top of page
Search

ni Imee Marcos @Imeesolusyon | July 11, 2025



Imeesolusyon ni Imee Marcos

20th Congress update muna tayo, mga beshie!


Ni-refile ko na ang bonggang panukala para sa minamahal nating mga kooperatiba — ang Senate Bill No. 116 o ang “Revised Cooperative Code of the Philippines.” 


Pasok ‘yan sa ating top 20 priority bills! Dahil let’s face it — super luma na ng current Coop Code. Parang 90s pa ang vibes, besh! Kaya dasurv na talaga ng makeover!


Sino bang gustong maiwan sa kangkungan, ‘di ba? Dapat on-trend din ang mga coop — with tax exemptions, lower capital requirements, at mas may freedom sa joint ventures. Ganern!


Onting flashback lang: noong ‘pandemonyo’, grabe ang pagdurusa ng ating farmers, fisherfolk, at small biz owners -- as in, soufer hirap! Sino ba ang mega help para makabangon sila -- ang mga coop, diva???


Kaya naman, bet na bet ko ang panukalang ito — kasi it’s about time na ibigay na sa mga coop ang mas maayos, mas ingklusibong sistema!


Para ito sa kinabukasan ng mga coop, beshies, at sa lahat ng natutulungan nila! I-level up na natin para walang ma-left behind sa tagumpay!


Push natin ‘to! Hindi tayo titigil para sa mga coop!


 
 

ni Imee Marcos @Imeesolusyon | July 5, 2025



Imeesolusyon ni Imee Marcos

Mga beshie, kumain na ba kayo? Kasi July na — Nutrition Month na naman! Pero teka, bago pa nauso ang "sourdough" at mga pa-arteng tinapay, ang OG pa rin ay ang walang kamatayang NUTRIBUN! 


Isa ako sa mga proud na proud na Batang Nutribun! Sa totoo lang, kung may “Barbie Girl,” ay ako naman si Nutribun Girl! Say mo?! 


1970s pa lang, todo na ang laban kontra malnutrisyon. Panahon pa ‘yun ng aking erpat — ang “orig” na Presidente Ferdinand E. Marcos Sr. Grabe mga beshie, noong mga panahong ‘yun, 3 sa bawat 10 bata sa bansa, underweight! Kaya naman boom!, sinimulan ang Nutribun program katuwang ang USAID. 


Gawa sa wheat, gatas, at galing, ang Nutribun ang naging sagot sa gutom. Hindi lang basta tinapay, beshie — ito ay pampalusog din! Katulong laban sa kahirapan, sa pagkabansot, at sa pagkalagas ng timbang! 


Ngayon, enhanced at bonggang-bongga na ang Nutribun! May flavors na, saan ka pa — chocolate, ube at cheese! Parang love life niyo lang — may variety at punung-puno ng sustansya! 


At alam niyo ba mga teh -- may 13 na Nutri-Jeep at Nutri-Bus na umiikot sa buong ‘Pinas! From Luzon, to Visayas, at opkors sa Mindanao! 


Dala nila hindi lang Nutribun, kundi may LUGAW na, may TOYS pa! Walang drama, walang kembo —Nutribun is love, Nutribun is life! Dahil ang tunay na “Marcos magic” — hindi lang sa infrastructure, kundi pati sa nutrisyon ng ating kabataan!



 
 

ni Imee Marcos @Imeesolusyon | July 2, 2025



Imeesolusyon ni Imee Marcos

Siyamnapu’t anim, noventa y seis, ninety-six! Bihira na lang ang umaabot sa ganyang edad, mga beshie! Kaya naman super lucky ng aking mudra — ang one and only forever First Lady Mommy Meldy!


Bongga ang mga pasabog at pa-blow out natin dahil namigay tayo ng libu-libong Nutribuns sa Quezon City, Tacloban City, Leyte at sa Dingras, Ilocos Norte.


Siyempre, kasama rin sa birthday party sa Philippine Heart Center ang 96 Heart Warriors pati 96 lolas na July rin ang birthday! Ka-vogue divaaa!


‘Wag na kayong mag-jealousy-jealousy diyan dahil may pa-birthday treat din ako sa inyo! Eto na, ibubulong ko na ang sikreto ni Mommy Meldy sa long life! Hindi gamot, hindi expensive na vitamins... gulay lang, mga teh! Ampalaya, malunggay, ganern!


Alam niyo na tayong mga senior, marami nang aray-aray, kaya suki na sa ospital. 


Kaya naman mega push tayo sa Expanded Centenarians Act at dagdag na social pension para iwas-sakit sa mga bulsa!


At ‘wag ma-forget na magpa-check-up sa mga pinatayong specialty hospitals ni Mommy Meldy -- Philippine Heart Center, National Kidney and Transplant Institute, Philippine Children’s Medical Center, at Lung Center of the Philippines. Quality healthcare at your service -- 50 years and counting! O ‘di ba?!


Kaya sabay-sabay nating batiin ng maligayang ika-96th birthday ang aking mommy, First Lady Imelda Marcos -- talaga namang Imeldific forever and ever!




 
 
RECOMMENDED
bottom of page