top of page
Search

ni Imee Marcos @Imeesolusyon | September 1, 2025



Imeesolusyon ni Imee Marcos


Maulan na naman at bumabaha ng tsismis! Hindi kinayang tabunan ni Mareng Taylor Swift ang flood control issue! Nga pala, congrats beshie! Buti ka pa engaged, kami rito sa Pilipinas, ENRAGED!


Mainit ang ulo ng lahat sa mga shopping spree at travelife ng mga pulitiko at mga junakis nila gamit ang buwis natin. Pero teka muna beshie, sana naman ‘wag lang puro lifestyle check ang gawin!


Alam naman ng lahat kung sinu-sino ang nangurakot noh! Sa kakaimbestiga natin sa mga OOTD at expensive life nila, bibigyan lang natin ng time ang mga ‘yan na makipag-areglo ng cash-unduan! Remember, loaded sila -- sponsored by the Filipino people! 


Sampahan na ng kaso, prosecute and convict! Marami nang kumakanta, ang dami pang ngawngaw! Nakabulaga ang ebidensya sa ating lahat -- ano pang inaantay natin, beshie??? 


Awat na sa lifestyle check, rehas check na tayo! Ang daming puwedeng ikaso -- graft and corrupt practices, plunder, money laundering, tax evasion -- lahat na ng puwede! ‘Wag lang tayo sa social media mag-ingay! Tuluyan na ‘yang mga ‘yan!


At ito, suggestion ko lang naman -- baka dapat isama na sa 2026 budget ang pondo para sa bagong kulungan, puwede rin bagong crocodile farm sa rami ng mga buwaya!


Dapat lang may managot at maparusahan sa mga ginawang personal ATM ang pondo ng bayan! Kasuhan at hulihin na ang mga buwaya na ‘yan! NOW NA!


 
 

ni Imee Marcos @Imeesolusyon | August 30, 2025



Imeesolusyon ni Imee Marcos


Mga beshie, confirmed — Season 5 na ang ating Young Farmers Challenge (YFC)!


Parang kailan lang nang sinimulan natin ito nu’ng kasagsagan ng pandemic. Ngayon, bonggang-bongga na ang ani: libu-libong agripreneurs ang natulungan na may kanya-kanyang kuwento ng tagumpay! Say mo, beshie?!


Imagine niyo ha — in just 4 years, meron na tayong 4,000 YFC winners at 3,200 agribusinesses na ang naitayo. Hindi lang ito basta statistics o numero -- lahat ‘yan totoong kabuhayan at inspirasyon sa ating mga bagets sa agri.


Noong July lang, ginanap sa Baguio City ang 2024 National Awarding. Talagang proud ako sa aking mga YFC! Si Kristin Angela Yap ng Zambales, gumagawa ng sabon mula sa balat ng mangga. Andiyan din si Dignity Lagunay ng Bohol na nagpe-preserve ng endemic stingless bees, at siyempre, walang katapusang healthy snacks tulad ng Cafelayan Lettuce Chips ni Jeffrey Sereno ng Zamboanga. Panalo, ‘di ba? Basta Young Farmers, winner!


Ngayong 2025, mas pina-level up pa ang categories ng programa, meron na tayong Start-Up, Upscale, Intercollegiate, at Business Development Assistance. Mas pinalaki, mas pinabuti ang YFC program, kaya game na game na uli ang laban para sa agri!


At dahil dumarami ang sumasali at nagiging successful, humirit na ako ng P100M dagdag-budget para sa YFC 2025. Kasi kung sinasabi nating agripreneur, hindi lang ito pangarap — kundi negosyong kumikita at kuwento ng totoong panalo dahil todo-support natin kasama ang DA.


Kaya sa agri beshies ko, ‘wag na kayong magpahuli -- SALI na! Malay niyo, kayo na ang susunod na bida at may agripreneur success story!


Mabuhay ang YFC Season 5!

 
 
  • BULGAR
  • Aug 25, 2025

ni Imee Marcos @Imeesolusyon | August 25, 2025



Imeesolusyon ni Imee Marcos


Ngayong Araw ng mga Bayani, habang inaalala natin sina Rizal, Bonifacio, at iba pang nag-alay ng buhay para sa bayan, simple lang ang hamon ko sa mga kapwa ko lingkod-bayan: Magpaka-bayani naman kayong tunay!


Habang lubog sa baha ang taumbayan, kayo ba lubog din sa trabaho — o busy lang sa pag-swimming sa pera?


Kaumay na, beshie! Taun-taon, bilyun-bilyon ang pondo para sa flood control projects. Pero bakit tuwing bumubuhos ang ulan, parang nagiging Enchanted Kingdom ang mga kalsada? May instant swimming pool, water ride at say mo, may instant vacation - ay evacuation notice pala!


Heroes’ Day, pero para sa maraming kababayan natin, parang laging Zeroes’ Day — dahil walang nakikitang pagbabago.


Mga beshie, hindi ako papayag na mananatili tayong ganito. Hindi tayo titigil hangga’t walang tunay na resulta ang bilyong inilalabas para sa flood control. Tulad ng ginawa ng ating mga bayani, kailangan nating tumindig at lumaban. 


Hindi na banyaga ang kalaban, giyera na ito sa kapwa Pilipino na LULONG sa katiwalian at nagpapakasasa sa perang hindi naman kanila. 


Dahil ang totoong kabayanihan ngayon — hindi lang pagbuwis ng buhay, kundi pagtigil sa pagbubuwis ng dugo at buhay ng taumbayan sa bawat bagyo at baha.


GISING -- mga totoong bayani ng Pilipinas.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page