top of page
Search

ni Mercy Lejarde @Showbiz Talkies | August 5, 2025



Photo: Frankie Pangilinan - IG


Mas nakilala ang tunay na pagkatao ng anak ng aktres na si Sharon Cuneta at ni Senator Kiko Pangilinan na si Frankie Pangilinan base sa mga naging sagot nito sa interview ni Boy Abunda sa Fast Talk with Boy Abunda (FTWBA) kamakailan lang.

Sa question and answer portion ay napag-usapan nila ang tungkol sa pagtatanggol ni Frankie sa kanyang ama na si Sen. Kiko sa mga bumabatikos dito.


Tanong ni Kuya Boy, “Ano’ng sasabihin ng dad mo every time you do it for him?”

Sagot ni Frankie, “Actually, kami po ni Dad, most often we’re the ones who argue at home. Which is why I think it’s ‘yung parang hindi po s’ya ‘yung para dine-defend ko daddy ko, hindi po s’ya blind defense, loyalty, whatever.


“I think whenever I defend him, people think ‘Obviously,’ kasi daddy ko ‘yan. And to some extent, definitely may bias, wala namang hindi puwedeng maging bias pagdating sa mga daddy nila, daddy ko ‘yun, eh.”


Dagdag pa ni Frankie, “But at the end of the day, talagang inaaway ko po ‘yan. Actually, tuwing may hindi po ako naiintindihan, you know we’re still different enough in like temperament and like when I say it’s never out of a place of disagreement.”


Sabi naman ni Kuya Boy, “It’s a discussion, it’s an exchange of opinions.”

Sagot uli ni Frankie, “It's an exchange. It's never something na gusto ninyong saktan ang isa’t isa.”


Natanong din ng magaling na host na si Kuya Boy kung naisip na ba niyang pasukin ang mundo ng pulitika.


Ani Frankie, “No po, and I think that’s why. I think that, honestly, this part, because I understood suddenly na ganu’n pala ang mga tao, actually, tuwing nagiging politically involved, ibig sabihin, may ambisyon, or something like that. And I’ve never been that kind of person.”


Dagdag pa niya, “It’s really just tayo pong Pilipino na nais pong magbago po ang mga problema sa Pilipinas and I think that’s really just it, bilang mamamayang Pilipino, hindi po bilang anak ni sino man.”


Maraming netizens ang humanga kay Frankie, sa pagiging smart at hindi na raw kailangang magpa-cute para lang makakuha ng atensiyon ng ibang tao.


Sabi nga ng mga netizens, “The way she talks, the way she moves, I can see she's a very smart and talented young lady.”

Pak na pak!



MATUTUWA ang mga magulang kung mapapanood ng mga anak nila ang pelikulang Mga Munting Tala sa Sinagtala (MMTS).


Ang nasabing pelikula ay puno ng moral values, na itinuturo sa kabataan ang katatagan sa mata ng inosenteng buhay, at kung paano natin dapat lutasin ang isang problema. 


Bukod sa mga aral na matututunan sa movie ay meron ding eksenang nakakakilig para sa mga teenagers.


Ang MMTS ay produced by Mamu’s Talent House Agency and Camerrol Entertainment Productions at sa direksiyon ni Errol Ropero at pinagbibidahan nina Ryrie Sophia, Richard Kuan, Jeffrey Santos, Miles Poblete, Shira Tweg, Potchi Angeles, Francis Saagundo, Scarlet Alaba, Dray Lampago at Yassi Ibasco.


Hindi nagpatalbog ang mga batang bida sa mga beteranong artista. Ang gagaling umarte at magbitaw ng dialogue ng mga bata na tipong bigla na lang maiiyak ang nanonood. 


Pagbitaw ng dialogue ng bata ay ramdam na ramdam mo ang bawat eksena. May nakasabay na bata si yours truly nu’ng palabas na ‘ko ng sinehan. Ang sabi ng bata habang naglalakad palabas ay “Uulitin ko uling panoorin ang Sinagtala, ang ganda.” 


Oh, ‘di ba? Pati bata ay nagandahan sa movie.


Isa ito sa pinakamahuhusay na pelikula ni Direk Errol Ropero. 

Showing ngayong September sa iba't ibang paaralan sa bansa, ito ay magbibigay sa iyo ng realisasyon kung gaano kalalim ang koneksiyon mula sa pamilya, pananampalataya at kaibigan.




 
 

ni Mercy Lejarde @Showbiz Talkies | August 4, 2025



Photo: Rufa Mae Quinto - IG



Sa social media post ng aktres na si Rufa Mae Quinto ay nagbahagi siya ng larawan kasama ang namayapang asawa na si Trevor Magallanes (RIP) at anak nilang si Athena.


Makikita sa larawan na masaya sila at halatang mahal nila ang isa’t isa.

Dahil dito, nakiusap si Rufa Mae na iwasan ang pagkalat ng hindi na-verify na impormasyon tungkol sa kanyang pamilya at nagpasalamat din siya sa mga nakiramay sa kanya.


Saad ni Rufa Mae sa post niya, “Maraming salamat sa lahat ng nagpadala ng mensahe ng pakikiramay.


“As we cautiously navigate through this emotionally difficult period in our lives, we would appreciate discretion from everyone.


“Nakikiusap ako na ‘wag naman po ninyong gamitin ang pangyayaring ito para magkaroon lamang kayo ng ‘content’.


“As the wife of Trev, all information surrounding his passing will come from me. Ang lahat ng detalye ay maaari ko lang maibigay sa tamang oras.


“For the sake of our daughter, Athena, please refrain from spreading unverified information that she can access through social media.


“Let us just remember the good times that we had with my husband, Trev.”


Dagdag pa ni Rufa Mae, “Mag-asawa pa rin kami ni Trevor, walang nag-file sa amin ng annulment. Dito po kami sa Pilipinas ikinasal (nu'ng) Nov. 25, 2016.


“Ako po ay widow/biyuda na, shock pa din at nagluluksa po kaming mag-ina and salamat po sa lahat ng condolences, RIP and sympathy. Salamat sa pakikiramay. Lord, please give me

and Athena our daughter strength. Ang sakit.”


Sana naman ay respetuhin ang hiling ni Rufa Mae Quinto dahil hindi madali ang pinagdaraanan nila ng kanyang anak.



NAKAKATUWA ang reaksiyon ng anak ni Megastar Sharon Cuneta na si Frankie Pangilinan nang tawagin siya na “magaling, wealthy and irresistible” ng TV host na si Boy Abunda sa Fast Talk with Boy Abunda (FTWBA).

Sey ni Frankie, “Nagulat po ako doon at medyo na-shock.”


Sabi ni Kuya Boy ay “Pag-usapan natin ang pagiging anak ni Sharon Cuneta. Do you get this often?”


Sagot ni Frankie, “No. But it’s one of my favorite things honestly, to — it sort of feels about — ‘cause nowadays it’s sort of like I think at this age, parang may pagka-therapy na.”


Dagdag pang tanong ni Kuya Boy, “How was it and how is it?”


Sagot ni Frankie, “Halos ngayon ko lang po na-process like fully, I think adult na, 'cause I know, like, I think that when I talk about it to people—for example, like if I meet someone in the States and, you know, they're like—I’ll make friends with them and then it sort of gets to the thing of like what is it, like what is it that—of course Instagram—and I never realized because I grew up in the Philippines, I never had to explain it here. It was sort of this instinctual thing of.”


Sabi pa ni Kuya Boy, “Ibig sabihin, hindi mo kinakailangang ipaliwanag kung sino si Sharon Cuneta at kung sino si Senator Kiko, but in abroad it’s entirely different story?”

Sagot ni Frankie, “Of course, it's a hard thing—obviously na pinalaki po kami na hindi puwedeng magyabang, you know what I mean? Like it's not good, it's not cool to throw your weight around.”


Kuwento pa ni Kuya Boy, “I'll go to a quote of Mega Star Sharon. Sabi ni Sharon sa kanyang anak na si Frankie ay ‘No headaches in describing you, no horror stories, no disrespect. I must have done something right.’”


Maraming netizens ang humanga kay Frankie sa pagiging mabait at wala raw kayabang-yabang sa katawan.


Ang magiging sagot lang ni yours truly sa mga netizens na nagsasabing mabait at humble si Frankie ay may pinagmulan naman kasi si Frankie—katulad lang din siya ng kanyang mother dearest na may kababaang-loob.

Boom na boom ka d’yan, Frankie.



MAGHAHATID ng tipid tips sa mga kabataan si Kapamilya star Mutya Orquia na bida sa bagong episodes ng Estudyantipid, isang series na tumatalakay sa usaping pera handog ng Knowledge Channel Foundation Inc. (KCFI) sa pakikipagtulungan ng BPI Foundation.


Gagampanan ni Mutya ang papel ng isang estudyanteng nais matutong humawak ng pera sa seryeng layuning turuan ang mga kabataang Pinoy ng tama at praktikal na paghawak ng pera.


Tampok sa bagong episodes ng Estudyantipid ang mga napapanahong isyu tungkol sa pera na madalas na pinoproblema ng kabataang Pinoy matapos ang matagumpay na unang bahagi nito noong 2024.


Tatalakayin sa serye kung paano makaiwas sa mga panloloko o scam, mga pangunahing konsepto sa pagnenegosyo, mga praktikal na kaalaman sa paghawak ng pera, at iba pa.


Mapapanood ang bagong episodes ng Estudyantipid tuwing Lunes, Miyerkules, Biyernes, at Linggo sa ganap na 1:40 PM sa BEAM Channel 31, cable, direct-to-home satellite, at digital black boxes.

‘Yun lang and I thank you.



 
 

ni Mercy Lejarde @Showbiz Talkies | August 1, 2025



Photo: Luis Manzano - IG



Sa Instagram post ng aktor at TV host na si Luis Manzano ay nagbahagi siya ng larawan ng “application to date my daughter” na tipong job application form.

May caption itong: "Kidding not kidding..." 


Simple lang din ang format na dapat sagutan ng mga aplikante at dapat sagutan nang maayos at hindi magkakamali, or else, ‘di kayo papasa sa pag-a-apply na maka-date ang apo ng Star for All Seasons na si Vilma Santos.


Ilan sa mga unang tanong:

“Name:  Last:  First:  Middle Initial:

Age:  Address: City: County:”


At siyempre, dapat malaman din ng mga magulang ni "Peanut" kung ano ang religion at kung saan nagsisimba ang mag-a-apply. Kaya kasama rin sa application form na sasagutan ang:


“Religion: Church: Number of attendance in last year:”


At ang pinakaimportante na hindi rin kinalimutan ni Luis, ay ang impormasyon tungkol sa pamilya ng mag-a-apply tulad ng:

“Family Information. Father's Name:

# Marriages: # Years  Address: 

Mother's Name: # Marriages:

# Years:  Address:”


Siyempre, hindi rin mawawala ang mga nakakatuwang tanong ni Luis na…

“1. Do you own or drive a van? yes/no (If yes, please discontinue filling out this form.)

2. In 50 words or less, describe what "NO" means to you.

3. In 50 words or less, describe what "LATE" means to you.

4. Where would you least like to be shot?

5. Which is the last bone you want broken?

6. What do you want to be "IF" you grow up?

7. Please complete this sentence: "A Woman's place is....",

8. What is my daughter's name?

9. Who, besides God, should you fear the most?”


At tulad ng pag-a-apply sa trabaho, dapat may lista rin ng tatlong reference. Kaya naman kasama pa rin ito sa application form tulad ng…


“Please list three reference, Name of Parent, Name of Daughter, Reason relationship ended.”

At hindi pa ru'n natapos ang joke ng host ng Rainbow Rumble na si Luis sa kanyang ginawang application form, dahil may pahabol pa si Luis na special notice sa form niya.

“Special Notice: If accepted, there will be a $50.00 deposit when you pick up my Daughter. If you are one minute late the deposit will be forfeited.


“If you are more than 30 minutes late, please refer to question number 5.”

Maraming netizens ang natawa sa post ng butihing ama ni Peanut, at may mga gusto pang gayahin ang ginawang application form ni Luis para raw sa mga anak nila. 

Sabi nga ni Joross Gamboa sa comment section post ni Luis ay "Question 1." 


At may nagsabi rin ng "Ayos to." Hahaha! At sumagot naman si Luis ng "Mahirap na!”

Ang galing talaga ng daddy dearest mo, Peanut, walang kahirap-hirap ang mag-a-apply. Kailangan lang na makapasok sa butas ng karayom na tulad ng isang sinulid.

Pak, ganern! Insert smiley.



SAGLIT na nagpahinga sina Gerald Anderson, Shaina Magdayao, at Jessy Mendiola sa kanilang mabibigat na eksena sa Sins of the Father upang makisaya sa mga Batangueños sa pagdiriwang ng Sublian Festival.


Kasama rin sa latest stop ng Kapamilya Karavan sina JC De Vera, RK Bagatsing, Francine Diaz, at Seth Fedelin, na naghatid ng performances sa SM City Batangas noong Hulyo 19.


Samantala, patuloy ang crime drama na Sins of the Father sa pagpukaw ng damdamin ng mga manonood pagkatapos ng nangyaring kidnapping sa anak ni Samuel (Gerald) na si King (Clave Sun).


Sa pagpapakamatay ng isang biktima (Smokey Manaloto) dahil sa epekto ng Yayaman Tayo investment scam, nagdesisyon na si Samuel na makipagtulungan kay Agnes (Jessy) para masugpo ang mga tunay na scammer.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page