top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg
Search

ni Jeff Tumbado @News | June 18, 2026



Patay sa magnitude 7.8 na lindol - BFP

Photo: BFP



Umabot na sa 68 ang bilang ng mga nasawi dahil sa magnitude 7.8 na lindol na tumama sa Sarangani, habang nasa mahigit 1.4 milyong indibidwal ang apektado ng sakuna.


Ayon sa pinakahuling datos nitong Hunyo 17, 2026, alas-6 ng umaga, sinabi ng Office of the Civil Defense (OCD) na sa Region XI, naitala ang 11 nasawi kung saan 10 ang mula sa Davao Occidental at isa sa Davao del Sur.


Samantala, 57 naman ang naitalang nasawi sa Region XII, kabilang ang 33 sa Sarangani at 24 sa South Cotabato.


Aabot naman sa 33 katao ang nawawala, kabilang ang 16 sa Davao Occidental, 15 sa Sarangani, at dalawa sa South Cotabato.


Samantala, umakyat na sa 1,339 ang bilang ng mga nasugatan at nasaktan sa iba’t ibang lugar na naapektuhan ng pagyanig.


Nasa 339,254 pamilya o katumbas ng 1,417,078 indibidwal ang naapektuhan ng kalamidad kung saan sa bilang na ito, 4,464 pamilya o 19,791 katao ang kasalukuyang nananatili sa 45 evacuation centers.


Aabot sa 774 imprastraktura ang nasira na may tinatayang halaga ng pinsala na P1.29 bilyon.


Samantala, umabot naman sa P29.8 milyon ang pinsala sa sektor ng agrikultura, partikular sa Davao del Norte at Davao del Sur.


Dahil sa matinding epekto ng lindol, isinailalim na sa state of calamity ang 14 na munisipalidad sa mga lalawigan ng Davao Occidental, Sarangani, at South Cotabato.


Patuloy naman ang pagbibigay ng tulong ng pamahalaan sa mga apektadong lugar kung saan umaabot na sa P160.9 milyon ang naipamahaging ayuda sa mga naapektuhang pamilya, habang P8.1 milyon naman ang naibigay na suporta sa mga lokal na pamahalaan at munisipalidad. 


 
 

ni Mylene Alfonso @News | June 11, 2026



Bongbong Marcos sa lindol sa Mindanao - FB

Photo: Pangulong Bongbong Marcos sa lindol sa Mindanao - FB



Magbibigay ang pamahalaan ng tig-P50,000 ayuda sa bawat pamilya na namatayan dahil sa magnitude 7.8 na lindol sa Mindanao noong Lunes.


Ito ang inanunsyo ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa kanyang pagbisita sa General Santos City upang inspeksyunin ang mga lugar na naapektuhan at pangasiwaan ang pamamahagi ng Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) sa mga residente.


“Lahat ng pamilya na meron silang casualty na biktima na nasawi, magbibigay tayo ng tig-P50,000 para sa kanila, para tulong dun sa kanilang naging malapit sa kanila na namatay,” pahayag ni Marcos.

 
 

ni Ronalyn Seminiano Reonico | March 6, 2021




Niyanig ng magnitude 7.3 na lindol ang New Zealand kagabi, Huwebes, bandang alas-9:21 PM (Philippine Standard Time) na may lalim na 10 km, ayon sa Phivolcs.


Kaagad na itinaas ang tsunami threat sa New Zealand at inaasahang magdudulot ito ng light to moderate damages lalo na sa mga lugar na malapit sa episentro ng lindol kung kaya’t nagbabala ang National Emergency Management Agency (NEMA) ng bansa at inabisuhang lumikas ang mga residenteng apektado ng insidente.


Pahayag ng NEMA, “This evacuation advice overrides the current COVID-19 Alert Level requirements. Do not stay at home if you are near the coast and felt the earthquake LONG or STRONG.


“Evacuate immediately to the nearest high ground, out of all tsunami evacuation zones or as far inland as possible. Stay 2 meters away from others if you can and it is safe to do so.”


 
 
RECOMMENDED
bottom of page