top of page
Search

ni Melba R. Llanera - @Insider | July 12, 2021


ree

Marami sa mga Wowowin/Tutok to Win fans ang nalulungkot sa tila pamamaalam ni Willie Revillame sa kanyang programa ilang araw na ang nakararaan.


Ang pahayag ng TV host ay may malaki siyang desisyon na gagawin at kailangang pag-isipan niya itong mabuti.


Marami ang nag-iisip na baka ang malaking desisyon na sinasabi ni Willie ay ang nababalitang papasukin na diumano ng TV host ang pulitika sa darating na eleksiyon matapos magpahayag si Pangulong Rodrigo Duterte na gusto niyang tumakbo si Willie sa Senado sa 2022 national elections.


Sa kabila ng hiling ni Willie na kahit mawala siya ay may iba sanang host ang magpatuloy ng Wowowin/Tutok to Win, marami pa rin sa mga masusugid na tagahanga ng game show ang naniniwala na bukod sa iba pa rin ang karisma niya ay para lang talaga kay Kuya Wil ang show at ‘di ito babagay sa iba.


 
 

ni Melba R. Llanera - @Insider | July 03, 2021



ree

Nahahati ang reaksiyon ng mga tagahanga ni Bea Alonzo sa ginawang paglipat ng aktres sa Kapuso Network.


May ilan ang nagsasabi na 'di na nila susuportahan hindi lang ang mga serye at pelikula ng aktres kundi maging ang mga social media accounts nito.


Sa kabilang banda ay nagpahayag naman ang mga solid Bea fans na patuloy pa rin nilang susuportahan ang aktres kahit saan pa mang istasyon ito pumunta.

May mga kumakalat ding balita na tumataginting na P200 million daw ang halaga ng pinirmahang kontrata ni Bea sa Kapuso Network.


May mga lumalabas din dati na P650 thousand diumano ang asking price per taping day ng A-lister actress, na ikinalula naman ng marami.


Para naman sa iba, karapat-dapat lang naman ang ganitong halaga sa husay at galing ni Bea bilang isang aktres at sa mga napatunayan na nito sa industriya.



 
 

ni Mercy Lejarde - @Showbiz Talkies | June 12, 2021



ree

Hi, Bulgarians/reading fans!!!


Yours truly is back na tipong hinarang ni COVIDA na makipagtsikahan sa inyo due to weak WiFi signal. Minsan malakas, pero kadalasan ay super weak.


'Niwey, hindi nakasali si yours truly sa virtual mediacon ni Jake Zyrus, dating si Charice Pempengco, regarding sa bago niyang single titled FIX ME due to some personal reason.


Asked na lang ni yours truly si Kapamilya PR guy, Aaron Domingo, na tanungin niya kung ano pa ang gustong ipa-fix ni Jake Zyrus sa kanyang wankatitat bukod sa pagbabago ng kanyang boses at anyo, na tipong kelot na kelot na ang arrive.


Naitanong naman daw pero 'di sinabi ni Aaron kung ano ang naging kasagutan ni Jake a.k.a. Charice.


Asked uli ni yours truly si Kapamilya Aaron kung nagpalagay na rin ba ng nota si Jake Zyrus, na ikinatawa lang nang malakas ni Aaron.


Tsk! Sayang at hindi pinalad itong si Jake na magkaroon ng dalawang sex organs. Puwede ba 'yun, if you may ask?


Yes po, 'coz isa sa mga kaibigan ni yours truly noon sa Tower Productions ay talagang may dalawang sex organ at ang ginagamit niya ay 'yung pang-kelot na sex organ 'coz tomboyita rin ang damungkang.


Siguro, kung nagkaroon ng dalawang sex organs sina Jake at BB Gandanghari ay 'di na nila need ang magpalagay ng gusto nilang sex organ. Boom, 'yun na!


Anyway, aminado raw si Jake Zyrus na hirap na niyang gawin uli ang pagpa-falsetto buhat nang maging transman siya.


Dating Charice Pempengco si Jake, if you care to know, na naging favorite ni Ellen DeGeneres.


Naapektuhan ng kanyang transition ang boses niya, most especially ang pagpa-falsetto na minahal ng publiko sa kanya.


“Now I’m training to put my falsetto into practice again,” sabi ng international singer.


She’s also into a lot of vocalization para raw ma-adjust ang kanyang mid-tones.


Marami kasi ang nakapansin na malaki ang ipinagbago ng boses ni Jake mula nang sumailalim sa transformation. Apektado rin ang mga shows niya na hindi na kasingdalas ng dati.


Samantala, isa sa mga plano ni Jake ay magpakasal. Engaged na sila ng fiancée niyang si Shyre Aquino. Pero hindi ito balak isapubliko ni Jake. Iaanunsiyo na lang daw niya ito kapag tapos na ang kasal.


Huwowww, dumarami na talaga ang mga transgender kahit na sa pandemic era ni Covid-19!


O, siya, humayo kayo at magparami 'coz sabi nga ni Noah nang palubugin noon ang mundo…. "Bring with you all kinds of animals according to its kind, and human being is considered as the highest form of animal."


'Yun na!


Basta sakali mang matuloy ang pagpapakasal ni Jake a.k.a. Charice sa kanyang girlfriend, ibibigay ko na lang sa kanila ang composition ni yours truly para maging background music nila that goes… "If your fingers do the walking and your tongue do the talking…ayos!"


Nakaraos, boom ganern! Insert smiley, ☺!


Ang iba namang showbiz pipol in the know, nanghihinayang kung bakit pinalitan pa ni Charice ang kanyang namesung.


Sana raw ay ginaya na lang nito si International singer Tina Turner na nang makipag-divorce sa dyowa niya noon na siyang nagbigay sa kanya ng namesung na "Tina Turner" ay hindi niya na ito ibinalik sa diniborsiyo niyang dyowa 'coz ang katwiran niya, sa namesung na "Tina Turner" siya nakilala at kumikita up to now.


Well, kani-kanyang trip ang bawat isa sa atin 'ika nga. So, accept things and people as they are na lang.


'Yun lang and I thank you!

 
 
RECOMMENDED
bottom of page