ni Mercy Lejarde @Showbiz Talkies | April 28, 2026

Photo: FB Miguel Tanfelix
“Nabasted na ako dati,” ang pahayag ng aktor na si Miguel Tanfelix sa YouTube (YT) channel na Your Honor (YH) nang tanungin siya ng TV host na si Chariz Solomon kung naranasan na niya ang mabasted kahit super-guwapo pa siya.
Hindi nakaligtas sa mga tantalizing eyes ni Madam Cha (Chariz Solomon) ang kaguwapuhan ni Miguel nang makaharap niya ito.
Tanong ni Chariz, “Do you know you are very handsome?”
Saad ni Miguel, “Well, I’m confident. Parang kunyari, pupunta ako sa isang lugar, confident naman ako. Pero ‘di na para isipin ko na pogi ako, pogi ako. Ganyan.”
Hindi naman daw siya vain pero inaalagaan niya ang sarili niya.
Hirit na tanong ni Chariz, “Sa pogi mong ‘yan, nabasted ka na ba ever?”
Saad ni Miguel, “Ah, panigurado, may mga times na nabasted na, lalo na nu’ng bata pa. Pero ‘di ko na masyadong maalala.”
Tanong ni Chariz, “Kasi after that, puro long-term relationship?”
Saad ni Miguel, “Puro long-term relationships ako. So ‘di ako ‘yung katulad ng ibang lalaki na parang ligaw nang ligaw.”
Hirit na tanong ni Buboy Villar kay Miguel, “So, ‘pag nabasted, lipat ulit?”
Saad ni Miguel, “Hindi. ‘Pag nabasted, maghi-heal muna.”
Tanong ni Chariz, “Totoo ba ‘yung sinabi na magaling kang manligaw?”
Dagdag ni Buboy, “Ano ba’ng definition ng dapat magaling kang manligaw?”
Saad ni Miguel, “Para sa akin, magaling manligaw, parang madulas ‘yung mga salita. May mga paraan.”
Tanong ni Chariz, “Ikaw, madulas ka bang magsalita?”
Saad ni Miguel, “Hindi ako madulas magsalita pero honest ako sa nararamdaman.
“Ako, alam ko ‘yung definition ng magaling manligaw. May mga kilala tayong ganyan, Buboy. Ang ganda ng mga diskarte.
“May mga game plan. Ako, parang wala. So, kung ano ‘yung very natural, kung ano ‘yung nararamdaman ko, ‘yun ‘yung sinasabi ko.
“So ‘di ko masabing magaling, pero straight to the point.”
Hindi rin daw nagmamadali si Miguel ‘pag nanliligaw siya. Tumagal nga raw ng one year ang panliligaw niya.
Dagdag na tanong ni Chariz, “Exclusive dating kayo?”
Saad ni Miguel, “Ang maganda ru’n, kaya kami nag-one year kasi parang hinintay muna namin kung kailan ako nag-start para same day.”
Tanong ni Chariz, “Meron bang instance na ang tagal mong nanligaw, tapos talagang binasted ka?”
Saad ni Miguel, “Wala. ‘Yung nanliligaw na, tapos biglang binasted. Siguro ‘yung basted, parang kakausapin ko, tapos ‘di talaga kami swak nu’ng babae, so ‘di na lang itutuloy.
“May naalala na ako, nabasted na ako dati. Bata pa kasi ako nito. First year high school, 13 years old. Nagkagusto ako sa third year high school. Nu’ng first year high school ako, sobrang totoy ko. ‘Yun, nabasted. Nagbibigay ako ng mga stuffed toy noon.”
Tanong ni Chariz, “Ano’ng sabi sa ‘yo?”
Saad ni Miguel, “Nakita ko na lang s’ya na parang may idine-date na siyang third year din.”
Naging friends naman daw sila ng girl kahit binasted siya nito dahil naiintindihan niyang napakabata rin niya that time.
Bago matapos ang programa ay tinanong din si Miguel kung may artistang pinagseselosan ang girlfriend niyang si Ysabel Ortega.
Saad ni Miguel, “Wala. Kung meron mang selos, ‘yung parang magpapa-cute o magpapalambing. Wala, kasi wala rin naman akong ginagawa na kaselos-selos.”
Well, happy for you, Ysabel, dahil nakatagpo ka ng boyfriend na tulad ni Miguel Tanfelix.
NAG-POST ang TV host na si Robi Domingo ng mensaheng punumpuno ng pagmamahal para sa kaarawan ng kanyang misis na si Maiqui Pineda.
Saad ni Robi, “This one feels different, the last birthday celebration as just the two of us before we become parents. And looking back at all our moments together, I’m just filled with gratitude.
“I already see the kind of mom you’re going to be, loving, strong, and so full of heart. Our little one is so lucky to call you mommy.
“I’m so proud of you, and so in awe of the woman you are and everything you’re becoming.
“Happy birthday, maiquipd. I love you. Always.”
Happy birthday, Mrs. Maiqui Domingo!



