ni Mercy Lejarde @Showbiz Talkies | September 8, 2025

Photo: Annabelle Rama - IG
Nabiktima ng kawatan ang celebrity mom at talent manager na si Annabelle Rama.
Kamakailan lang ay nagbakasyon ang mother dearest ni Ruffa Gutierrez sa Rome, Italy kasama ang kanyang pamangkin.
Sa panayam ng aming kaibigan na si Jun Lalin kay Annabelle, napag-usapan nila ang isa sa mga hindi makakalimutang karanasan ng masaya sanang bakasyon sa Italy.
Kuwento ni Annabelle, bigla na lang daw nawala ang kanyang bag.
Aniya, “Nagbe-breakfast kasi kami, tapos biglang nag-announce na in 10 minutes, aalis na. So, ako naman, nag-CR. Sabi ko sa niece ko, bantayan n’ya ang bag ko.”
Pagbalik daw niya mula sa CR ay nagmamadali na ang lahat na sumakay ng bus papuntang Milan.
Kinabahan na siya nang hanapin ang bag at na-realize niyang wala na ito.
Sey pa ni Annabelle, “Sabi ko, ‘Hala, ang bag ko! Nasaan ang bag ko?’ Naiwan doon sa breakfast, pero nang balikan namin, wala na. Sabi ko, ‘Patay, wala na akong pang-shopping.’”
Agaran silang nagdesisyon na ipa-check ang CCTV ng lugar ngunit sinabihan sila na kailangan ng police report para makita ang footage.
Dahil sa pagmamadali ay hindi na nila ito naasikaso.
Sey pa ni Annabelle, “Ipinarerebyu nga namin ‘yung CCTV para makita namin kung sino ang kumuha, pero kailangan pa raw ng police report. Eh, nagmamadali na kami kaya hindi na kami nakapag-report sa police.”
Dagdag pa niya, “Buti na lang ‘yung bag na gamit ko, mumurahin lang. So ‘yung mga Euro ko lang ang nawala.”
Dahil sa hindi magandang karanasan ay pinapaalalahanan na niya ang kanyang pamilya at mga kaibigan na maging alerto at bantayan ang mga gamit habang nagta-travel.
Nakaka-sad naman ang nangyari kay Annabelle Rama. Sayang at walang nakapagpaalala sa kanya na ingatan ang kanyang bag.
KAYA talagang ipagsigawan sa madlang pipol ng singer na si Chito Miranda ang wagas niyang pagmamahal sa kanyang asawa na si Neri Naig.
Kahapon, September 7, ay nagdiwang ng kaarawan ang loving wife ni Chito.
Sa social media post ng band singer ay nagbahagi siya ng larawan ng kanyang asawa na may caption na: “Happy Birthday sa isa sa mga pinakamalakas at pinakamatapang na nilalang na kilala ko.
“Strong, not because ‘di s’ya nahihirapan at tinatablan. Brave, not because ‘di s’ya natatakot... but because she gets up and continues on when struck down, and faces everyday with hope and kindness, kahit minsan unfair ang mundo.
“Sweet, caring, forgiving and generous... even at times when she needs love most.
“Happy Birthday, Ms. Neri (heart emoji). I’m so proud and honored na ako ang pinili ni Lord para mahalin at alagaan ka... at gagampanan ko ‘yun hanggang sa pagtanda.
“Love you, asawa ko! Happy Birthday!!!”
Napaka-sweet naman ng lead vocalist ng Parokya ni Edgar na si Chito.
Happy Birthday, Neri! Enjoy your special day!
Bigla tuloy naalala ni yours truly ang kantang pinasikat ni Chito na “Bakit pa kailangan ng rosas, kung marami namang nag-aalay sa ‘yo. Uupo na lang at aawit, maghihintay ng pagkakataon. Hahayaan na lang silang magkandarapa na manligaw sa ‘yo. Idadaan na lang kita sa awitin kong ito, sabay ang tugtog ng gitara… Idadaan na lang sa gitara…”
Pak, tumpak!
MATAPOS ang makulay na journey niya sa Pinoy Big Brother (PBB) Celebrity Collab Edition, nagbabalik-recording ang Soul Diva at itinuturing ngayon bilang “Nation’s Mom” na si Klarisse de Guzman sa awiting Dito Ka Lang, ‘Wag Kang Lalayo.
Tungkol ang power ballad sa pagkakaroon ng taong nagsisilbing tahanan sa oras ng hirap at ginhawa. Nagsisilbi itong unang patikim ni Klarisse sa upcoming album na ilalabas niya sa ilalim ng StarPop.
Mula ang single sa komposisyon at produksiyon ni ABS-CBN Music Creatives, Content, and Operations Head Jonathan Manalo.
Sinusundan nito ang extended play (EP) na FEELS na inilabas ni Klarisse noong nakaraang taon na naglalaman ng mga awiting Dito, Minamahal Pa Rin Kita, at Bibitawan Ka.
Naghahanda na rin ang Kapamilya singer para sa The Big Night concert na gaganapin sa Araneta Coliseum sa Setyembre 16 (Biyernes).
‘Yun lang, and I thank you.






