top of page
Search

ni Mercy Lejarde @Showbiz Talkies | August 20, 2025



Maine Mendoza - Eat Bulaga TVJ

Photo: Maine Mendoza - Eat Bulaga TVJ


Inamin ng aktres at TV host na si Maine Mendoza sa YouTube (YT) ng Eat…Bulaga! (EB) TVJ na may title na Tamang Panahon EP 1: Ang Simula ang tungkol sa kanyang nararamdaman sa aktor na si Alden Richards noong panahon ng Kalyeserye.


Natanong si Maine sa vlog kung minahal ba nila ni Alden genuinely noon ang isa’t isa, na more than pagmamahal ng magkaibigan.


Sagot ni Maine, “Ako, na-in love talaga ‘ko kay Alden, vocal naman ako. Kahit sino naman ‘yung magtanong sa akin, sasagutin ko naman nang diretso. Na-in love ako sa kanya pero hindi siya nanligaw. Walang ganu’n.


“Alam din n’ya, kasi kung vocal ako sa lahat ng tao, pati kay Alden din mismo. Alam ni Alden ‘yun, sinabi ko naman sa kanya nang rekta (direkta), pero hindi s’ya nanligaw.


“Tinanong ko s’ya noon, eh, kasi ang straightforward ko naman na tao. Tinanong ko s’ya rekta, ‘Sabihin mo na sa ‘kin, ano ba’ng nararamdaman mo for me?’ Direkta kong tinanong sa kanya, gusto ko lang malaman. Sabi ko, ‘Kung ano man ‘yan, tatanggapin ko naman. Kailangan ko lang malaman.’ Tapos ‘yun, ang sabi lang n’ya, ‘‘Di ko puwedeng sabihin sa ‘yo kasi mawawala ‘yung magic.’


“Grabe ‘yung relationship namin ni Alden off-cam. Pero may closure naman kaming dalawa, napag-usapan namin ang lahat.”


Marami ang napahanga ni Maine sa pagiging straightforward nito. 

Well, kahit hindi nagkatuluyan sina Maine at Alden ay super lucky pa rin siya dahil nagkatuluyan naman sila ng anak ng multi-awarded actress na si Sylvia Sanchez at No. 1 congressman ng District 1 ng Quezon City na si Cong. Arjo Atayde.


Pak, ganern!


‘Yun lang and I thank you.

 


Mister, 12 yrs. naghintay… 

SHAIRA, TINULUGAN LANG SI EA SA UNANG GABI AFTER NG KASAL NILA



SA hinaba-haba ng prusisyon, sa simbahan din ang tuloy ng 12 long years relationship nina Shaira Diaz at EA Guzman at ngayon ay husband and wife na nga sila.


Nang mag-guest sa Unang Hirit (UH) ang Kapuso actor na si EA kasama ang misis niyang co-host mismo sa nasabing show na si Shaira, 

tanong sa kanila ng kanilang Ninong Arnold Clavio, “Ano’ng masasabi ninyo sa kasal n’yo?”


Sinagot ito nang naka-all-smiles ni Shaira ng “Worth it, worth the wait, worth the money, lahat at s’yempre, iniisa-isa namin ‘yung mga taong nag-stay, nagpunta, naglaan ng oras para sa amin. Talagang sabi namin, we’re very blessed dahil ‘yung mga taong ‘yun talaga ang tunay na nagmamahal sa amin. 


“At s’yempre, ‘yung weather na before and after umulan, nilagpasan nila ‘yung araw ng kasal namin.”


Tinanong din ni Arnold si Shaira ng, “Ano ang pakiramdam mo habang naglalakad ka papunta sa altar?”


Sagot ni Shaira, “Ay, grabe! Kabadung-kabado ako. Sabi ko, hindi talaga ‘ko puwedeng mag-trip. ‘Yun talaga ang ipinagdarasal ko. At saka, pinipigilan ko talagang umiyak, kasi ‘pag umiyak ako, diretsong pangit, eh, kaya dasal ako nang dasal na gabayan ako ni Lord. Samahan N’ya akong maglakad talaga.”


Tinanong din ni Arnold si EA, “Hindi mo napigilan na umiyak nu’ng moment na naglalakad na si Shaira. Ano ‘yung tumatakbo sa isip mo nu’ng mga panahon na ‘yun?”


Sagot ni EA, “Nasabi ko lang nu’ng time na ‘yun ay ‘Oh, my God! Oh, my God!’ ‘Yun lang ‘yung paulit-ulit na sinasabi ko. Tapos, nu’ng pagkabukas kasi nu’ng door, para s’yang anghel. Para s’yang anghel na papalapit sa ‘yo na ang ganda-ganda ng mapapangasawa ko. So ‘yun lang.”

Naikuwento rin ni Arnold ‘yung tungkol sa nasabi ni Shaira kay EA na “Magiging masaya ka na mamaya.” 


Kaya naman, tinanong na rin niya at ng kanyang co-host na si Susan Enriquez si EA ng “Naging masaya nga ba, EA? Kumusta ka naman?”


Sagot ni EA, “Ako, magiging honest ako, ah, pero grabe ang ngiti ko talaga. Pero ‘yung first night, tinulugan ako. Tinulugan ako, oo.”


Natatawang sumagot din si Mrs. Shaira Guzman ng, “It’s a scam.”

Sagot ni EA, “Pero naiintindihan ko naman kasi, talagang ang aga n’yang nagising.”


Kuwento pa ni Shaira, “Kasi ‘di ko na maramdaman ang buong katawan ko.”


Tanong pa ulit ni Arnold, “Ano ang kaibahan nu’ng 12 years sa 1 night?” 


Sagot ni EA na lalong lumabas ang kaguwapuhan dahil sa magandang ngiti at nagniningning na mga mata, “Magical, magical.”


Naikuwento rin ni Susan, “Ito ang pinakamagandang reception na napuntahan kong wedding.”


Sabi naman ng TV host na si Arnold, “Parang ibang mundo.”

Ang nasabi naman ni Shaira, “‘Yan po talaga ‘yung dream namin. So, pumasok po tayo sa mundo ng dream namin.”


Congratulations, Mr. EA and Mrs. Shaira Guzman. 

 
 

ni Mercy Lejarde @Showbiz Talkies | August 19, 2025



Vilma Santos-Recto - IG

Photo: Vilma Santos-Recto - IG



Marami ang napabilib sa Star for All Seasons na si Vilma Santos-Recto sa ginagawa niyang pagtatrabaho bilang governor ng Batangas.


Hindi makikita ang tunay na edad ng magaling na aktres sa ginagawa niyang pag-aasikaso sa mga Batangueño, na daig pa ni Vilma ang mga batang governors sa sipag at malasakit sa mamamayan.


Kamakailan lang ay nag-share sa kanyang Instagram (IG) account ang mother dearest ng host ng Rainbow Rumble (RR) na si Luis Manzano at congressman ng Lipa City na si Ryan Recto.


Makikita sa larawang ibinahagi ni Gov. Vilma na nasa bahay na siya, nakauwi galing sa trabaho bilang governor at nakaupo na sa kanyang kama. Gayunpaman, nagtatrabaho pa rin siya, pumipirma ng mga kailangan kahit hatinggabi na. 


Makikita rin sa larawan ang magandang ngiti ni Gov. Vilma.


Saad niya, “Talino at Puso: Mula Agoncillo hanggang San Nicolas, puno ang araw sa kuwentuhan at kumustahan kasama ang mga kababayan. Pag-uwi sa gabi, trabaho pa rin.

Nagpipirma kahit 9:20 PM na, para masigurong tuluy-tuloy ang serbisyong kailangan ng mga Batangueño.”


Maraming netizens ang bumilib sa sipag ng governor ng Batangas at isa na nga rito ang media personality na si Christine Bersola-Babao.


Aniya, “Ala, eh! Love you, Ate Vi. Praying for your extraordinary strength & good health to carry out your mission.”


Sagot naman ni Gov. Vilma, “@christinebbabao Thankssss, Tins!! I miss and love you both! Tins/Julius! May utang pa akong interview kay Julius (tell him hindi ko nakakalimutan! Forgive a friend! Once I am done with our housekeeping in the capitol, I will invite you there!!!!!! Love you guys, God bless.”


Ala, eh! Suwerte naman ng mga Batangueño sa kanilang Gov. Vilma Santos-Recto.



Ngayong 50 na ang madir…

IBINULGAR NI MAVY: CARMINA, MAY MGA GABING ‘DI NAKAKATULOG



SUPER lucky naman ang aktres na si Carmina Villarroel sa pagkakaroon ng anak na sweet and loving tulad ni Mavy Legaspi.


Nagpahayag kasi ng pagbati si Mavy sa kanyang social media para sa ika-50th na kaarawan ng kanyang mother dearest noong August 17, 2025.


Saad niya, “50, looking 21. To the heart of our family, @mina_villarroel happy birthday, Momma! Your love simply makes everything better.


“Thank you for the sleepless nights, the sacrifices you never spoke of, and the unconditional love that never wavered even when I didn’t deserve it... You are the heart of our family, the soul of our home, and the greatest blessing I’ve ever known.

“You are the hardest working, kindest & most loving person in this world. She is what we call ‘HOME’ and she is the glue that holds and keeps this family together. Her patience, understanding, guidance, and perseverance are just a few of many things that describe this wonderful human being. God-fearing and a child of God.

“Cheers to 5 beautiful decades of success, tears, love, faith and dedication, the dedication to being the best actress and mother you could ever be. Cheers to you today and always.


“I’ll love you forever, I’ll love you for always, for as long as I’m living, my momma you’ll be.”


Happy Birthday, Carmina. Enjoy your special day!



SANIB-PUWERSA ang tatlong pinakamababangis na kontrabida sa mundo ng pelikula na sina Rez Cortez, Bembol Roco, at Dindo Arroyo sa isang action-comedy-drama film na Kontrabida, kung saan sila ang bida. Mapapanood ito worldwide sa iWant ngayong Martes (Agosto 19), 8 PM.


Ibang atake ang ihahain ng trio sa Kontrabida sa kabila ng pagiging kilala sa kanilang matitinding papel bilang sindikato, hitman, at kalaban ng bida sa ilang mga sikat at premyadong pelikula sa Pilipinas.


Gaganap si Rez bilang isang dating action star na gustong makuha ang loob ng kanyang apo, si Bembol bilang dating movie syndicate boss na ngayon ay plantito at wellness advocate, habang si Dindo ay dating real-life kontrabida na naging public servant at ngayon ay panadero na inspirasyon ng kabataan.


Magbabago ang lahat nang madukot sila ng mga rebeldeng tagahanga ng kanilang pagiging kontrabida on-screen. Pero imbes na magturo ng kasamaan, haharapin nila ang mas malaking misyon, ang iligtas ang isang bayan laban sa totoong mga terorista.

Sa direksiyon ni JR Reyes at hatid ng iWant at MAVX Productions, tampok ang umaatikabong aksiyon at riot na katatawanan ng trio kasama sina Pekto, Tito Abdul, Tito Marsy, Andrew Bongat, Denise Joaquin, Buchoy Ubaldo, Richmond Geraldo, Imy Bantog, at Papa Ahwel.


‘Yun lang, and I thank you.


 
 

ni Mercy Lejarde @Showbiz Talkies | August 17, 2025



Ralph de Leon - IG

Photo: Ralph de Leon - IG



Very interesting ang naging kuwentuhan ng aktor at Pinoy Big Brother (PBB) Celebrity Collab Edition 2nd Big Placer na si Ralph De Leon sa vlog ng broadcast journalist at ABS-CBN TV Patrol anchor na si Karen Davila.


Sa question and answer portion, tinanong ni Karen si Ralph kung bakit siya tinawag na “walking green flag”.


Sinagot naman ni Ralph nang may magandang ngiti, “Actually, Ms. Karen, grabe, parang mabigat din s’ya, eh. It also comes with expectations. Parang lahat, okay sa ‘yo, lahat, tama. Lahat ng values mo, lahat ng morals mo, aligned with siguro what social standards set. I mean, I have my off days din naman po na wala rin po ako sa mood. I’m not a picture-perfect as everyone makes me look out to be.”


Dagdag na tanong ni Karen, “Sa palagay mo, bakit ka naging green flag?”

Sagot ni Ralph, “The best I can describe it po talaga is I was able to find multiple support systems throughout my life talaga, starting off with my family. So I grew up here in Tanza, Cavite with my big, big family.”


Natanong din ni Karen kung may balak siyang pumasok sa pulitika.

Sagot ni Ralph, “Hindi po. Never po akong nahilig and kami po talaga, kaming magpipinsan, we really wanted to get out na po talaga sa politics.”


Bukod sa mga personal na tanong ni Karen, nagbahagi rin si Ralph ng kanyang saloobin.

Sabi ni Ralph, “I don’t know if I’m one of the first people to speak about this. For our batch at least, ang laking issue palagi when we’re seen with other people, when we’re seen with other housemates, when we’re seen with people na siguro, they wouldn’t like to see with us.


“Yes, a lot of them support us, but there are also those very few who try — sorry to say — but feed their delusions and really try to take ownership of our lives.


“Ayaw ko pong magpaka-showbiz na just to allow that to happen. I’m going to stick to the people that I’m close to. Keep building the relationships that I’ve had inside regardless of

what they think.”


Maraming netizens ang pinusuan ang kuwentuhan nina Ralph de Leon at Karen Davila. 

Boom na boom kayo d’yan, Ms. Karen!



PATULOY na kinikilala ang ABS-CBN sa buong mundo matapos itong umani ng panalo at nominasyon sa 2025 Seoul International Drama Awards (SIDA).


Pinangalanan si Daniel Padilla, isa sa mga bida ng action-thriller na Incognito, bilang Outstanding Asian Star para sa kanyang husay sa pagganap bilang Andres, isang dating sundalo na sumali sa isang pribadong kumpanya ng militar para hanapin ang nawawalang kapatid.


Samantala, nominado rin para sa Best Drama Series at Best Screenwriter ang Saving Grace (SG), ang kauna-unahang adaptation ng ABS-CBN ng isang Japanese Nippon TV series. 


Pinagbibidahan nina Julia Montes, Sharon Cuneta at child star na si Zia Grace, ang serye ay tungkol sa madamdaming kuwento ng isang guro na ginawa ang lahat upang mailigtas ang estudyanteng inaabuso ng kanyang magulang.


Ang SIDA ay nagbibigay-pagkilala sa mga huwaran sa telebisyon sa buong mundo. Ang mga magwawagi ay opisyal na kikilalanin sa Oktubre 2 sa Seoul, South Korea.

‘Yun lang and I thank you.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page