top of page
Search
  • BULGAR
  • Jun 2, 2023

ni Mai Ancheta | June 2, 2023



ree

Bigtime rollback sa liquefied petroleum gas (LPG) ang mararanasan simula nitong Hunyo 1, mula sa ilang kumpanya ng langis.


Sa inilabas na abiso ng Petron Corporation, P6.20 ang rollback kada kilogram ng household LPG, habang ang Solane naman ay magbabawas ng P6.18 kada kilogram; at ang Auto LPG ay magpapatupad ng P3.37 per liter.


Kasama rin sa nag-rollback ang Phoenix sa kanilang produktong LPG na hindi nalalayo sa anim na piso.


Ikinatuwa naman ito ng mga may-ari ng karinderya tulad ni Aling Rebecca na nasa San Miguel, Manila dahil malaking kabawasan ito sa kanilang budget sa LPG


 
 
  • BULGAR
  • May 2, 2023

ni BRT | May 2, 2023



ree

Nagtaas ang presyo ng Liquified Petroleum Gas (LPG) ngayong buwan ng Mayo dahil sa mas mataas na international contract price.


Ayon sa Petron, nagpapatupad ito ng P0.85 kada kilo (kasama ang VAT) na pagtaas ng presyo sa LPG na epektibo kahapon ng alas-6 ng umaga.


Ang presyo naman ng auto-LPG ay tataas ng P0.48 kada litro.


Nag-anunsyo rin ang Solane ng P0.85/kg na pagtaas sa mga produktong LPG nito, epektibo rin kahapon.


Una nang sinabi ng mga industry expert na ang presyo ng gas, kabilang ang LPG ay inaasahang bababa ng mahigit P1 kada litro sa ngayong araw. Subalit sa huling trading day, sumipa ang international contract price ng LPG kaya nagbago ang tinatayang galaw ng presyo ng LPG sa bansa.


 
 

ni Jasmin Joy Evangelista | October 21, 2021


ree

Maaari umanong magkaroon ulit ng malaking pagtaas sa presyo ng liquefied petroleum gas (LPG) dahil sa pagtaas ng international contract price nito.


"Ang sinasabi lang namin is 'yong $65 ngayon, ang equivalent increase niyan is P3.50 [kada kilo]," sabi ni Arnel Ty, presidente ng Regasco na nagbebenta ng LPG.


"We hope and pray na bumaba pero sinasabi namin ito para ang mga consumer, makapaghanda," ani Ty.


Matatandaang mahigit P80 na ang iminahal ng regular na tangke ng LPG ngayong Oktubre dahil sa pagtaas ng contract price ng imported na cooking gas.


Pataas din ng preyso ng imported na petrolyo sa unang 2 araw ng trading sa international market, pero puwede pa itong mabago hanggang Biyernes.


Sa nakalipas na 2 buwan, P8.65 na ang itinaas ng presyo ng kada litro ng diesel, P7.20 sa kada litro ng gasolina at P8.05 sa kada litro ng kerosene.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page