top of page
Search

ni Lolet Abania | April 29, 2021




Nag-abiso ang Manila Electric Co. (Meralco) sa lahat ng konsumer para sa pagpapalawig ng suspensiyon ng disconnection nang hanggang Mayo 14, kasunod ng anunsiyo ng gobyerno sa extension ng modified enhanced community quarantine (MECQ) sa National Capital Region, Bulacan, Cavite, Laguna, at Rizal.


“Given the current situation and the extended MECQ, we continue to take into consideration the challenges our customers are facing amid these difficult times. Thus, we will continue to put on hold all disconnection activities until May 14, 2021,” ani Ferdinand Geluz, ang first vice-president at chief commercial officer ng Meralco.


“We hope this additional extension will help ease the burden of our customers, while providing the necessary relief and additional time for them to settle their bills,” dagdag ni Geluz.


Aniya, patuloy ang Meralco na magseserbisyo sa mga mamamayan habang nangakong tutugunan ang lahat ng interes at kailangan ng mga consumers sa panahon ng pandemya.


Ayon pa sa power distributor, tuluy-tuloy din ang kanilang mga operasyon, gaya ng meter reading at pagsunod sa mga iniatas ng Energy Regulatory Commission (ERC), habang sineserbisyuhan ang lahat ng mga customers.


 
 

ni Thea Janica Teh - @Bulgarific | October 1, 2020



Ikinatuwa ng lahat ang post ng isang netizen matapos nitong masaksihan na nagpakuha ng litrato sa Meralco employee ang dalawang bata.




Karaniwang nagdadala ng camera ang Meralco employee upang makuhanan ng litrato ang monthly usage ng bahay at makuha ang power meter. Ngunit, agaw-pansin na kinausap ng mga bagets ang employee at gustong malaman ang ginagawa nito.


Sa Facebook Post ni Krizzel Gatmin, makikita ang dalawang bata na nakikipag-usap sa Meralco employee. ‘Tila hanga ang dalawa at curious sa ginagawa ng employee, kaya naman matapos gawin ang trabaho nito ay agad na pinag-pose ang dalawa na parang may instant photoshoot.


Agad na kinagiliwan ng mga netizen ang post sa social media. Aniya, nakawawala ng stress dahil sa cuteness na dala ng mga bata at kay Meralco employee na nagbigay saya sa mga bata kahit sa simpleng pictorial.


 
 

ni Reggee Bonoan - @Sheet Matters | September 2, 2020




Shocked to the max si Pokwang sa bill niya sa kuryente na umabot sa apat na buwan dahil nga hindi naman kaagad ito idineliber sa bahay niya dahil sa pandemya.


Base sa tweet ng komedyana ay umabot sa P131,312.00 ang Meralco bill niya.


Aniya, “May iba pa bang hotline ang Meralco Masinag?


“Wala sumasagot at 'di sinasagot mga tawag. Nanghula lang yata sila ng computation, 4 na buwan P131,312.00, ano kami, pabrika?” takang sabi ni Pokie.


Maraming sumang-ayon sa hinaing ng TV host/actress dahil nakaka-relate rin daw sila.

Samantala, sumagot na ang Meralco kay Pokwang tungkol sa reklamo niya.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page