias Harris at 3-points ni Harden para sa mas komportableng 114-103 agwat papasok sa huling minuto ng laro.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page