top of page
RUN WILD - BARBIE, NAPABILIB SI ALDEN SA PAGIGING WILD-IG _barbaraforteza.jpg
Search

ni Jenny Rose Albason @Overseas News | April 29, 2026



Train collission sa Bekasi, Indonesia - Achmed Ibrahim - AP


Hindi bababa sa apat na katao ang nasawi matapos magbanggaan ang dalawang tren sa lungsod ng Bekasi, malapit sa kabisera na Jakarta, nitong Lunes ng gabi.


Naganap ang aksidente sa Bekasi rail station, kung saan nagsalpukan ang isang commuter line train at isang long-distance train.


Kinumpirma ng railway operator ng Indonesia na apat ang nasawi, habang 38 iba pa ang dinala sa mga kalapit na ospital para sa agarang lunas.


Nagbabala si Deputy Speaker Sufmi Dasco Ahmad na posibleng tumaas pa ang bilang ng mga biktima dahil nagpapatuloy pa ang rescue operations sa lugar.


Ayon sa mga ulat, tinatayang anim hanggang pitong katao pa ang naiipit sa loob ng mga bagon, kaya patuloy ang pagputol ng mga rescue team sa mga bakal na bahagi ng tren upang mailigtas ang mga ito.


Kaugnay nito, nagsasagawa na rin ng imbestigasyon ang Jakarta Police upang matukoy ang sanhi ng banggaan.


Namataan din ang hindi bababa sa 20 ambulansya sa lugar ng insidente, habang tumutulong ang mga rescuer mula sa national disaster at rescue agencies sa paglikas ng mga pasahero.


Inaasahang maglalabas pa ng karagdagang detalye ang mga otoridad sa mga susunod na oras habang nagpapatuloy ang imbestigasyon.

 
 

ni Ejeerah L. Miralles (OJT) | March 5, 2023





INDONESIA — 14 katao ang nasawi at higit dosena ang sugatan, matapos sumiklab ang state-run oil depot nitong Biyernes sa Jakarta, Indonesia.


Ayon kay Army Chief Staff Dudung Abdurachman, 14 ang patay at 42 naman ang sugatan sa sunog.


Dagdag pa ni Jakarta Governor Heru Budi Hartono, kabilang sa mga sugatan ay ang 3 paslit na nasa malubhang kalagayan.


Dahil sa nasabing sunog, puwersahang pinalikas ang mga naninirahan malapit sa lugar.


Kasalukuyang iniimbestigahan ang insidente


 
 

ni Lolet Abania | January 10, 2021




Labing-isa ang nasawi habang 18 ang nasugatan dahil sa landslides matapos ang malakas na pag-ulan sa western Indonesia, ayon sa report ng Badan Nasional Penanggulangan Bencana (Indonesian National Board for Disaster Management) ngayong Linggo.


Sa isang statement na inilabas ni BNPB spokesman Raditya Jati, ang landslides sa Cihanjuang Village sa West Java ay tinatayang nasa 150 km o 95 miles timog-silangan ng kapital na Jakarta na naganap alas-4:00 ng hapon (0900 GMT) at alas-7:30 ng gabi kahapon. "The first landslide was triggered by high rainfall and unstable soil conditions.

The subsequent landslide occurred while officers were still evacuating victims around the first landslide area," ani Raditya. Ayon pa sa BNPB spokesman, ang patuloy na malalakas na pag-ulan at thunderstorms ang nagpapahirap sa mga awtoridad sa kanilang isinasagawang rescue operation.


Nagbabala naman si Presidente Joko Widodo sa mga residente ng Indonesia, mula sa La Nina weather system, na ang malalakas na pag-ulan ay magdudulot ng mga pagbaha at landslides, at labis na nakakaapekto sa agricultural product ng nasabing bansa.


Ang La Nina pattern ay inihahalintulad sa hindi pangkaraniwang lamig ng temperatura sa equatorial Pacific Ocean.


Madalas na nakararanas ang Indonesia ng mga pagbaha at landslides lalo na sa panahon ng tag-ulan mula November hanggang March, kung saan nagpapalala pa sa sitwasyon ang pagpuputol ng mga puno sa mga gubat sa lugar.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page