top of page
Search

ni Mercy Lejarde @Showbiz Talkies | October 21, 2025



TALKIES - ATE GAY, MAGKO-CONCERT SA ARANETA_FB Gil Aducal Morales

Photo: FB Gil Aducal Morales



Emosyonal na ibinahagi ng komedyanteng si Ate Gay ang kanyang pinagdaraanan sa laban sa Stage 4 cancer nang mag-guest siya kamakailan sa Kapuso Mo, Jessica Soho (KMJS), kung saan ikinuwento niya ang tungkol sa malaking bukol sa kanyang leeg na ngayon ay milagrosong lumiit matapos ang ilang session ng radiation.


Umpisa ng mahusay na broadcast journalist na si Jessica, “Kung noon ay matamlay s’ya at hirap gumalaw, ngayon, isang masiglang Ate Gay na ang humarap sa akin.”

Saad ni Jessica, “May himala?”


Sagot ni Ate Gay, “May himala kasi wala na s’ya. Mayroon ditong makikitang bukol, ngayon ito, lumaban s’ya at saka dahil sa mga prayers.”


Tanong ni Jessica, “Ano ‘yung dati, hindi ka makatingin  nang pakanan?"

Sagot ni Ate Gay, “Hindi. Hindi ako maka-ganu’n, ‘di makatingin sa kanan, pero ngayon, puwede na, tapos wala na s’yang bleeding. Nag-start ako nang malaki s’ya hanggang nag-radiation ako nang 4 times, wala na s’ya. May isa pong anghel, dinalaw po ako doon kasi libre po lahat ng medicine and radiation at chemo. Lahat naman po ng doctor na tinanong ko, eh sabi, gagaling daw ako.”


Tanong ni Jessica, “Ano ang ginawa? Tinanggal muna ‘yung bukol?”

Sagot ni Ate Gay, “Hindi po, wala pong tinanggal. Radiation lang po. Nahimala, himala s’ya, umimpis s’ya.”


Tanong ulit ni Jessica, “Hindi inopera?”

Sagot ni Ate Gay, “Hindi inopera. Ngayon, kung ‘di s’ya matutunaw, ooperahan at ‘yung balat ko, ilalagay rito, sabi kumbaga, may plano sila. May hope na sinasabi sa akin na ‘Gagaling ka.’”


Tanong ni Jessica, “Itong mga doctor na nagpapagaling sa ‘yo ngayon, ano’ng sabi?”

Sagot ni Ate Gay, “Stage 4 pero pataas.”

Tanong ni Jessica, “Ano’ng ibig sabihin nu’n?”


Sagot ni Ate Gay, “Walang cancer sa baba, wala, ‘di kumalat, ganu’n. Kumbaga, may chance. Malaki ang porsiyento na gumaling, na mawala ‘yung cancer.”


Tanong ni Jessica, “Ano’ng sabi ng mga doctor, makakakanta ka pa?”


Ayon sa kanya, iniiwasan ng mga doktor ang kanyang vocal cords para hindi maapektuhan ang kanyang boses.


Sey ni Ate Gay, “Makakakanta. Iniiwasan nila ‘yung vocal cords ko sa radiation. Sabi ko nga, ano, manonood kayo, ha? May concert ako sa Araneta.”


Nang tanungin kung kailan ito mangyayari, sagot niya, “‘Pag gumaling na ako.”

Ibinahagi ni Ate Gay ang kanyang araw-araw na dasal habang nilalabanan ang sakit, “‘Pagalingin n’yo po ako,’ lagi, bago matulog at pagkagising.”


Inamin din niyang ramdam niya ang matinding sakit lalo na sa simula ng radiation.

“Ang sakit n’ya nu’ng una,” aniya.


Kuwento niya, tiniis niya ang proseso kahit mahirap, “‘Pag ‘di mo kaya, kakaway ka, lalabas ka ulit—another 30 minutes. Tiniis ko kasi ayokong maulit pa.”


Sagot naman ni Ate Gay sa tanong kung mawawala ba lahat ng kanyang buhok, “Dito lang po sa pinakalikod. Hindi raw ako mawawalan ng buhok.”


Saad ni Jessica, “Biro mo ‘yun, ‘di ka mawawalan ng buhok tapos ‘di ka mawawalan ng boses. Parang iniwas ka nga ng Panginoon, ‘noh, ang lakas mo kay Lord.”


Ani Ate Gay, “Oo nga, saka ang lakas ko sa mga fans, sa mga followers kasi halos ang dami nila, mga milyon na yata ang nag-message.”


Well, nothing is impossible with our Lord God Jesus Christ. Basta palagi lang magdasal at lahat ng sakit at problem ay may katapusan. Ganern!



UMAAPAW ang saya sa bakasyon-grande ng komedyanteng si Melai Cantiveros kasama ang kanyang asawa na si Jason Francisco at mga anak na sina Mela at Stela sa South Korea (SoKor).


Kuwento ni Melai sa Facebook (FB) page post niya, “Convenience store food again. Hehehe!

“Again and again and again. Basta ‘pag nasa Korea, kahit nasa hotel, convenience store food pa rin ang sakalam (malakas), lalo na ‘pag nag-aagawan.


“The best and it’s already 10PM, advance ng 1 hour dito sa ‘Pinas. Kakatapos lang namin maggagala sa Busan, SoKor. At ‘pag gutom? No worries.

“Kamsahamnida (thank you), Lord Jesus Christ for today’s video na safe and protection and happiness. Walang uminit ang ulo at walang nag-attitude.”


Dagdag pa ni Melai, “Mga Kamsamiiiii (fans ng aktres), I love to say that iba rin talaga ang Busan, South Korea. Hindi lang s’ya Zombie-Zombie thing kasi the best talaga rin s’ya. Magiging Zombie ka kasi kulang ang araw sa daming puntahan at matututunan sa lugar ng Busan.


“I want to cry na lang ba kasi totoo talaga ang slogan nila na Busan Is Good. Itong pinuntahan namin is museum ng mga kagamitan ng sinauna nilang mga kanunu-nunuan, mga ginamit pang-araw-araw, pangtanim, pangluto, panghanapbuhay, at pati gold na crown ng hari dati, na-preserve pa nila.


“Kaya pakanta na lang ako ng ‘Up, up, up in a golden, gonna gonna be golden!’ This is in Gyeongju National Museum and Cheomseongdae Observatory and in Daereungwon Ancient Tomb Complex in Busan, SoKor.


“Day 1 pa lang ‘yan, guys, ha? Hanggang Day 1000 pa tayo. Hehehe!”

Happy wife, happy life talaga si Melai Cantiveros-Francisco, kapiling ang kanyang poging mister na si Jason at ang kanyang mga anak. ‘Yun na!



NAG-SHARE ang aktor na si Matteo Guidicelli ng paalala tungkol sa simple pero pangmalakasang ‘running etiquette’. 


Bukod kasi sa pagiging isang aktor, host, at negosyante, kilala rin si Matteo sa kanyang active lifestyle at hilig sa endurance sports. 


Isa siya sa mga celebrities na seryosong tumututok sa physical fitness mula sa cycling, triathlon, hanggang sa long-distance running.


Kuwento niya, “While running today, I was reminded of something simple but powerful: running etiquette, or maybe just basic kindness.


“When you see someone on the road, smile and say, ‘Hi!’ (waving emoji). You never know what that person is going through.


“We all have our heavy days… but sometimes, that small gesture—a nod, a smile, a simple ‘good morning’ can lift someone’s spirit. It doesn’t cost much to be nice.”

Wow, Matteo Guidicelli, pak na pak ka d’yan! 


Iwasan ang maging suplada o suplado lalo na kung hindi ka naman kasingganda ni Sarah Geronimo (wife ni Matteo), ‘di ba?

‘Yun lang, and I thank you.


 
 

ni Mercy Lejarde @Showbiz Talkies | October 19, 2025



FB Robin Padilla

Photo: FB Robin Padilla



Hindi nagustuhan ng aktor na si Senator Robin Padilla ang mga naging komento ng ilang netizens tungkol sa ibinahagi niya sa kanyang social media.


Saad ni Sen. Robin sa post niya, “Mga TOL, ‘pag serious naman ang pakay ng post, ‘wag naman sana nating haluan ng kalokohan ang comment. Pambihira, matindi ang pinagdadaanan ng mga kababayan natin. Ang kailangan nila ay kagyat (agad) na tulong, hindi gaguhan.”


Marami na naman kasing nang-bash sa kanya sa comment section. Isa na nga rito ay tinawag siyang ‘saltik dahil DDS’ dahil sinusuportahan niya ang dating Pangulong Duterte atbp..


Well, sana lang, maintindihan ng ilang mga netizens na may oras para sa pagbibiro at may oras din para sa seryosong usapan. 

Ganern!



Ibang-iba raw sa utol na si Carlos…

KARL ELDREW YULO, NIREGALUHAN NG SASAKYAN ANG MGA MAGULANG



“I hope I made you happy sa gift ko sa inyo ni Papa,” ito ang sinabi ng kapatid ng two-time Olympic gold medalist na si Carlos Yulo na si Karl Eldrew Yulo, na kilala rin bilang gymnast champion.


Sa Instagram (IG) post ni Karl ay nagbahagi siya ng larawan ng bagong sasakyan na ireregalo niya sa kaarawan ng kanyang amang si Mark Andrew Yulo.


Samantala, sa social media post naman ng mother dearest ni Karl ay buong-pusong ipinagmalaki nito ang natanggap na regalo galing sa kanya.


Saad ni Angelica sa post niya, “Birthday gift to his dad Mark Andrew Yulo and early birthday gift for me. Thank you big time, Karl Eldrew Yulo. God bless your big and kind heart.”


Well, dahil sa ginawa ni Karl na pagbibigay ng bonggang gift sa kanyang mga magulang ay hindi maiwasang ikumpara siya sa kuya niyang si Carlos.


Saad ng netizen, “Eldrew have a good heart for their parents unlike ‘yung iba d’yan. Keep up the good work, Drew. Be humble and be thankful always to our God for the good things He has given.”


Anyway, happy birthday, Mommy Angelica at Daddy Mark Yulo.



NAGDIWANG ng ika-22 kaarawan ang anak ng mahusay na komedyanang si Candy Pangilinan na si Quentin.


Sa post ni Candy sa kanyang Facebook (FB) page ay nagbahagi siya ng video clip na nagpapakita ng simple pero masayang pagdiriwang ng birthday ng pinakamamahal niyang anak.


Aniya, “We had a very simple celebration. We started at 11 AM and ended at 4 PM. 11 AM mass with the Claretian priests and seminarians.


“Thank you to those who came. Si Quentin, ayaw i-move ang birthday celebration n’ya nang weekend. Kasi nga, 16 nga raw.


“Thank you Lord for a fun-filled, love and blessed gathering. Basta happy s’ya na may misa.”

Dagdag pa ni Candy, “Happy 22nd birthday to my partner, inspiration, teacher, son, best friend and ticket to heaven, Quentin!


“We thank God for your life. Continue to be a blessing to me and everyone you meet. Thank you for all your greetings. We truly appreciate it.”


Nag-upload din si Candy ng photo sa IG kung saan makikita ang kanilang nakatutuwang conversation ng anak na si Quentin kung saan nagme-message ito sa kanya sa loob ng kotse kahit magkatabi lang sila.


Saad ni Candy sa post niya, “Sabi ko nga, magkatabi lang tayo. Excited ba s’ya?”

Komento ng isang netizen, “Hindi na lang ibinulong.”

Saad ng isa pang netizen, “Ang kulit lang ng mag-mommy.”


Bongga talaga ang mag-inang Candy Pangilinan at Quentin. Maraming netizens ang napapasaya ng YouTube (YT) channel nila, ‘di ba? 

Anyway, happy birthday, Quentin!



BUMISITA ang singer na si Ice Seguerra sa puntod ng kanyang mga magulang na sina Caridad at Decoroso Seguerra (RIP) noong October 16, 2025. Nagkataon din na ika-49th wedding anniversary ng mga ito.


Pahayag ni Ice, “I’ve been wanting to visit Mama and Daddy but I’ve been really busy these past few weeks. I was scheduled to shoot for the documentary we’re doing and our director, Tey, asked if naka-visit na ba ako kina Mama. So nagpunta kami. Spent some time there, and umuwi na rin ako pagkatapos.


“My brother Juan-C messaged me na he saw na nag-visit ako and he reminded me na wedding anniversary nina Mama and Daddy today, Oct. 16, 49 years na mula nu’ng ikinasal sila.


“Hindi man ‘yun ang rason ng pagdalaw ko, masaya ako na nandu’n ako sa espesyal na araw na ito.


“I really believe that our loved ones will always find ways to make us feel loved—through things, songs, people.


“I’m glad I was there with you, Mama and Daddy. I miss you both so much, I love you.

Happy Anniversary! Maglabing-labing na kayo d’yan sa langit (heart emoji).”

Bilib si yours truly kay Ice, kahit super busy sa work, ay gora, as in go pa rin siya sa puntod ng parents niya.


 
 

ni Mercy Lejarde @Showbiz Talkies | October 18, 2025



FB Robin Padilla

Photo: FB Robin Padilla



“Today is my Freedom Day,” ito ang pahayag ng comedienne-TV personality na si Ai Ai Delas Alas nang mag-post ito sa kanyang social media. 


Isang taon na pala ang lumipas nang maghiwalay sila ng dati nitong asawa na si Gerald Sibayan.


Saad ni Ai Ai, “Isang taon na ang lumipas mula nang iwan ako ng taong akala ko’y kasama ko habang buhay. Naligaw ako, naguluhan, at halos hindi ko na alam kung saan ako magsisimula.


“Pero sa gitna ng sakit, gulo at katahimikan, nar’yan kayo. Sa lahat ng dumamay, umunawa, tumahimik sa tabi ko, at nagdasal para sa akin, salamat.


“Hindi ko ito nalampasan nang mag-isa. At higit sa lahat, salamat sa Diyos na hindi ako iniwan kahit na kailan.


“Buhay ako, matatag ako. Maraming salamat din sa mahal na Inang Maria na parating nakagabay sa akin. Salamat kay Father Allan Samonte, my BFF @allandizonsamonte, at mga kaibigan naming pari sa mga dasal. 


“Salamat sa Zumba, sa aking mga instructor at classmates. Salamat sa gym pati aking mga coaches. Salamat sa aking mga kaibigan na hindi ako iniwan. Salamat sa anak kong si Sancho @sanchovitodelas alas. At higit sa lahat, salamat sa aking mga tagasuporta, followers, fans. 


Noong panahon na ‘yun, ang parati kong isinasaisip at isinasapuso ang comment na nabasa ko, ‘Isang tao lang s’ya, milyon kaming nagmamahal sa ‘yo.’ AMEN.”


Good job, Ai Ai delas Alas. Mas mabuti na rin na ipagdiwang mo sa pamamagitan ng pagsisimba at pamamasyal sa mall kesa naman malungkot ka pa para sa taong hindi ka naman ipinaglaban sa huli.


Pak, ganern! May hugot ‘yan!



Nakiusap ang senador at aktor  na si Sen. Robin Padilla na unahing ilabas ang kanyang SALN (Statement of Assets, Liabilities and Net Worth).


Saad niya, “Katulad ng aking talumpati sa plenaryo ng Senado patungkol sa Freedom of Information, ngayon na, maglabasan ng SALN. Tanggapin ng Senado ang hamon ng bagong Ombudsman! Unahin n’yo na po, ilabas ‘yun sa akin!”


Samantala, ayon sa pahayag ay mismong si Sen. Robin ang sumulat kay Senate Secretary Renato Bantug upang ipaalam na kusa siyang magbibigay ng waiver para ilabas ang kanyang SALN.


Wika ni Sen. Robin Padilla, “Ako po ay nakikiisa sa diwa ng ganap na pagpapahayag at katapatan batay sa prinsipyo ng ‘public office is a public trust.’”


May iba kayang kumasa at sumunod sa hamon ni Sen. Robin?

‘Yun lang, and I thank you.



“NAGTATRABAHO ako nang maayos dito, hindi ito galing sa nakaw,” paalala ng magandang aktres na si Nadine Samonte sa kanyang Instagram (IG) post.


Nagbahagi ang aktres ng photos kung saan makikita ang magagandang damit at sapatos ng kanyang mga anak na kanyang ibinebenta. 


Wika ni Nadine, “These are all pre-loved items ng mga kids. First to comment ‘mine’ will get the item. Ila-like ko po ‘yung comment n’yo para alam n’yo po kung kayo ang nakakuha.


“Please wait for my DM from my IG account only para iwas sa mga scammers. No exchange, no refund po tayo. Lahat ng details, nasa picture na po. All joy miners will be blocked! GCash or BDO transaction only and must be paid within 24 hours.


“J&T or Lalamove, puwede. Muntinlupa location. Additional for SF (shipping fee), hindi po kasi libre ang shipping. And yes, nakapag-donate na po ako (kasi dami mga taong ano rito, eh) at nagtatrabaho ako nang maayos dito, hindi po galing sa nakaw. Thank you.”

Dagdag pa ni Nadine, “Hello, everyone! I’ll be posting used items of our kids sa IG.


Paunahan na lang po mag-‘mine’ sa post. Sorry, hindi po s’ya donation since 10 balikbayan boxes na ang na-donate namin na toys sa mga kids na nangangailangan. Ipo-post namin ‘yan for proof na tumutulong din po kami kasi ‘yung iba rito, alam na.


“This time, we will sell clothes and shoes kasi we need also funds, ‘noh! Hahaha! Real talk lang. Abang lang po kayo later. Only on IG!”


Well, korek ka d’yan, Nadine Samonte. Huwag mong intindihin ang negatibong komento. At sana lang,  gayahin ka ng ibang mga misis ng tahanan na gumagawa ng paraan para tulungan ang asawa. 


Super lucky naman ang anak ng BFF ni yours truly na aktres na si Isabel Rivas na si Richard Chua. 


At in fairness, ang gaganda ng damit at sapatos at halatang halos bago pa kaya buy na kayo, mga madlang people!


 
 
RECOMMENDED
bottom of page