top of page
SHOWBIZ SPECIAL - ROMNICK- 54-ANYOS NA AKO, NAGBI-VIDEO GAMES PA RIN, WALA PA AKONG NASAKT
Search

ni Jeff Tumbado @News | June 17, 2026



Jinggoy Estrada sa BJMP - Circulated

Photo: Circulated



iniutos ng Sandiganbayan Second Division ang 90 araw na preventive suspension laban kay Senador Jinggoy Estrada kaugnay ng nakabinbing kasong graft na may kaugnayan sa umano’y mga iregularidad sa mga proyekto sa flood control.


Sa resolusyong may petsang Hunyo 16, sinabi ng anti-graft court na isasailalim si Estrada sa suspension pendente lite sa ilalim ng Criminal Case No. E-SB26CRM0004 dahil sa paglabag umano sa Section 3(e) ng Republic Act No. 3019 o Anti-Graft and Corrupt Practices Act.


Ayon sa korte, magkakabisa ang 90 araw na suspensyon kapag naging pinal ang kanilang desisyon at matapos matanggap ang kautusan.


Sa panahong ito, hindi maaaring gampanan ni Estrada ang kanyang tungkulin bilang senador o humawak ng anumang posisyon sa pamahalaan.


Binigyang-diin ng Sandiganbayan na ang preventive suspension ay sumasaklaw hindi lamang sa kanyang kasalukuyang posisyon sa Senado kundi maging sa iba pang posisyon sa gobyerno na maaari niyang hawakan habang umiiral ang kautusan.


Bukod sa kasong hinahawakan ng Second Division, nahaharap din si Estrada sa magkahiwalay na mga reklamong plunder at graft sa Sandiganbayan Fifth Division na may kaugnayan din sa umano’y anomalya sa mga proyekto sa flood control.


Mayroon din siyang 11 pang kasong graft na kaugnay ng umano’y maling paggamit ng kanyang Priority Development Assistance Fund (PDAF) o pork barrel, mga kasong nakabinbin pa simula noong 2014.


Samantala, ang kautusan ng Sandiganbayan ay isang hakbang lamang sa proseso ng paglilitis at hindi nangangahulugan na napatunayan nang nagkasala ang senador.

Patuloy na didinig ang korte sa mga kaso upang matukoy ang pananagutan ng mga sangkot sa kontrobersiya.


 
 

ni Jeff Tumbado @News | June 3, 2026



Jinggoy Estrada at Manuel Bonoan - Senate PH

Photo: Senate PH



Ipinagpaliban ng Sandiganbayan ang arraignment at pre-trial proceedings nina Senador Jinggoy Estrada at dating DPWH Sec. Manuel Bonoan nitong Martes.


Sa halip, itinakda ang pagdinig sa Huwebes ala-1 ng hapon, Hunyo 4, dahil sa mga nakabinbing mosyon at usaping pangkalusugan na iniharap sa korte.


Naghain ang kampo ni Estrada ng ilang mosyon, kabilang ang omnibus motion to quash information at mosyon para sa reinvestigation, at hiniling sa korte na resolbahin muna ang mga ito bago ituloy ang arraignment.


Kalusugan naman ang dahilan ng kampo ni Bonoan sa paghiling ng pagpapaliban. Base sa kanilang pahayag sa korte, kasalukuyang nakararanas ng hypertension ang dating DPWH chief.


 
 

ni Mylene Alfonso @News | June 2, 2026



Kumaway si Senador Jinggoy Estrada sa Senate media habang nasa sasakyan makaraang sumama sa mga tauhan ng Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) kaugnay ng kanyang arrest warrant sa plunder, sa umano’y flood control fund scandal.

Photo: Kumaway si Senador Jinggoy Estrada sa Senate media habang nasa sasakyan makaraang sumama sa mga tauhan ng Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) kaugnay ng kanyang arrest warrant sa plunder, sa umano’y flood control fund scandal. (Mylene Alfonso)



Nilinaw ni Interior Sec. Jonvic Remulla na inaresto at hindi boluntaryong sumuko si Sen. Jinggoy Estrada matapos itong personal na silbihan ng warrant at basahan ng Miranda rights ng PNP-Criminal Investigation and Detection Group.


"We arrested him. I went there personally together with the CIDG. He was read his Miranda rights, and from there, he was brought here to Crame to be processed." 


Una nang naglabas ang Sandiganbayan Fifth Division ng ikalawang warrant of arrest laban sa senador, sa pagkakataong ito ay may kaugnayan sa kasong pandarambong.

Samantala, sa kanyang biglaang press conference, sinabi ni Estrada na hindi siya humiling ng protective custody mula sa Senado at handa niyang harapin ang mga kasong isinampa laban sa kanya.


“Kung ito ang kabayarang kailangan kong harapin dahil sa mga desisyong aking ginawa at sa mga prinsipyong pinili kong panindigan, handa akong tanggapin ang mga kahihinatnan nito, gaano man ito kahirap, lalo na para sa aking pamilya,” ani Estrada.


Ibinunyag ni Estrada na makailang beses umano siyang inalok na lumipat sa minority bloc kapalit ng pagbasura sa kanyang mga kaso, subalit tinanggihan niya ito.


“Maraming beses po akong inalok na talikuran ang independent majority bloc, kapalit ng pagbabasura sa aking kaso. Ngunit hindi ko po ito tinanggap. Mas nanaig ang paninindigan ko, na ako'y manatili sa hanay ng mga kasamahan ko sa independent majority bloc,” ani Estrada.


Paliwanag pa niya, “I stand my ground ngayon; kung tatanungin n'yo kung sino sila, abangan ninyo ang susunod na kabanata.”


Muli namang itinanggi ng senador ang mga paratang laban sa kanya.

“Paano ako masasampahan ng plunder kung hindi naman ako kabilang o itinuturong mastermind ng sinasabing operasyon? Wala akong kinalaman diyan,” dagdag niya.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page