top of page
Search

ni Julie Bonifacio - @Winner | July 25, 2021



ree

Proud na ifinlex ni Alden Richards sa kanyang Twitter account kahapon ang kanyang braso na may band-aid and declared na nabakunahan na siya ng COVID-19 vaccine.


Pinili raw niya na magpabakuna na not only for his own safety kundi pati na sa kanyang pamilya and community.


Nanawagan din siya sa mga Pinoy na i-take na ang chance na magpabakuna kung may available na rin lang naman.


“Vaccinated! By choosing to be vaccinated, I can protect not only myself & my family, but also my community. Tulung-tulong po tayo. Please take the vaccine made available to you so we can reach herd immunity. It will act as a barrier against the virus. #IngatAngatBakunaLahat,” tweet ni Alden.


Nakyutan siyempre pa ang karamihan sa mga netizens/fans ni Alden sa ipinost niyang picture sa Twitter, especially his muscles.


“Congrats! At least kampante na kami na you are vaccinated! Kahit papa'no you are protected from the virus. But just the same, keep safe and healthy. Miss you much! @aldenrichards02”


“Ano ba pine-flex mo rito, 'yung vaccine spot o maskels (muscles) mo?"


“Kapag si Alden, naka-band aid, 'pag kami, bulak lang.”


“Paps @aldenrichards02 tawang-tawa ako rito sa comment sa'yo sa FB post mo. Why naman kasi ganu'n? Whahahaha”


True.

 
 

ni Julie Bonifacio - @Winner | July 24, 2021


ree

Buo na ang programa at listahan ng mga performers sa magaganap na State of the Nation Address (SONA) ni Presidente Rodrigo Duterte sa Lunes, July 26.


Si Morissette Amon ang kakanta ng National Anthem. Pero ngayon pa lang ay ipinapaalam na sa publiko na huwag mag-expect na bumirit at sumipol ang tinaguriang Asia’s Phoenix, ayon sa mga organizers ng SONA this year.


Tatak kasi ni Morissette sa pagkanta ang pagsipol at pagbirit. Gusto raw ng mga organizers na ‘yung “tradisyunal” na rendisyon ang gawing pagkanta ni Morissette sa Lupang Hinirang.


For the past years, si Bb. Joyce Bernal ang nagdidirek sa SONA ni P-Digong, but not this time. Pinalitan na si Direk Joyce ng veteran RTVM director na si Danny Abad.


Not sure kung may kinalaman ang kontrobersiya na nangyari kay Direk Joyce kaya ‘di na siya ang magdidirek ngayon.


Kung inyong matatandaan, nagkaroon ng kontrobersiya nu’ng pumunta ang team ni Direk Joyce sa Sagada para mag-shoot ng gagamiting video sa SONA 2020 ni P-Digong.


Nadawit din sa kontrobersiya ang aktor na si Piolo Pascual na kasama ng team ni Direk Joyce na ‘di pinayagan ng Sagada local government heads na mag-shoot sa kanilang lugar.


Whatever the reason is, let’s just hope na maging maayos ang huling SONA ni P-Digong.

 
 

ANG MATANDA SA 12-ANYOS.


ni Julie Bonifacio - @Winner | July 23, 2021


ree

Masuka-suka ang It's Showtime host na si Anne Curtis nu'ng malaman niya na may batas sa Pilipinas na allowed makipag-sex ang isang adult to a 12 years old.


Sa kanyang Twitter account, ini-repost ni Anne ang tweet mula sa UNICEF Philippines.


"In the Philippines, adults can have sex with children as young as 12 years old and claim it was consensual. We're calling on the Philippine Congress to immediately pass a law that increases the age to determine statutory rape. #ENDChildRape," post from UNICEF.


Naglabas ng kanyang opinyon si Anne ukol sa "consensual" law sa ating bansa sa kanyang Twitter account.


Tweet ni Anne, "I know this may be tough to read but please take the time. Can you believe, at 12 years old an adult can have sex with a child & claim it’s consensual? This makes me sick in the tummy. You aren’t even legally allowed to get married, vote, get a license yet.. but this is allowed?"


Nakakabahala naman talaga ang batas na ito at dapat bigyang-pansin. Ang karamihan sa atin, 'di knows na may ganitong existing law.


"Seriously? That scares me as mom but makes me sick at the same time."


"I 100% agree with you, Miss Anne!"


"I thought it is 18, hindi pala. Scary. Kalampagin ang Kongreso! How come na may ganu'n tayong batas at nakalampas 'yung ganito?"


So, there.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page