top of page
Search

ni Imee Marcos @Imeesolusyon | June 6, 2025



Imeesolusyon ni Imee Marcos

Mga beshie, na-miss ko kayo! Tapos na ang bloody kampanya at eleksyon kaya back-to-work na ang lola niyo! 


Sa unang araw pa lang ng pagbabalik ng sesyon, pak na pak agad tayo dahil pasado na sa ikatlong pagdinig ang ating Free Funeral Services Act!


Sa wakas momsh, hindi mo na pagluluksaan ang gastos sa pagpapalibing! Focus ka na lang sa pag-cry! No more gastos sa embalming at lamay, transpo ng dead-ly body pauwi sa family, at iba pang gastusin sa pagpapalibing. I got your back, mga teh!


Kung may pangkabuhayan showcase, aba may bonggang pangkamatayang showcase tayo!


Oh, curious ka kung paano mo ito maa-avail? Ito na sis, i-take note mo na ang requirements:

•⁠  ⁠valid ID ng humihiling ng tulong o ng namayapang kaanak

•⁠  ⁠⁠death certificate

•⁠  ⁠⁠social case study report mula sa rehistradong social worker, at

•⁠  ⁠⁠funeral contract na nagpapakita ng kasunduan sa pagitan ng pamilya, funeral establishment, at DSWD (Department of Social Welfare and Development).O ‘di ba, keribels?!


Finally, hindi na problema ang pagpapalibing sa mga mahal natin sa buhay! Basta kahit may #IMEEsolusyon ng libreng libing, mag-ingat ka pa rin beshie ha? Babush!


 
 

ni Mylene Alfonso @News | Feb. 19, 2025



File Photo: Sen. Imee Marcos



Hindi ikinatakot ni Senador Imee Marcos ang naging banta ni Pangulong Rodrigo Duterte kaugnay sa pagpatay sa mga senador kung saan sinabi niyang sanay na siya sa "Davao trash talk" nito.


"Baka sila balakid, alam mo 'yun. Balakid, di-ka-lab, ako kasi 'di ako natatakot kasi ako lab.


Balakid siguro sila kaya kinakabahan," pahayag ni Marcos.


“Sanay na rin tayo sa Davao trash talk, di ba?” dugtong ng senadora.


Una rito, sinabi ni Duterte sa proclamation rally ng Partido ng Demokratiko Pilipino Lakas ng Bayan (PDP Laban) Senatorial candidates noong nakaraang linggo na napag-usapan na patayin ang mga senador para magkaroon ng puwesto ang mga kandidatong ineendorso niya.


 
 

ni Imee Marcos @Imeesolusyon | Feb. 9, 2025



Imeesolusyon ni Imee Marcos

Mga beshie, aminin n’yo — ang taas ng presyo ng mga bilihin, nakakaluha! As in, isang tingin mo pa lang, parang gusto mo nang mag-walkout sa palengke. Jusko, dati rati, may P500 ka, pak na pak na pang-ulam for a week.


Ngayon? Walang laban, isang meal lang yata! Kaya naman, bet ko talaga na pantay na minimum wage ang i-push! I mean, bakit naman mas maliit ang sahod sa probinsya? Eh kung tutuusin, mas mahal pa nga minsan ang bilihin doon kaysa sa Maynila! ‘Di ba? 


Pare-pareho lang naman tayong nag-e-effort, gumigising ng maaga, bumabiyahe ng bonggang tagaktak sa pawis — so bakit hindi pantay ang kita?


Enough na sa luma’t bulok na sistema! Oras na para i-level up ang sahod! Hindi puwedeng forever tayong nakadehado mode sa probinsya. Hindi porke’t promdi, mas mura na agad ang gastos — charot-charot naman, sino ba nagsabi ng kalokohan na ‘yan?!


Heto pa, narinig ko na may nag-iingay ng dagdag daw na P200 sa sahod. Sa true lang tayo! Sigurado akong di ‘yan nakonsulta ang mga maliliit na negosyante, ang ating MSMEs. Naku! Siguraduhin nating ang pagtaas ng suweldo ay hindi magiging sanhi ng pagbagsak ng kahit sino. Dapat PATAS PARA SA LAHAT — sa mga empleyado at sa maliliit na negosyante. Agree???


So, mga beshie — G na tayo sa laban para sa pantay na minimum wage! Ipaglaban ang sahod na swak sa gastos, hindi ‘yung sakto lang sa pamasahe at pang-kape.


Dasurv natin ‘yan! Push natin ‘yang national minimum wage para sa lahat! Walang maiiwan!

 
 
RECOMMENDED
bottom of page